Chapter 1
When I was a little girl, I always believed in fairy tales, a prince who would sweep me off my feet, fall in love, and will have a happy ever after. But as I grow older, things do not seem meant to be. I always had a happy family, pero simula nang mamatay ang aking ina, nagbago na rin ang aking ama. Noon tingin niya sa akin ay ang kanyang prinsesa, pero nang wala na ang aking ina, nagbago na lahat. Tingin niya sa akin ay isang istorbo na lang sa kanyang buhay, hanggang sa may inuwi na lang siyang babae na may mga anak, isang lalake at isang babae na mas matanda sa akin ng isang taon. Pinakasalan niya ang babae, ang babae na pag nakaharap ang aking ama ay mabuti sa akin. Pero pag wala ito, isa siyang malupit na babae na walang ibang gusto kundi ang kayamanan ng aking ama. Gano’n din ang mga anak nito, ang lalake na muntik na akong pagsamantalahan at ang babae na siyang dahilan ng masama kong pagka-aksidente. From then on, hindi na ako naniniwala sa fairy tales, there was no prince, and I learned to fend for myself. Madali lang akong nakawala sa madilim kong buhay kasama ang aking ama at ang kanyang bagong pamilya. I have been on my own since I was eighteen, marami na akong nagawa ng hindi kanais-nais para lang mabuhay araw-araw. Pero lagi akong nagsisikap para lang matapos ang aking pag-aaral gaya ng gusto ng aking ina.
Habang lumalaki ako, naging manhid na ako. I was ice cold, and my feelings have gone away from my body since my father chose his new family over me. Mas tinuring niya pang mga anak ang mga hindi niya kadugo kaysa sa akin. Ni hindi ko malaman kong bakit siya nagbago, at mas gusto pa niya na nahihirapan ako na sarili niyang anak. I will never forget how they treated me, at hindi ko rin makakalimutan ang poot na tangi kong nararamdaman sa kanila. Everyday I have been wishing na makaganti ako sa kanila, wala lang akong pagkakataon. I have been struggling on my own and I am finding that opportunity, at sana nga ay matagpuan ko na. Pero ngayon, kailangan ko munang magtrabaho para makaipon ng pera. The struggle is so real talaga!
Wala gana kong tinignan ang aking sarili sa salamin ng banyo matapos kong hugasan ang aking mukha. I pulled my hair in a bun at pinunasan ko ang salamin hoping na mas maganda ang nakikita ko roon. Tinagilid ko ang aking mukha at confirmed na hindi pa rin nawawala ang galit ko sa mga taong nagpahirap sa akin noon. I touch my scar on the side of my forehead tracing down to my cheek, like a crescent moon. Habang nasa mukha ko ang markang ito, hinding-hindi ko malilimutan kung sino ang dahilan nito. That was the time na wala na akong naramdaman, dahil mismo kong ama ay hindi ako kinampihan, hindi niya ako pinaniwalaan. Malakas akong bumuntong hininga, kinalma ko ang aking sarili. This is not the time to be reminiscing, kailangan ko ng magpunta sa trabaho ko.
Lumabas ako ng aking banyo at inilawan ang buo kong apartment. The place is small and cheap, the one that I can afford kaya pinagtitiisan ko na lang. Kagigising ko lang at madilim na sa labas. Panggabi kasi ang pasok ko, kaya naman ang gabi ay parang umaga ka na. I work as a bar waitress, sa isang sikat na nightclub na nag-open lang 3 months ago. Mas malaki ang swelduhan nila doon, and apparently hindi sila nandiri sa itsura ko. Actually, nagustuhan pa nila dahil may kakaiba daw akong appeal sa mga customers. Hindi naman sila nagkamali roon, dahil feeling ko ang astig ko doon, like I belong to that place. Maybe because doon pumupunta ang ilang malalaking tao na may illegal na gawain sa kanilang buhay. Siguro pinatayo ang bar na ‘yon para lang sa kanila, Trianggulo ang pangalan nito. Kahit ilang buwan na akong nagtatrabaho roon, hindi ko pa rin nakikilala kung sino ang may-ari. Nagtanong na rin ako sa aking mga kasamahan doon at maging sila ay gano’n din. Well, as long as may trabaho pa rin ako, wala na akong pakialam kahit hindi ko na siya makilala pa.
Matapos akong kumain, naligo na ako at sinuot ang aking uniform. Sumakay ako ng subway papunta sa nightclub, mabuti at walang gaano ng tao dahil hindi naman rush hour. Five minutes before 8, nakapag-time in na ako at nilagay ko ang aking gamit sa aking locker. Fixing my clothes, hair and makeup, lumabas na ako at pumwesto sa harap ng bar. May listahan na binigay sa amin ng manager para ihanda. Naglinis ako ng mga baso, wipe na luxury bar at nag-cut ng fruit slices. Binati ko ang kapwa ko barista at nagkwentuhan na rin. He’s a nice guy, may patch siya sa isang mata dahil na rin natanggal ito nang maaksidente siya. Ewan ko ba, parang dito sa lugar na to, lamang ang mga misfits sa kanila.
“Nabalitaan mo na ba?” Sabi ni Sam sa akin habang pinupunasan namin ang bar. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. “Darating daw ngayon ang may-ari ng nightclub. Narinig ko lang naman kaya todo ang pag-aasikaso ngayon ng manager.”
“No wonder pinahanda niya sa atin ang mamahaling alak na nasa glass case. Anong sa tingin mo? Mabait kaya ang owner?” Tumawa naman siya at napa-shake siya ng kanyang ulo.
“Sa ganitong klaseng lugar, Hyacinth? Walang mabait rito. Nakikita mo ba ang mga customers na pumupunta rito. They are big money at alam nating dalawa na hindi sa legal na paraan nila ito ginagawa. As long as I get paid enough and minding my business, we are okay. Basta huwag mong kakalimutan na walang mabait rito kahit pa ang owner ng club na ito. He’s a big family name in Europe, and one of the most powerful kaya lagi kang mag-iingat.”
“It seems like you have done your research.” natatawa kong sabi sa kanya at napailing siya.
“At least alam ko ang aking pinapasukan, at alam mo na rin ngayon. Basta gawin na lang natin ang ating trabaho o gusto mong umalis dito?”
“Syempre hindi noh! Walang tatanggap sa akin na malaki ang sweldo kagaya rito. Ang swerte ko nga at natanggap pa ko.”
“Ang swerte natin kamo, a scar girl and a one eyed barista. Alam mo, ikaw talaga ang gusto kong makasabayan sa shift natin. Mas kumportable ako na kasama ka.”
“Ako din naman, pero hindi ka ba nagtataka na halos sa atin na nagtatrabaho rito ay may… alam mo na.” sabay turo ko sa aking mukha at bahagya siyang tumawa.
“Let’s just be glad na may trabaho tayo, yeah?” Tumango lang naman ako at tinuloy na namin ang aming ginagawa. Nilinisan naming mabuti ang bar at nilabas ang mga mamahalin alak. We made sure na malinis lahat ng mga baso at doble pa namin ito na pinunasan. Dumating ang aming manager na chineck ang lahat at nang satisfied na ito, pinaghanda na niya kami. Marami na naman kasing pila sa labas at magiging busy na naman kami buong gabi. Sa totoo lang kahit nasa behind the bar lang kami serving drinks, nakaka-stress din lalo na at palaging marami ang customers. Hindi ko nga alam kung paano ako napasok sa larangan na ito. I just had an experience nong college ako at kailangan ko talagang magtrabaho. It was not easy but I got by with my scholarship at sa pamana sa akin ng aking ina. Kahit ganito ang mukha ko, I am a smart girl, but smart girls don’t take easy on life. Hindi kagaya ng stepsister ko na ganda lang ang puhunan, and everybody fawns at her. Idagdag pa kasi na lagi siyang pinapaboran ng aking ama at binibigay lahat ng gusto nito. Isang malaking uto-uto ang aking ama na nagpabihag sa isang gold digger. Tingnan ko na lang kung mawala ang pera niya, sigurado ako na iiwan siya nito in just a snap!
Saktong 9:30 ng gabi, nagbukas na ang bar at maraming customers na ang pumasok. The place was noisy, rowdy already because of the club electro music at mga iba’t-ibang lights na naroon. May DJ sa stage at may mga performers din na nagsasayaw sa pole na nasa stage, sa loob ng malalaking cages up in the ceiling. Ang bar ang pinagkaguluhan ng mga tao, and we were serving drinks right and left at hindi kami magkamayaw na mga naroroon. Idagdag pa ang mga waitresses, who wears revealing sexy uniforms, para mag-serve sa mga VIP customers na nasa second floor ng club. Walang nakakapansin sa itsura ko rito, at ang pakialam lang ng mga customers ay ang kanilang fancy drinks. I was making a cocktail nang bigla na lang may lalakeng sumingit at nag-demand ng kanyang drink.
“Sir, may linya po tayo at may mas nauna sa inyo,” kalmado kong sabi na hindi tumitingin sa kanya. I was doing my work at may istorbo na pasaway dito! Nagulat na lang ako nang may tumapon na beer sa aking mukha. Matalim kong tinignan ang lalake na may hawak na baso at nakangisi siya sa akin. He was wearing an expensive suit at ngayon ko lang siya nakita rito. Tinaasan niya ako ng kilay ang makita niya ang aking itsura, and I see the look of disgust in his face.
“Wow, I can’t believe a high end place like this would hire someone like you. Are you sure na wala kang dalang sakit?” pinigil ko naman ang aking inis at pinunasan ko ang aking mukha gamit ang tissue.
“Oh please… as if your face is better…” nang-aasar ko na sabi sa kanya. Dahil napikon ang loko, inabot niya ako at mahigpit niyang hinawakan ang aking braso.
“Sa tingin mo ba palalagpasin kita ngayon? Nagtatrabaho ka lang dito, I can give you hell whenever I want! Huwag mong ipagmalaki yang nakakatakot mong itsura!” Nainis na talaga ako at malakas ko siyang sinampal sa pisngi. Nagulat naman ito, kinuha ko ang pagkakataong ‘yon na hablutin ang kanyang buhok at hilahin ito. Napasigaw siya sa sakit at hinayaan lang naman kami ng nakakakita sa amin. Kumuha ako ng bote, binasag ito, tapos ay tinutok ko ito malapit sa kanyang mukha.
“Huwag mo nga akong kantiin, gago ka! I have faced worse compared to you! Gusto mo bang dukutin ko yang judgmental mong mga mata gamit nito, ha?!” galit kong sabi sa kanya.
“Hyacinth! Ano ba yang ginagawa mo!” Narinig kong sabi ni Sam na mabilis na nakalapit sa amin. Kinuha niya ang bote at hinila niya ang aking kamay kaya binitawan ko ang buhok ng lalake. Bago pa ito makahirit, may dumating na dalawang naglalakihan na bouncers, kinuha ang lalake at inilayo ito sa bar. Huminga naman ako ng malalim habang napailing lang si Sam. Pinag-take niya ako ng break na aking tinanggap at lumabas ako ng bar. Natigilan ako nang may humarang sa akin na isang malaking lalake rin na nakasuot ng all black suit na may earpiece sa kanyang tenga. Napatili na lang ako nang bigla niya ako buhatin sa kanyang balikat na parang isang sako ng bigas at dinala sa VIP section ng club.