Chapter 6 CAW

3414 Words
Dave's pov, - - ISANG buwan na ang nakakalipas ng bumalik ako ng Pilipinas mula sa ibang bansa. Matapos ang dalawang taon kong pag-aaral ay bumalik na ako. Nakuha ko na ang pangarap kong makapag-aral ulit. Mas dumami ang kaalaman ko tungkol sa carrer na gusto kong tahakin. At hindi lang iyon, dahil tinulungan ako ng pamilya ko na ipatayo ang construction firm na gusto ko. At isang buwan na iyong nag-o-operate. Si daddy ang pansamantalang nag-asikaso niyon habang wala pa ako. At ngayon ngang narito na ako sa Pilipinas, personal ko ng pinamamahalaan iyon. "Baka naman gusto mo na kaming pagbigyan sa request namin, Ariston," saad ni mommy. Matagal na nila akong hinihikayat na tumulong sa pamamahala ng kumpanya ng pamilya namin bago pa ako umalis noon papunta sa ibang bansa. Pero mariin akong tumanggi. At ngayon nga na bumalik na ako ay pilit na naman nila akong kinukumbinsi. "Siguro naman wala ka ng maidadahilan, naibigay na namin sa 'yo ang gusto mong oras at panahon," muling sabi ni Mommy sa akin. "Kaya naman na nila Drake at David 'yan 'My," sagot ko. "Mas maganda kung tutulong ka rin, Dave," segunda naman ni Daddy. "Pero nagsisimula pa lang ako sa business ko, Dad," sagot ko. "Hindi ka naman full time sa kumpanya natin eh. Ang gusto lang namin ng Mommy mo, tulungan mo ang mga Kuya mo. Para kapag may aasikasuhin sila sa mga business nila may maiiwan pa rin sa kumpanya natin," giit naman ni dad. "Tama si Dad, Dave. At isa pa sa ating tatlo ikaw ang pinakamalapit sa kumpanya. Textile company tapos Engineer ka. Kung tutuusin dapat ikaw ang mas interesado dito dahil malayo ang linya ng business namin ni David dito," saad naman ni Drake. Tumango-tango naman ako dahil sa kabilang banda may punto ito. Chef ito at piloto naman si David. At ako Engineer. "At saka nangako ka kay Mommy at Daddy na papayag ka kapag pinayagan ka nilang mag-aral sa ibang bansa," singit naman ni David. Na mabilis namang sinang-ayunan ni Mommy at Daddy. "Oo nga, sinabi mo iyon. Kaya wala kang karapatan para tumanggi. Isa pa, binigay ni Dad ang business na gusto mo, palalaguin mo na lang." sulsol naman no Drake. Isang buntong-hininga naman ang pinakawalan ko bago mabagal na tumango. "Fine, tutulong na ako." "Whoa, totoo na ba 'yan," tuwang-tuwa pang saad ni Drake. "Do I have a choice?" asik ko dito. "Pagkatapos n'yo akong konsensyahin?" Sabay ngumisi ang mga kapatid ko. "Wala!" duet pang saad ng mga ito. See, pumayag ako o hindi wala pa rin namang mangyayari. Sila pa rin ang masusunod. Tinanong pa ako wala naman pala akong puwedeng isagot kun'di oo. Tsk! "That's good to hear, Ariston, at least mababawasan na ang oras mo sa pambababae mo," nakangising sabi ni Mommy. "Tsk! Ako na naman ang nakita mo 'My. Parang ako lang ang babaero dito ah," reklamo ko. Isa-isa kami nitong tiningnan. "Lahat kayo, pero ikaw ang pinakamalala," mataray na sabi ni Mom. "Matagal na akong nagbagong buhay 'My, dalawang taon na nga akong tigang eh." Sabay naman akong nakatanggap ng batok sa mga kapatid ko. Masama ko silang tiningnan pero nginisihan lamang ako. "Para saan naman iyon?" inis na tanong ko. "Tigang? Kababalik mo pa nga lang dito sa Pilipinas puro babae ka na naman. Malamang sa America wala kang pahinga," natatawang sabi ni Drake. "For sure sa America walang tigil 'yang pagpapasabog mo ng similya," segunda naman ni David. "Hindi totoo iyan," tanggi ko. Napangiwi ako ng makita kong masama na naman ang tingin ni Mommy. Habang si Daddy ay pangiti-ngiti lamang habang nakikinig. "Bakit ganiyan ka na naman makatingin sa akin, 'My? Tiger look ka na naman," sabi ko. Lalo lang sumama ang tingin nito sa akin. "Hindi mo ba ako na miss? Kahit kaunti lang?" tila hinampong sabi ko. Nanunulis pa ang nguso ko habang nakatingin dito. Hindi naman nakaligtas sa akin ang paglambong ng mga mata nito. Alam ko na kahit puro sermon ito sa 'kin ay mahal ako nito. She's the best mother on earth. "Ang arte mo Dave!" palatak ni David. "'Wag kang magulo, si Mommy ang kausap ko!" kunwari ay inis na sabi ko. Nakatingin pa rin ako kay Mommy dahil hinihintay ko itong sumagot. "'My naman hindi mo talaga ako namiss?" "Oo na, na miss kitang lintik ka!" parang napilitan pang sabi nito. Natawa naman ang mga kasama namin dahil sa sagot nito. Langya okay na sana eh, kaso may lintik na naman sa huli. "Ba't may lintik na naman? Nawala lang ako ng dalawang taon, natuto ka ng magsalita ng ganiyan 'My," ingos ko. "Ngayon lang ulit nagsalita si Mom ng ganiyan," singit ni David. Malakas kong sinipa ang paa nito sa ilalim ng mesa. Nagtaka pa ang mga kasama namin sa hapag ng malakas itong umaray. Patay-malisya naman ako nang magpalipat-lipat ang tingin nila sa amin ni David. Nang makita kong walang nakatingin ay nginisihan ko ito ng nakakaloko. At hindi ko napaghandaan ang pagbawi nito. Dahil mas malakas ang pagsipa na ginawa nito. Napangiwi ako ng tumama sa tuhod ko ang dulo ng sapatos na suot nito. Gaganti sana ako pero may tumama ng matulis sa tuhod ko. "Ouch!" "s**t!" Sabay naming bulalas ni David. Dahil may sumipa sa aming dalawa. Sabay pa kaming napatingin sa ilalim ng mesa at sabay din kaming nag-angat ng tingin. "Isa pa?" taas kilay na tanong ng aming reyna. Sabay naman kaming napangiwi ni David at saka umiling. Nakakalokong ngumisi naman ito. "Kailan ka pa naging kabayo, 'My?" tanong ko. Lalo namang naging isang linya ang kilay nito. "At kayong dalawa? Kailan pa rin kayo naging mga kabayo?" mataray na tanong nito. Tss. May third eye yata ito, ang talas ng mga mata eh. Nasa ilalim na ng mesa talagang nakita pa. "Tama na 'yang kabayo-kabayo na 'yan," awat naman ni Daddy. "Mabalik tayo sa usapan, dahil pumayag na si Dave na tulungan kayong dalawa kailangan sa Monday isabay n'yo s'ya papunta sa office," dugtong pa nito. Nangunot naman ang noo ko. "Sa Monday na agad, Dad? Marami pa akong aayusin sa opisina ko," sagot ko. Totoo naman iyon dahil pinapaayos ko pa ang opisina sa kumpanya ko. "Ipakilala ka pa lang sa Monday bilang isa sa mga mamamahala ng kumpanya natin, Dave." "Kailangan pa ba 'yon, Dad?" "Aba'y oo," sagot nito. "Puwede naman akong tumulong do'n ng hindi na kailangang I-introduce pa, Dad," giit ko pa. Nagulat naman ako ng biglang hampasin ni mommy ang mesa. Umalog tuloy ang mga basong nakapatong do'n. Sabay-sabay kaming napatingin sa aming inang reyna. "Honey," saad ni Dad. Maging ito ay nagulat din kay Mommy. "Paano nila malalaman na anak kita, kung ayaw mong ipakilala ka?" sikmat nito. "Ni animo mo hindi pa nakikita ng ibang mga employees ng kumpanya ah," dugtong pa nito. Nagiging Tigre na naman ito. Jusko po Lord. "'My," ngiwing sabi ko. Nakakasindak kasi ang mga titig nito. "Allergy sa mga tao sa kumpanya pero sa mga babae mo hindi? Magaling ka talaga Ariston!" Hush ko po. Ito na naman po. Hindi pa ako naliligo pero kanina pa ako sinasabon. "Oo na, sa Monday. Ang dami mo na namang nasabi 'My," pagkuway sabi ko habang napapakamot sa ulo. "Good!" kalmado na nitong sabi. Napailing na lamang naman ako. Wala talagang mananalo sa Mommy ko. Lalo na kapag naging Tigre na ito. Maging si Dad ay hindi manalo rito, kami pa kayang mga anak nito. , , Monday Morning, Hindi pumayag si mommy na hindi nila ako kasama sa kotse nila dahil baka raw mag-ala kabute na naman ako. Na biglang mawawala at lilitaw. Oh 'di ba sobrang laki ng tiwala sa 'kin ng Nanay ko. Sobrang nakaka-touch nga eh. At para sure na walang takas ako ang pinagmaneho ni mommy. Habang nasa tabi ko naman si Drake. Si David ay wala dahil may flight ito. Ang mga magulang ko naman ay nasa backseat. At prenteng nakaupo. Lalo na si Madam Annika, sarap buhay ng aming reyna. Ilang sandali lamang naman ay nakarating na kami sa tapat ng DAM Company. Dumiretso na ako sa private parking kung saan doon nagpa-park ang mga Bosses ng kumpanya. "Tingnan-tingnan mo 'yang kapatid mo Adam, baka kung saan na naman magsuot 'yan," bilin pa ni mommy kay Drake dahilan para mapakamot ako sa ulo ko. "Hindi ako tatakas' My." "Mabuti na 'yong sigurado," mataray na sagot nito. Bumaba na sila ng sasakyan at sumunod na rin naman ako. Humawak pa ito sa braso ni Dad, at magka-agapay na naglakad papasok sa loob. Wala naman akong nagawa kun'di ang sumunod sa mga ito. Habang si Drake ay tahimik sa tabi ko. "Saan ka pupunta?" rinig kong tanong ni Drake ng akma akong liliko sa ibang pasilyo. Napangiwi naman ako mukhang tinutuo nito ang utos ni Mommy na bantayan ako. "Whoa! Relax, hindi ako tatakas, naiihi lang ako," saad ko. Masama itong tumingin sa akin. "Siguraduhin mo lang, Dave! Pareho tayong malilintikan kay Mommy," may pagbabanta sa boses nito. "Oo nga, gusto mo samahan mo pa ako eh," Totoo naman kasing naiihi lang ako. Mga walang tiwala. Buwisit! Nagmamadali naman akong pumasok sa restroom dahil parang puputok na ang pantog ko. Kanina pa ako naiihi. Matapos maglabas ng tubig sa katawan ay lumabas na ako ng restroom. Pabalik na sana ako sa pinag-iwanan ko kay Drake ng may mahagip ang mga mata ko. May nakita akong babae na parang pamilyar sa akin ang bulto ng katawan nito. Bahagya itong nakatagilid kaya hindi ko mabistahang mabuti ang mukha nito. Pero parang pamilyar talaga ito. Habang mataman itong pinagmamasdan ay pumasok sa isip ko ang babaeng ilang linggo ng bumabagabag sa isip ko. Naalala ko ang babaeng ilang beses kong muntik masagasaan. Paano ba naman para itong tanga na tulala habang naglalakad. At dahil biyaheng langit lagi ang pagmamaneho ko ilang beses ko itong muntik madisgrasya. Mabuti na lamang at palaging on time ang preno ko. Napangiti pa ako ng maalala ko ang huling pagkikita namin no'ng nakaraan. Nagmamadali ako noong lumabas ng isang restaurant dahil nag-take out na lamang ako ng pagkain. Pero natapon iyon ng bumangga sa 'kin ang babaeng iyon. Natapon dito ang juice na dala-dala ko. At hindi nag-iisip na hinawakan ko ang dibdib nito na basang-basa ng juice. Ang intensyon ko lang naman ay punasan iyon dahil nga basa. Pero dahil sa taranta ko ay nahawakan ko na ang mismong dibdib nito. Naghabulan kami sa labas ng resto, dahilan para mabasa kami ng ulan. Galit na galit sa 'kin ang babae. At hindi ko makakalimutan na muntik ng mabasag ang itlog ko dahil sa pangtutuhod na ginawa nito sa harap ko. Pero ang mas hindi ko kayang kalimutan, ang pakiramdam na mahawakan ang dibdib nito. Parang may kuryente akong naramdaman. Na hindi ko naramdaman kahit na kaninong babae na dumaan sa buhay ko. Weird. Napailing naman ako dahil doon. Agad akong tumingin sa kinatatayuan ng babaeng pamilyar sa 'kin. Nakaramdam pa ako ng panlulumo ng hindi ko na ito nakita. Nakaalis na pala ito ng hindi ko man lang na kumpirma kung ito nga 'yong babaeng iyon o baka kahawig lang. Na excite pa naman akong makita muli ang babaeng muntik ng bumasag sa 'king alaga. "Dave!" Bahagya akong napatalon ng biglang magsalita si Drake sa likuran ko. "Sino ba'ng tinatanaw mo?" may halong inis na tanong nito. Lumingon ako rito. Nakita kong salubong ang mga kilay nito habang sinusundan ang tinitingnan ko kani-kanina lang. "Bakit nanghahaba iyang leeg mo?Nakakita ka na naman ng bagong bibiktimahin mo?" tila asar na sabi nito. "Makabiktima ka naman, anong akala mo sa 'kin? Rapist?" natatawang sabi ko dito. Nagkibit-balikat lang naman ito. "Ba't kasi ang tagal mo! Iihi ka lang inabot ka pa ng ilang minuto!" asik nito. "May nakita lang akong parang kakilala ko," sabi ko. Lalo namang nangunot ang noo nito. "But never mind, mukhang namalikmata lang ako," dugtong ko pa. Nagpatiuna na akong maglakad pero tumigil din ako nang hindi ito sumunod sa akin. Nanatili ito sa kinatatayuan nito habang nakatingin sa lugar kung saan nakita ko ang babae. "Drake, let's go," untag ko. "'Wag kang gagawa ng kalokohan dito Dave, sinasabi ko sa'yo," may pagbabanta na sabi pa nito. Hinintay ko itong makalapit sa akin at inakbayan ito. "Wala akong gagawin, so, relax lang Brother," sagot ko naman. "Siguraduhin mo, Dave, pareho tayong malilintikan kay Mommy. 'Wag kang magkakamali na gumawa ng kalokohan dito lalo na sa mga empleyada dito." "Oo na! Daming daldal, akala mo kung sinong matino, tsk!" sagot ko naman. "Basta umayos ka," hirit pa nito. Hindi naman nito inalis ang braso kong nakaakbay dito kaya hindi rin ako nagtangkang alisin ang braso sa balikat nito. Habang naglalakad ay panay ang bati ng mga empleyado at empleyada sa kapatid ko. Mukhang kilalang-kilala na ito ng lahat. Hanggang sa makarating na kami sa conference room kung saan gaganapin ang pagpapakilala sa akin. Na sana'y hindi na lang nila ginawa. Puwede naman akong tumulong sa pamamalakad nitong DAM na hindi na kailangang ipakilala pa. Sa huli, wala na rin naman akong nagawa, kaya nga narito ako ngayon. Dahil sa huli, si Mommy pa rin ang masusunod. Ang aming inang reyna. , , Arriane's pov, , , "Ara, bilisan mo na!" Mas lalo naman akong nataranta sa sinabi ni Zerra ang bagong head accountant dito sa finance department. Ito ang kapalit ni Ma'am Carol. Kagaya ni Ell ay mabilis ko rin itong nakapalagayan ng loob. Makulit din ito, at sa ilang linggo na pagkakilala ay parang ilang buwan na agad iyon o taon pa nga dahil sanggang dikit na rin kami. "Ara! Come on, hurry up!" "Ito na, ready na ako," sabi ko at may pagmamadaling sumunod kay Zerra palabas ng opisina namin. Nauna na si Ell dahil may dadaanan pa raw itong papeles sa ibang department. "Ba't ka kasi nalate?" tanong nito habang naglalakad. "Galing pa ako sa bahay namin sa Quiapo eh. Late na nasabi ni Ell na may meeting daw ngayon," sagot ko. Ilang oras pa ang binyahe ko mula Quiapo papunta rito sa Makati. Plus traffic pa, lalo ng nagkandaletse-letse ang umaga ko. "Bilisan na natin, nando'n na raw sila boss eh," sabi nito at mabilis nang lumakad. Sinabayan ko naman ang bawat hakbang nito. Ilang sandali lamang ay nakarating din kami sa conference room. Dahan-dahan kaming pumasok ni Zerra do'n. Marami ng tao at halos narito na ang lahat. Sa bandang likuran kami pumuwesto dahil wala ng bakante sa harapan. "Oy Ara, Niks, dito kayo," rinig kong tawag ni Ell. Sinundan naman namin ang boses nito. At sa bandang gilid ito nakapuwesto. May dalawang bakanteng upuan sa tabi nito. Mukhang inilaan nito iyon para sa amin ni Zerra. Hinawakan naman ni Zerra ang kamay ko at hinila ako palapit kay Ell. Ilang metro na lang ang layo namin kay Ell ng matigilan ako. Pakiramdam ko kasi ay may mga matang nakatingin sa akin. Kakaiba 'yong pakiramdam ko. "Ara, come on! Magsisimula na," untag ni Zerra sabay hila. Wala naman akong nagawa kun'di ang magpahila dito. Uupo na sana ako sa upuan na nakalaan para sa akin ng mapunta sa unahan ang mga mata ko. Literal na nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang pares ng mga mata na matamang nakatingin sa akin. So, kaya pala kanina ko pa nararamdaman na parang may kakaiba. Dahil nasa harap ko lang naman ngayon ang impaktong manyak na humawak sa dibdib ko. What the hell? Anong ginagawa ng impaktong ito dito? At bakit kasama siya ng mga Montana? "Oy Ara, upo ka na," untag ni Ell. Nanatili namang nakatutok ang nagbabaga kong mga mata sa lalaking ngayon ay titig na titig sa akin. Lalong kumulo ang dugo ko ng kindatan ako nito. Nag-init ang mukha ko, hindi sa kilig kun'di sa inis. Hayp talaga. "Ara, upo na," untag naman ni Zerra sa akin. Nanggigigil na umupo naman ako, pero bahagya kong niligay sa likuran ni Ell ang upuan ko. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Zerra. "Dito na ako," sagot ko. "Bakit? Ayaw mo ba kaming katabi?" si Ell. Umiling naman ako bilang sagot. Lalong nangunot ang noo ng dalawang babae. "Eh bakit?" takang tanong pa ni Ell. "Basta, mamaya ko na sasabihin. Makinig na lang kayo d'yan," sagot ko naman. "Ara, may problema ka ba? Namumutla ka eh," may pag-aalalang tanong ni Zerra. Dahil sa sinabi nito ay mabilis na lumingon si Ell. Mababakas na rin ang pag-aalala sa mukha nito. "Ayos ka lang ba, Ara?" si Zerra ulit. Tumango lang naman ako sa dalawa kong kaibigan at saka nagmamadali akong tumayo at lumabas ng conference room na iyon. Dumiretso ako sa restroom na malapit lang do'n. Ewan ko ba bigla akong naihi. Kahit kaiihi ko lang naman. Ilang sandali akong nagtagal sa loob bago nagdesisyon na lumabas na. "Baklang di p'ta!" gulat na gulat na sabi ko. Paano ba naman paglabas ko sa restroom ay nasa labas pala ng pinto si Ell. "Eulla ano ba?" medyo inis na turan ko. Nagulat lang kasi talaga ako rito. Hindi ko alam na sumunod pala ito sa akin nang lumabas ako. Tiningnan ko ang likuran nito kung kasama si Zerra pero wala sa likuran nito ang kaibigan namin. "Naiwan si Niks do'n, hindi puwedeng wala tayong lahat do'n," sagot naman nito kahit wala naman akong sinasabi. "Bumalik ka na rin do'n," taboy ko. Tumaas lang naman ang kilay nito. "At ikaw?" "Dito muna ako." Lalo namang tumaas ang kilay nito. "Sinong iniiwasan mo sa loob? 'Wag mong sasabihin na wala dahil kanina pa kulay suka 'yang mukha mo." Bigla ko namang nasalat ang mukha ko. Ang putla ko ba talaga? "Ell, kasi---" "Anong problema?" Wala naman akong choice kun'di ang umamin dito. Hindi naman ako nito titigilan hangga't hindi ako nagsasalita. Nanggigigil na ikinuwento ko rito kung bakit lumabas ako. Kung bakit parang nakakita ako ng multo. Matapos kong magkuwento ay parang lutang na lutang ito. Nakanganga lang ang gaga. "Para kang tanga Ell," inis na turan ko. Nakakapikon naman kasi ang pagmumukha nito. "Si sir Dave ang lalaking humawak sa dede mo?" manghang-manghang saad nito. "Sige lakasan mo pa lalo!" inis na sabi ko. "Si sir Dave nga?" "Hindi ko kilala ang Dave na sinasabi mo! Basta 'yong kasama nila sa stage, iyong naka navy blue na coat," sagot ko. Lalo namang nanlaki ang mga mata nito. "Si sir Dave nga ang humawak ng dede mo!" "T*ngina naman Ell oh, sige isigaw mo pa!" "Sorry naman, na excite lang ako," sabi nito at saka humagikhik "Sino ba ang Dave na iyon?" tanong ko. Dave daw kasi ang pangalan ng impaktong humawak sa dede ko. "Ay gaga, hindi mo ba alam na s'ya ang bunsong anak ni Ma'am Annika!" "Bunsong anak ni Ma'am Annika?!" malakas na bulalas ko. This time mata ko naman ang nanlaki. Naitakip ko pa sa mukha ko ang dalawang palad ko. Bigla akong na-frustrate sa rebelasyong tumambad sa mukha ko. Halaaa. Gago anak ni Ma'am Annika ang lalaking bastos at manyak na 'yon. "Seryoso ka ba?" tanong ko. Baka magbago ang sagot nito. "Yes, at s'ya ang dahilan ng meeting na ito. Dahil official ng iaanuns'yo na ang magkakapatid na ang mamamahala nitong kumpanya." Shit. I'm dead! Magiging boss ko ang lintik na 'yon? "Ara, ano ba'ng nangyayari." "I'm dead," wala sa sarili na sabi ko. "Yes, you're really dead. Ang sabi mo muntik mo ng mabasag ang itlog niya," anito at saka humagikhik. "What a small world, huh?" nanunudyong dugtong pa nito. "Ba't parang kilig na kilig ka pa? Ell, hinawakan n'ya ang dede ko! Tapos sa halip na mainis ka dahil sa kamanyakan n'ya parang kilig na kilig ka pa talaga!" inis na turan ko. "Eh kashe nemen eh, si Dave 'yon eh," maharot nitong sabi. "So?" asik ko. "Anong so? Aarte ka pa ba? Ang guwapo kaya ng humawak sa dede mo!" sabi nito sabay irap. "Aray naman, Ara," reklamo nito ng malakas kong tampalin ang noo nito. "Ang landi mo talaga!" inis na sabi ko. "Ikaw ang malandi kasi nagpahawak ka sa dede mo!" ngising sabi nito. "Hindi ko pinahawakan! Hinawakan n'ya, magkaiba 'yon!" depensa ko naman. Na totoo naman talaga. "Hinawakan n'ya, pinahawakan mo, pareho lang 'yon," kinikilig pang sabi nito. "Magkaiba iyon!" "Pareho lang 'yon!" "Arggg, ewan ko sa 'yo letse ka!" inis na sabi ko. Tumawa lamang naman ito at sinundot pa talaga ang beywang ko. Napakalandi talaga. "Mukhang magiging exciting ang buhay mo, Ara," tudyo pa nito habang nakangisi. Napailing na lamang ako. Mamumuti ang buhok ko sa babaeng ito. Napakagaga naman kasi, sa halip na mainis, talagang kinilig pa na minanyak ako ng hinayupak na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD