-----Tomoko's POV----- Umuwi ako sa bahay at inalala ang mga araw na nakilala ko si Lord Kelvin Imperial. Pano ko ba naman makakalimutan yung una naming pagkikita eh ang isang Lord Kelvin Imperial pa talaga ang nang-gate crash sa debut ko and claiming to be my man. Sabi pa niya... "Woman, don't say that to the man you'll going to share your bed with for the rest of your life." Grabe, nakakasindak di ba? Imbis na kiligin ka ay parang mahihintakutan ka pa sa mga salita niya. Lalo na at yun pa lamang ang unang beses na nakita ko siya. Si Kelvin Imperial... isang lalakeng sa pagkakakilala ko ay arrogante at walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa lahat ng tao na isa siyang panginoon na dapat sambahin dahil dala-dala niya ang apelyidong Imperial. Tandang-tanda ko din ang araw na bin