bc

Imperial Brothers

book_age16+
463
FOLLOW
1.4K
READ
contract marriage
family
friends to lovers
arranged marriage
coming of age
enimies to lovers
first love
friendship
crime
addiction
like
intro-logo
Blurb

Sa larangan ng business, isang apelyido ang kilalang-kilala at kinatatakutan na makabangga... ang IMPERIAL.

Tatlong magkakapatid naman ang kilala sa apelyidong ito... ang tinaguriang 'Lord Kelvin', 'Alexander the Great' at 'King Arthur' ng Imperial Family.

Ang bunsong si Kelvin o "Lord" para sa ilang negosyante, ang kilalang tagasagip ng mga naluluging kumpanya.

Ang ikalawa naman sa magkakapatid ay si Arthur na binansagang "King" dahil sa pamamahala niya sa mga negosyo nila sa loob ng bansa.

At ang panganay sa magkakapatid na si Alexander o Alexander The Great, ang kilalang "conqueror"! Siya naman ang naatasang mamahala sa mga negosyo nila sa labas ng bansa.

Walang hindi napagkakasunduan ang magkapatid na ito. Kahit pa sabihing iba-iba ang pamantayan nila sa pag-ibig dahil ang isa ay loyal, ang isa ay casanova at ang isa ay walang ka-interes-interes sa babae at puro negosyo lang ang hilig.

Gwapo at maamo ang mukha nila para sa mga babae ngunit nakakatakot naman para sa mga negosyante.

At ang common nila na linya ay... "Never mess up with an Imperial, if you don't want to experience bankruptcy."

Nakakatakot nga sila pero nakaka-inlove naman.

chap-preview
Free preview
Lord Kelvin : Meet The Real Kelvin Imperial
Imperial Brothers presents "Lord Kelvin" by: Aya_Hoshino "A woman must marry the man who loves her, but never the one she loves; that's the secret of lasting happiness." - Storm Jameson   -----Arthur Imperial's POV----- Kumakain ako sa isa sa mga restaurant na pag-aari ng aming pamilya nang bigla akong nawalan ng gana. Pumagting kasi ang tenga ko ng marinig kong may nagyayabang malapit sa likuran ko na isang lalakeng dumidiskarte sa isang babae. Sa itsura at pananalita pa lang ay walang wala na siya sa kalingkingan ko. Lalo pa akong nagka-interes sa kanya ng banggitin niya ang pangalang 'Kelvin Imperial'. Tahimik lang akong nakikinig sa pag-uusap nila. "Miss, sumama ka na sa akin. Hindi mo ba ako kilala? Ako si Kelvin Imperial ang kilalang Lord Kelvin ng Imperial family!" Pagyayabang nung lalake. "Sigurado ka? Sa inaasal mo kasi ay parang casanova ka eh. Ang alam ko ay hindi ganung klase ng tao si Kelvin." "Bakit, nakita mo na ba siya ng personal? Wala pa namang nakakakita sa kanila ah. Kahit nga yung sa mga magazine ay walang mga mukha nila este namin!" "Pero ayon sa mga write-ups ay yung Kelvin Imperial ay puro business lang ang nasa-utak at walang kahilig-hilig sa mga babae." "Bingo! Tama ka diyan miss ganda" sabi ko sa sarili ko. Pero pinagpipilitan pa rin nung lalake ang kasinungalingan niya. "Maniwala ka miss, ako talaga si Kelvin Imperial. Wag kang maniwala sa mga sabi-sabi ng mga magazine diyan. Mayaman talaga ako! Kung gusto mo ay sumama ka sa akin sa hotel na isa sa mga pag-aari ko, ang Emerald Hotel para maniwala ka." "Sige nga, gusto ko ding makita kung gaano kalaki ang.... bed mo." Kalaunan ay pumayag din ang babae. Humagikhik ang mokong at naglakad na sila palayo nung babae. Sinundan ko sila at humarang ako sa daraanan nila. "Sandali." "Sino ka?" Tanong nung lalake sa akin. "Kapatid mo ko tapos hindi mo ko kilala? Akala ko ba ikaw si Kelvin Imperial?" "Sino ka nga ha?" Tanong niya ulit. "Ako si Arthur Imperial." Tinuro-turo niya ako habang nagsasalita. "Hoy! hoy! Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa pag-gamit mo sa pangalan ng kapatid ko ha?" Tinawanan ko lang ang kahibangan niya. "Baka ikaw diyan ang kasuhan ko. You know what? You don't even talk like my brother and you don't even sound like a legit Imperial." Lumapit ako sa kanya at hinablot ang kwelyo niya. "Let me teach you how a real Imperial do it." Pagkasabi nun ay sinikmuraan ko siya. Namilipit nga siya sa sobrang sakit eh, ni hindi na nga niya nagawang gumanti. "Ikaw na kutong-lupa ka... who tries to mess with my brother's reputation by making him a casanova? Alam mo bang ni wala ngang kahilig-hilig yun sa babae?" Paliwanag ko sa kanya. "Next time mag-research ka muna!" Dagdag ko. "I-isa ka ngang Imperial?" Namimilipit pa rin siya sa sobrang sakit. "Oo kaya magsimula ka nang magdasal." Banta ko. Biglang lumapit sa amin si kuya Alexander. "O Arthur anong problema dito?" "So i-ikaw nga ang kilalang King Arthur?" Paniniguro ng kaharap ko at tila nanginig pa lalo ng lumapit na si kuya. "Ang tunay at totoo at siya naman ang kapatid ko na si Alexander the Great Imperial. At ikaw, sino ka nga ulit? Kelvin Imperial?" Sarkastiko kong turan. "H-hindi..." Lumuhod ito at nagmakaawa. "Nagbibiro lang po ako kanina at wala po talaga akong balak na sirain ang pangalan ng kapatid ninyo. Nagmamakaawa po ako... please..." "Sino to Art? Bagong impostor na naman?" Tanong sa akin ni kuya Alexander. "Oo kuya... at ang loko ginawa pang casanova si Kelvin. Kung sana ako na lang kaya ang ginaya niya eh baka pagbigyan ko pa siya." Natatawa kong turan. Tinanong ni kuya ang nanginginig sa takot na lalake. "Naka business attire ka, you must be from some company?" "W-wala! isa lamang po akong hamak na empleyado ng bakeshop... maawa na po kayo." "Sa kanila daw ang Emerald hotel kuya." Pagbabalewala ko sa mga sinabi niya. Binalingan muli ni kuya ang nagmamakaawang lalake. "Oh... bakit ka nanginginig? Natatakot ka ba sa amin?" "Nakikiusap po ako." Umiling-iling pa ang lalake para lang pagbigyan namin. "From that look parang alam mo na kung anong kaya kong gawin." Pananakot ni kuya Alexander dito. "Please po...wag..." Paulit-ulit na sambit nung lalake. May tinawagan si kuya sa kanyang phone. "Oo... Emerald Hotel... Oo... File a bankruptcy as soon as possible... okay." Pagkababa niya ng phone ay binantaan niya ang lalake. "Lagi mo tong tandaan... never mess up with the Imperial Brothers if you don't want to experience bankruptcy." Yun lang at naglakad na si kuya palayo. Sumunod naman ako at hinapit ko sa bewang ang babaeng sinusuyo nung lalake kanina. "Ako nang bahala sayo miss." Kumapit naman sa akin yung babae at sumama. -----Nico's POV---- In a split of a second ay nag-ring na ang dalawa kong phone. Sinagot ko ang parehong tawag at lahat ng yun ay galing kay papa at sa isa pang investor ng aming kumpanya. They are all bragging about the company. Pano daw nalugi na lang bigla ang aming kumpanya. Napatingin ulit ako sa papalayong imahe ng magkakapatid na Imperial. Ang malas-malas ko naman o, yung isa pa sa magkapatid ang nakadinig sa akin ng gamitin ko ang pangalang Lord Kelvin Imperial. Naranasan ko tuloy kung pano magalit ang magkakapatid na iyon. Biruin mo, hindi pa lang sila nakakalayo... tanaw na tanaw ko pa lang sila ngayon sa mata ko pero nagawa na nilang pabagsakin ang aming kumpanya. Hinabol ko ang magkapatid at muling nagmakaawa. "Alexander the Great! King Arthur! Nagmamakaawa po ako... patawarin nyo na po ako... hindi na po mauulit ito." Huminto naman sila. "Lumuhod ka muna." Lumuhod naman ako sa harap nila at sa harap ng maraming tao at tinapon lahat ng natitira kong pride para lang masagip ang aking hotel. "Okay, napatawad ka na namin." Saad nung Arthur. "Ibig sabihin ibabalik nyo na ang kumpanya ko?" "Hinde, di ba hiniling mo lang naman na patawarin ka namin?" Sagot ni Arthur. Ang loko! Inisahan ako... ibang klase talaga sila kung mag-isip. Nakakainis!!! "I told you... never mess up with the Imperial brothers. Kung gusto mong maibalik ang kumpanya sayo, kausapin mo yung bunso namin, yung ginagaya mo... si Lord Kelvin. Siya naman ang tagatubos ng mga naluluging kumpanya eh kaya sa kanya ka magpatulong kasi nga di bah, nalugi na ang kumpanya mo." Payo sa akin nung panganay na si Alexander. "Speaking of Lord Kelvin, here's our brother." Saad bigla ni Arthur na ikina-panglaki ng mga mata ko. Palapit nga sa amin ang isang mahigit 6 feet tall din na lalake at mukhang mas bata siya sa kanilang dalawa kaya mukhang siya na nga si Kelvin Imperial ang tinaguriang Lord Kelvin sa larangan ng business, ang bunso sa magkakapatid na Imperial. "Anong nangyayari dito?" Naguguluhan ang anyo ng kararating lang na si Kelvin. "Yang ugok na yan kase... ginagamit ang pangalan mo para maka-attract ng mga babae." Sumbong naman ni Arthur. Nang humarap ako sa kanya ay tila nagbago ang itsura niya. Para bang kilala niya ako kahit ngayon pa lang kami nagkita. "Sige, ako nang bahala sa kanya." Sabi nung bunso nila. Nag-alisan na ang dalawang nakakatakot na magkapatid at ang kaharap ko naman ay nag-iisa lang pero bakit ganun? Kahit mukha siyang mahinahon ay parang mas nakakatakot siya kasi para siyang pinaghalong Alexander the Great at King Arthur. Nawalan na ako ng pag-asa kasi kung hindi ko na nga nabago ang isip nung dalawang nauna, ito pa kayang kapatid nila na mismong inagrabyado ko? "Anong kumpanya ba ang kinuha ng kapatid ko na si Alexander sayo?" Bigla niyang naitanong. "Emerald Hotel." Tipid kong sagot. "Ah... hotel lang pala. Sige, pag-aaralan ko muna ang mga yun bukas bago ko ibabalik sayo." "Ibabalik mo talaga sa akin? S-salamat... salamat Lord Kelvin... isa ka ngang Diyos... maraming salamat..." Walang pagsidlan ang tuwa ko sa aking narinig. Nakahinga talaga ako ng maluwag. Grabe! Para na akong maiihi sa pantalon ko sa sobrang takot pero ngayon ay masaya na ulit ako. "Pero tandaan mo to Nico, one day kapag nagkita ulit tayo you will have to return to me the favor." "Okay... sige." Wala naman akong ibang choice kundi ang sumang-ayon eh. Umalis na siya at saka ko lang napansin na tinawag niya ako sa pangalan ko. Ibig sabihin ay kilala niya ako? Hindi ko maalalang binigay ko sa kanila ang pangalan ko ah. Pano niya kaya nalaman? At yung favor na hihingin niya kapag muli kaming nagkita, ano kaya yun?" #ImperialBrothersLordKelvin                              

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
85.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
133.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
175.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook