Chapter 3

2560 Words
Nakatambay pa rin ako sa maliit na balcony ng bahay namin. Gabi na pero hindi pa ako dalawin ng antok kaya naisip kong mag pahangin muna. Hindi pa naman ako inaantok, pero ang mga kapatid ko ay malamang kanina pa tulog. Alas nuebe na ng gabi pero napaka ingay pa rin sa paligid. Marami kasi silang kapitbahay at karamihan sa mga ito ay laging nag iinuman, nagkakantahan at sa huli maghahamunan ng away. Ganito ang buhay na meron kami, magulo, maingay, puro tambay. Nasa sa'yo na lang talaga kung tutularan mo ang kalakaran nila sa buhay. Habang nagpapahangin ay titig na titig ako sa calling na hawak ko. Actually isang buwan na ang nakakaraan mula ng mapunta sa akin ang calling card na ito. Binigay ito ni ma'am Annika noong bago ito umalis ng restaurant. Hindi lang iilang beses na tinangka kong tawagan ang numero nito. Gustong-gusto kong subukan dahil pakiramdam ko mas makakaipon ako kung lilipat ako sa mas malaking kumpanya. Hindi rin naman kalakihan ang kita ko sa resto kung saan ako nag tatrabaho bilang cashier. Kahit sa pag to-tutor ko ay sapat lang sa pang araw-araw na gastusin nila. Kahit rumaket ako tuwing sabado at linggo ay talagang kukulangin pa rin. Kahit pa nga madiskarte naman ang mga babies ko. Pakuya-kuyakoy ang isang paa ko habang nakaupo sa pasemano ng balcony namin. Hindi ko inaalis ang tingin sa hawak na maliit na calling card. "Ara, gabi na wala ka pa bang balak mag pahinga?" Bahagya pa akong nagulat ng biglang magsalita si mama. Hindi ko ito napansin na palapit sa akin. Umupo ito sa katapat ko. "Ba't gising ka pa Ma? Dapat nag papahinga ka na po diba?" saad ko naman. Wala naman kasi akong pasok kanina kaya hindi naman na niya ako kailangang hintaying umuwi. "Hindi pa ako dalawin ng antok. Ikaw, bakit gising ka pa?" balik tanong nito. Nakita ko pang nakatingin ito sa hawak-hawak ko. "Ano 'yan?" "Calling card Ma," sabi ko. Nagulat naman ako ng hampasin nito ang hita ko. Minsan talaga ang bigat ng kamay nitong nanay kong ito. "Kailangan talaga may pag hampas pa Ma?" naka simangot na reklamo ko. "Alam kong calling card 'yan. Ang ibig kong sabihin kanino 'yan at bakit parang kanina mo pa tinitingnan." mas mataray na sagot nito sa akin. Nang hindi ito nakatiis ay inagaw nito sa akin iyon. Tingnan mo talaga, yanung bastos. Basta na lamang hinablot jusko. "DAM Textile Company?" kunot-noong basa nito sa pangalan na nakalagay sa calling card. "Paano ka nagkaroon ng gan'yan Ara?" curious na tanong nito at saka iyon ibinalik sa akin. "Ma, diba nakuwento ko sa'yo iyong babaeng nakilala ko sa simbahan," "Iyong babaeng tinulungan mo kamong mabawi ang bag sa magnanakaw?" tanong nito. Ngiting tumango naman ako bilang sagot. "Oh, eh bakit tinitingnan mo ang calling card na binigay niya sa'yo?" tanong pa nito. Lumapit pa ito sa akin at mukhang handang makipag tsismisan sa akin itong mama ko. "Iniisip ko kasing mag apply d'yan Ma," pag amin ko. Gusto kong sabihin dito kung ano ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Sabagay wala naman akong sekreto kay mama. Seryoso naman itong tumingin sa akin. Mukhang inaarok nito ang totoong nasa isip ko. "Hindi ka na ba masaya sa mga trabaho mo?" tanong nito. Umiling naman ako bilang sagot sa tanong nito. "Eh, bakit?" seryoso nitong tanong. Umusod naman ako palapit kay mama at saka yumakap sa braso nito. Sinabi ko dito kung bakit gusto kong subukan na mag apply sa iba. Hindi dahil hindi na ako masaya kundi mas kailangan kong kumita ng mas malaki. Graduating na sa high school ang kambal at college na sila sa next school year. Mas malaki na ang gastos. Hindi naman kasi nakakapang hinayang na pag Aralin ang mga kapatid ko dahil bukod sa matalino na mababait na bata pa. "Anak, puwede namang sa public school mo na lang paaralin ang mga kapatid mo. Hindi naman mag rereklamo ang mga kapatid mo eh." sabi nito matapos kong mag kuwento. Kumalas ako sa pag kakayakap dito at saka ito inakbayan na animo kabarkada ko lamang. Ganito kami ka close ni mama. As in super close, she's my bestfriend. Alam niya ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. " Ma, alam ko naman iyon dahil pinalaki mo kaming mababait. Pero gusto kong bigyan ng magandang edukasyon ang mga kapatid ko. At isa pa, hindi naman ako nanghihinayang na paaralin sila dahil matatalino sila. Sulit ang lahat ng sakripisyo ko kasi nakikita ko na may mararating sila sa buhay." Natameme naman ako ng marinig kong suminghot si mama. Naku, paktay na naman. Mag dadrama na naman ito. Basta talaga kapag ganito ang usapan nagiging emotional ito. "Crying lady ka na naman Ma." natatawang saad ko dito. Malakas naman nitong hinampas ang hita ko kaya mabilis akong lumayo dito. Kakatakot talaga itong katabi, napaka bigat ng kamay jusko. Ilang sandali itong nawalan ng kibo. Sisinghot-singhot lamang ito. Na hinayaan ko naman dahil sanay na ako sa pagiging emotional nito. Nang kumalma na ito ay tumingin ito sa akin. Nahimasmasan na ang ale. "Kailan mo planong mag apply d'yan? At saka ano namang trabaho mo kung sakali?" tanong nito. Muli naman akong lumapit dito. Medyo may distansiya nga lang. Mahirap na baka mahampas na naman ang hita ko. "Hindi ko pa alam Ma, kasi ako daw ang bahala kung saan ko gusto." sagot ko. Napansin ko naman na nangunot ang noo nito. "Anong ibig mong sabihin?" "Ah, kasi Ma sabi ni ma'am Annika marami daw akong puwedeng pag pilian. Ito ngang DAM Company iyong unang choice ko, kasi family business nila iyan." simula ko. All ears naman ito sa pakikinig. " Tapos? Alin pa iyong iba?" "Iyong anak daw niyang mga barako, may mga sariling business na din. Puwedeng-puwede din daw ako dun Ma." sabi ko. Nangunot naman ang noo nito. "Ba't gan'yan ang noo mo, Ma?" hindi nakatiis na tanong ko. Pabiro ko pang inalis ang pagkaka kunot ng noo nito. Tinampal lang naman nito ang kamay ko. "Sobrang espesyal mo naman yata sa ma'am Annika na iyan at inalok ka ng ganyan." parang masama ang loob na sabi nito. "Baka naman may kapalit iyan Arriane ha" saad pa nito na may halong pagdududa. Natawa naman ako sa sinabi nito. "Ang nega lang Ma, ha." ingos ko. "Nagsasabi lang ako ng totoo Arriane." seryoso nitong sabi. At kapag ganitong Arriane na ang tawag nito sa akin ay seryoso na talaga ito. Kapag seryoso na ito ay umiiral na ang pagiging nanay nito. "Ma, hindi naman mukhang masamang tao si ma'am Annika eh. Baka natuwa lang siya sa akin kaya nag offer ng ganun. At saka hindi pa naman tayo sure kung legit ba iyong offer niya eh. Malalaman pa lang kapag sinubukan ko." paliwanag ko dito. Pumihit naman ito paharap sa akin. Mababakas pa rin ang pag dududa sa mukha nito. "Buo na ba ang desisyon mo? Ara, anak mapapalayo ka sa amin ng mga kapatid mo kung sakali." Ayon, eh di lumabas din ang totoo kung bakit nag aalangan itong pumayag. Kasi ayaw na malalayo ako sa kanila ng mga kapatid ko. Parang ang layo naman ng Makati eh noh. Manila pa rin naman iyon. Naglalambing na yumakap ako kay mama. "Ma, sa Makati lang iyon, hindi po ako mag a abroad." natatawang sabi ko. "Kahit na ba, baka mamaya kung ano pa ang kapalit n'yan ha. Naku sinasabi ko sa'yo Arriane." Dumali na naman ang kanegahan nitong nanay kong ito jusko. Anong akala niya sa akin. Marupok? "Ang nega mo talaga Ma, wala pa nga kumukontra ka na." pagbibiro ko na may halong katotohanan. "Basta, pag iisipan ko kung papayag ako." final na sabi nito at saka tumayo na. "Matulog ka na at may trabaho ka pa bukas." dugtong pa nito bago ako iniwan. Nasa may pinto na ito ng kwarto nito ng tawagin ko. "Matulog ka na," masungit na saad nito. "Goodnight Ma, 'wag masyadong nega okay?" pahabol kong sabi. "Hmmm," paungol na sagot nito at tuluyan ng pumasok sa kwarto. Naiwan pa ako ng ilang sandali bago pumasok na din sa loob. Itutulog ko na lang muna at baka makahanap ako ng sagot. Kung tama ba ang desisyon na gagawin ko o hindi. , , , , Dave pov, Habang nag kukwento si mommy sa harap ng hapag ay nakikinig lamang kaming lahat dito. Hindi ko maiwasang mapangiti, paano ba naman halatang-halata na gustong-gusto nito ang babaeng palagi nitong ikinukuwento. Hindi lang iisang beses na narinig ko na ibida nito ang babaeng astig daw na nakilala nito. Sa tuwing may family dinner kami every weekend, ay hindi mawawala sa topic ang babaeng sinasabi nito. Paulit-ulit ang kuwento nito pero hinahayaan lang namin dahil kilala namin si mommy na hindi basta nahuhulog ang loob nito sa iba. Pwera na lamang kapag nagustuhan talaga nito, lalo pa at sabik ito sa anak na babae. Lagpas isang buwan na ang nakalipas nang mangyari ang insidente sa Quiapo kung saan naagawan ng bag si mommy. Na nabawi naman nito iyon dahil nga sa babaeng ibinibida nito. Ayon pa kay Drake na kuya ko ay halos umiyak si mommy ng maagaw ang bag niya. Bigay ko kasi iyon dito, at katas ng unang sahod ko iyon noong mag trabaho na ako. Sa edad na bente tres ay nag sisimula na akong mag plano para sa itatayo kong construction firm. Pangarap kong maging isang kilalang engineer at ngayon pa lang ay nag sisimula ng makilala ang pangalan ko sa larangang pinili ko. At suportado ako ng aking pamilya, lalo na ng mga magulang namin. At masasabi ko na napaka suwerte naming magkakapatid dahil sila mommy at daddy ang naging mga magulang namin. Natigil ako sa pag mumuni-muni ng marinig kong nag salita si mama. "Bakit kaya hindi tumatawag si Ara?" bakas ang lungkot sa boses nito. Mukhang hulog na hulog na ang loob nito sa babaeng nag ngangalang Ara kaya sabik itong makitang muli ang babae. Hindi ko tuloy maiwasang ma curious sa babaeng iyon. Parang gusto ko din siyang makilala. "Baka hindi siya intresado sa offer mo honey." saad naman ni Daddy dito. "Baka nga, sayang naman. Kasi mukhang magaling at matalino ang batang iyon." bakas ang pang hihinayang sa boses nito. "Malay mo naman Mom, one of these days bigla siyang tumawag sa'yo." saad naman ni Drake. Kumpleto kami ngayon, weekend eh. As usual hindi lilipas ang isang linggo na hindi kami mabubuo. Kahit pa nga may sarili na kaming mga bahay ng mga kapatid ko. "Mukhang na love at first sight ka sa Ara na iyon My ah." tudyo ko dito. Inirapan naman ako nito. "Mas gusto ko siyang maging anak kaysa sa'yo. Magkasing edad lang kayo pero sobrang maabilidad siyang bata, knowing na babae siya ha. Hindi katulad mo puros kalibugan ang alam!" sagot nito. Dahilan para mag tawanan ang mga kasama namin sa hapag. Si Drake ang may pinaka malakas na tawa. "Aray naman My," kunwari ay nasasaktang sabi ko. Hinawakan ko pa ang tapat ng dibdib ko para mag mukhang totoo. Lalo namang lumakas ang tawanan ng sa halip na maawa ito sa akin ay gigil na binato ako ng gamit na tissue. Sapol ang mukha ko. "Kadiri naman My," sabi ko habang nang hahaba ang nguso ko. "Mas kadiri ka." inis na saad nito. Tapos na kasi kaming kumain kaya nag kukuwentuhan na lamang kami ngayon. "Ano na namang ginawa ko? At parang badtrip ka na naman sa'kin?" tanong ko. "Tanungin mo iyang daddy mo!" inis na sagot nito. Napakamot naman sa ulo si dad. "Ba't ako na naman honey?" "Dahil manang-mana sa'yo yang bunso mo! Pati kalibugan mo no'n namana pa talaga sa'yo!" gigil na sagot nito. "Ano na namang ginawa ko, Dad? At mukhang badtrip na naman sa kaguwapuhan ko itong magandang--- -, Arayyy!" malakas kong reklamo. Nakurot na naman kasi ako nito ng pinong-pino. At oo, sa edad na bente tres ay suking-suki na ako sa mapipinong kurot ni mommy. Ako kasi ang paborito nitong anak. Paborito sa lahat, paboritong awayin, sabunutan, kurutin, singhalan, kutusan, at paboritong sermonan. Sanay na sanay na nga ako. "Ayos-ayusin mo 'yang sarili mo Ariston ha, hindi ka gumaya d'yan sa mga kuya mo, medyo matitino!" singhal pa nito. "Medyo lang talaga mommy?" hirit pa ni Drake. Masama itong tumingin sa mga kapatid ko. "Oo, mga tinamaan kayo ng lintik." "Oh, ba't kami nadamay d'yan?" tanong naman ni David. "Relax My, ang wrinkles." pagbibiro ko pa. Mabuti na lamang tapos na kaming kumain, dahil kung hindi, hindi na naman malulunok ang kakainin dahil sa walang humpay na sermon nito. "Palagi ka na lang sakit ng ulo ko" patuloy na sermon nito. "Sungit-sungitan ka na naman My, hindi ka na naman naromansa ni Daddy 'no?" pagbibiro ko dahilan para hilahin nito ang buhok ko. Napangiwi na lamang ako habang sumusunod sa hila nito. "Aray ko mommy ang sakit na!" reklamo ko. Ang mga lintik na kapatid ko tuwang-tuwa pa talaga. "Hoy, mga lintik kayo, tulungan n'yo ako 'wag namang puro tawa." saad ko. Wala namang kumilos sa mga ito para awatin si mommy. Maging si daddy ay tatawa-tawa lamang. Langya naman talaga oh. "Honey, bitawan mo na iyang bunso mo." sa wakas ay umawat din itong daddy ko. Akala ko talagang pababayaan na akong kalbuhin ng asawa nito. Hinila na ito ni Daddy palayo sa akin. Nakangiwing inayos ko ang buhok kong sabog-sabog na dahil sa mabigat na kamay ni mommy. "Sabihin mo 'yang anak mo ha. Oras lang talaga na makabuntis iyan. Mapapatay ko kayong mag ama." gigil pang sabi nito. Inakbayan naman ito ni dad, at inamo-amo pa kahit nasa harap nila kaming magkakapatid. Sweet-sweetan pa rin kasi ang mga ito kahit matanda na. I mean kahit may edad na. "Hindi naman gagawa ng ganyan si Dave, honey. Hayaan mo na lang mag enjoy sa buhay niya at mga bata pa naman ang mga anak mo." sagot ni Daddy. Palaging ito ang taga pagtanggol naming magkakapatid. Palibhasa habulin din ito ng chicks noong kabataan nito. Malakas na batok naman ang inabot nito sa aming Reyna. "Makakagawa na ng bata 'yang mga barako mo Aristotle!" gigil na saad nito. At saka muling binatukan si daddy. Sabay-sabay kaming natawa dahil parang batang napalo ng ina si daddy. At natutuwa akong masaksihan na ganito ang samahan ng aming pamilya. Mga bata pa lamang kami ay ganito na ang samahan ng mga magulang namin. At habang lumalaki at nag kakaisip ay pinapangarap ko ding magkaroon ng pamilya na katulad ng sa amin. Kahit naman maloko ako sa babae, punong-puno pa rin ako ng pangarap na balang araw ay may makilalang babae na puwede kong seryosuhin. Pero matagal pa 'yon dahil masyado pa akong nag I enjoy sa buhay na meron ako. Babae dito, babae doon. At sa edad na bente tres ay hindi ko na mabilang kung ilan na ang babaeng dumaan sa buhay ko. Lahat 'yon fling lang. No string attached. Kapag nag papahaging na sila ng commitment, umaayaw na ako. Dahil nililinaw ko naman sa umpisa pa lang na ayaw ko ng commitment. Pakiramdam ko masyado pa akong bata para sa mga ganung bagay. Marami pa akong plano sa buhay. Balak ko pang mag aral ulit para mas makilala ako sa larangan na pinili ko. Gusto ko pang palawigin ang kaalaman ko. Pangarap kong makilala sa buong bansa, o kahit sa buong mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD