Chapter 3

1806 Words
Buong gabi na nasa tabi lang ako ng aming boss, ang may-ari ng nichtclub kung saan ako nagtatrabaho, pouring him his whiskey. Hindi na niya ako pinabalik sa bar at kung sasabihin ko man, he will threaten me na tatanggalin niya ako sa trabaho. Okay lang naman na nasa tabi lang niya, pero ayoko lang na may masabi ang ibang katrabaho ko. I don’t even know kung anong purpose niya kung bakit pinatili niya ako, he was just drinking, scrolling, then calling someone on his phone. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya because he was speaking in Italian. Sabagay, he’s a full Italian man, at nakikilala lang namin siya sa pangalan na Diamantino Accardi. I don’t how powerful he is, but he is definitely a rich man dahil bukod sa nightclub, marami siyang properties na nagkalat sa buong mundo ayon sa nasasagap kong information dito sa club. Sinubukan kong mag-research tungkol sa kanya pero limited lang ang nasa internet, at wala pa siyang pictures, kung meron man either nahaharangan o blurred siya. Now that he’s here at katabi ko pa, nakasuot naman siya ng mask. Bakit kaya? Anong tinatago niya behind that creepy mask? Hindi kaya katulad din ng akin? Imposible naman ‘yon, dahil mapera siya at pwedeng maayos ang kanyang mukha with surgery. May father wanted it kasi mapapahiya daw ang pamilya kung makikita nila ang pangit kong mukha. Pero tumanggi ako because I want to remind every single one of them kung ano ang ginawa nila sa akin. And my scars fuel my strength and resentment. Gusto ko siyang tanungin kung para saan ang kanyang mask, pero baka tuluyan na talaga akong matanggal sa trabaho. I was entertained though earlier and the cut finger has been swimming in whiskey na nasa sulok ng table. Nang malapit ng mag-closing ang club, doon lang siya tumayo at sinuot ang kanyang black coat at isang hat na kakulay ng kanyang suit na may green feather pa. Tumayo na rin ako dahil parang nanigas na ang binti ko sa kakaupo. “Get your things, I will wait for you outside,” sabi niya sa akin na kinagulat ko. “Sir?” Taka kong sabi sa kanya at lumingon siya sa akin. “Pero-pero kailangan ko pa pong maglinis. Hindi pa po ako pwedeng umalis,” sagot ko sa kanya. Bumuntong hininga naman siya at pinatawag niya ang manager. Maya-maya dumating ang manager na may takot sa kanyang mukha. “We will leave first, sasama sa akin si Hyacinth at may ipapagawa pa ako sa kanya,” seryoso niyang sabi rito. Nanginginig ang boses na sumagot ang manager na nakatingin sa akin at sinabi na pwede na akong umalis. Humarap naman sa akin si Mr. Accardi, hinablot niya ang kuwelyo ng aking shirt at hinila niya ako palapit sa kanya. “Now, kanina ko pa dinodoble ang sinasabi ko sayo. Get your damn things, huwag mo akong paghintayin ng matagal, my little Hyacinth.” huminga siya ng malalim, like he’s engulfing my scent, tapos ay binitawan niya ako. Kasama ang kanyang mga bodyguards lumakad na sila. Sumunod naman ako sa kanila at dumiretso ako sa staff locker room. Walang tao roon, at malamang naglilinis pa sila. Sana naman at hindi nila isipin na special treatment ako. Sabay-sabay kaya kaming na-hire lahat rito at sadyang sinusunod ko lang ang utos ng owner ng club. Kinuha ko na ang mga gamit ko, lumabas ako ng locker room at lumabas ako ng club na walang kinakausap at tinitignan. Naghihintay nga si Mr. Accardi sa harapan ng club at sa harap nito ay isang black na Rolls Royce na sasakyan. Nang makita niya ako, binuksan ng kanyang tauhan ang pinto at sumakay siya. Sumunod din naman ako sa kanya at sumakay na rin sa luxury car. I can smell the scent of leather and musk with a little hint of spice na mukhang nagmumula sa kanya. Sumakay na din ang isa niyang bodyguard na siyang nag-drive sa sasakyan. Tumingin ako sa kanya at may lollipop na naman siya sa kanyang bibig. “Sir, saan po tayo pupunta? At ano po ang ipapagawa niyo sa akin?” tanong ko sa kanya. “I’m just going to take you home. Sinabi ko lang naman sa manager ‘yon para huwag ka nilang pag-initan. Though I’m sure you can handle someone who bullies you. Isa pa, sigurado ako na tatanggi ka pag sinabi ko na ihahatid kita pauwi.” “Hindi naman na po kailangan, Sir, open pa rin naman ang subway.” tumingin siya sa akin with a sharp eye tapos ay inalis niya ang lollipop sa kanyang bibig. “You're using the subway at this time? Hindi ka ba natatakot? What if may nakasabayan ka na binu-butcher ang mga tao at ipapakain ka sa isang kakaibang creature? Sayang ka naman, Hyacinth. I bet you will taste so f*cking good.” tukso niyang sabi sa akin at dinilaan niya ang kanyang lollipop. “Huwag mong sabihin na naniniwala ka doon? That’s just a movie, Sir, tsaka matagal na akong gumagamit ng subway at wala namang masamang nangyayari sa akin. Baka nga mas matakot pa sa akin ang butcher na ‘yon pag nakita niya ako.” malakas naman siyang tumawa. “Sandali, alam mo ba kung saan ako nakatira?” “Si, akala mo ba hindi ko tinitignan ang mga resumes niyo? I was the one who checked all your profiles and I like workers who have a personality. You peek my interest, Hyacinth, the way you handle that man, ni hindi ka nandiri sa ginawa ko. Ni hindi ka takot sa akin na kasama mo ko sa aking sasakyan.” “Should I? I have the knife you gave me to stab you with.” ngumisi siya at nagulat ulit ako nang hilahin niya ako palapit sa kanya. “I have a longer one that I can stab into you, carina, and I am sure you will like it.” malalim ang boses niyang sabi with deep growl. Hinawakan niya ang aking batok at pinisil niya ito. I don’t really feel any fear right now but there’s this warmth inside me na nagiging intense, slowly boiling into my core. First time ko na nakaramdam ng ganito and I am really confused, this man confuses me. “I love this witty mouth of yours, can I taste it?” “I don’t like cherry flavored mouth…” pabulong kong sabi sa kanya at natigilan siya. Binitawan niya ako at tumawa siya ulit. “Yeah? What do you like then?” curious niyang tanong at nagkibit balikat naman ako. “Hindi ko alam, strawberry? I heard maganda daw siya sa skin,” sagot ko at dinilaan ang aking labi. Parang na-miss ko kaagad ang closeness namin. What is happening to me? Bakit nagkakaroon ako nang kakaibang feelings sa kanya?! Huwag mong sabihin na nagkakagusto ako sa sarili kong boss?! Tumigil na ang sasakyan sa harap ng aking apartment at wala na kaming imik pa. Pinagbuksan ako ng driver ng pinto at bumaba ako, pero bahagya akong nagulat nang bumaba din siya. May sasabihin sana ako pero idiniin niya ang kanyang daliri sa aking labi. “Ihahatid kita hanggang sa apartment mo,” sabi niya. “Lead the way.” lumakad na lang ako at sumunod naman siya. Bakit pa kasi? Nahihiya ako kasi ang pangit ng tinutuluyan ko. Bukod sa ang liit ng aking apartment, hindi pa inaasikaso ng landlord ang maintenance ng building. Walang lock sa front door, sira ang elevator, may mga hindi umiilaw na lights sa hallway, at wala din akong second lock sa aking pinto na matagal ko ng sinasabi rito. Narinig ko siyang nagmura dahil ang dilim ng hallway na papunta sa apartment ko. Binuksan ko ang pinto at inimbitahan ko siyang pumasok na ginawa naman niya. “Sorry, hindi pa kasi inaasikaso ng landlord namin. Ikaw kasi, bakit ka pa sumunod. Naihatid mo rin naman ako, eh.” sabi ko at nakatingin lang naman siya sa bunong apartment ko. Chineck niya buong sulok at kwarto na naroon tapos ay malakas siyang bumuntong hininga. “Gaano na katagal na walang maintenance ang building na toh?” tanong niya. “Uhm, since I got here? Wala naman akong magawa kasi pag sinaktan ko ang landlord or pagbantaan, wala na akong matitirahan, at baka ipahuli niya pa ako sa police. This is only I can afford right now lalo na at mataas ang bilihin na ngayon." "I don't want to offend you, but your place is literally s**t!" Inis niyang sabi. Tumawa lang naman ako. "Now, that you have seen my place at naihatid mo na rin ako rito, pwede ka ng umalis at magpahinga na tayo." Tinaasan niya ako ng kilay at lumapit siya sa akin. "Pinapaalis mo na ang boss mo?" nginitian ko naman siya at bahagya ko siyang tinulak. "FYI, tapos na ang shift ko, kaya hindi na kita boss sa ngayon. What are you even doing, Sir? Bakit kailangan mo pa kong ihatid hanggang dito sa apartment ko?" "Just because I wanted to. You're right kailangan mo na ng pahinga. At huwag ka ng mag-alala sa apartment mo, I will make sure na kikilos na ang landlord dito." nakangisi niyang sabi. Tumungo siya sa pinto at sinabihan ako na i-lock itong mabuti. After saying goodnight, tuluyan na siyang umalis at ni-lock ko naman ang aking pinto. Naglagay din ako ng portable security lock just to make sure na walang makakapasok habang tulog ako. Hindi ko alam kung bakit ako pagod, wala naman akong ginawa buong gabi kundi magsalin lang ng alak sa baso ng lalakeng 'yon. He's weird, pero nagugustuhan ko ang pagiging iba niya. Hayzz! Tumigil ka nga Hyacinth! Hindi ako pwedeng magkagusto sa sarili kong boss! May mga dapat pa akong gawin at ang magustuhan ang isang lalake ay wala sa aking plano. Tumungo ako sa aking usina para uminom ng tubig, tapos ay pumasok na ako sa aking kwarto. Tinanggal ko lahat ang suot kong damit na nilagay ko sa hamper at pumasok ako sa aking banyo. I look at myself at the mirror again at medyo nagba-blush ang aking mukha. My scar is still there of course, pero may kakaibang kislap sa aking mga mata na ngayon ko lang nakita. My mother is half british kaya naman namana ko ang kanyang light blue eyes. Hindi ko na lang ito pinansin at tinali ang aking buhok. I took a shower na hindi binasa ang mahaba kong buhok and wearing my fluffy robe, I did my nightly routine. Then I check my windows and door one last time at natulog na ako. In my dreams, I see those amber gold eyes and it’s inviting me in. Hindi ko akalain na for the first time in my life ay mapapanaginipan ko ang isang lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD