Dinala ako ng lalake na mukhang tauhan ng isa sa mga customer dito sa VIP section habang nakasabit ako sa kanyang balikat. Wala naman akong magagawa kahit magwala ako dahil alam ko naman na hindi niya pa rin ako pakakawalan. I am still riled up dahil sa nangyari behind the bar kanina. Isang arrogant na customer ang tinapunan ako ng beer at ininsulto pa ako sa aking trabaho. Tama bang pahiyain ako sa harap ng ibang tao na naroon! Akala mo naman kagwapuhan, eh, mas mukha naman siyang paa! Hindi pa nawawala ang galit ko kaya nga ako pinag-break ni Sam. Pero kinuha naman ako ng malaking mama na ito at hindi ko alam kung anong kailangan ng amo niya sa akin.
Binaba ako ng lalake at matalim ko naman siyang tinig nan tapo ay inayos ko ang aking damit. Buti na lang at naka-slacks ako, kung hindi nakita na ang lace kong panty! Tumigil ako nang mapansin ang isang lalake na nakaupo sa leather couch na nag-iisa. Tumingin ako sa paligid at medyo isolated ang kanyang table, at wala siyang mga babae na kasama. What’s weird is that may black mask siya sa kanyang mukha at ang nakikita lang ay ang isa nitong mata, eyes in amber gold color. Intense and very dangerous with just one look that also made my body shiver. He has this inky black, brush up hair, a dangling earring on his ear, and he is wearing a dark purple suit na bagay naman sa kanya. I can see a little skin dahil sa ilang butones na naka-open sa kanyang button down shirt na kulay lime green. Sa totoo lang, kulang na lang green na kanyang buhok, his mask has also this wide smiling lips, konti na lang at parang kino-cosplay na niya si Joker.
Kinuha niya ang isang baso ng alak sa mesa na kaharap niya at ininom ito habang nakatitig siya sa akin. Nanatili lang naman akong nakatayo, hindi ko pinahalata na kinakabahan ako at intimidated ako sa kanya. Tumingin ulit ako sa lalakeng bumuhat sa akin kanina, at nakatalikod ito sa amin na nasa tabi at nagbabantay. Binalingan ko ulit ang lalakeng joker-like at nagtataka ako kung bakit niya ako pinadala rito. Nakita niya kaya ang mga nangyari sa ibaba? Ano bang pakialam niya, pinagtataggol ko lang ang sarili ko noh!
“Excuse me, Sir, may waitress po ang VIP section. Hindi niyo po ako kailangan rito,” malumanay kong sabi sa kanya. “Isa pa, hindi na ako kailangan na buhatin ng malaking taong yan. I can get here without assistance. You know what, ano po bang kailangan niyo, Sir?” inis ko ng sabi sa kanya dahil hindi siya nagsasalita. “Are you going to say anything, Sir?” madiin kong sabi. Narinig ko naman siyang tumawa, tapos ay naglabas siya ng isang cherry lollipop sa kanyang bulsa at binuksan nito ang zipper ng kanyang maskara revealing his red lips. Sinubo nito ang lollipop and he propped his legs on the table.
“Care to explain what the f*ck happened down there?” sabi nito na may pagka-growly ng kanyang boses. Bumuntong hininga naman ako at tinitigan ko siya sa kanyang isang mata.
“I was just doing my job, Sir. Siya ang unang sumugod sa akin, at pinagtanggol ko lang ang aking sarili,” sagot ko sa kanya. “Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong magpaliwanag sayo, Sir…” dinilaan niya ang lollipop at natutok ang mga mata ko roon. Napadila rin akong aking labi dahil may iba akong nararamdaman sa kaibuturan ko. Kung kanina kinakabahan ako, ngayon naman nate-turn on ako. Damn! Ni hindi ko nga makita ang mukha ng lalake na nasa harapan ko, ewan ko kung tao ba ang nasa likod ng maskara na yan. Ang malaking tanong, sino ba siya?
“Hmmm… A woman who protects herself, interesting… What should you have done kung hindi ka pinigilan ng kasama mo? Better yet, anong nararapat na kaparusahan sa lalakeng ‘yon na sumugod sayo?”
“Why do you ask? May magagawa ka ba? Look, Sir, hindi ko alam kung sino kayo at ano ang kailangan niyo sa akin. You’re not my boss, bakit ba ako nagpapaliwanag sayo?” Tumingin siya sa kanyang tauhan na nasa tabi at kusa naman itong lumingon. May sinenyas ito na hindi ko maintindihan at tumango lamang ito. Lumakad ito pababa ng second floor at nagtataka naman akong tumingin sa lalakeng kaharap ko.
“Sit,” utos niya sa akin. Pero nanatili lang ako na nakatayo na kinataas ng isa niyang kilay. “Don’t make me say it again. I am your boss, and I am ordering you to sit.” natigilan naman ako sa huli niyang sinabi.
“Boss? Anong ibig mong sabihin na ikaw ang boss ko?” tanong ko sa kanya. Kinagat niya ang candy at hinagis kung saan ang stick nito.
“I thought you were a smart girl… I’m the owner of this nightclub, kaya ka nandito sa harap ko, and I am telling you to sit, right now.” irita na nitong sabi. Mabilis naman akong kumilos at umupo na rin ako sa leather couch na may space sa pagitan namin. “I just don’t like na may hinaharass ang tauhan ko, kaya kita pinatawag rito para malaman ang nangyari.” Nagsalin siya ng alak sa isang baso at binigay niya ito sa akin. Tinanggap ko naman ito kaagad, and I took a sip. It’s whiskey and I like it.
“Kayo po si Mr. Accardi?” tanong ko ulit at tumango siya. Bumalik na naman ang kaba ko at baka bigla niya akong tanggalin sa trabaho. Ang hirap pa naman makapasok sa iba dahil na rin sa appearance ko. Just one look at me at iisipin nila na masama akong tao o kaya naman ay may nakakahawang sakit. “Boss, pasensya na sa ginawa kong gulo.” mahina kong sabi sa kanya. “Hindi ko alam na ikaw pala ang may-ari ng club kaya sana huwag mo kong patalsikin sa trabaho.”
“Who said I’m gonna fire you? And don’t give me the nice girl attitude, alam kong galit ka pa rin sa nangyari.” hindi na ako nagsalita pa at uminom na lang.
“Ang mabuti pa, bumalik na ako sa trabaho ko.” tumingin siya sa akin at kitang-kita ko ang talim niyang tingin kahit isang mata lang niya ang nakalitaw.
“I just told you to sit right damn here, with me. Ako ang boss, ako ang masusunod. You want to f*cking work? Then pour me a glass.” sabay bigay niya sa akin ng kanyang baso.
“Ang sungit mo naman, ayoko lang na sabihan na binabayaram mo ko rito, pero hindi ko naman ginagawa ang trabaho ko,” matigas kong sabi sa kanya.
“Ei! Sino ba ang unang nagsusungit sa akin kanina? At nang malaman mo na ako ang may-ari ng nightclub, bigla kang umamo dyan. Don’t mind those others pag sinabihan ka nila, ako na ang bahala. You just experienced a bad night and you need to chill. Sa tingin mo ba pag bumalik ka sa bar magagawa mo ang trabaho mo ng mabuti? Baka magkalat ka pa doon.” napalabi naman ako at nagsalin na ang ako ng alak sa kanyang baso tapos ay binigay ko ito sa kanya. Naglabas ulit siya ng lollipop sa kanyang bulsa at inabot niya ito sa akin. Tinanggap ko ito at hinawakan ko lang, hindi ako mahilig sa matamis. Sabagay, tama naman ang sinabi niya. Galit pa rin ako sa ginawa ng mukhang paa na ‘yon, Gusto ko nga siyang habulin at bugbugin hanggang sa magmakaawa siya na tumigil na ako. That would be satisfying, at napangisi ako sa isipin na ‘yon.
Natigilan ako ulit nang bumalik ang kanyang tauhan kasama ang dalawang bouncers kung saan hawak nila ang lalake na ininsulto ako kanina sa bar. Hindi na siya mukhang paa ngayon, ni hindi ko na nga makilala ang mukha niya dahil sa tindi ng pagkakabugbog dito. Binitawan nila ito at nanghihina itong lumuhod sa sahig. Tumingin sa akin si Mr. Accardi at parang nag-twinkle ang kanyang mga mata sa balak niya.
“Hyacinth, that’s your name right?” tanong niya sa akin at tumango lang ako. “I love that flower… So, what do you want to do with him?”
“Ano pa bang magagawa ko kung binugbog na siya ng mga tauhan mo?!” sungit kong sabi sa kanya at napatawa siya ulit. A deep chuckle laugh na nakakapanginig ng mga buto. Tumingin ako sa lalake at umuungol ito sa sakit. Nakatingin lang naman si Mr. Accardi sa’kin and he’s expecting an answer. This guy, what does he really want from me? Does he find this entertaining? Fine, sasakyan ko ang kanyang gusto para lang hindi ako matanggal sa aking trabaho. “Uhm, cut off his hand or something…” sabi ko sa kanya at malakas namang umungol ang lalake.
May dinukot si Mr. Accardi sa bulsa ng kanyang suit jacket na isang cool pocket knife na may design sa hilt nito. Napatitig ako doon dahil sa ganda ng hawak niya. Kinuha ng isa niyang tauhan ang kamay ng lalake at nilapag sa mesa. Sumigaw naman ang lalake pero sure naman ako na hindi siya naririnig dahil na rin sa lakas ng music. He twirl the knife on his hand, tinakpan ng isang bouncer ang bibig ng lalake, and with the knife, he cut the man’s middle finger. I was so entranced with what he is doing, at sa totoo lang gusto ko itong kunan ng video. The scream of that guy was muffled dahil na rin sa malaking kamay ng bouncer. Nang ma-cut through na niya ito, inabot niya ito sa akin.
“I thought you might like it,” sabi niya sa akin. Walang takot na kinuha ko naman ito at nilagay sa aking baso na nilagyan ko ng alak. I was giggling habang nakikita ko ang cute na daliri na naroon. Sumenyas siya ulit sa kanyang mga tauhan at inilayo ulit ang lalake na umiiyak na. Pero hindi ko na siya pinansin and I just stare at the finger. Inabot din sa akin ng aming boss ang kanyang pocket knife at nagtataka akong tumingin sa kanya. “Souvenir…” sambit niya at kinuha ko naman ito.
“This doesn’t impress me,” sabi ko sa kanya at malakas siyang tumawa na kinangiti ko.
“Hindi ko naman mapuputol ang kamay niya with just that, Hyacinth…” hinaplos niya ang buhok ko at tumingin naman ako sa kanya. “Sabi ko na nga ba at magiging maganda ang gabi ko rito mula ngayon.”
“You're weird, and point taken. I will keep this knife, pero ayoko nito.” at binigay sa kanya ang baso na may daliri. Kinuha niya ang baso at tinabi sa table. Uminom siya ng alak sa kanyang baso at alam kong nakatitig pa rin siya sa akin habang tinititigan ko ng mabuti ang binigay niyang pocket knife. Hindi ko akalain na ang gabing ito ang magpapabago ng tuluyan sa aking buhay.