Lord Kelvin : His Human Collateral - Tomoko Yamazaki

1543 Words
-----Tomoko's POV----- 18th birthday ko na. Pero hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit for 18 years ay ni-minsan hindi ko naranasang umiyak. Oo nga at umiiyak ako pero lahat ng iyon ay tears of joy. Hindi dahil sa matapang akong babae kaya hindi ako umiiyak kundi dahil wala lang talaga akong mahanap na dahilan para umiyak dahil ni minsan wala pang nagpasama sa loob ko. Kahit nga ng mamatay ang mama ko sa sakit na cancer ay masaya pa rin ako kasi hindi siya naghirap katulad ng ibang may sakit na cancer. Alam mo kung bakit? Kasi mayaman kami... mayamang mayaman kami. Kaya marahil walang bagay na nagpapasama ng loob ko kasi lahat ng bagay na gustuhin ko ay nakukuha ko. "Miss Tomoko, tawag ka na ng daddy mo. Magsisimula na daw ang debut mo sa baba." Tawag sa akin ng personal yaya ko na si Mae. "Sige yaya Mae, susunod na po ako." Pagkababa ko ay nakaabang na sa akin lahat ng mga bisita. Nakamaang sila sa ganda ko. Hindi ko sila masisisi, unique talaga ang beauty ko kasi half pinay at half Japanese ako. Nagmana ako sa papa ko at malakas ang dugo ng mga Yamazaki kaya mas nangibabaw ang pagiging Japanese ko. Hindi ko na pinangko ang buhok ko at hinayaan ko na lamang iyon na nakalugay kasi yun ang gusto sa akin ng halos lahat ng mga friends ko. Kasi daw kapag nakalugay ako ay nagmumukha akong Japanese doll dahil sa mala-porselana kong kutis na nagrereflect sa straight long shiny black hair ko. Ni hindi ko na nga kinailangan pang kulayan ang labi ko dahil natural na ang pagkapula. Habang pababa sa hagdan ay sinalubong ako ni papa ng papuri. "Anata wa utsukushiidesu (you are beautiful)" Yumuko ako ng bahagya bilang pag-galang sa ama. "Otosan arigatogozaimashita(thank you dad)" Perfect na sana ang gabi ko nang mag-18th dance na at isinayaw na ako ni daddy. Si dad nga ang naging 2nd to the last dance ko at nang ibibigay na niya ang kamay ko sa aking nobyo na si Nico para makumpleto ang aking 18th roses ay ibang kamay ang tumanggap sa kamay ko. Nagulat ako sa pagsulpot ng isang estrangherong lalake. Tumingin ako sa nobyo ko at naghihintay na ipagtanggol ako pero tila na-estatwa siya sa kaharap. Para siyang nakakita ng multo at takot na takot na naglakad palayo. Kaya naiwan ako sa gitna ng dance floor kasama ang di ko kilalang lalake. "Sino ka?" Tanong ko sa kanya. Bigla akong hinatak ng matangkad at gwapong lalake palapit sa katawan niya at isinayaw ako. Ikinagulat ko ang pangyayari pero sumunod pa rin ako sa indayog niya. "Sino ka ba? At anong karapatan mong agawan ang boyfriend ko ng chance na maisayaw ako?" Tantiya ko ay nasa 30's pababa na ito base na rin sa paraan ng pagdadala nito ng suit. He seems like a businessman pero I must say na sa gwapo ng itsura niya, kung hindi siya maka formal attire ay mapagkakamalan pa siyang nasa 20's pababa. "Sinong boyfriend ang tinutukoy mo, yung si Nico? I believe hindi mo na siya boyfriend ngayon." Pahayag ng estrangherong lalake sabay tingin sa direksyon na dinaanan ng boyfriend ko. "A-ano?" Bibitaw na sana ako sa lalakeng kasayaw ko nang mas lalo niya akong hinatak palapit sa katawan niya. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang magpanggap na kilala siya kasi baka magkagulo pa ang mga bisita ko at masira na ng tuluyan ang party ko. Ngumiti ako sa mga bisita at muli ay kinausap ang lalakeng kasayaw ko.  "Anong nangyayari? Bakit ganun na lang ang takot ng boyfriend ko nung lumapit ka? Sino ka bang talaga?" Sa wakas ay  sinagot na niya ako. "Hindi mo ko kilala? Ako lang naman si Kelvin Imperial, you can call me 'Lord Kelvin'" Napamaang ako at napahinto sa pagasayaw. "I-ikaw ang isa sa mga Imperial Brothers? Ang magkakapatid na kilala sa larangan ng Business?" "Wag mo naman akong masyadong puriin... Miss Tomoko Yamazaki." He said in a husky voice. "Kilala mo ko?" Napaturo ako sa sarili ko. "Oo, mula ulo hanggang paa. Na-flatter ka ba?" He dashingly smiled. Hindi na ako nakapagpigil at uminit na ang ulo ko sa ka-arogantehan niya kaya kiber ko na ang nanonood kong bisita basta na lang akong nagtatalak.  "Tumigil ka! Gusto kong malaman kung anong ginagawa ng isang Lord Kelvin sa pamamahay namin. Sinong nagpapasok sayo at nag-imbita sa debut ko?" "Inuulit ko, ako si Lord Kelvin at hindi ko kailangan ng invitation para makapasok." Umaarteng cool pa rin ang kaharap ko. "Tsk! O nga naman, LORD ka nga pala. Ngayon LORD mawalang galang na po... makakaalis ka na po sa bahay ko because you are not welcome here." Hinapit niya ako palapit lalo sa mukha niya at nagsalita. "Don't say that to the man, you'll going to share your bed with for the rest of your life." Ano daw? Matagal nag-process sa utak ko ang sinabi niya at nang sa wakas ay naintindihan ko ang mga salita niya ay naitulak ko siya palayo. Saka naman lumapit ang daddy ko. "Kelvin! Stop harrassing my daughter. Please just go, wag kang gumawa ng eksena dito please. This is not the right time para singilin ako sa utang ko." Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina daddy at sa estrangherong lalakeng ang pangalan ay 'Lord Kelvin. "Hoy tanda! Alam mo namang lumagpas ka na sa kota. Six years ago pa kitang pinagbibigyan alam mo yan." Arogante na nga, napaka-walang modo pa niya! Tawagin ba namang 'tanda' ang ama ko? Konting-konti na lang makakalmot ko na talaga siya sa mukha. Hindi talaga ako manghihinayang na gasgasan ang gwapo niyang mukha. "Oo alam ko yan! Alam kong naghintay ka ng 6 years para lang dito kaya ano pa ba ang isang araw pa para ipagpaliban ang lahat ng ito. Please wag mo siyang biglain... nakikiusap ako." Sabi ng aking ama. Tumingin sa akin si Kelvin at nagbanta. "Woman, tandaan mo ang mga sinabi ko sayo." Nang sa wakas ay nakaalis na si Kelvin ay binalingan ni daddy ang mga guest. "Sorry for the inconvenience... ipagpatuloy na natin ang party." Pagkatapos niyang sabihin yun ay hinatak niya ako pabalik sa kwarto at doon kami nag-usap ng pribado. "Tell me what excactly is happening dad?" Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari. "Anak I'm sorry..." "What? You're sorry for what?" "We wanted your life to be perfect kaya itinago namin ng mommy mo ang hirap ng pinagdaanan niya sa sakit niya. Nagpabalik-balik kami sa states hindi para magbakasyon kundi para makapag-chemo ang mommy mo." "And?" "Naibenta ko halos lahat ng shares ko sa kumpanya para maipagamot ang mommy mo iha." "And what else daddy?" Naiinip kong tanong. "Napabayaan ko ang kumpanya lalo na ng mamatay na ang mommy mo..." "Bakit hindi ko naramdaman na naghihirap tayo dad?" May hinanakit sa puso ko. "Dahil lumapit ako sa mga Imperial at ni-reffer nila ako kay Kelvin... ang tagasagip ng mga naluluging kumpanya." "Kung ganon kaya siya nandito kanina para singilin tayo sa pinautang nila sa atin?" Umiling si daddy. "Hindi anak... hindi siya nandito para singilin tayo sa mga pinautang nila kundi upang kunin ang... collateral." "Who... me?" Hindi ko napansin pero tumulo na pala ang mga luha ko. Hindi naman ako dumb para hindi ma-gets ang mga sinasabi ni daddy eh. Pero masakit lang talaga lalo na ng kinumpirma niya ang lahat ng hinala ko. "I'm sorry anak kung ginawa kitang collateral... 6 years ago." Nakayukong sabi ni daddy. "Kung tutuusin ay noon ka pa niya dapat kinuha sa akin pero ang bata bata mo pa noon kaya hiniling ko sa kanya na bigyan ka pa ng konting panahon." Dagdag pa niya. Napamaang ako sa mga sinabi ni daddy. "At ngayon nga na 18 na ako ay kukunin na niya ako? Anong gagawin niya sa akin daddy?" Nag-aalala kong tanong. "I really don't know anak... maaari ka niyang pakasalan.... gawing alipin or worst... gawing koleksiyon. I'm sorry iha... I'm really... really sorry. Nahihiya talaga ako sa mga nagawa ko. Pero anak, hindi mo naman kailangang sundin ang gusto niya eh. Kung ayaw mo sa kanya ay hindi naman kita ibibigay." "At anong kapalit dad? Makukulong ka naman?" "Mas gugustuhin ko na lang yun kesa makita kang nahihirapan sa piling ng isang Lord Kelvin." ******* Agad akong nag-research tungkol sa Imperial Brothers. Ang panganay sa magkakapatid, si Alexander na kilalang Alexander the Great ang may hawak ng lahat ng mga negosyo ng kanilang pamilya sa labas ng bansa. Ang ikalawa sa magkakapatid naman ay si Arthur, kilala bilang King Arthur sa larangan ng business at hawak niya ang mga negosyo nila sa loob ng bansa. At ang panghuli naman ay si Kelvin... ang Lord Kelvin ng mga businessman, siya naman ang taga-tubos ng mga naluluging kumpanya. Ayon sa mga ulat, walang hindi napagkakasunduan ang magkakapatid kahit sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng ugali dahil ang isa ay isang casanova at ang isa naman ay loyal sa pag-ibig habang ang pangatlo naman ay walang ka-interes-interes sa pag-ibig. Napatingin ako ng mabuti sa pangalang 'Lord' Kelvin Imperial. Sino ka kaya sa mga yun Kelvin? Yung casanova? Yung Faithful? o Yung walang interes sa love? Haaay... wag lang sana yung nauna kase wala talaga sa iyong itsura. #ImperialBrothersLordKelvin                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD