“LETTIE anak?! Anong nangyari sa iyo?” gulat na tanong ng mama ni Lettie nang mabuksan siya nito ng pinto. Natagpuan niya ang sarili niyang nagpahinto sa bahay na pamana ng lola niya. Agad na niyakap niya ito at muling naiyak. Inakay siya nito sa sala at pinaupo. Pagkatapos ay niyakap siya nito at inalo. Iyon ang eksenang naabutan ng papa niya na mukhang kagagaling lamang sa pagpasyal sa mga grocery stores nila na muli nitong binuksan sa tulong ng perang ibinigay ni lolo Mel. “Lettie! Bakit ka umiiyak anak?” tanong rin nitong umupo sa kabilang tabi niya. “Bakit pa ba siya umiiyak? Natural ang asawa niya ang dahilan!” asik ng mama niya. “Anong aasahan mo sa pagpapakasal na hindi nila mahal ang isa’t isa?” dugtong pa nito na lalo niyang ikinaiyak. Sinubukan siyang aluin ng mga ito. Pagk