Lord Kelvin : Bribery with a Twist

2039 Words
  -----Tomoko's POV----- "Dapat mong tandaan, ikaw ang may kailangan sa akin kaya kung ako sayo ay maki-ayon ka na lang." Payo ng aking kaharap na si Lord Kelvin. Naiiyak na naman ako dahil sa pagiging dominante niya. "Oh sige, ako na lang ang magtatanong. Anong kailangan kong gawin para palayain mo sa kulungan ang aking ama?" "Dalawa lang naman ang kailangan mong gawin Tomoko, stay here and be my wife. Stay here para palayain ko ang iyong ama and be my wife para maibalik sa inyo lahat ng  ari-arian nyo." Saglit akong nag-isip. "Sige, I will stay here if you like but sorry I cannot be your wife." Tumigas ang anyo ni Lord Kelvin. "Why?" "Dahil may nobyo ako at nagmamahalan kami." Lumipat siya sa upuan malapit sa tabi ko at muling nanindak. "Hindi mo ba ako narinig noon? Wala ka nang nobyo!" Pinagtaasan niya ako ng boses kaya gumaya na rin ako. "Sino ka para sabihin iyan ha? Hindi ka Diyos! Oo nga at ikaw si Lord Kelvin pero tao ka lang! Mayaman ka nga pero kailanman hindi mo mabibili ang pag-ibig!" Bigla niya akong hinawakan sa batok at hinatak palapit sa mukha niya. "Kung gugustuhin ko ay kaya ko! Kaya wag mo kong hamunin Tomoko Yamazaki." "Hindi... hindi mo kayang gawin yun Kelvin." Pinagdidiinan ko. Nag tiim-bagang ang kaharap ko at tila nagdilim ang kanyang anyo. Kinuha niya ang phone niya sa bulsa at nag-dial ng numero. "Oo... gusto kong papuntahin mo dito si Nico ng Emerald Hotel. Oo... sabihin mo na bilisan niya kung ayaw niyang mawalan ng matutulugan." Nanlaki ang mata ko. "Anong binabalak mo? Bakit mo pinapupunta dito ang boyfriend ko ha? Sumagot ka! Anong gagawin mo sa kanya?" Nag-aalala kong tanong. Tumayo lang siya at hindi ako sinagot. "Stay here kung gusto mong malaman kung pano ko bilhin ang pag-ibig mo." Napatanga lang ako sa sinabi niya. Gagawin niya talaga yon? Bibilhin niya ang pag-ibig ko? Bakit kailangan pang nandun si Nico? Tinawag niya ang maid na si Lily at nagkukumahog naman itong lumapit sa amo niya. "Bakit po young master?" "Samahan mo sila sa office ko kapag dumating na si Nico ng Emerald Hotel." Utos niya sa maid na si Lily. "O-opo Lord Kelvin." Nang mawala na si Kelvin sa aming paningin ay agad nang lumapit si Lily sa akin. "Miss Tomoko, anong nangyari? Bakit ganun na lang ang pagbabago ng mood ni young master? Kanina lang ay masayang-masaya pa siya nang dumating ah. Alam mo bang ito ang unang beses na umuwi siya ng ganito kaaga? Mukhang sabik na sabik talaga siyang makita ka.... nag-away ba kayo?" "Lily, ano bang pwede niyang gawin sa boyfriend ko na si Nico?" Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kalamnan ko. "Miss Tomoko wag ka nang umiyak... ganun lang talaga ang amo ko nakakatakot pero hindi naman talaga siya masamang tao." "Kung talagang hindi siya masamang tao Lily ay hahayaan niya kami ni Nico na maging masaya." Namamaos na ang boses ko sa kaiiyak. Ilang sandali pa ay dumating na ang boyfriend kong si Nico at nagyakapan kami. Naghiwalay kami nang sumulpot bigla si Lily sa harapan namin. "Miss Tomoko, sir Nico... sumunod na po kayo sa akin." "Saan tayo pupunta?" Tanong ni Nico. "Sa office po ni sir." Sagot ng maid na si Lily. Nagsimula nang magtambol ang puso ko habang binubuksan ni Lily ang kulungan ng tigre. Ng makapasok na kami sa loob ay napansin kong tumingin si Kelvin sa magkahawak naming kamay ni Nico pero hinayaan ko lang siyang makita yun nang malaman niyang wala siyang kapag-a-pag-asa sa  akin kahit pa sabihing isa siyang Imperial... mayaman... at makapangyarihan. "Naibalik ko na sayo nung debut ni Tomoko ang favor na hiningi mo sa akin noon. Kaya sana naman hayaan mo na kami sa relasyon namin this time." Matapang na sabi ni Nico sabay hatak sa akin palapit pa lalo sa katawan niya. Mukhang pinagpawisan si Kelvin kahit aircon naman ang office niya dahil binuksan niya ang unang butones ng suite niya at niluwagan ang tali ng neck-tie niya bago nagsalita. "Tatanungin kita Nico, gaano mo kamahal si Tomoko?" Malamig ang boses ni Kelvin nang mag-tanong siya. "This much!" Bigla akong hinatak ni Nico at siniil ng halik. Matapos ang nakakayanig na halik ay agad kong tiningnan ang mukha ni Lord Kelvin kung may pagbabago ba sa reaksiyon niya pero hindi naman pala siya nakatingin sa amin. Pero kahit nasa ibang direksyon ang paningin niya ay nababasa ko sa mga mata niya ang magkahalong lungkot at galit. Muli ay nagsalita ang panginoong Kelvin. "Ako kasi... I love her this much." Bigla siyang kumuha ng tseke at pinirmahan yun bago inabot sa boyfriend kong si Nico. "Ano to?" Naguguluhang tanong ni Nico. "Hindi mo alam iyan? Blank cheque yan. Hindi mo alam kung anong blank cheque?" Nangungutya ang anyo ni Kelvin. "Hindi ako bobo, alam kong blank cheque ito, pero para saan ito?" Tila napipikon na ang boyfriend kong si Nico. "Blank cheque yan na may pirma ko kaya ibig sabihin, pwede mong ilagay diyan ang kahit anong halaga na maibigan mo." "Ano? KAHIT ANONG HALAGA?" Pareho kaming nagulat ng aking nobyo. "Oo... KAHIT ILANG BILYON... gamit yan ay pwede mong i-withdraw lahat ng pera ko sa bangko. Pero siyempre may kapalit." "Si Tomoko?" Tanong ni Nico. "BINGO! Kung tatanggapin mo yan, kailangan mong ibigay sa akin si Tomoko Yamazaki." Pinaypay-paypay ni Nico ang tseke. "Hindi ko akalaing ganito pala kalaking halaga ang katumbas ng girlfriend ko ah." "Kulang pa nga yan eh, kasi para sa akin si Tomoko ay priceless..." Saad ni Lord Kelvin. Kung sa ibang sitwasyon lang siguro niya binanggit ang mga katagang iyon ay baka namatay na ako sa kilig pero hindi sa pagkakataong ganito. Napatingin ako sa boyfriend ko. "Ibalik mo na yan babe, ang mga bagay na ganyan ay hindi na pinag-iisipan. Wag kang magpadala sa kanya... can't you see he's bribing you para magkahiwalay tayo." Tumayo si Lord Kelvin mula sa desk niya saka lumapit kay Nico at parang konsensiya na nagsasalita sa gilid nito. "Suriin mong mabuti Nico, totoong tseke yan at hindi ako nagbibiro. Kaya kong isuko lahat maging akin lang si Tomoko. Isipin mo na lang... mamumuhay ka na parang isang Imperial, titira sa Imperial Palace at makukuha mo na lahat ng babaeng gugustuhin mong makuha, kahit ilang babae pa yan." "Tumigil ka! Stop bribing him Kelvin!" Nakakainis siya, naturingang Lord Kelvin pero daig pa ang demonyo kung makapangumbinsi ng tao. Iniimpluwensiyahan niya ang isip ng nobyo ko para ipagpalit ako sa pera. "Lahat Nico... lahat ng maibigan mo makukuha mo..." Paulit-ulit niyang sinasabi. "Kukunin ko na." Parang hindi man lang nagdalawang-isip ang boyfriend ko. Napamaang ako sa sagot ng boyfriend ko. "Ano? Itatapon mo lahat ng napagsamahan natin para sa tseke na yan?" "Ang totoo ay mahal kita Tomoko, pero sorry ka na lang... kase mas mahal ko pa rin ang pera." Sabi ni Nico sabay halik sa tseke. "Hayup ka! Walang hiya!" Sa sobrang dissapointment ko ay sinuntok-suntok ko siya. Inagaw ko ang tseke sa kanya. "Dahil dito ay iiwan mo ko? You fool!? Lumabas din ang totoo mong kulay hayup ka!" Kinulamos ko ang tseke kaya nainis si Nico sa akin. "Ang tseke! Ang tseke ko!? Anong ginawa mo sa tseke ko?" Binawi niya sa kamay ko ang tseke at sasampalin na sana niya ako buti na lamang at mabilis ang kamay ni Kelvin at naunahan niya ito ng suntok. TSUG! Tumba ang boyfriend ko sa sahig. Tinapakan siya sa dibdib ni Lord Kelvin upang hindi na makatayo at binantaan. "Subukan mong ilapat ni dulo ng daliri mo sa mukha ni Tomoko at makikita mo kung pano ako magalit emerald boy!" Sinipa niya ito at nagpagulong-gulong ito sa sahig at nagkukumahog na makalabas ng kwarto upang makalayo sa mansiyon. Sapo ko ang aking bibig ng mawala na si Nico at parang bumibigat ang loob ko. Napaupo ako sa sahig sa sobrang panghihina. Grabe! Naniniwala na akong Diyos nga siya... in a snap ay nagawa niya kaming paghiwalayin ng boyfriend kong si Nico... ang boyfriend ko for three years. Akalain mo yun, nagawa niya kaming paghiwalayin gamit lang ang bribery? Ibang klase talaga siyang mag-isip, isa nga siyang Imperial... Lumuhod siya ng isang paa lang para makapantay ako and then he wiped my lips... ang labi kong hinalikan kanina ni  Nico. "Savour that last kiss kasi hindi ko na yun hahayaan pang maulit." He said in a very calm voice. "Dinemonyo mo siya kaya mas pinili niya ang pera kesa sa akin. You bribe him! You bribe him!" Nagsisigaw na ako sa sobrang inis. Pero nanatiling nasa composure ang kaharap ko. "No my darling.... I did not bribe him... I'm bribing you instead." "Anong ibig mong sabihin?" Hinging paliwanag ko. "Hindi mo ba napansin? Nagbago na ang pagtingin mo para sa nobyo mo dahil mas pinili niya ang pera. That's what you call bribery with a twist..." Tama, hindi man halata pero ang pagtingin ko towards my boyfriend ang talagang gusto niyang baguhin. He wanted me to lose my love for my boyfriend. Muli ay nagpamalas na naman siya ng kakaibang galing sa pag-iisip, siya na nga ang tinaguriang Lord Kelvin ng Imperial Family. Gaya nga siya ng mga naririnig ko sa mga balita. Tiningnan ko siya ng matalim. "Ang sama mo! Ang sama-sama mo! Sigurado akong wala ka naman talagang balak ibigay yung tseke sa kanya di bah?" "Totoong tseke yun Tomoko, pero ang kaso... wala naman siyang mawi-withdraw sa bangko kasi wala namang pera ang mga Imperial na nakalagay sa bangko. Lahat ng pera namin ay nasa mga safety vaults at wala sa bangko. Kaya wala din siyang makukuha." "Sabi ko na nga ba... hindi ako naniniwalang basta-basta na lamang isusuko ng isang Lord Kelvin Imperial lahat ng kayamanan niya para sa akin. Wais ka ngang talaga." Tiningnan ko siya ng matalim. "Siyempre hindi ko pwedeng ibigay sa kanya ang perang hindi lang naman ako ang naghirap kundi  pati ang mga kapatid ko at ano na lang ang ipapakain ko sayo kapag wala na akong pera? Alam mo namang hindi kita pwedeng gutumin." Dapat ba akong ma-flatter sa mga pinagsasabi niya? O mas lalo lang akong dapat magalit sa kanya. Muli siyang nagyabang sa harapan ko. "Ganito lang talaga kami mag-isip na mga Imperial, kaya hindi na nakapagtataka kung bakit kami kilala sa larangan ng pagnenegosyo, kasi hindi lang kami marunong sumugal... marunong din kaming mag-laro. Kaya masanay ka na... " "Ganito kayo mag-laro?  Sumusugal kahit wala naman palang perang involve? Alam mo kung anong tawag dun? PANLOLOKO! At isa nga ako sa naloko at napag-laruan mo. Hindi naman ako ipagpapalit ng nobyo ko sa pera eh kung hindi mo siya inalok ng ganun kalaking halaga!" "Malaki man o maliit na halaga matuwa ka na lang Tomoko kasi nalaman mo ng maaga kung gaano kawalang kwenta ang sinasabi mong nobyo. Kung para sa kanya ay wala kang katumbas na halaga, sana  ay hindi niya tinanggap ang tseke." "At dahil sa ginawa mo, sa tingin mo ay nagbago na ang tingin ko sayo? Sa tingin mo ay para ka nang super hero sa paningin ko? Hindi! Mas lalo lang kitang kinasusuklaman Kelvin Imperial!" Sigaw ko sa pagmumukha niya. ------Kelvin Imperial's POV----- Matapos niyang sabihing nasusuklam siya sa akin ay nagtatakbo siya palabas ng kwarto. Wala akong ibang nagawa kundi ang tingnan lang ang papalayo niyang imahe. Umupo ako sa sahig at sumanday sa nakasara na ngayong pinto. Nagmuni-muni ako sa mga naganap na komprontasiyon namin ni Tomoko. Hindi ko siya masisisi kung kamuhian niya ako dahil kahit hindi niya ako mahal ay pinagpipilitan ko pa rin ang sarili ko sa kanya. Kung mamimili lang kase siya ng matinong lalake eh  handa naman sana akong palayain siya. Anong magagawa ko? Eh hindi talaga siya marunong pumili ng lalake. For six years na sinubaybayan ko siya, lahat ng lalakeng umaaligid at nanligaw sa kanya ay wala akong nakitang karapat-dapat para sa kanya lalo na yung Nico na yun. Masisisi ba niya ako kung napakataas ng tingin ko sa sarili ko at pakiramdam ko ay ako lang talaga ang lalakeng nababagay sa kanya? Kung makakahanap lang talaga siya ng lalakeng sasang-ayunan ko... I promise... kahit gaano ko siya kamahal ay handa ko siyang palayain. #ImperialBrothersLordKelvin            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD