Chapter 13

1480 Words
“So, what do you think?” Namumungay ang mga mata niya habang nakangiti sa akin. “Hmmm...aw!” Hinampas niya ang braso ko dahil hindi ko agad sinagot ang tanong niya. “Ano nga?!” Ulit pa niya na parang may pagbabantang huwag akong magkakamali ng sagot. But I will not lie. The way she’s acting right now brings back the memories of our drinking session in Baguio. I knew she was tipsy already base sa pagsasalita at nagba-blush niyang mukha. “Masarap,” sadya kong hininaan ang boses ko para lalo pa siyang mainis. “Lakasan mo!” Hindi ko mapigilang matawa sa kakulitan niya. I suddenly remembered the first Alex that I met during the tour. Makulit-maingay. Muli na naman niyang hinampas ang braso ko dahilan para mapatalon ako ng kaunti sa kinauupuan ko. “Masarap nga sabi! Ang kulit!” Agad kong sagot Pinangkitan niya ako ng mga mata pero hindi rin naman niya maitago ang ngiti sa mga labi niya. Ngiting tagumpay. The tuna pasta she just cooked for me tastes really really good. Parang kumain ako sa isang fancy resto. “Bakit hindi ka nag-aral ng culinary? Bagay na bagay kang maging chef,” ani ko habang inuubos ang masarap na pagkaing inihanda niya kanina pagkatapos niyang magdrama. “Ayaw ni Dad,” malungkot na sagot niya. Parang nakaramdam ako ng pagsisisi kung bakit ko pa iyon naitanong. Nagsimula na namang magkaroon ng lumbay sa mga mata niya. “Architecture ang gusto niyang kunin ko kasi nga wala na si Kuya,” Iniwas niyang magtama ang mga mata namin at itinuon ang atensyon sa pastang kanina pa niya pinapaikot ikot sa tinidor. “Kaya napilitan kang sundin siya kesa sa pangarap mo?” Hindi ko napigilang sabihin. It was not a question. Saglit siyang napatingin sa akin ngunit agad din namang umiwas muli. “Sayang naman,masarap ka pa namang magluto,” muli akong sumubo ng pagkain. “Alam mo yan lang ‘yung bagay na masasabi kong magaling ako eh. Pucha naman kasi! Ang taas naman masyado ng expectation niya sa akin. Sige nga, sino ba ang kakilala niyang nakasama sa top notchers sa Licensure exam maliban sa kanya at kay Kuya Axel?,” Natatawa ngunit may laman na hinaing niya. Napatitig siya sa akin nang hindi ako umimik. After a few seconds ay nagets na din niya kung bakit hindi ako nakasagot. “Tss! Hindi nga? Hindi nga!?” Napapailing siya na natatawa habang ako naman ay tumatango tango lang. “Yes, top 3 actually,” I slightly scratched my head because I was not really comfortable telling nor bragging about me being on the top ten on the Achitecture Licensure Exam. I should be proud,I know. Pero hindi sa point na kailangan ko pang banggitin palagi ‘yun. “Eh di ikaw na,” she hissed then started drinking her wine again. “Huy! Galit ka ba?” I asked when she stop talking for a moment. Umiling lang siya pero hindi pa rin tumitingin sa akin. “Huy,huy!” Ulit kong tawag sa kanya . She did not respond kaya kinakalabit kalabit ko na siya. Nang mapansin kong nangingiti siya ay nakumpirma kong pinagtitripan na naman niya ako. “Ah ganun ah,” sabi ko sabay kiliti sa tagiliran niya dahilan para mapaharap siya akin at matawa. “Justin! Stop! Nakikiliti— aah!” Para kaming mga batang naghaharutan at nag-aasaran. “Sino ngayon ang pinagtitripan mo ha?!” Sagot ko sa kanya. Mas lalo ko pang nilakasan ang pangingiliti ko sa kanya kahit halos malaglag na siya sa cushion chair na inuupuan niya. Muntik pa niyang matabig ang bote ng wine na inumiinom namin. Mabuti na lang at naging maagap akong masalo ‘yun at mailagay sa isang tabi na hindi na niya matatabig. “Stop! Ayoko na,ang sakit na ng tiyan ko,” siguro kung may makakakita sa amin na ibang tao ay iisipin nila na mga isip bata kami na nag-aagawan ng laruan. Parehas kaming hinihingal sa kakulitan namin at habol hininga. Naisipan ko na ding tumigil dahil alam kong napapagod na din siya tulad ko. We we’re both gasping for air when our eyes met. We we’re smiling and laughing at each other. Laughing at how shallow we can get. Dahil sa paghaharutan namin ay bahagyang nagulo ang buhok niya. Pero hindi yun nakabawas sa kagandahan niya. To be honest, nang makita ko siya kanina ay natulala ako. She was like a greek goddess and an angel that descended from heaven combined. I saw how the other men in the party turned their gaze on her. Just like me, they were also mesmerized by her charm and beauty. The beauty that she’s not aware of. Masyado siyang kinakain ng takot at insecurities na nadudulot ng tahasang pangmamaliit ng sarili niyang Daddy. Hindi aware si Alex na nasa kanya ang lahat ng katangian na pwedeng hanapin ng isang lalaki sa isang babae. Maganda, mabait, matalino, masayahin. She’ beyond beautiful. She’s perfect. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong ayusin ang mga takas na buhok niya. Marahan ko iyong hinawi sa likod ng kanyang tenga. Paulit-ulit kahit maayos naman na itong nakatago. Nakangiti pa rin ako habang pinagmamasdan siyang pinapanuod akong gawin iyon sa buhok niya. Unti-unti, ang mga ngiti at halakhak na ‘yun ay naglaho at natagpuan ko na lang ang sarili ko nakatitig sa kanya at ganun din siya sa akin. It was like I was hypnotized. That moment,everything in the background just fade away. Ang mga ilaw, ang mahinang musika na nanggagaling sa i-touch na pinagtugtog niya kanina, ang dim light na mula sa lampshade at kitchen light, everything! Everything just fade away and suddenly all I can see is her angelic face, her warm eyes, her luscious lips that i may have not tasted yet but I’m damn sure they are soft and sweet. Ang matangos nitong ilong, ang mahahaba niyang pilik mata. Habang papalapit ng papalapit ang mukha ko sa kanya ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Parang may kung anong gravity na hinihila ako papalapit ng papalapit sa kanya. Konti pa, ilang kahiblang pagitan na lang ang layo ng labi ko sa mapupulang labi niya. I gently touched her cheek kasi pakiramdam ko nanghihina na ako at kailangan kong marahan na kumapit sa kanya. Kasi konti na lang madadala na ako. Pumikit ang mga mata niya kaya mas lalo kong nakita kung gaano kaamo ang mukha niya. Ang mabango niyang hininga ay tila pumapasok sa sistema ng buong pagkatao ko at alam kong mas nakakalasing iyon kesa sa alak na ininom namin kanina. I knew that moment, I wanted to kiss her and feel the warmth of her breath. Naririnig ko kung gaano rin kalakas at kabilis ang tahip ng dibdib niya. Inch by inch, slowly. But it didn’t happen. Napamulat kami pareho nang ang ingay mula sa nagriring na cellphone ko ang nagpabalik sa amin sa reyalidad—- Allison. Mariin kong maipikit ang aking mga mata when I realized what I was about to do. F*ck! What was I thinking?! Nanginginig ang kamay kong inalis sa mukha niya. Siya naman ay napaiwas ng tingin at agad na lumayo. “B-Babe,” I uttered. “Babe, nakauwi ka na? How’s the party?” Masigla ang boses ni Allison. I felt guilty. “P-pauwi na babe,” tanging naisagot ko. Napasulyap ako kay Alex na agad ding nag-iwas ng tingin. Kung bakit mas matinding kirot ang naramdaman ko sa dibdib ko ay hindi ko alam. “Are you drunk?” Usisa pa ni Allison. Nailamukos ko ang bakanteng kamay ko sa aking mukha. I felt frustrated. “No. Konti lang ang ininom ko,” paliwanag ko. Nagbilin pa siya na mag-ingat ako sa pagmamaneho bago ibaba ang tawag. Ngunit wala na akong naintindihan sa mga iba pang sinabi niya dahil napunta na ang atensyon ko sa babaeng tumayo at umalis na sa harapan ko. Inabala ang sarili sa pagliligpit ng dishes na ginamit namin. “A-alex,” nag-aalangang tawag ko sa kanya. I saw her stiffened but immediately regained herself and faced me. “Hmm?” “I-I’m—”, “Gabi na Justin, you should go home,” she didn’t let me finish my sentence. I heaved a sigh. “Ihahatid na kita,” nakayukong sabi ko. Hindi ko maisip kung paano ako haharap sa kanya. “I’m staying the night here. May kwarto ako dito,” mabilis na sagot niya upang muling putulin ang conversation namin. Tumango na lamang ako at marahang naglakad papunta sa pinto. Kinuha ko muna ang coat ko na nakasabit sa upuan bago muling bumaling sa kanya. Tanging tango lamang ang ginawa niya bilang hudyat ng pagpapaalam. Gusto kong sapakin ang sarili ko! Ano bang iniiisip ko?! Bakit mo ginawa ‘yun Justin?! *********************************************** Credits: Maybe the Night by Ben & Ben I want to lay down by the fire with you Where souls are glowing, ever warmer too Your love surrounds me like a lullaby Singing softly, you are mine, oh mine Moon has never glowed this color Hearts have never been this close I have never been more certain I will love you 'til we're old Maybe the night holds a little hope for us, dear Maybe we might want to settle down, just be near Stay together here... DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD