-------Tomoko's POV-----
This is my 2nd night in Imperial Palace.
Pinasok ko si Lily sa maid's quarter.
"Shhhh..." Sabi ko sabay hila kay Lily palabas ng kwarto. Dala ko ang isang flash-light at daig pa namin ang magnanakaw na naglalakad ng tahimik sa pasilyo ng Imperial Palace.
"Madam... baka magalit si Lord Kelvin. Kabilin-bilinan pa naman niya na wag pasukan ang kwartong iyon." Nag-aalala ang itsura ni Lily.
"Kapag hindi ko yun tiningnan ay mamamatay ako sa kuriosidad noh! Sigurado akong may lalake siyang tinatago doon Lily kaya doon siya natulog kagabi."
"Madam naman mukhang imposible naman yang iniisip mo eh." Pinadyak-padyak pa niya ang kanyang paa.
"Shhhh... ano ba baka magising mo yung iba... basta sumunod ka na lang... sisilipin lang naman natin kung anong laman eh."
Madilim na sa Imperial palace kaya nangangapa talaga kami pareho ni Lily.
"Miss Tomoko baka may multong sumulpot bigla dito..."
Sinaway ko siya. "Tumigil ka nga Lily... wag kang manakot kasi matatakutin din ako sa multo noh... kaya nga kita sinama eh."
Sa wakas ay narating na namin ang pinagbabawal na kwarto at nang makapasok na kami ay hinanap namin agad ang switch sa loob pero bigo kaming makita yun kaya flash-light na lang ang ginamit ko upang makita ang loob.
May kama kaming nakita... mukhang ordinaryong kwarto lang pala... nang matutok ko iyon sa divider ay nakakita ako ng isang babaeng mahaba ang buhok na nakatitig sa amin.
Nakaputi at maputlang-maputla...
AHHHHHHH!!!!! Pareho kaming napasigaw ni Lily sa sobrang takot.
CLICK!
Biglang lumiwanag ang paligid at tumambad sa amin ang daan-daang mga manika na naka-display sa divider.
Nandoon din pala si Kelvin sa loob at nakatayo siya malapit sa switch. Mukhang siya lang ang nasa loob at walang ibang butler siyang kasama gaya ng iniisip ko.
Kaya naman sermon agad ang tinamo namin ni Lily mula kay Kelvin. "Ilang beses ko nang sinabi sa inyo na wag kayong pumasok dito di bah!?
"So-sorry po Lord Kelvin..." Hinging patawad ni Lily.
"LABAS!" Sigaw niya sabay turo sa pintuan.
Nagsunuran naman kami ni Lily pero si Lily lang ang hinayaan niyang makalayo.
"Si Lily lang, maiwan ka Tomoko."
Nahinatakutan ako... mukhang galit talaga siya kasi nabuking ko ang sikreto niya.
"Hindi ito katulad ng iniisip mo Tomoko." Pagpapaliwanag niya.
"Bakla ka! Bakla! Isa kang bakla!" Pinagsisigawan ko.
He gritted his teeth at hinapit ako sa bewang and pressed his body against mine.
"Feel it!" Utos niya.
Pinakiramdaman ko naman ang pagbabago sa bagay below his belt na nakalapat sa akin. It's growing bigger and bigger and harder and harder.
"Yan ba ang bakla? Woman, you don't have any idea how much it pains me to resist you huh?" Sumbat sa akin ni Kelvin.
"Bakit kailangan mo pang pigilan? Kung totoo kang lalake, bakit mo ko tinanggihan kagabi?"
He pressed me even more. "I wanted you so badly... kung alam mo lang... pero kailangan ko tong pigilan you know why? Kasi gusto ko munang makuha ang puso mo bago ang katawan mo."
Habol niya ang kanyang hininga habang nagsasalita.
Parang maiiyak ako sa mga sinabi niya. Ano daw... gusto muna niyang kunin ang puso ko bago ang katawan ko? Seryoso talaga siya sa akin ganun?
"Pero pano mo ipapaliwanag ang pangongolekta mo ng manika? Ano to, kakaibang hobby lang?"
Lumayo siya sa akin at naupo sa kama bago muling nagsalita. "These are not mine... they are from my sister... Felicity Imperial." Panimula niya.
"Sister? Niloloko mo ba ako? Walang babae sa mga Imperial!"
"Meron, but my family stop making news about her. Her name is Felicity which means happiness but she lived a sorrowful life." Tila naiiyak siya habang nagkukwento.
Nakonsensiya tuloy ako. "Asan na siya ngayon?"
"Nasa langit na." Tipid niyang sagot.
"What happened to her?"
"Siya ang pinaka-bunso sa mga Imperial at only girl ng pamilya. Kaya ibinigay namin sa kanya ang lahat not knowing that she needs more than the material things we could give her.
Dahil mayaman kami at pinag-home-study lang siya ay wala siyang naging kaibigan. Wala siyang ibang nakausap bukod sa mga maids at ang mga dingding sa apat na sulok ng kwartong ito.
Kaya malapit na malapit siya sa kanyang mga manika.
Tuloy ng magkasunog sa mansiyon ay inuna pa niyang sinagip ang mga manikang ito kesa sa sarili niya.
And this Japanese doll right here ang pinaka-huli niyang nasagip. Initsa na lang niya sa binatana para lang makaligtas ito.
Pero hindi niya nailigtas ang sarili niya. Na-trap siya sa loob at walang niisang maids o butler na tumulong sa kanya.
Kami namang mga lalake sa pamilya ay nasa isang importanteng conference sa Amerika ng mga panahong iyon. We are working on a multi-billion-dollar deal kaya kahit alam na ni daddy na patay na ang kapatid namin ay hindi niya yun sinabi sa amin. We won the deal pero nang umuwi naman kami ay bangkay na ang kapatid namin na si Felicity.
Yun ang nasa likod ng pagiging matagumpay ng mga IMPERIAL." May pait sa tono ng pananalita niya habang nagkukwento.
Tumabi ako sa kanya. "I'm sorry... it must be really hard for you..."
"Oo... lalo na at kami ni Felicity ang pinaka-close. Ngayon ay alam mo na marahil ang naging kapalit ng yaman at kapangyarihan namin."
Tumango ako.
Nagpatuloy siya sa pagkukwento. "And then a year after my sister died, ay nakita ko ang kamukhang-kamukha ng Japanese doll ng kapatid ko. I easily got attracted with that human doll kaya inalok ko ang dad niya na gawin siyang collateral."
"A-ako.. yung kamukha nung Japanese doll?" Paniniguro kong tanong sabay turo sa aking sarili.
Tumingin siya sa akin. "Siguro hindi mo ko na-recognize noong una tayong magkita because I was wearing my fencing mask pero ako... kitang-kita kita..."
"You wanted to marry me because I looked like your sister's doll?" Tila hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya.
Tumango naman siya. "Kaya kung talagang gusto mong makawala sa akin, sleeping is not the option."
"Ano?" Tanong ko naman.
"Hanapan mo ang sarili mo ng kapalit. Isang babaeng parang barbie doll din."
Napanganga ako. Yun lang talaga? Magiging malaya na ako mula kay Lord Kelvin basta makahanap lang ako ng ipapalit sa sarili ko?
Mukhang mahirap pero hindi naman imposible ang gusto niyang mangyari.
-----Kelvin Imperial's POV-----
I'm staring at her like it's our last meeting. Alam ko kasi na nag-iisip na siya ngayon ng maipapalit sa kanya dito sa pamamahay ko for her to become free.
Alam kong gustong-gusto na niyang makawala sa akin kaya hindi ko na siya pahihirapan pa... I'm letting her go as soon as may mahanap siyang kapalit niya.
Sa totoo lang ay hindi naman talaga kailangan na may kapalit pero paraan ko lang yun para malaman kung gaano siya ka-desidido na iwan ako. Dahil kapag may ibibigay nga siyang kapalit niya... it just means na kaya niya akong ibigay sa iba... and that she doesn't need me.
Masakit man pero handa kong tanggapin.
#ImperialBrothersLordkelvin