Lord Kelvin : Another Human Doll

1498 Words
  -----Tomoko's POV----- Sa wakas ay nakalaya na rin si daddy mula sa kulungan at nakauwi na rin kami sawakas sa aming bahay. Tinupad naman ni Lord Kelvin ang pangako niya na ibabalik niya sa pangalan namin yung bahay. "Otosan, okay lang ba talaga sayo na maging empleyado na lamang sa dati mong kumpanya?" Talagang nalulungkot ako para kay daddy lalo na at ilang dekada na niyang pinapatakbo ang aming mining corporation. "Para saan ba at magiging akin din ulit iyon iha." Kampanteng turan ni daddy. "Otosan? Pano?" Nalilito kong tanong. "Sa oras na magpakasal ka kay Kelvin Imperial anak ay maibabalik din ulit sa pangalan natin ang kumpanya di ba? Automatic na agad yun!" Nalungkot ako sa mga sinabi ni daddy. "Otosan... Gomennasai (Sorry)... hindi na kasi ako magpapakasal kay Lord Kelvin Imperial." Biglang nagdilim ang anyo ng aking ama. "Ano!?" "Hai (Yes)" "Bumalik ka doon Tomoko at bawiin mo ang mga sinabi mo kung hindi..." "Kung hindi ano daddy?" "Mapipilitan akong palayasin ka sa bahay na ito." Hindi ko inasahan ang mga sinabi ng aking ama. "Pero Otosan!" Tinawag niya ang butler niya at pinakaladkad ako palabas ng bahay ng mag-matigas ako. Ano bang nangyayari? Bakit bigla na lang nag-iba si daddy? Pano niya ako nagawang palayasin dahil lamang sa ayaw kong magpakasal kay Kelvin Imperial? Hindi naman siya ganito dati ah. Sabi pa niya. "Huwag na huwag kang babalik sa pamamahay ko hangga't hindi mo binabawi kay Kelvin ang mga sinabi mo." He really is desperate na ipakasal ako sa halimaw na yun? Napilitan tuloy akong makitira sa pinaka-close ko na kaibigan... si Yoriko isang cosplayer. "Pasensiya ka na Yoriko ha... ikaw lang talaga ang malalapitan ko ngayon eh." Nahihiya kong turan sa aking kaibigan. "Okay lang Tomoko, para namang hindi ka nakikitulog dito sa akin kahit nung may bahay ka pa." Bungisngis niya. "Nahihiya na talaga ako sayo pasensiya..." "Grabe naman yang daddy mo... biruin mo pinalayas ka niya dahil lang sa ayaw mong magpakasal sa Lord Kelvin Imperial na yan?" "Hindi ko nga maintindihan si daddy eh... bigla na lang nagbago ang pakikitungo niya kay Kelvin." "Ikaw naman kasi gurl, bakit naman kasi ayaw mong magpakasal eh Imperial na kaya mismo yung nagtatapat ng pag-ibig sayo! Manhid ka ba? Isa pa wala ka nang nobyong babalikan...  kaya bakit hindi ka na lang magpakasal?" Nagpabalik-balik ako ng lakad at bothered na bothered sa mga nangyayari. "Hindi talaga eh, hindi ko talaga ma-imagine na magpakasal sa kanya." "Eh di wag mong imaginine! Ano ba naman!" Angal ni Yoriko. "Hindi naman ganun kadali yun eh!" Nangingisay kong turan. "Naku! Kung ako lang ang nasa sitwasyon mo at nagtapat ng pag-ibig ang isang Imperial? Naku hindi na talaga ako magdadalawang isip. Kahit nga lang one night stand eh papatulan ko na." "Yoriko!" Saway ko sa aking kaibigan. "Oh eh bakit naman? Anong problema? Kung magpapaka-puta na lang ako eh di dun na sa mga Imperial noh, isang gabi lang yayaman ka na. Alam mo ba yung mga balibalita? Yung mga babaeng hinihiga ni Arthur Imperial ay humihiga din sa pera." Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. "Grabe, ganyan ka na ba ka-desperada Yoriko?" Sumeryoso ang anyo niya. "Hindi naman kasi ako matalino kagaya mo Tomoko at hindi din ako nag-aaral ng mabuti. Baka kung sakaling maihiga ako sa pera ng isang Imperial ay may maipagmamalaki na ako sa pamilya ko. Alam mo namang itong pag-co-cosplay lang talaga ang alam kong gawin eh. Isa pa, kung binibigay ko nga ng libre yung katawan ko sa mga nagiging karelasyon ko bakit hindi ko na lang ibigay sa isang Imperial noh may bayad pa!" Hindi ko alam kung biro yun o totoo talaga yung mga sinasabi niya. "Hay ewan ko sayo basta bukas, gagawin ko nang final ang desisyon ko. Sasabihin ko na kay Kelvin na hindi na talaga ako magpapakasal sa kanya kahit kailan para naman hindi na siya umasa." "Eh pano naman ang ama mo?" Paalala ni Yoriko. "Hayaan mo na, sigurado naman akong hindi din ako matitiis nun. Di magtatagal ay mapapatawad din niya ako." "Pwede mo ba akong isama Tomoko? Gusto kong makapasok sa Imperial palace eh at makita ang itsura ng mga Imperial. Gwapo ba talaga sila sa personal?" Nangingislap ang mga mata ni Yoriko. "Oo naman... pero may pagka-bossy lang talaga ang dating nila kasi mga businessman eh." Sagot ko naman. Kinabukasan ay sinama ko nga si Yoriko sa Imperial Palace. "Tomoko, pwede ba akong makapasok sa ganitong itsura ko? Hassle na kasi kung magbibihis pa ako eh... kailangan kong dumiretso sa cosplay event sa Gold Asia." Tanong ni Yoriko sabay tingin sa costume niyang parang sa Sailormoon. "Okay lang... ang cute mo nga eh para kang anime." She gave me a dumb face. "Anime naman talaga eh! Ba't pa ako mag-cocosplay kung hindi ako mukhang anime di bah?" "Sorry na... binibiro lang kita eh. Mas mukha ka kasing manika sa attire mo." Natatawa kong turan. "Sailor doll kamo." Sabay pa kaming nagtawanan sa sagot niya. Pagdating sa Imperial palace ay dumiretso na kami sa office ni Kelvin. Pagkapasok sa loob ay tila masama na ang timpla ni Lord Kelvin Imperial. Pero kahit mukhang bad mood siya ay pinakilala ko pa rin ang kasama ko. "Kelvin, si Yoriko... sinama ko kasi gusto ka daw niyang makita." Nagkamay naman ang dalawa. "Alam mo Kelvin, kung ayaw kang pakasalan ng kaibigan ko ay pwedeng ako na lang. Hahahaha... JOKE!" Nagpapa-kyut na hirit ni Yoriko. "I don't see it as a joke." Seryosong sabi ni Kelvin. Nagkatinginan kami ni Yoriko dahil sa kaseryosohan ni Kelvin. Ano bang problema ng nilalang na ito ha? Wag lang niyang masigaw-sigawan ang kaibigan ko dahil lagot talaga siya sa akin. Sinuri niya si Yoriko mula ulo hanggang paa. Siguro nagulat siya sa itsura nito kaya pinaliwanag ko na lang sa kanya. "Pasensiya ka na sa itsura niya, isa kasi siyang cosplayer eh." "Pwede na, just leave her here tapos pwede ka nang umalis miss Yamazaki." Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin ng sabihin niya yun at hindi na rin niya ako tinatawag sa first name ko. "Anong ibig mong sabihin Kelvin?" Nakakunot-noo kong tanong. "Oh bakit hindi ka pa umalis? Iwan mo na iyang kapalit mo, pupwede na yan kaya simula ngayon MALAYA ka na!" Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Saka ko naalala ang usapan namin na kailangan kong magbigay ng kapalit sa sarili ko bago niya ako palayain. Nagkataon namang cosplayer si Yoriko at naka-costume. Inakala siguro niya na ito ang ipangpapalit ko? "Kelvin you don't understand! Hindi ko siya sinama dito para-" "I totally understand Tomoko kaya makakaalis ka na." Pangtataboy niya sa akin. Huh? Ganun na lang yun? Hindi man lamang ba niya pakikinggan ang paliwanag ko? Biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi niya. Ni hindi man lang niya ako matingnan ng diretso at umaaktong busy siya sa pag-atupag sa mga papeles niya sa kanyang mesa. Hindi ko napigilang umiyak dahil sa mga sinabi niya kaya nagtatakbo ako palabas ng mansiyon at sumunod naman sa akin si Yoriko. Shit! Ano bang iniisip ko? Pano ko nagawang kalimutan ang tungkol doon sa babaeng ipampapalit ko sa sarili ko? Inakala tuloy ni Kelvin na si Yoriko na yun. Habang tumatakbo ay panay ang pahid ko sa aking mga luha at napakagat ako sa aking labi. Nasa labas na ako ng mansiyon ng maabutan ako ni Yoriko at pinaharap ako sa kanya. "Hindi ko alam na may usapan pala kayong ganun ni Lord Kelvin na dadalhin mo ako doon para maging pamalit mo." "Yoriko hindi... maniwala ka... ayaw kitang ibigay sa Lord Kelvin na yun... kaibigan kita kaya alam kong hindi ka mapapabuti sa kanya." Ngumiti si Yoriko at niyakap ako. "Ano ka ba Tomoko, hindi mo naman kailangang magsinungaling. Kung sinabi mo lang ng maaga ay papayag naman ako eh. Hindi naman ako tatanggi kung hihilingin mo kong maging pamalit na mapapangasawa ni Lord Kelvin." "Pero..." Nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha. "Kung para sayo ay walang kwentang magpakasal sa kanya... for me it's an honor! Kaya okay lang talaga. Handa akong tubusin ka Tomoko mula sa kapalaran mo... para saan pa at naging magkaibigan tayo." Hindi ko alam pero pabor naman sa akin dapat ang nangyari eh pero bakit parang hindi ako masaya na mapunta si Kelvin sa kaibigan ko? Bakit parang ang sakit naman? Hindi naman ito ang gusto kong mangyari ah... -----Kelvin Imperial's POV----- Parang hindi man lang niya pinag-isipan ang lahat. Isang araw lang ang nakalipas mula ng sabihin ko sa kanyang makakalaya siya kapag may mahanap siyang kapalit ay nagdala na agad siya ng isang cosplayer dito. Damn her! Tumitig ako sa malaking portrait ni Tomoko sa aking kwarto at kinausap ito na parang nasa harapan ko lang ang pinakamamahal kong babae. "You really dislike me huh? Agad-agad gusto mo nang kumawala at nagdala ka pa talaga ng cosplayer para lang hindi na ako makatanggi. Then fine... malaya ka na... kung talagang yan ang makakapagpaligaya sayo." #ImperialBrothersLordKelvin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD