Chapter 5

1875 Words
Two years later MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw, linggo at mga buwan. Hindi ko namalayan na dalawang taon na pala akong nagtatrabaho dito sa DAM company. Napakagaan kasi ng trabaho kaya hindi ko namalayan ang oras dahil sobrang nagi-enjoy na ako sa mga ginagawa ko. Idagdag pang maganda ang sahod ko kaya wala na akong nagiging problema sa financial na aspeto. Katunayan nga ay may naiipon na rin ako para sa pag-aaral ko. Dahil hanggang ngayon nasa puso ko pa rin na makapagtapos sa pag aaral kahit may maganda na akong trabaho. At kahit pa nga tumatanda na rin ako. Dahil lagi kong inilalagay sa utak ko na hindi naman habang buhay ay magtatrabaho ako, darating pa rin ang panahon na gusto kong magpatakbo ng sarili kong negosyo. Kung kailan bahala na si Lord. Basta sa ngayon isa lang ang sigurado, masayang-masaya ako sa mga ginagawa ko. May mga naging kaibigan na rin ako, nangunguna na si Eulla. Ito ang unang naging kaibigan ko rito. Mabait ito at madali kong nakapalagayan ng loob. Sa loob ng dalawang taon ay ito ang nag silbing tutor ko dito sa kumpanya. Siya ang gumabay sa akin sa mga bagay na hindi ko pa alam. At masaya akong makilala ito dahil kasundong-kasundo ko talaga ito. Kagaya ko astig din ito. Makulit pero mabait naman. Minsan ko na rin itong naisama sa bahay namin sa Quiapo. At madali itong na kasundo ng pamilya ko. At gano'n din ako sa pamilya niya. Pero hindi kagaya ko, buo ang pamilya nito at may kaya sila buhay. Pero hindi naging isyu iyon para hindi kami maging malapit na magkaibigan. , , "Oy, Ara alam mo na ba?" tanong nito. Breaktime namin ngayon kaya sabay kaming naglalakad patungo sa canteen ng kumpanya. Kahit nakakaluwag na ako ay mas gusto ko pa ring magtipid para mas madali akong makaipon para sa pamilya ko. Balak ko ng mag-aral ulit kapag tapos na ang kambal ko. "Ang alin?" tanong ko. "Bukas daw darating iyong kapalit ni Ma'am Carol ah." Ang Carol na tinutukoy nito ay ang head of finance namin na nag-resigned na last week. Malapit na kasi itong ikasal at isasama na raw ng mapapangasawa sa ibang bansa. Doon na raw titira ang mga ito. Bongga 'di ba, sana all may afam na dyowa. "Ah, talaga sana mabait din para maging tropa natin," saad ko naman. "Kaya nga eh," sagot nito. Nang makarating sa canteen ay agad na kaming pumila para um-order ng pagkain. Hindi naman mahaba ang pila kaya mabilis lang kami sa pila. Humanap kami ni Ell ng bakanteng mesa bitbit ang tray ng mga pagkain namin. Hindi naman puno sa canteen kaya may nakita agad kaming bakante. Umupo kami ro'n at saka nagsimulang kumain. "Oy, Ara kumusta pala iyong muntik nang makasagasa sa 'yo noong isang linggo natandaan mo ba ang plate number?" Nabitin sa ere ang akma kong pagsubo dahil sa tanong nito. Masama ko itong tiningnan. "Ngayon mo talaga tinanong iyan?" "Sungit, nagtatanong lang naman eh," ingos nito sabay subo. "Nakakawala kasi ng gana kapag naaalala ko ang impaktong iyon," inis na sabi ko. At hindi ko maiwasang maalala ang mga kamalasang natatamo ko sa tuwing makikita ko ang lalaking iyon. Isang linggo na ang nakakalipas nang muntik na akong mabangga ng isang Porsche luxury car. Sobrang bilis ng mga pangyayari dahil namalayan ko na lang na nakaupo na ako sa gilid ng kalsada. Ang akala ko, malas lang talaga ako ng araw na iyon pero hindi pala dahil ang lalaking iyon ang may dalang kamalasan sa buhay ko. Dahil sa sumunod na araw ay nagkita kaming muli at ang masaklap sobrang bilis na naman iyon at dahil maulan ng araw na iyon napuno ng putik ang uniform ko. At napag-alaman ko na iyon din ang sasakyan na muntik pumatay sa akin. Doon ko na realized na malas ako sa tuwing magkukrus ang mga landas namin. Ilang beses na akong minamalas, kaya talagang nagngingitngit ang inis ko sa lalaking iyon. Masama na kung masama pero minsan nahiling ko na madapa na ito o 'di kaya ay mabilaukan para mategi na. Puro disgrasya kasi ang natatamo ko kapag nakikita ko ang lalaking iyon. At sa pagbabalik-tanaw ko sa mga nakasangkutan kong disgrasa hindi nakaligtas sa isip ko ang huli naming pagkikita. At kahapon lang iyon nangyari kaya sariwang-sariwa pa sa isip ko. Papasok na ako sa isang restaurant noon dahil balak kong umuwi sa bahay namin. Bibilhan ko ng pasalubong ang Mama at mga kapatid ko. Dahil umuulan ay patakbo akong lumiban sa kalsada at saka nagmamadaling pumasok sa loob ng Restaurant. Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko na napansin ang isang lalaking nagmamadali rin palabas ng Restaurant. Bumangga ito sa akin at dahilan iyon para tumapon sa dibdib ko ang dala nitong juice. "Ano ba iyan! Ingat na ingat akong huwag mabasa ng ulan tapos sa juice lang ako mababasa!" inis na sabi ko. "Sorry, Miss nagmamadali kasi ako," rinig kong sabi nito. Pamilyar sa akin ang boses nito kaya naman agad akong nag-angat ng ulo. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino kung sino ang hereduris na iyon. "Ikaw?" "Ikaw?" Sabay naming bigkas. Kung kanina ay inis na ako lalo namang nadagdagan iyon dahil nakita ko na naman ang pagmumukha ng impaktong ito. "Ikaw na namang lintik ka?" anas ko. Banas na Banas na ako sa lalaking ito. Puro kamalasan ang dala sa buhay ko. Ilang beses na akong muntik matsugi dahil dito. Jusko. "Yes, hindi mo ba napapansin na parang lagi tayong pinagtatagpo? Siguro ikaw ang destiny ko, ano sa palagay mo, Honey?" "Ugok! Destiny-hin mong mukha mo," iritang-irita na sabi ko. "Whoa, watch your mouth, honey!" ngising sabi nito. "Honey-hin mong mukha mo! Impakto ka talaga!" Sa halip na mainis ay lumapit pa ito sa akin habang nakangisi. Mukhang adik lang. Guwapong adik ang lintik. "Basang-basa pala ang damit mo, Honey," sabi nito sabay dakma sa dibdib ko. "Ay, bastos! Manyak!" malakas na sabi ko. Tumawa lang naman ito at kumuripas ng takbo. Sa sobrang inis ay hinabol ko ito. Habang dala ang nadampot kong tinidor. Naghabulan kami nito sa labas ng Restaurant. "G*go ka! Hoy, bumalik ka dito. Impakto ka!" sigaw ko. Humarap lang naman ito sa akin at nginisihan ako. Ngising lalong nagpakulo ng dugo ko. "Hoy, bumalik ka rito! Anong karapatan mong hawakan ang de--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil marami na pala ang nakikiusyoso sa amin. Huminto naman ang walang hiya at hindi mawala-wala ang ngisi sa guwapong mukha nito. Oo, guwapo ang hinayupak. " Anong karapatan mong hawakan ang di---" "Wala naman akong nahawakan, ah." "Wala?" "Oo wala. Promise wala akong nahawakan, bra lang yata iyon eh." "Ah gano'n?" gigil na sabi ko. Mukhang kinabahan ito ng makita ang tinidor na dala ko. Nasa gilid ko iyon habang hawak ko nang mariin. "Ibaba mo 'yang tinidor mo baka itulak ka ng demonyo," anito at bahagyang umatras. "Takot ka sa kapwa mo?" angil ko dito. Guwapo ito pero dahil sa sobrang inis ko nagmukha itong demonyo sa paningin ko. Sa tuwing hahakbang ako papalapit dito ay siya naman nitong hakbang paatras. "Sinong nagsabi sa 'yo na puwede mo akong hawakan sa private part ng katawan ko?" mariin kong tanong. Narinig ko namang sabay-sabay na suminghap ang mga taong nakikiusyoso. "Wala naman akong nahawakan ah, meron ba? Parang puro bra lang naman, honey." sabi pa nito. Napuno naman ng kantiwayan ang paligid dahil sa sinabi nito. Nag-init naman ang buong mukha ko sa sinabi nito. May narinig pa akong nagsabi na 'wag na akong magalit dahil wala naman pa lang nahawakan. Ako na nga ang nabastos ako pa ang mapapahiya. "Wala? Wala kang nahawakan?" gigil na gigil kong sabi. Ang bilis na rin ng pintig ng puso ko sa sobrang galit. Namumuro na ang impaktong ito. "Yeah, I swear wala akong nahawaka---" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito dahil inilang hakbang ko lang ang pagitan namin at saka ko ito tinuhod sa harapan nito. "Ouch! s**t! My balls!" hiyaw nito habang nakauklo sa semento. Narinig ko pang sabay-sabay na napa-ohh ang mga taong nakakita sa ginawa ko. "Damn you, woman!" galit na sabi nito habang namimilipit sa sakit. Lumapit naman ako dito. Akma ko itong sisipain pero masama itong tumingin sa akin. "Don't you dare!" banta nito. "Dare me," sabi ko sabay lapit pa rito. Tangka ko itong sisipain muli pero nahawakan nito ang paa ko. "Kapag nabasag ang itlog ko, idedemanda kita!" ngiwing sabi nito. "On what grounds?" mataray na tanong ko. "Physical injury! For damaging my handsome balls!" Handsome balls? Mayro'n bang gano'n? Piping usal ko. "Kapag nabasag mo 'to, I sue you in jail," ngiwing sabi pa nito habang sapo-sapo ang kinaangan. "Ikaw ang idedemanda ko g*go!" Kahit mukhang nasasaktan pa rin ay nagawa pa nitong ngumisi. Ngising nakakapag painit ng dugo ko. "On what grounds, harassment?" tanong nito. Baakas ang amusement sa mukha nito. "Oo, dahil manyak ka!" "Kaya kong ilaban ang kaso," sabi nito. At alam kong totoo iyon dahil mukhang spoiled brat ang impaktong ito. "Lalaban din ako, ugok!" "Mapapahiya ka lang, honey dahil kaya kong patunayan sa korte na wala naman talaga akong nahawakan," nakangising saad nito. "Puro bra lang iyan, ano, kung baga sa tinapay puro hangin walang laman sa loob," dugtong nito sabay ngisi. Muling napuno ng kantiyawan ang labas ng restaurant na iyon. Masama ko itong tiningnan. "Wag lang magkukrus ang mga landas natin dahil hindi ako mangingiming tuluyang basagin 'yang itlog mong g*go ka!" sigaw ko. "Aanakan muna kita bago mo mabasag ang itlog ko, Honey." Alam kong pulang-pula na ang mukha ko dahil sa kalaswaan ng bibig nito. "Siraulo!" sabi ko sabay sipa sa tuhod nito at saka ako kumuripas ng takbo. Bago pa ako makalayo ng tuluyan, narinig ko ang paghiyaw nito sa sakit. Alam kong malakas ang pangalawang sipa na ginawa ko. Hmp! Pasalamat siya, tuhod ang pinatamaan ko. Nagulat ako ng biglang pukpukin ni Ell ang mesa. Dahilan para mabalik ako sa kasalukuyan. "Hoy! Maawa ka naman d'yan sa steak mo," naiiling na sabi ni Eulla. "Mukhang lumipad na naman sa ibang dimension iyang utak mo," dugtong pa nito. "Naiinis lang ako," sagot ko. "Ano ba kasing iniisip mo't parang galit ka na naman?" sabi pa nito. "Tinanong mo pa kasi," ingos ko dito. "Eh malay ko bang ayaw mong pag-usapan. Para kinumusta ko lang eh." "Naiinis kasi ako kapag naalala ko ang lalaking iyon, ano? Pilit ko na ngang kinakalimutan tapos itatanong mo pa talaga." "Gaga! Eh 'di sana naglagay ka ng karatula na bawal magtanong, 'di ba? "Sana nga, para wala ka ng tanong," ingos ko. Napaiktad naman ako nang sundutin nito ang tagiliran ko. Nakangisi itong tumingin sa akin dahilan para mangunot ang noo ko. "Bakit nakangisi ka?" "Baka naman crush mo kaya parang galit na galit ka," tudyo nito. "Sabi nga nila 'the more you hate, the more you love raw," dugtong pa nito sabay taas-baba ng mga kilay. "Eulla!" nagbabanta kong sabi. Itinaas naman nito ang dalawang kamay na animo sumusuko na. "Joke lang, 'to naman hindi na mabiro." "Hindi nakakatuwa," ingos ko. "Owkay pow," anito. Matapos ang pang-iinis nito ay tinapos na namin ang pagkain. Hanggang sa lumabas na kami ng canteen at naglakad pabalik sa department namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD