NAPAHINTO sa ginagawa si Damon nang marinig niya ang paglagaslas ng tubig mula sa banyo. Then he heard her humming a tune not familiar to him. Marahil ay bagong kanta lamang iyon kaya hindi siya pamilyar doon. Matagal na niyang hindi nasusundan ang trend ng mga awitin o kahit palabas man lang dahil masyadong tutok ang lahat ng atensiyon niya sa trabaho. Pero kahit hindi niya masyadong mawawaan ang kinakanta nito ay kataka-takang maganda iyon sa pandinig niya. Wala sa loob na lumingon siya. Mula sa maliit na extention room na iyon na tatayong opisina niya sa bahay na iyon ay natatanaw niya ang pinto ng banyo. Mula sa puwesto niya ay nakikita niya ang anino ng naliligong babae na mula sa araw na iyon ay asawa na niya. Mukhang hindi ito aware na nakikita ang anino nito mula sa labas dahil mu