HINDI mapigilan ni Lettie ang mapangisi kahit na magmukha man siyang tanga sa tingin ng mga taong makakakita sa kaniya. Maganda ang araw niya. Kaninang umaga, kahit na hindi niya naabutan si Damon ay nag-iwan naman ito ng note sa side table ng kuwarto nila. Nakasulat doon ang cellphone number nito at maiksing mensahe na may meeting daw itong kailangang puntahan ng sobrang aga kaya nauna na itong umalis. Alam niyang kababawang maituturing, pero nawala ang tampo niya na hindi ito umuwi ng maaga ng gabi dahil lamang sa simpleng note na iyon. Nang bumaba naman siya sa kusina ay sinabi sa kaniya ni Aling Isyang na kinain daw ni Damon ang niluto niya nang dumating ito kagabi. Iyong balitang iyon pa lang ay nakapagpaganda na ng gising niya. Ni hindi niya akalaing ganoon lang kadaling magbabago