CHAPTER 5

2940 Words

HINDI makapaniwala si Lettie. Ano ang ginagawa ng asawa niya sa building ng Valencia Furnitures? Dahil mukhang nagulat din ito na makita siya ay hindi siya nakaapuhap ng sasabihin. O dapat bang magsalita siya? Pero bago pa siya makahuma ay inalis na nito ang tingin sa kaniya at bumaling sa mga kasama nito. Pagkatapos ay lumakad na palayo sa kanila na parang walang nakita. Kahit na alam niyang sikreto ang pagiging mag-asawa nila ay kailangan ba siya nitong dedmahin ng ganoon? Kahit man lang simpleng tango para lang i-rekognisa siya ay hindi nito ginawa. Hindi niya tuloy naiwasang makaramdam ng inis at munting hinanakit. Tuloy binilisan na lang niya ang paglalakad patungo sa cafeteria. Idadaan na lang niya sa kain ang nararamdaman niya. “Oh my God! Ang suwerte natin Lettie nakita natin si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD