----- Tomoko's POV ------
Nakabalik na ako sa mansiyon, wala din naman akong choice eh kasi wala na akong ibang matutuluyan. Kakapalan ko na ang mukha ko at makikitulog na lang muna ako sa mga Imperial.
Sinalubong ako ng tuwang-tuwa na si Lily at mukhang kanina pa niya ako hinihintay sa labas ng bahay.
"Madam... buti at bumalik kayo... akala ko hindi ka na talaga babalik..."
"Bakit, malulungkot ka ba kapag hindi ako bumalik Lily?"
"Kung nalulungkot na nga ako sa isiping hindi kayo babalik... ano pa kaya ang panginoon ko." Sagot ng personal maid ko.
Haayyy... ayan na naman siya at pinagpipilitan na naman sa akin ang panginoon niya.
"Lily, kausap pa rin ba ng amo mo ang mga kapatid niya?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Wala na po miss Tomoko, umalis na sila kanina pa."
Nagtaka ako sa mga sinabi niya. "Umalis? Bakit, hindi ba sila dito natutulog sa Imperial Palace?"
"Naku hindi po madam, may kanya-kanyang tirahan po ang magkapatid. Dito sila madalas magtagpo kasi dito lumaki ang magkakapatid pero si sir Alexander ay nakatira sa Sky Hotel at si sir Arthur naman ay maraming bahay yan kasi alam mo na, maraming babae eh. Si sir Kelvin naman ang omokupa sa buong Imperial Palace."
"Ganun ba..."
"Opo."
"Sige, matutulog na ako..."
"Sige po madam hatid ko na po kayo."
Pagdating sa loob ng kwarto ay agad akong nahiga sa kama at pumikit. Napadilat ulit ako ng maalalang nasa adjoining room lang natutulog si Kelvin kaya sinilip ko siya.
Nakahiga nga siya at mukhang payapang natutulog sa kanyang malaking kama.
Naisip ko na tapusin na lahat ng ugnayan ko kay Lord Kelvin ngayong gabi kaya tahimik akong lumapit sa kanya at naupo sa tabi niya.
Pinagmamasdan ko ang gwapo at maamo niyang mukha na nakikita lamang kapag tulog siya. Napansin ko na maputi siya at may kutis na parang babae. Napaka-tangos din ng kanyang ilong at... at napansin ko na nakasuot pa rin siya ng glasses habang natutulog kaya hinubad ko iyon.
"Hindi mo na kailangan itong reading glass kasi nasa kama ka na at wala sa office." Sabi ko sa natutulog na si Kelvin.
"Hindi mo na din ito kailangan." Tinangka kong tanggalin mula sa pagkakabutones ang polo niya at nagulat ako ng bigla siyang magising at hinuli ang kamay ko.
Bigla siyang nagdilat ng mata at bumangon kaya nagkagulatan kami.
"What exactly are you doing?" Istrikto niyang tanong.
"Alam ko na ang totoo... you wanted to marry me dahil sa mga ginawa ng ama ko sayo."
Unti-unti ay hinubad ko ang damit ko sa harapan niya hanggang sa panloob na lang ang natira sa akin.
Sinulyapan lang niya ang katawan ko at dumako na ulit sa aking mukha.
"Sa tingin mo talaga ay ganun lang yun?"
He took something from the side table... isang kahon at nang buksan niya yun ay may laman yung isang diamond ring... isang multi-million worth diamond ring. Alam ko yun dahil naniniwala ako sa kasabihang diamond's are girls bestfriend.
"I want to marry you Tomoko Yamazaki." Biglang pahayag niya.
Sinubukan niyang ipasuot sa akin ang singsing pero natabig ko yun ng malakas kaya tumilapon at nawala. Medyo nagsisi din naman ako kasi tinapon ko lang ang multi-million diamond ring na yun. Pero hindi ko talaga siya maaaring pakasalan. I really don't like the idea of marrying someone far from my age and someone like... him.
Napamaang siya sa ginawa ko.
Batid kong magaglit siya kaya inunahan ko na siya ng iyak. "Bakit kailangan pa kitang pakasalan? Hindi pa rin ba sapat ang katawan ko bilang kabayaran sa atraso ni daddy?"
"Anong atraso ba yan?" Nag-abot sa gitna ang kilay niya.
"Yung muntikan mo nang ikamatay."
Nahilamos niya ang kanyang kamay sa sobrang dissapointment. "Sabihin mo nga Tomoko, ayaw mo ba talagang maging asawa ng isang Kelvin Imperial?"
Tiningnan ko siya mata sa mata. "Kelvin... I can sleep with you for one night... but not for my entire life..."
Napatingin siya sa sahig at parang nagmumuni-muni.
"Let me sleep with you for one night Kelvin... just for one night... then promise me na kakalimutan mo na lahat ng utang ng pamilya ko sayo." Patuloy ko sa pangungumbinsi.
Sineduce ko muli siya para pagbigyan niya ako.
"No..."
I tried kissing him all over pero hindi pa rin siya natinag sa kinauupuan niya.
"Stop this woman..."
Pero nagbingi-bingihan ako at umupo sa lap niya at patuloy siyang hinahalikan.
"I said stop!"
Agad akong napahinto dahil mukhang galit na siya.
I pouted my lips para lalo siyang maakit.
He instantly kissed me... he kissed me hard... hugged me hard and rubbed his body against me and laid me on his bed.
Sandali siyang huminto at muli na namang humalik.
Para akong malulunod sa mga halik at haplos niya.
Akala ko ay magtutuloy-tuloy na yun hanggang sa bigla siyang huminto at huminga ng malalim at nag murmur.
"Woman, hindi mo alam kung gaano kahirap para sa akin na magpigil pero inaakit mo pa rin ako. Do you really wanna kill me huh?"
Narinig ko ang sunod-sunod na paghabol niya sa kanyang hininga bago siya tumihaya sa tabi ko at tumingin sa ceiling.
Muli siyang tumingin sa akin at nagtanong. "Do you really wanna sleep with me?"
Tumango ako.
"Okay come here..." Sabi niya sabay hila sa akin palapit sa kanya at niyakap ako.
"Now, sleep."
Hindi ko inasahan ang gagawin niya. Magyayakapan lang ba talaga kami hanggang sa makatulog kami pareho?
Wala man lang siyang katinag-tinag basta nakayakap lang siya sa akin.
Ano bang ginagawa niya? Hindi ko na siya maintindihan... hindi ba talaga ito ang gusto niyang mangyari?
Ilang saglit pa ay bumangon na siya sa kama. Naka-shorts lang siya kaya napansin ko ang umbok sa crotch niya at mukhang yun ang nagpapabagabag sa kanya.
"Lock your door... please." Bilin niya sa akin bago siya tuluyang lumabas.
Sinundan ko siya hanggang sa pinto at sinilip ko siya mula doon. Nakita ko ngang pumasok siya sa pinagbabawal na kwarto.
Diyan ba talaga siya matutulog? Ano bang problema niya? Tinatanggihan ba talaga niya ako?
Napatingin ako sa dibdib ko. Dahil ba hindi pa fully developed ang breast ko? Naliliitan lang ba talaga siya? Ano ba talagang problema niya ha? O baka naman totoo ngang wala siyang kainteres-interes sa babae?
May lalake kaya siyang tinatago diyan sa kwartong iyan? Isang butler for instance?
------Kelvin Imperial's POV-----
If I manage to spend the night with her... I will have to spend the rest of my life without her. Mas mapipigilan ko pa siguro ang s****l urges ko kesa ang isiping mawawala na siya sa akin ng tuluyan sa oras na may mangyari sa amin.
Ahhhh... Ang init-init ng katawan ko... I need a shower... damn woman! Mas lalo ko na siyang dapat iwasan ngayon because I don't want her for just a night... but for the rest of my life.
#ImperialBrothersLordKelvin