------Tomoko's POV------
Nagulat ako ng sumulpot si Lily sa bahay nina Yoriko. Gusto daw kasi akong kausapin ni King Arthur sandali kaya pinasusundo niya ako. Wala naman akong choice kundi ang sumama.
Dinala ako ni Lily sa isang Japanese restaurant at nang dumating na si Arthur ay tumabi muna siya pero nanatili pa ring nasa loob ng kwarto.
"Bakit mo ko gustong makausap King Arthur?"
"Kumain ka muna..." Alok niya.
"Salamat pero busog pa ako."
Bumuntong-hininga muna ang kaharap ko bago nagsalita. "Alam mo naman siguro na mainit ang dugo ko sayo mula nang sabihin mong tinatanggihan mo ang kapatid namin. Pero dahil mahal ka ni Kelvin at hiniling niya sa amin na maging mabait sayo ay pagbibigyan ko siya.
Sa totoo lang ay humahanga din naman ako sayo kahit papano Tomoko kasi hindi ka katulad ng ibang babaeng kilala ko.
Alam mo bang may kwento sa likod ng pagiging casanova ko?"
"Hindi ako interesado sa kwento mo King Arthur." Aalis na sana ako ng pigilan niya ako.
"But still, pakinggan mo pa rin sana..." Hiling ni Arthur.
Umupo ulit ako at handa nang makinig.
"Ni minsan hindi ko naisip noon na magiging isa akong casanova kasi nagmamahal naman ako at loyal sa isang babae. Pero yung babaeng minahal ko ng higit pa sa buhay ko ay isa palang casanova. Nag-iisa lang siya sa puso ko pero sa puso pala niya ay marami kami.
Lumipas ang panahon ay napansin ko na lang na nagiging katulad na din pala ako ng babaeng kinamumuhian ko. Hindi ko napansin na isa na rin akong casanova.
Naniniwala ako na ang isang babaeng pumapatol sa casanova ay casanova din. Sa experience ko ay walang babaeng tumanggi sa akin kaya iniisip ko na lahat sila ay casanova at hindi ko sila maaaring mahalin dahil hindi din naman nila kayang magmahal ng isa.
Sa lahat ng mga babaeng nakasama ko, wala niisa ang tumanggi sa akin.
Kaya humahanga talaga ako sa patuloy mong pagtanggi sa isang Kelvin Imperial. Pinatunayan mo lang na hindi ka basta-basta pumapatol sa mga taong hindi mo mahal.
I wish I could meet a girl like you who would dislike me and maybe, that is the time na maiisip ko na ang babaeng yun ay marunong magmahal ng totoo.
Weird ba masyado ang gusto kong mangyari miss Tomoko?" Bahagya siyang tumawa pero nararamdaman ko pa rin ang kaseryososhan niya sa kanyang mga salita.
Medyo natawa ako sa kwento niya. "You mean to say na gusto mong makakita ng babaeng tatanggihan ka ganun ba?"
"Oo dahil doon ko lang malalaman kung hindi casanova yung babae. Hahaha... pero ang weird kasi matutulad naman ako kay Kelvin na malungkot."
"Ma-malungkot?" Nag-aalala kong tanong.
"Oo... malungkot siya noon at mas lalo siyang naging malungkot ngayon. For six years ay nagpaka-busy siya sa business at hindi naglaan ng oras para sa pag-ibig alam mo kung bakit?"
"Bakit?" Tanong ko naman.
"Kasi he's saving all his love for you. Hindi totoong wala siyang ka-interes-interes sa babae, sadyang may hinihintay lang talaga siya.
Kaya nga mas lalo akong nangangamba eh dahil binigay niya ng buo ang puso niya sayo at hindi siya nagtira para sa sarili niya.
Kaya naman kapag tinanggihan mo siya ay baka masaktan siya ng husto... at di niya mamalayang nagiging casanova na siya.
Kahit isa akong casanova ay ayoko siyang matulad sa akin." Saad ni Arthur.
Napalunok lang ako ng laway sa mga sinabi niya.
"Sana naman Tomoko you would give him a chance to prove to you how much he loves you. Wag mo na sanang tanggihan pa ang alok niyang kasal." Hiling ni King Arthur Imperial.
But I already did. Bago ko pa man siya tanggihan ay ang pagkakataon na ang gumawa nun sa akin. Pero mukhang wala pang alam si Arthur sa totoong estado namin ng kapatid niyang si Kelvin kaya ang sinabi ko na lang ay..."Pag-iisipan ko."
"Sige, pag-isipan mo munang mabuti." Saka ito tumayo at nagpaalam.
Pagkaalis ni King Arthur ay lumapit si Lily sa akin. "Grabe, kahanga-hanga talaga ang pagmamahal ni King Arthur sa kapatid niyang si Lord Kelvin. Wala kasi siyang minamahal ngayon na babae kaya ang lahat ng pagmamahal niya ay para sa pamilya lang talaga.
Kaya naman concern na concern siya sa mga kapatid niya. Batid ko na hindi na niya kailangan pang problemahin si young master Alexander the Great kasi kaya na nito ang sarili niya kaya itong si Lord Kelvin na lamang ang pinoproblema niya dahil alam niyang sa kanilang magkakapatid ito ang may malambot na puso."
Nahilamos ko ang aking kamay. "What have I done? Ayoko namang maging casanova si Kelvin dahil lamang sa hindi ko kayang tapatan ang pagmamahal niya."
Inalo ako ni Lily. "Miss Tomoko... tama na yan..."
Sumama ako kay Lily pabalik ng Imperial Palace para kausapin sana si Lord Kelvin pero...
"Tulog na si Kelvin, nagpahatid siya kanina ng sleeping pills sa kwarto niya kaya mukhang hindi mo siya makakausap ngayon miss Tomoko." Pagbibigay alam ni Lola Adelaida.
"Ganun po ba? Sige po." Yumuko ako sa mayordoma na si Lola Adel.
Pero hindi ako umalis ng mansiyon sa halip ay pumasok ako sa kwarto... namin ni Kelvin. Walang nakakitang pumasok ako doon at kung meron man ay hindi ako natatakot. I have every rights to that room kasi pinagawa yun ni Kelvin para mismo sa akin.
Dumiretso ako sa master's bedroom at nakita ko nga siya na mukhang puyat na puyat. Sabi pa ni lola Adel ay kailangan daw uminom ni Kelvin ng sleeping pills lately para lang makatulog... para hindi niya ako maisip.
Umupo ako sa kama malapit sa kanya at napansin kong may butil ng luha na namuo sa gilid ng kanyang mga mata. Mukhang umiiyak siya bago siya nakatulog.
Sayang... hindi mo to maririnig ngayon dahil tulog ka na... but you know what?
I THINK I LOVE YOU...
Pagkasabi nun ay nagnakaw ako ng halik sa kanya kahit alam kong hindi naman siya tutugon. Pagkatapos akong magsawa sa halik niya ay niyakap ko naman siya at humiga sa tabi niya.
Kahit ilang sandali lang... gusto kong malaman kung anong pakiramdam na matulog sa kama kasama ka at habang yakap-yakap kita.
-----Kelvin Imperial's POV-----
Napakaganda naman ng panaginip ko, hinalikan ako at niyakap ni Tomoko. Sana ganun na lang palagi ang panaginip ko para laging masarap ang gising ko.
Dumiretso ako sa banyo at nanalamin. Magshe-shave na sana ako ng mapansin kong nangingislap ang labi ko. Nang suriin kong mabuti sa salamin ay nagka-glitters ang labi ko? Saan ko naman kaya nakuha ito? Daig ko pa ang nag-lip-gloss sa sobrang kintab ng labi ko.
Bumalik ulit ako sa kama at inamoy-amoy ang kumot... kahit ilang araw na ang nakalipas ay mukhang naiwan pa rin ang amoy ng pabango ni Tomoko sa kama ko.
Damn! I miss that woman so much...
#ImperialBrothersLordKelvin