“Para sa isang malaking mama na katulad mo, it’s very unlikely na mahilig kang sumakay sa mga ganito,” Nanunuyang puna nito sa akin. Mula sa pagtanaw sa ibabang bahagi ng Ferry’s Wheel kung saan kita mo ang mga naglalakad na tao ay napabaling ako sa kanya only to see that she was suppressing that mocking smile on her face.
“Basag trip ka din eh noh?” Kunot noo kong sagot sa kanya at sumandal sa upuan.
“What? Totoo naman eh. Hindi ako magtataka kung extreme rides ang sasakyan natin. But a Ferry’s wheel? Tss!” Muli pang pang-aasar nito.
“Why not? Nakakarelax kaya ang sumakay dito,” Kibit balikat ko.
“Eh bakit nga dito mo ako dinala?” Katulad ko ay prente rin siyang sumandal sa upuan ng cab. Nasa bandang itaas na kami ng ride kaya kit ana naming ang buong paligid.
“Tuwing nalulungkot ako, o kaya naman naiingayan na ‘ko sa paligid ko, pumupunta ako dito,” Mula sa nakakalokong ngiti ay nagsimulang maging seryosong nakikinig ang mukha niya.
“Tingnan mo yung mga ‘yon,” Ani ko sabay turo sa mga tao at mga bagay na makikita sa kalsada sa ibaba namin.
“Kapag feeling mo, ang laki laki na ng mga problema mo, kapag feeling mo ang bigat-bigat na, sumakay ka dito. Tapos tumingin ka sa baba. Di’ba lahat sila maliit lang tingnan. Lahat parang kayang kaya mong hawakan. Kaya Alex,” Bumaling ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
“don’t ever feel that you’re not good enough,” Direkta akong nakatitig sa mga mata niya. “Kasi, ilang libo man ang taong hindi maniwala sa’yo, may isang tao na hindi mawawala ang tiwala sa’yo. May isang tao na handang hawakan itong kamay mo,” Lalo ko pang hinigpitan ang pagkasugpong ng mga kamay naming dalawa.
“Ikaw ang magdedesisyon kung gusto mong samahan kitang lumaban, o samahan kitang tumakas. Sabihin mo lang,” Hindi man niya sabihin, pero sa mga oras na ‘yun alam ko, parehas na mabilis ang t***k ng mga puso namin.
*********************************************************************************
“Alam mo bang kanina pa tayo pinagtitingnan ng mga nakakasalubong natin?” Biglang tanong ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa papunta sa parking lot.
“What do you expect? Sumakay tayo ng Ferry’s Wheel na ganito ang suot natin, kumain tayo ng fish ball na de kariton na ganito ang suot natin,” Sagot niya habang umiiling.
“Oo nga noh? Siguro iniisip nila nagbihis pa ng maganda ‘yung babae,’ yun pala walang perang pang-date ‘yung kasama niya. Tss!” Natatawang biro ko.
“That can’t be,” Napahinto ako sa pagtawa at napalingon sa kanya at wari’y nagtatanong.
“Because we’re just friends,” Paalala nito. I forced a smile. Yeah right. Bakit ko nga ba nakalimutan na magkaibigan lang kami.
“So pa’no? Hatid na kita?” I asked to ease the awkwardness.
“Hindi ako sa bahay uuwi,” seryosong sagot niya habang binubuksan ang pinto ng passenger seat.
“What?” Agad na tanong ko. Saan naman niya balak pumunta sa ganitong dis-oras ng gabi? Pumihit siya paharap sa akin na may mapaglarong ngiti.
“Gusto mong pumunta sa favorite place ko?”
******************************************************************************
Tumuloy kami sa isang condo na hindi naman kalayuan sa Makati.
“Come in,” She was smiling excitedly na parang sobrang saya niya na nandito siya sa lugar nito. Malamang Justin, favorite place nga niya eh! Nang buksan niya ang ilaw at tuluyang magliwanag ang buong unit ay tumambad sa akin ang laman ng condo niya.
“Welcome to my favorite place!” She exclaimed then immediately sit on one of the kitchen cushion chairs. May maliit na pwesto kung saan nagsisilbing dining area na mistula sa isang fancy restaurant.
Pati ang mga décor at ilaw ay may vibe ng isang fine dining. But majority of the unit is dedicated for a make shift kitchen. Kumpleto ang gamit pati mga stove at oven.
“Sa’yo ‘to?” namamanghang tanong ko sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang kasiyahan sa mukha niya.
“Binili ‘to ni Kuya Axel para sa akin. Pero sa akin niya ipinangalan kasi wala namang pakialam si Dad sa mga ginagawa ko sa buhay. Kapag kasi nalaman niya na ginastusan ako ni Kuya ng ganito, magagalit yun,” Kumuha siya ng maiinom sa wine rack at sinalinan ako ng wine sa glass.
“Pwede ba akong magtanong?” She just nodded then looked at me.
“Bakit parang hindi kayo close ni Mr. Madrid?” I don’t mean to pry. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun makitungo ang daddy niya sa kanya. Ngumiti siya ng mapait at saglit na nag-isip bago magsalita.
“Eh, malas daw ako eh! Namatay si Mommy nung pinanganak ako. Nahirapan daw siyang magbuntis sa akin at bukod dun nagkaroon ng komplikasyon kaya ayun, lumaki ako na walang Mama,” Simulang kwento niya.
“Pero hindi mo naman kasalanan ‘yun,” Tutol ko. How can he blame her for the death of his wife?
“Mahal na mahal ni Dad si Mom. Wala siyang ibang minahal kundi si Mom lang. Lagi niya daw sinasabi that she was his life. Kaya ayun, ako ang sinisisi niya,” She bit her lip and once again forced a smile.
“I’m sorry,’ I said. What else can I say?
“It’s okay. Kasi growing up naman—nandun si Kuya Axel. Siya ‘yung naging Nanay at Tatay sa akin. Idol ko nga ‘yun eh,” She speaks of him so highly. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya nang banggitin ang pangalan ng kapatid niya. Maybe she loves him so much.
“Matalino, mabait, masunurin, magaling sa lahat ng bagay. Plus, isa siya sa top notchers ng Architect Licensure Exam nung batch niya. Kaya proud na proud si Dad sa kanya eh. Sabi niya si kuya daw talaga ang maasahan niya,” Sumimsim siya sandali ng wine bago muling nagkwento. “Magaling naman talaga si Kuya eh. Kaya nga kahit hindi pa siya graduate, nanghihingi na ng inputs si Dad sa kanya,”
“Nasaan na siya ngayon?” Curious na tanong ko. I haven’t seen him sa ilang buwan kong pagtatrabaho sa firm.
“He died four years ago,” I saw tears starting to build on her eyes.
“Pasaway kasi ako nun eh. Kasi kahit ano naman ang gawin kong maganda o pangit, hindi naman napapansin ni Dad. Kaya bukod kay Kuya, sa mga barkada ako nakahanap ng attention. Hanggang sa isang gabi, nag clubbing ako kasama ng barkada. Pinipigilan ako ni Kuya kasi gabi na daw. Kaso nagpilit ako kaya ang sabi ni Kuya susunduin na lang niya ‘ko. Hindi ko alam na ‘yun na pala ‘yung huling beses na makakasama ko siya,” Nagsimula nang tumulo ang mga luha niya.
“Hindi ko naman sinasadya eh. Hindi ko naman ginusto na maaksidente kami. I was so drunk that night. Naabutan ni Kuya na binabastos kami nung mga lalaki sa kabilang table. Kaya nung pinagtanggol ako ni kuya gumanti ‘yung mga lalaki. Akala ko okay na kasi nakasakay na kami sa kotse at pauwi na kami. Kaso ‘yung mga walang kwentang tao na ‘yun, hinabol ‘yung sasakyan namin tapos pilit kaming pinagbabangga. Dahil gusto ni Kuya na mailigtas ako, he drove too fast. Kasi baka kapag naabutan daw kami kung anong gawin sa akin ng masasamang tao na ‘yun. Natakasan nga namin sila, pero hindi na nacontrol ni Kuya ‘yung kotse. Sa sobrang bilis, bumangga kami nung iwasan niya ‘yung kasalubong namin na truck,” She covered her face with her palms and cried more.
“Kung alam ko lang, kung alam ko lang!”
“Shhh… hindi mo kasalanan ‘yun Alex,” Tinanggal ko ang mga kamay niya sa mukha and cupped her face.
“I wish I could say the same, pero hindi eh! Kasalanan ko! I should’ve listened to him. Pero naging matigas ang ulo ko. Tama nga si Dad, dahil sa akin nawala si Kuya. Nawala ‘yung paborito niyang anak. And now I’m paying for that! And no matter how hard I try, I will never be as good as him,”
Kinabig ko siya papalapit sa akin at niyakap. I tapped her back. Sa mga oras na ‘yun, gusto kong akuin lahat ng sakit na nararamdaman niya. Gusto kong pasanin lahat ng bigat. Ayoko siyang makitang umiiyak, ayoko siyang makitang nasasaktan.
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner.