------Tomoko's POV------
Bumalik nga ako sa office ni Kelvin at napansing hindi masyadong naisara ang pinto kaya hindi na muna ako pumasok dahil nag-uusap pa ang tatlong magkakapatid na Imperial sa loob.
Hihintayin ko na lang muna na makalabas sila bago ko hanapin sa loob ang bracelet ko.
Habang lumilipas ang bawat minuto ay naisipan kong makinig sa pag-uusap nila kaya mas lumapit pa ako sa pinto.
Tumaas ang boses ni Arthur. "Ano? Ibabalik mo sa kanila ang kumpanyang nakamkam mo na? Hindi naman yata tama yan Kelvin lalo na at hindi ka naman pala gustong pakasalan ng babaeng yun."
Sumagot naman si Kelvin. "Hindi ko naman ibibigay Art, gagawin ko lang CEO pa rin ng kumpanya ang ama niya pero nasa Imperial pa rin ang ownership."
"Sige Kelvin, may tiwala ako... I know your making a wise decision." Pag-sang-ayon ni Alexander Imperial.
"Wise decision? Wise decision ba yung gagawin pa rin niyang tagapamahala ng kumpanya ang dating may-ari? I told you long befor Kelvin... don't mix business with pleasure." Tila concern na concern na sabi ni Arthur sa kapatid.
"Hindi ba't ang mahalaga lang naman ay malagay sa apelyido natin ang ownership ng kumpanya? Hindi naman sinabi ni ama na kailangang tayo mismo ang mamahala nun." Pagtatanggol ni Alexander.
"Arthur, isipin mo na lang... anong alam natin sa pagpapatakbo ng mining corporation? Imbis na paalisin ang may-ari... bakit hindi na lang natin gawing empleyado di ba? Mutual benefits pa ang mangyayari, mananatili pa rin siya sa kumpanya habang gumagaan naman ang mga trabaho natin." Paliwanag ni Kelvin.
"I must agree... masyado na tayong maraming nakamkam na negosyo at hindi naman natin maaaring patakbuhin lahat ng yun na tayo-tayo lang." Saad ni Alexander.
Napakamot sa baba si Arthur at tila nag-isip muna bago sumang-ayon. "Hmmm... magandang strategy nga at tila naiiba...
Matatandaan kasi na nung si Alexander ang nasa-posisyon mo ay kinamkam niya ng walang awa ang mga negosyo ng kalaban niya.
Nang ako naman ang maatasan sa posisyon na yan ay ginamit ko naman yun para makakuha ng maraming babae sa pamamagitan ng human collateral." Pagpapaalala ni Arthur.
"Pano ba namin makakalimutan yun eh dahil sayo Arthur kung bakit natin nakuha ang Gold Asia dahil natipuhan mo yung misis nung may-ari at gusto mong gawing collateral kaya yung may-ari ay napilitang isuko ang kumpanya ng walang kahirap-hirap." Pagbabalik-tanaw ni Alexander.
Tumawa ng malakas si Arthur. "Hindi mo talaga yun makalimutan kuya ha."
"At nang ikaw naman Kelvin ang nagmana ng posisyon ay hindi mo kami ginaya ni kuya Alexander. Imbis na kamkamin mo ang yaman ng iba ay naging taga-tubos ka pa nila. Kaya ka nga nila binansagang 'LORD' di ba? Bagay lang talaga sayo ang pangalan mo." Si Arthur naman ang nagkwento.
"Hmmm... but somethings bothering me bro' itong kaso mo sa mga Yamazaki ay tila naiiba. First time mong ginaya ang estilo ko at gumamit ng human collateral para makapag-asawa.
Is this your road to being a casanova?" Dagdag ni Arthur Imperial.
Nagitla ako sa aking narinig. Tama nga ba, ginagaya nga ba niya si Arthur at may balak siyang maging casanova?
Para akong nabunutan ng tinik sa sagot ni Kelvin.
"There's no chance!"
"Oo nga naman pala... wala ka naman palang kahilig-hilig sa babae kaya imposible nga iyon." Malakas na tumawa si Arthur matapos sabihin yun.
"Which makes me wonder... magtapat ka nga Kelvin... paraan mo ba to to cover up on something? Gaya nung issue ng pagkalalake mo? O tungkol ito sa atraso sayo nung matandang Yamazaki?" Sunod-sunod na tanong ni Alexander.
Nagulat na naman ako sa aking narinig. Anong atraso kaya ni daddy ang tinutukoy nila?
"Hindi kita masisisi kung hindi mo yun makalimutan...you almost died that time." Dagdag pa ni Alexander.
"Kasalanan ng ama... pinagbabayaran ng anak. Tsk!" Biglang sabi ni Arthur na siyang ipinagtataka ko.
Napaatras ako sa pintuan. Hindi ko kinaya ang mga sinasabi nila. Malay ko ba kung nag-iimbento lang sila ng kwento? Kailangan kong marinig mismo kay daddy ang tungkol sa atrasong iyon. Kaya dali-dali na akong nagtungo sa kulungan.
********
"Dad, anong atraso ba ang ginawa mo noon kay Kelvin Imperial?"
"Anak, hindi ko naman iyon sinasadya... nagkapikunan lang talaga kami ni Kelvin nung araw kaya nasuntok ko siya. Bata pa lamang siya noon at mahina pa kaya hindi nya kinaya ang malakas kong suntok. Nawalan siya ng malay at sinugod sa ospital.
Dahil sa nangyari ay nagpalakas ng husto si Kelvin at nag-aral ng iba't-ibang combative sports gaya ng muay thai, jujitsu, karate, fencing, sharp-shooting at marami pang iba.
Kaya kumalat ang balitang may balak siyang gumanti sa akin at ipapapatay niya ako.
Kaya naman bago pa umabot sa ganun ay humingi na ako ng tawad sa kanya. Kasa-kasama kita noon at naabutan natin siya sa kanyang fencing session.
Isinama kita anak kasi umaasa ako that he would spare my life dahil nakita niyang may anak ako na umaasa sa akin.
But things didn't turn out the way I expected.
Nakita ka niya at doon niya naisip na gawin kang collateral." Mahabang kwento ni daddy.
Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat, he is not doing this because he loves me. Ginagawa niya ito dahil sa atraso ni daddy sa kanya noon.
Should I give him my body instead?
Siguro naman ay sapat nang pambayad ang katawan ko sa lahat ng atraso at mga utang ng aming pamilya sa mga Imperial.
Kung ibibigay ko sa kanya ang katawan ko baka pwede ko na siyang wag nang pakasalan.
Just one night with the Lord Kelvin... then I can be free.
#ImperialBrothersLordKelvin