-----Tomoko's POV-----
Nagdatingnan na kinabukasan ang mga pulis at may dala silang warrant of arrest. Wala akong nagawa ng kaladkarin na nila ang ama ko palabas ng mansiyon.
Pinilit kong lumapit kay daddy.
"Otosan! (Dad) Bago ka umalis sabihin mo muna kung paano ko pwedeng makausap si Lord Kelvin."
"Huwag na anak, wala na tayong magagawa... nakuha na ng bangko ang lahat ng ari-arian natin. Ikaw na lang ang natitira kong kayamanan at ayoko namang mawala ka pa."
"Otosan! Please... kailangan ko siyang makausap."
"Kagabi pa lang niya ayaw sagutin ang mga tawag ko kaya kung gusto mo siyang kausapin ay kailangan mo siyang puntahan sa mismong bahay niya."
"Saan dad?"
"Hanapin mo sa log book ko sa aking mesa."
Tumango-tango ako at pinakawalan na ang kamay ng aking ama. Tinanaw ko ang papalayong police car na maghahatid sa kanya papunta sa kulungan.
Pinahid ko ang mga luha ko. "Otosan... pangako... makakalaya ka sa kahit na anong paraan."
Hinanap ko ang bahay ng mga Imperial at tinuro ng address ang isang malaking mansiyon? palasyo? modern house? ancestral? Ano ba to, hindi ko alam kung anong klaseng bahay ito basta malaki!
"Ito ba ang Malacañang Palace?" Bulalas ko sa aking sarili.
Biglang may sumagot sa aking likuran na isang matandang babae at pinagtatawanan niya ako. "Iha, taga-saan ka ba at hindi mo alam kung anong itsura ng Malacañang Palace ha?"
Nang humarap ako sa kanya ay nag-iba ang tono ng pananalita niya... naging seryoso siya.
"Kaya naman pala... mukhang nasanay kang credit card ang palaging dala kaya hindi mo alam kung anong itsura ng Malacañang Palace kasi hindi ka pa nakakapunta doon o nakakahawak ng papel na pera tama?"
Humugot ito sa bulsa niya ng bente pesos at pinakita sa akin ang likuran. "Ito ang Malacañang Palace, at yan namang nasa harapan mo ang... Imperial Palace."
Napatingin ulit ako sa bahay... "Mukhang mas malaki pa nga ito sa Malacañang Palace, hindi ba na-insulto ang presidente?"
Tumawa ang matanda. "Hinde siyempre dahil ang mga Imperial family ang pinaka-malaking contributor ng buwis sa ating bansa."
"Ahmmm... mawalang galang na po... sino po kayo lola?"
"Naku pasensiya ka na, nakalimutan kong magpakilala... ako nga pala si Adelaida... tawagin mo na lang akong lola Adel, ako ang yaya ng magkakapatid na Imperial."
Ang tanda-tanda na nila tapos may yaya pa rin sila? Natawa ako sa narinig ko.
"Halika miss Tomoko, sumunod ka na sa akin sa loob."
Sumunod naman ako sa kanya at saka ko lang napansin na tinawag niya ako sa pangalan ko. Itatanong ko sana sa matanda kung pano niya yun nalaman ng biglang nagyukuan ang mga nakalinyang mga maids at butler at binati ako ng...
"Magandang araw Miss Tomoko..." Koro nila.
"Kilala din nila ako?" Laking-gulat ko.
Biglang umalis sa hanay ang isang maid na halos kasing-edad ko lang at agad nagpakilala. "Hello po miss Tomoko, ako po si Lily ang inyong magiging personal maid."
Napamaang ako, teka kakatungtong ko lang sa bahay na ito tapos may personal maid na agad ako?
"Sige na Lily, baka napagod na ang senyorita mo kaya pagpahingahin mo na muna siya sa kanyang kwarto." Utos ng matandang mayordoma.
"Opo, mayora..." Hinatak na ako ng maid patungo sa sinasabi niyang silid ko.
"Napakalaki ng bahay, siguradong malilito ako sa paghahanap sa daan palabas." Bulalas ko.
"Masanay ka na senyorita, ganito talaga dito sa Imperial Palace."
Huminto kami sa isang kwarto at nang buksan niya yun ay nagulat ako sa laman.
"Kwarto ko to ah!" Nakakamangha, nag-teleport ba ako sa sarili kong kwarto?
"Nagulat ka ba miss Tomoko? Talagang pinakopya ni young master ang kwarto mo para maging kumportable ka."
Umangal ako sa mga sinabi niya. "Kumportable? Pano ako magiging kumportable eh kinikilabutan nga ako eh! Kasi parehong-pareho talaga ito sa itsura ng kwarto ko at kayong lahat, hindi ko pa man kayo nakikilala ay kilala nyo na ako. Pano nangyari yon?"
"Kasi madam, 6 years ago ka na naming inaasahang dumating dito sa mansiyon." Pagbibigay alam ni Lily.
"Pano nyo naman nasiguro na ako yong inaasahan niyo Lily?"
Hinila niya ulit ako sa adjoining room nung kwarto at nagulat na naman ako sa nakita ko. Isang napakalaking portrait ko na nakasabit sa dingding at tila buhay na buhay iyon.
Tinuro ni Lily ang malaking larawan sa loob ng master's bedroom. "Dahil diyan, kapag naglilinis kami dito ay palagi namin iyang nakikita kaya alam naming ikaw na nga ang hinihintay ng napakatagal ng aming young master na si Lord Kelvin."
Hindi maipagkakaila... ako nga ang nasa-portrait.
"Ang chismis nga ay kinuha pa ni young master ang pinaka-magaling na pintor sa France para lang magawa ang portrait na yan madam."
Bakit? Bakit niya kailangang gawin ang lahat ng ito?
"Ahmmm... Lily, I'm sorry kung hinintay nyo pa ako ng kay tagal. Pero ang totoo kasi ay hindi ako nagpunta dito para dito na manirahan, kundi para lang kausapin si Kelvin."
"Ganun po ba madam? Pero hindi pa po dumadating si young master Kelvin, baka gusto nyo pong hintayin na lang muna siya dito... tatawagin ko na lang po kayo kapag dumating na siya."
"H-hindi... ayoko... ayokong maghintay dito kasi kinikilabutan akong tumingin sa malaking portarit ko. Sa labas na lang ako maghihintay." Natataranta kong sabi.
"Sige po madam, kayo po ang bahala..." May lungkot sa tono nung maid.
Mukhang dissapointed talaga siya sa mga sinabi ko. Anong magagawa ko eh, nandun lang talaga ako upang kausapin si Kelvin.
Patingin-tingin ako sa loob ng bahay at namangha talaga ako. Kung sa laki ng bahay namin ay nasabi ko nang mayamang-mayaman na kami ay ano pa kaya kung sa mansiyong ito ako nakatira? Mayamang-mayamang-mayamang-mayaman na siguro ang pakiramdam ko sa sarili ko.
"Madam, ayaw mo bang pakasalan ang aming young master?" Biglang tanong ni Lily ng makaupo na kami sa sofa.
"Lily, pano ko pakakasalan ang isang lalakeng ang alam ko lang ay full name niya?"
"Hindi problema yan madam, kung gusto mo ay sasabihin ko sayo lahat ng nalalaman ko tungkol kay Lord Kelvin, 24 years old na po siya, 6 feet tall tapos yung timbang niya ay... ano nga ba yun?"
Parang matatawa ako sa kausap ko kase talagang trying hard siya na ireto ang amo niya sa akin.
"Lily, tama na nga yan. Hindi naman yan ang ibig kong sabihin eh. Ang ibig kong sabihin ay hindi ko pa siya kilala ng lubusan. Wala akong alam sa mga hilig niya o sa kung anong ugali niya."
"Naku madam, alam mo bang sa magkakapatid yan na yata si Lord Kelvin ang pinakamabait!"
"Pinaka-mabait? Baka lesser evil lang?" Pagtatama ko.
"Siguro nga po, masasabi nyo na nakakatakot ang aura ni Lord Kelvin kasi seryoso ang mukha niya at hindi siya pala-tawa o pala-biro gaya ng kapatid niyang si King Arthur pero mabait talaga siya miss Tomoko.
Kung iisipin ay mas okay na lang ang ugali niya kung ikukumpara sa hot-blooded na si Alexander the Great at sa smiling devil na si King Arthur. Di hamak na mas mahinahon si Lord Kelvin."
"Mas mahinahon? Mas nakakatakot kamo kasi nasa-loob ang kulo."
"Alam mo ba miss Tomoko, yung mayordoma na si Lola Adelaida eh hindi naman niya kadugo pero mahal na mahal niya.
Si Lola ang tagapangalaga ng tatlong magkakapatid na Imperial at si Lord Kelvin ang panghuli niyang inalagaan. Kahit hindi na kaya ni lola Adel ang magtrabaho ng mabibigat na bagay ay hindi pa rin siya pinaalis ni Lord Kelvin.
Nanatili siyang mayordoma at tumatanggap ng sweldo kahit ang gawain na lang niya dito ay ang magbilang ng araw na lilipas." Kwento ni Lily.
"Okay sige, mabait na siya kung mabait. Pero hindi pa rin sapat yun na dahilan upang magkagusto ako agad-agad sa kanya. Lalo na at may boyfriend ako na Nico ang pangalan at kahit hindi man siya kasing-yaman ng amo mo ay mahal na mahal naman niya ako."
"Pero madam, sigurado akong mas mahal ka ng amo kong si Lord Kelvin! Isa pa, may mas gugwapo pa ba sa kanya?"
"Lily! Tama na yan! Baka isipin pa niyang kasali sa binabayad ko sayo ang i-build-up ako sa kanya." Biglang sabi ng lalakeng sumulpot mula sa aking likuran.
Napatingin ako sa gawi ng nagsasalita. Kanina pa kaya siya diyan?
Agad tumayo sa kinauupuan niya si Lily at yumuko sa kanyang amo. "Sorry po young master."
"Ilang beses ko na bang sinabi sayo na wag mo kong pag-chismisan ha? Kaya ako nagkadapa-dapa habang naglalakad kanina eh tapos yung dila ko palagi kong nakakagat!" Parang bata siya kung magreklamo.
Ang tanda na niya sa edad na 24 tapos naniniwala pa siya sa ganung mga sabi-sabi? Tsk!
"Sorry po ulit young master!"
"Sige iwanan mo na muna kami." Pag-didismiss niya sa maid.
Ako naman ang binalingan niya at naupo siya sa harapan ko. Hindi ako nagsalita kaya hindi din siya nagsalita at basta na lamang nakatitig sa mukha ko.
Na-conscious tuloy ako at napilitang ibuka ang aking bibig.
"Ano ba, hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit ako nandito Lord Kelvin?"
"Bakit ka nandito?" Masunurin naman niyang tinanong.
"Narito ako para sa daddy ko."
Tumango-tango lang ito.
"Ano, hindi mo ba ako tatanungin kung anong plano ko?" Naiinip kong tanong.
"Anong plano mo?" Pag-uulit niya sa tanong.
Doon na ako nainis. "Ano ba! Ako na lang ba palagi ang mag-iisip ng tanong mo para sa akin ha?"
"I'm sorry Tomoko, kapag nakikita kasi kita... I ran out of words."
Nanlaki ang mga mata ko sa pagpapahayag niya ng damdamin. Totoo ba ito? Ang isang Lord Kelvin Imperial ay natatameme sa akin?
#ImperialBrothersLordKelvin