----- Tomoko's POV -----
Lalabas na sana ako ng mansiyon ng maalala ko ang aking ama na nasa loob pa rin ng kulungan.
Napamura tuloy ako. s**t! Pano na yan? Ako pa naman itong nagsabing ilalabas ko ngayong araw na ito si daddy sa anumang paraan! Kaya tuloy nag-martsa na naman ako pabalik.
Nang balikan ko ang aking dinaanan ay puro kwarto na ang nakita ko. Naloko na! Para akong nasa isang malaking maze... saan na bang kwarto ulit yun?
Sa sobrang dami ng kwarto ay nanghula na lang ako.
Nang pihitin ko ang pintuan ng isang kwarto sa pinakadulo ng pasilyo ay nagulat ako ng may malaking bulto ng katawan na humarang sa akin.
Hindi ko pa man nakikita ang kanyang mukha ay naamoy ko na ang pabango niya... hmmm... ang Lord of Scent na nga... walang iba kundi si... Lord Kelvin.
Nag-angat ako ng mukha at pababa naman ang tingin niya kaya nagkasalubong ang aming mga mata.
"Binibigyan kita ng karapatang buksan lahat ng pintuan dito maliban sa kwartong ito... maliwanag?"
"O-oo... Sorry nawala kasi ako kaya nanghula na lang ako kung aling kwarto ba yung pinasukan ko kanina."
Tinuro nga niya ang office niya. "Doon."
"...at diyan naman ang kwarto NATIN." sabay turo sa katapat lang na kwarto NAMIN?
Ano siya siniswerte? Pero hindi na ako nakipagtalo pa dahil hindi naman yun ang dahilan kung bakit ako bumalik.
"Tungkol sa ama ko-"
"Tungkol sa ama mo-"
Sabay pa kaming nagsalita.
"Anong sasabihin mo tungkol kay daddy?" Tanong ko ulit.
"Gustuhin ko man siyang palayain as soon as possible, pero friday pala ngayon kaya wala nang office. Malamang ay sa monday pa siya mare-release... I'm sorry."
"So magtatagal pa siya doon sa kulungan? Ano ba! Akala ko ba Diyos ka? Bakit hindi mo gawan ng paraan? Asan na ang pinagyayabang mo diyan kanina ha?" Sinapak-sapak ko siya ng mahina sa dibdib.
Hinuli niya ang magkabilang kamay ko. "I'm sorry... there is a limit to what I can do... hindi ko saklaw ang batas ng tao."
Umiiyak ako kaya humugot siya ng panyo at binigay sa akin. Kahit ang panyo niya ay sobrang bango... hindi masakit sa ilong yung perfume niya... at napaka-manly.
Nang mapansin kong tila nakikisimpatya siya sa akin ay mas ginanahan pa akong humagulgol ng iyak para lang pakonsensiyahin siya.
Nang maramdaman ko ang yakap niya ay parang mas gusto ko pang umiyak... kasi napaka-sarap makulong sa mga bisig niya.
"Dito ka na magpalipas ng tatlong araw... alam kong wala ka nang ibang matitirhan sa ngayon dahil binawi na ng bangko ang inyong mga properties."
"Hindi mo din naman ibabalik ang bahay namin kapag nakalaya na si daddy eh..." Parang bata na pasaring ko.
"Shhhh... tumahan ka na... as soon as makalabas na ang daddy mo ay gagawin ko ang lahat para maibalik sa inyo yung bahay niyo kahit mukhang imposible dahil hindi Imperial bank ang kumuha nun."
Parang ang sarap pa lalong mag-drama knowing na ako ang kahinaan niya.
"Huhuhuhu... pero hindi pwedeng mawala sa amin yung bahay... huhuhuhu.... yun na lang ang natitirang alaala sa amin ni mommy."
Nataranta pa siya kung paano niya ako i-co-comfort. "Shhhh... okay.... okay... kung kinakailangang bilhin ko yung bangko para maibalik sa inyo yung bahay ay gagawin ko pangako."
Yan... masunurin ka naman pala eh... Natalo nga marahil ni Samson yung lion ayon sa bibliya pero talong talo naman siya sa babaeng minahal niya na si Delilah kaya ganun din ang taktikang gagamitin ko sayo Lord Kelvin. Gagamitin ko ang power of seduction and deception ko to mark the beginning of your downfall.
Ngayon mo patunayang handa mong gawin ang lahat para sa akin.
"Kelvin, p-pwede ko na bang dalawin muna ang daddy ko sa kulungan?"
"Oo naman... gusto mong samahan kita?"
"Wag na... ako na lang..."
"Ipapahatid na kita sa driver ko."
"Ayos lang, andiyan pa naman ang kotse ko... hindi yun kasama sa binawi ng bangko kase hindi naman yun kay papa."
"Then see you later...?"
"Sige..." I faked a smile on him bago umalis sa paningin niya.
------ Kelvin Imperial's POV ------
Damn! That woman is killing me! Nasuntok ko ang dingding ng bahay ng makalayo na si Tomoko. Alam ko naman kasi na nagdadrama lang siya. Pero hindi ko pa rin siya matiis...
Kelvin Imperial, what's happening with you? Ano bang problema mo? Babae lang yun!
Ako naman mismo ang sumagot sa sarili ko. Oo, babae nga lang siya pero nag-iisang Tomoko lang siya, wala siyang katulad.
Kung makikita lang ako ng mga kapatid ko sa ganitong sitwasyon ay siguradong pagtatawanan nila ako. Si Kelvin Imperial na kinatatakutan ng maraming negosyante ay pinapaikot lang ng walang kahirap-hirap ng isang babae.
Halos ibigay ko pa lahat ng kayamanang meron ako para lang sa babaeng yun.
Damn! I love her so much! I could die losing her.
------ Tomoko's POV -----
Excited akong lumabas ng mansiyon at ibalita sa daddy ko na maibabalik na sa amin ang bahay. Di bale na ang aming kumpanya kung hindi ibalik ni Kelvin pero ang mahalaga ay ang bahay kung saan marami akong alaala kay mommy.
Malayo pa lang ay tanaw na tanaw ko na ang dalawang lalakeng papasok ng mansiyon. Sa kilos at gawi nila ay mukhang taga-roon sila sa Imperial Palace. Aura pa lang ay nakikitaan ko na sila ng pagiging dugong Imperial.
Naglakad ang dalawa habang nag-uusap kaya mukhang hindi nila ako mapapansin.
Yung isang lalake ay may pagka-diktador ang itsura kaya feeling ko yun na nga si Alexander the Great Imperial at yung katabi naman niya na daldal lang ng daldal ang smiling devil na casanova, si King Arthur Imperial.
Taliwas sa inaasahan ko ay napansin nila ako at huminto sila pareho kaya napahinto na rin ako at yumuko bilang pagbati.
"You must be... Tomoko Yamazaki." Tanong ng nakatatandang Imperial.
Inaasahan ko nang makikilala nila ako dahil kung yung mga maids at butler nga ay kilala ako sila pa kaya.
"Opo." Tipid kong sagot.
"Huwag mo naman kaming pino-po... haaay... sabi ko naman kasi kay Kelvin na huwag kumuha ng batang mapapangasawa eh... nagmumukha tuloy tayong mga lolo." Biro naman ng mas batang kapatid.
Doon ko lang nalaman na ang hari na si King Arthur ay hari din pala ng komedya.
Tumawa na lang ako ng bahagya bilang respeto.
"Miss Yamazaki... magiging sister-in-law ka na namin kaya sana wag mo naman kaming masyadong galangin. Lalo na ako na mas sanay akong binabastos ng mga babae." Bilin ni Arthur.
Grabe... nakakahilaw talaga ang mga jokes niya. Iba talaga magbiro ang mga professional na tao.
"I'm sorry... pero I'm afraid hindi yan mangyayari." Ayan supalpal ka ngayon!
Nagtinginan ang dalawa at sabay pa na nagsalita. "Bakit?"
"Kasi wala naman akong balak na pakasalan si Kelvin eh. Hindi ngayon, hindi bukas o kahit kailan."
Napakamot sa baba si Arthur sa isang kamay at nakapamewang naman ang isa pa habang tumatawa ng peke. "Ano na bang problema sa mga babae ngayon ha? Mga mata nila?"
"There is more than the eye could see..." Sagot ko naman.
"Ah...okay I get your point, ang hindi ko lang maintindihan miss Yamazaki... ay kung bakit hindi mo maintindihan kung gaano ka ka-swerte na nagustuhan ka ng isang IMPERIAL! Isang LORD Kelvin IMPERIAL pa!" Tila napipikon na pahayag ni Arthur Imperial.
Inawat ni Alexander ang kapatid niya. "Tama na yan Art..."
"Alam niyo, naiintindihan ko ang brotherhood ninyo pero sana naman galangin ninyo ang desisyon ko."
Pagkasabi nun ay dali-dali na akong naglakad palayo sa kanila. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ko upang sagot-sagutin ang kinatatakutang Imperial Brothers. Siguro dahil alam ko na ngayon na anuman ang mangyari ay nasa-side ko si Kelvin Imperial kaya kahit sino pa sa pamilya nila kaya ko nang banggain.
Nasa kotse na ako ng mapansin kong nawawala ang bracelet ko. Nasa kamay ko pa yun kanina... malamang ay nawala ko yun sa office ni Kelvin habang nakikipag-agawan ako kay Nico sa tseke.
Kailangan kong bumalik dahil mahalaga sa akin ang bracelet na yun kasi bigay yun ni daddy nung birthday ko.
#ImperialBrothersLordKelvin