bc

She Was a Good Dream

book_age18+
182
FOLLOW
1.8K
READ
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Angel's face...cherry lips. Her hair flows like silk..skin so soft..her voice is the sweetest..her laughter is music to my ears.

She came into my life like a beautiful love story..She's..perfect!

If only, she's mine...

chap-preview
Free preview
Prologue
"As you can see, this house is sun worshipper.  Meaning there's a lot of access on the natural light of the sun, " "Why is that so Sir?" Asked by a female student about nineteen or twenty years old maybe. "Well according to research, our health and well-being improves with access to natural daylight on a regular basis. Aside from that, natural light is free. So, you get to save from electric consumption," sagot ko sa isa sa mga  estudyante ng architecture na nandito sa bahay ko for one educational tour. Nasa limang estudyante sila na gumagawa ng research para sa kanilang project. Ayoko sanang may ibang taong nakakapasok sa private place ko kung hindi lang nakiusap sa akin ang professor ko way back college na si Arch. Torres. Isa siya sa mga mentors ko at malaki ang paggalang ko sa kanya bukod sa nanatiling malapit ang loob ko sa kanya kahit pa after I graduated in the College of Architecture. "Karamihan sa mga artchitectural projects ngayon ay gumagamit na ng modern designs. So why did you choose this design? I mean you could've invested on full bricks or stones..but why wood?" "It's because of a girl. ‘Yun ang plano naming dalawa. We drafted the plan of this house together", sagot ko. May kung anong pait ang muling umusbong sa puso ko. Sanay naman na ako. Simula ng magkahiwalay kami, hindi na naging lubusang masaya ang buhay ko. Laging may kulang, laging may mali. "So, this house was inspired by a woman, I guess? Wife? Girlfriend?" Nakangiti nilang ngisi na tila ba ang history ng bahay ang mas importante kesa sa structural design nito. I just laughed. "I bet she's really happy that you built this dream house for her?" Naiintrigang tanong naman ng isang estudyanteng lalaki. That I wouldn't know. I thought to myself. "Let me tour you at the other parts of the house", nakangiting sabi ko at nauna ng maglakad sa kanila papunta naman sa dining area ng bahay.   *************************************** "Justin apo, tila ba ang lalim ng iniisip mo," dinaluhan ako ni Lola Mercedes habang nasa balcony ako. Siya na lang ang nag-iisa kong pamilya magmula ng mamatay ang mga magulang ko sa isang car accident nung fifteen years old pa lang ako. Solong anak si Papa ni Lola kaya wala na kaming kamag-anak sa side niya. May mga pinsan naman ako sa dalawang kapatid ni Mama pero lahat sila ay nakabase na sa Amerika at ang iba naman ay sa Davao kaya dalawa na lang talaga kami ni Lola dito sa Laguna. "Wala naman po 'La, nagpapahangin lang po," magalang na sagot ko sa kanya. "Naiisip mo pa din ba siya apo? Ilang taon na ang lumipas--" alam ni lola lahat ng pinagdaanan ko sa nakalipas na limang taon. Hindi ko siya nagawang sagutin. Siya na ang nagpalaki halos sa akin kaya bawat buntong hininga ko ay alam niya ang kahulugan. "Sige, maiwan muna kita apo at maghahanda na ako ng hapunan natin," bahagya niyang tinapik ang likod ko. Sinuklian ko lamang ng tipid na ngiti si lola. Sabi nila, the things that are meant for you will always be for you no matter what, Ganun din kaya tayo? para din ba tayo sa isa't isa? Baka sakaling bumalik ka.. I will never forget the first day that I met her. She came into my life when everything was planned and scheduled for me already. She was a breath of fresh air. She was like a taste of new delicacy na simula ng matikman ko ay ayaw ko ng tigilan at pakawalan.  Sa isang iglap, lahat ng plano ko ay nag-iba para sa kanya. Handa na akong isuko at iwan ang lahat para sa kanya, at ganun din siya para sa akin. Kung hindi lang ako naging mahina, kung hindi lang ako naging tanga. Bakit nga pinakawalan pa kita? Bakit nga ba hindi kita binalikan? Kung pwede lang i-rewind ang mga nangyari, I wouldn't let you go. I wouldn’t let go of your hand. Kung alam mo lang kung gaano ko pinagsisihan ang araw na umalis ako dala ang pag-aakalang makakabalik pa ako. Sana hindi na ako umalis, baka ngayon ay masaya tayong magkasama. Nasaan ka na kaya ngayon, Alex....   DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POSSESIVE MINE

read
975.3K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
786.5K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
84.2K
bc

Unexpected Romance

read
40.4K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

Wanted Perfect Yaya

read
243.8K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
319.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook