Napahigpit ang hawak ko sa hand mirror na binigay sa akin ng isang nurse when I demanded to her that I want to see my face. Naka-bandage ang isang side ng aking mukha na pati ang isang mata ko ay natatakpan. Ang sabi ng doctor magkakaroon daw ito ng malaking scar. Bukod doon, may iba pang bandages sa aking katawan kung saan natamo ko rin sa aksidenteng nangyari sa akin. But I know that it was not an accident, pinalabas lang niya ito at wala na akong magagawa pa. Gusto kong umiyak habang nakikita ko ang aking sarili. A pathetic loser girl na nakisama sa bagong pamilya ng kanyang ama na walang ginawa kundi saktan lang siya. I am so tired, very tired na magpakabait, para kampihan siya ng kanyang ama. From now on, patay na ang mabait at innocent na Hyacinth, sawa na rin akong paamuhin ang aking ama. He does not deserve my love anymore at sa totoo lang, siya na lang sana ang namatay at hindi ang aking ina! Sa galit ko, binato ko ang salamin, tumama ito sa pader at nabasag. Napakuyom ako ng aking kamay, sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon at gusto kong gumanti sa lahat ng nanakit sa akin. Wala na akong ibang maramdaman pa kundi poot at galit!
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang aking ama. Tumingin siya sa akin tapos ay sa salamin na basag na nasa tabi. Lumapit siya sa akin at malakas siyang bumuntong hininga habang umiiwas na siya ng tingin. Nagngitngit naman ang aking mga ngipin, at gustong-gusto ko siyang sugurin! Murahin! Kung bakit hinayaan niya na mangyari ito sa sarili niyang anak! Ako na anak niya! Ako na kadugo niya!
“Masaya ka na ba?” mahina kong sabi sa kanya na nanginginig ng aking boses. “I bet mas magiging masaya ka kung nawala na lang ako.”
“Hyacinth, ano ba talaga ang nangyari? This is traumatic too for your sister…” sabi niya at sarcastic naman akong tumawa.
“Oh sure, mas mag-alala ka sa anak-anakan mo na walang ginawa. Samantalang ako muntik ng mamatay.” akma niya akong hahawakan, pero umiwas ako.
“Well, it’s your fault… Dahil sa clumsiness mo kaya ka nangyari sayo yan. Paano pag nadamay ang kapatid mo, hmmm?”
“Yan ba talaga ang paniniwalaan mo? Tapos nagtatanong ka pa kung anong nangyari sa amin. Kahit ano namang sabihin ko sayo, hindi ka pa rin maniniwala.” bumuntong hininga ulit siya.
“Ang sabi naman ng doctor, pwede pang maayos ang mukha mo. So, we are going to do that as your mother suggested. We can’t have a family member looking like a monster.” kinuha ko ang unan at binato ko ito sa kanya. Wala akong pakialam kahit mawalan na ko ng respeto sa kanya. I just want him and his new family out of my life!
“Sabihin mo sa magaling kong stepmother at sa aking stepsister, I will never fix this face ever again! I will make these scars stay on my face and my body, to remind her everyday what she did to me! From this moment on, nawalan na kayo ng totoo niyong anak! The Hyacinth that cared and loved you is no more! I hate you, I despise the family you have now! Mas mabuti pang tumira ako sa kalsada kaysa kasama kayo na mas malala pa sa impyerno! Get out! Just get out of my life!”
“Fine, do what you want. Pero simula ngayon, Hyacinth, your on your own!” galit nitong sabi at iniwan na niya ako. Napasigaw naman ako sa galit at pinagbabato ang lahat ng mga nahahawakan kong bagay na naroon.
Nagulat ako at nagising nang makarinig ng malakas na pagpukpok na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Hindi naman ako hangover dahil konti lang ininom ko kagabi habang kasama ko ang owner ng nightclub na pinagtatrabahuhan ko. Nagdadabog akong bumangon at bumaba sa kama. Kinuha ko ang silk robe na nakasabit sa upuan na nasa aking kwarto at sinuot ko ito, because I am just wearing my panties at nakaluwa ang malalaki kong dibdib. Tinali ko ito ng mahigpit at lumabas ako. Nanggagaling sa labas ng aking apartment ang ingay kaya naman i-unlock ko ang aking pinto at binuksan ito. Nakita ko na may mga lalake na naglalagay ng bagong lights sa hallway, nakita ko rin ang aking landlord na sinasabi ang mga gagawin. Napakurap ako at ni-rub ko pa ang aking eyes na baka namamalikmata lang ako. Nakita ko kasi na may mga pasa siya sa mukha at may benda pa siya sa kanyang kamay. What the hell happened to him? Natigilan siya nang makita niya ako, at maingat siyang lumapit sa akin. Napataas naman ang aking kilay at tumikhim siya.
“Good morning, Hyacinth, pasensya na at ngayon ko lang naasikaso ang mga ito. Huwag ka na ring mag-alala sa second lock ng pinto mo, lahat dito palalagyan ko. Pati yong elevator pinapaayos ko na.” tinaasan ko siya ng kilay at tinitigan ko siya. Umiwas naman siya ng tingin at nagkamot siya ng kanyang ulo.
“Mabuti naman Mr. Palma, matagal na rin kasi naming sinasabi sayo. Nga pala, napano po kayo?” natigilan ito saglit tapos ay bahagya na natawa.
“Naaksidente lang ako kagabi, wala toh.” pagkasabi nito, nagpaalam na siya at bumaba na sa hagdan. Nagkibit balikat naman ako at bumalik na ako sa loob ng aking apartment. Napapikit naman ako at humawak sa aking ulo. I am not really a morning person at pagtingin ko sa aking wall clock, 9AM palang ng umaga! Malakas akong bumuntong hininga, sa ingay na naririnig ko, hindi na ako makakabalik pa sa pagtulog. Kaya naman pumunta ako sa maliit na kusina at nag-init ako ng tubig gamit ang electric kettle. Habang hinihintay ko na uminit ito, tumungo muna ako sa banyo para hugasan ang aking mukha at mag-toothbrush na rin. Sakto na pagbalik ko kumukulo na ito, kaya nagtimpla na ako ng black coffee.
Umupo ako kaharap ang aking maliit na dining table at tiningnan ang aking phone. May messages ako galing kay Sm na tinatanong kung okay lang ako. Nakita niya siguro ako na sumakay sa magarang sasakyan ng aming boss at nag-alala siya. Nag-send lang ako ng short message at ininom ko ang aking kape. Katatapos ko lang maligo nang may malakas na kumatok sa aking pinto. Sumilip ako sa peephole para makita kung sino ito at nagtaka ako nang makita ang isang delivery rider. Binuksan ko ang pinto at napakurap ako dahil may hawak siyang malaking box at paper bag.
“Ma’am Hyacinth Duverna?” tanong nito.
“Oo, ako nga,” sagot ko sa kanya. Nilapag niya ang box sa gilid tapos ay binigay niya sa akin ang paper bag na may stamp ng isang mamahalin na restaurant. Bago ko pa siya matanong kung kanino galing, mabilis itong lumakad paalis. Nagkibit balikat lang naman ako at sinara ko ang pinto. Dinala ko ang paper bag sa mesa tapos ay binalikan ko ang malaking box. Ano naman kaya ito? Binuhat ko ito na may kabigatan ng konti at dinala rin sa mesa. Excited ko itong binuksan kahit pa hindi ko alam kung ano ito. Natigilan ako nang makita ko ang nasa loob, hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. It was a big box full of strawberries! Aanhin ko naman ito? Hindi ko naman lahat makakain! The big question is, kung sino ang nagpadala ng lahat ng ito?
Nag-isip ako ng mabuti at isang tao lang ang pumasok sa utak ko. The magnetic and eccentric owner of the club kung saan ako nagtatrabaho. Nabanggit ko sa kanya na gusto ko ng strawberry kasi nakakaganda ng skin. Tsaka itong apartment ko kung saan nainis siya dahil ang pangit ng kalagayan nito. He said na siya na ang bahala at maaayos na ang lahat ng problema rito. Does that mean na binugbog niya ang aking landlord? Oh kaya naman isa sa mga tauhan niya ang gumawa? Bumuntong hininga ako at kumuha ako ng maraming lalagyan para sa mga strawberries. Ipapamigay ko na lang ang iba sa mga kapitbahay ko dito sa apartment at sa mga kasamahan ko sa nightclub, tapos ang matitira sa akin ay gagawin ko na lang na jam or dessert para hindi masayang.
Napatingin ako sa paperbag na puno ng pagkain tapos ay nilabas ko ang mga ito. Masyado rin itong marami para sa iisang tao lang. Siya din kaya ang nagpadala nito? Gano’n na ba kahirap ang tingin niya sa akin kaya binigyan din niya ako ng maraming pagkain mula sa mamahalin na restaurant? May kumatok ulit sa pinto, lumapit ako doon at sumilip ako sa peephole. Natigilan ako nang makita ko ang aking boss, and he’s wearing a mask again. It’s a white mask this time with a long smile at may black star sa isang pisngi nito. Nakatayo lang siya sa harapan ng pinto at hinihintay na buksan ko ito. Huminga ako ng malalim at pinagbuksan ko nga siya ng pinto. Agad naman siyang pumasok at siya mismo ang nagsara nito.
“A-anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya at ngumisi naman ito. He was looking good again, with his tight black pants and a dark grayish blue button down shirt na may ilang butones na naka-open kaya may nakikitang skin sa kanyang chest. He's wearing a gold necklace with a pendant crest, hair tousled, and his eyes were staring at me intently.
“I am here to have lunch with you, kaya nga ako nagpadala ng maraming food. Let’s eat!” tumungo ito sa dining table at umupo ito sa isa sa mga upuan. Napabuntong hininga naman ako at nilabas ko lahat ng pagkain na pinadala niya. Kaya naman pala marami dahil kakain siya rito, ni wala man lang pasabi. Why is he even here? Nainis pa nga siya dahil ang liit at pangit ng tinitirahan ko. Kumuha ako ng plates mula sa cabinet na nilalabas ko lang pag may bisita, pati na rin mamahaling baso at spoon and fork. Nilagay ko ito sa mesa at naglagay pa ako ng pagkain sa kanyang plate.
“What would you like to drink, Mr. Accardi?” tanong ko sa kanya nang binuksan ko ang aking ref. I have some wine though, but they are all cheap at alam kong hindi niya ito magugustuhan.
“Water is fine, carina…” sagot nito. Kinuha ko ang malamig na tubig na nasa pitcher at nilagyan ko ang kanyang baso. Nakita kong naglagay din siya ng pagkain sa aking plate, and I smile with that gesture. “Did you like the strawberries?” tanong niya habang kumakain na kami. Naka-open ang zipper ng mask nito sa may bandang bibig niya, kaya kitang-kita ko ang mapupula niyang labi at maputing ngipin.
“Yeah, pero masyadong marami! You can’t expect na mauubos ko lahat ito. Wait, ikaw rin ba ang nambugbog sa landlord namin kaya pinapaayos na niya ang apartment?” tumawa siya at nagulat ako nang hilahin niya ang aking upuan palapit sa kanya.
“I’m not that crass, hindi ko siya binugbog. One of my men did, and he did a good job. At least magiging maayos na ang pagtira mo rito. Ayokong mahirapan ang little Hyacinth ko.” sabi niya na nakatitig sa akin. Pinahiran niya ang gilid ng aking labi at dinala niya ito sa kanyang bibig at dinilaan.
“Why are you even doing this? May kailangan ka ba sa akin? May gusto ka bang ipagawa?” sunod-sunod kong tanong at tumawa naman siya na kinaiinisan ko.
“Hindi pa ba obvious?” he stares at my face and I see mischief in his amber eyes. My heart starts pulsating fast and loud na parang ito na lang ang tanging naririnig ko. “I am very much interested in you, Hyacinth Duverna… Alam ko na hindi ako mabo-bore sayo.” napunta ang kanyang kamay sa likod ng aking ulo at mahina akong napungol nang bigla niya itong hinawakan ng mahigpit. Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking leeg and he trails the tip of his nose on a certain spot that made my insides clench, especially on my center. Ano bang nangyayari sa akin? Basta malapit sa akin ang lalakeng ito, my shields that I put out for myself is melting. Nakakapagtaka na pinapayagan ko siya sa gawin ito sa akin. Anong gagawin ko? I never interacted like this with a male that is intoxicating me, and drowning me with pheromones. Anong gagawin mo ngayon, Hyacinth?