“HINDI ko alam kung matutuwa ako o maiinis ako na mukhang ang saya-saya mo Lettie,” matamlay na sabi ni Aya sa kaniya habang papunta sila sa cafeteria. “I just want to take a leave too,” frustrated na sabi ni Jena na dalawang linggo pa lang mula ng nalipat ito bilang temporary secretary ng bagong head ng Designs Department ay mukhang stressed na stressed na. Natatawa siya sa itsura ng mga ito. Mukha kasing naubusan na ng energy ang mga ito. Siya naman kasi ay tila palaging lumulutang sa nakaraang linggo dahil kay Damon. Iyon lang, dahil masyadong mukhang problemado ang mga ito at hindi na ulit siya kinulit tungkol sa love life niya ay hindi pa niya nasasabi sa mga ito na may asawa na siya. “Bakit Jena, terror ba ang bago mong boss?” takang tanong niya. Hindi pa kasi niya nakikita ang ba