CHAPTER 9

2719 Words

AGAD na nailibot ni Lettie ang paningin sa paligid ng bumaba sila ni Damon sa kotse nito. Makalipas ang ilang oras na biyahe ay nakarating sila sa isang bayan sa Quezon. Probinsyang probinsya ang itsura ng lugar na iyon pero may kakaibang charm ang paligid. Simple lamang ang mga bahay na kaunti lamang pero matitingkad ang kulay ng pintura ng mga iyon. Nang sabihin ni Damon na mag-a-out of town sila ay hindi nito sinabi kung saan sila pupunta. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi nito sinasabi kung bakit doon sila nagpunta. “Are you disappointed?” amused na pukaw sa kaniya ni Damon. Huminto ang tingin niya rito. “No. Pero bakit dito mo naisip magpunta?” takang tanong niya. Ngumiti ito at lumingon sa may kalakihang bungalow sa harapan nila. “Because this is where I grow up,” sabi nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD