“Good Morning Architect!” Marie greeted me with a wide smile on her face.
“Good Morning, Marie” Matamlay ko naman na sagot. I wasn’t feeling too well. Kagabi ay sinipon ako. Marahil dahil sa pagligo naming sa dagat kahapon. Dahil wala kaming pamalit ay umuwi kaming parehas na parang mga basang sisiw. But I actually had fun. It was, one of the best days since I got back to the Philippines.
“May sakit ka din ba?” Nag-aalalang tanong ni Marie. Tumango lamang ako sa kanya habang nagtatap-in ng ID ko.
“Sa bagay pabagu-bago ang panahon. Pati si Arch. Alex may sakit din,” Agad akong napalingon sa sinabi ni Marie.
“She’s sick?” Nakita ko ang pagkabigla kay Marie sa inasal ko.
“Y-yes. Kanina ay bumabahin bahin din siya eh,” nagtatakang sagot niya.
“Where is she?” Tanong ko habang naglalakad patungo sa desk ni Alex.
“She went out a while ago,” Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng pag-aalala sa kanya. Maybe because it was my fault. Ako ang may idea na magtampisaw kami sa dagat at umuwing basang basa ang suot na damit.
“What’s wrong?” Agad kaming napalingon ni Marie.
“You’re sick?” Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Siya naman ay may gulat at pagtataka sa mukha sa inaakto ko.
“Hindi naman. Just colds but that won’t kill me,” natatawang sagot niya at lumapit sa desk niya at naupo. Si Marie ay nakaunawang umalis at bumalik na sa pwesto niya.
“I’m sorry,” I said. I was really feeling guilty.
“For what?”
“Kasalanan ko kung bakit ka nagkasakit. Nagpakaisip bata kasi ako,” I was really feeling stupid for acting like a kid yesterday. Sana naisip ko na pwede kaming magkasakit sa pinaggagagawa ko.
“Tss! It wasn’t your fault. Besides, I actually had fun,” Parang may kung anong mainit na kamay ang humaplos sa puso ko.
“Actually, the last time I had fun was when we were in Baguio and Ilocos,” Hindi ko naiwasang mapatitig sa mga mata niyang bagaman maganda pero may nagtatagong lungkot.
“Thanks Justin,” Nakangiti niyang sabi.
“W-well, wala ‘yon,” Did I just blushed? Saglit pa kaming nagkatitigan. I wonder why I feel this way.
“Hachoo!” Parehas kaming nagkatawanan nang sabay kaming mabahin.
*********************************************************************************
“Company Party?” I uttered upon receiving the email sent to all of us, employees. Galing iyon kay Marie.
“Yes, 30th anniversary na ng firm kaya may party na gaganapin. Formal occasion since all of the board members will be there. Kaya dapat ay nakaayos kayo,” Sagot ni Marie sa akin. Nagkataon na papalapit din siya sa desks namin ni Alex dahil may ibibigay siyang documents. Matapos iabot iyon ay umalis din siya kaagad.
“Psst! Sabay tayo ha?’ Para akong batang pinagulong ang swivel chair ko papalapit sa desk ni Alex.
“I’m not going,” Saglit lang siyang lumingon sa akin pagkatapos ay bumalik din sa ginagawa sa desktop niya.
“Paanong hindi? Anak ka ng isa sa may-ari. You should be present,” Tanong kong muli sa kanya.
Napabuntong hininga muna siya bago sumagot sa akin. “Hindi naman kailangan ang presence ko dun. Isa pa, kung ako ikaw, hindi mo gugustuhing dumalo dun,” Isang tipid na ngiti lang muli galing sa kanya.
“Ayoko na ding um-attend. It’ll be boring without you,” Nakalabi kong sabi. Nagmistula akong batang nagpapaawa.
“Don’t act cute, Justin. You should go. Marami kang makikilalang mga tao doon,” I suppressed the smile forming on my lips. Napansin pala niya yun.
“Please…” muling pakiusap ko with matching twinkling eyes.
She heaved another deep sigh and think for a few seconds.
“Fine,” napipilitan niyang sagot.
“Yes!”
“Pero—hindi ako magtatagal,” taas kilay niyang pagtutuloy sa sinabi.
“Okay,” buong ningning na ngiti ko sa kanya. I suddenly felt excited.
***************************************************************
Alex told me that we she will just meet me at the party. I told her I would pick her up but on the last minute she cancelled. Magpapahatid na lang daw siya sa driver nila. I’m not actually fond with parties like this. Pero dahil sa pamilya ni Allison, nakasanayan ko na ring dumalo sa mga gatherings na tulad nito.
“Kamusta ka naman sa trabaho mo?” I was talking to Allison on the phone. Halos gabi-gabi kami kung mag-usap sa video call. Hindi pa rin ito tumitigil sa pangungulit sa akin na bumalik na ako sa Singapore. And to be honest, medyo nakukulitan na din ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan ang kalagayan ni Lola.
“Okay naman. Like promised, hindi naman ako binibigyan ng mabibigat na projects ni Ninong dahil alam niyang hindi rin ako magtatagal dito,” Sagot ko sa kanya.
“Good, at least wala ka nang ibang dahilan para magstay pa diyan once ma-convince mo na si Lola na mag-migrate na din dito kasama natin,”
“Babe…” muling tawag na niya sa akin.
“Hmm?”
“I miss you,” I can feel the sadness and longing in her voice. And I feel guilty for leaving her around but I love my lola as well. Hindi ko siya pwedeng pabayaan na lang.
“I miss—” nabitin ang dapat na sagot ko sa kanya nang mula sa entrance ng venue ay natanawan ko ang pagbaba ni Alex sa kotse. Wearing a blush tulle dress. She was simple yet very elegant. Hindi ko na pigilang matulala sa kanya habang papalapit ito sa direksyon ko. Her hair was in a bun, showing her smooth neck. Manipis na make up lang ang inilagay niya sa mukha pero mas lalo nitong pinalabas ang natural na kagandahan niya. The dress compliments her soft and fair skin very well. At ang dress na lumagpas lang ng kaunti sa tuhod ay tila nagsasayaw sa bawat hakbang niya papalapit sa akin. Her smile was priceless.
“Babe? Babe?” nakabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang muling pagsasalita ni Allison sa kabilang linya.
“Y-yes babe, I’m sorry,”
“I said I miss you,” She repeated. napabuntong hininga muna ako bago muling sumagot.
“I miss you too,” malumanay na sagot ko.
“Sige na babe, dad’s here. I need to hang up na. Bye!”
“Hey,” bati niya sa akin na nakangiti. For the second time I was at lost for words. How can I define the beauty in front of me?
“Hi!” maikling sagot ko habang nakatitig pa rin sa kanya.
“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong muli niya sa akin.
“Y-yes I’m okay. G-gutom lang. Halika na, kumain na tayo,” Aya ko sa kanya. Good thing that I was able to regain myself bago pa niya nahalatang natulala ako sa kanya.
The rest of the program was the speech of Mr. Madrid and endless introduction of the other board members and directors. Tahimik lang kami ni Alex at tila may sariling mundo. We didn’t really care much about the big people around us. All we did was talked to each other about different things.
“And who’s that guy?” tanong ko habang tinuturo ang isang may katandaang lalaki sa kumpulan ng mga tao.
“That’s Mr. Lim. Isa siya sa mga big clients natin. He owns shopping markets and luxury malls.
Si Uncle John ang naghahandle ng mga projects niya kasi utos ni Dad. And take a look at the woman beside her,” Simpleng turo niya sa babaeng kasama.
“Her escort, I heard. Ibat’ ibang babae ang kasama niya sa bawat party,” Bulong pa niya.
“May pagkachismosa ka din ano,” Kunot noo kong puna sa kanya.
“Just saying,” depensa niya. Nagkangitian na lang kami.
Nasa gitna kami ng masayang kwentuhan nang may magsalita sa gilid ng table namin.
“Alexandria, is that you hija?” Napatayo si Alex nang batiin siya ng isang may edad na rin na lalaki.
“Tito Robert,” Bati ni Alex sa lalaki.
“I heard you’re working in the firm already,” Aniya. Nakalapit na rin sina Mr. Madrid, Ninong John at iba pang lalaki at babaeng ni hindi ko maalala ang pangalan nang ipakilala sila sa akin kanina.
“Y-yes po tito,” nangingiming sagot ni Alex.
“Mabuti naman at naisipan na niyang sumali sa kompanya mo Compadre,” bumaling naman ang tinawag na Tito Robert ni Alex kay Mr. Madrid na wala naming kahit anong emosyon sa mukha.
“How long have you been working in the company?” Tanong ng kasama nitong babae.
“Just recently Tita. I-I just passed the licensure exam,” I saw hesitation in Alex’s eyes.
“Oh, I see,” sagot muli ng babae at bumaling naman si Mr. Robert muli kay Mr. Madrid. “I’m sure you’re really proud of her, Arturo. Siya na ba ang magmamana ng posisyon mo?”
“She has a lot of things to learn. Ni wala pa siya sa kalingkingan ni Axel,” Malamig na turan ng daddy niya. What the F? She’s his daughter pero nagawa niyang ipahiya ang sariling anak. Halata naman ang awkwardness sa mga taong nandun.
“B-but she’s really doing good. Especially that she is under the supervision of Architect Arceo here,” Singit ni Ninong John trying to change the atmosphere. Tumayo ako upang muling makipagkamay sa mga taong ito.
“Good Evening, Sirs and Ma’ams,” Bati ko sa kanila.
“Oh, the famous Architect Arceo, I heard your name from Julio Rivera of Rivera & Co.” sabat naman ng isa pang lalaki. Ngumiti lamang ako sa kanya.
“Actually, Alex has a lot of potentials. Ngayon pa lang nakikita ko na na magiging magaling siya sa fie—”
“Don’t patronize her too much,” Putol ni Mr. Madrid sa akin. “Walang wala pa siya sa kalingkingan ng kuya niya,” He added with his cold and authoritative tone.
“A-uhm, Mr. Tan is here. Let’s go greet him Compadre,” Muling pagbabago ni Ninong sa usapan. Iginaya niya si Mr. Madrid at iba pang bisita papunta sa table ng sinabing taong kadarating lamang. Nagpaalam na ang mga ito sa amin. And Alex was left… terrified.
“Are you okay?” Tanong ko sa kanya. I can see how she got affected by the words by her own father.
“Y-yeah,” She said with a forced smile. I feel so bad for her. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon makitungo ang sarili niyang ama sa kanya.
“Ang boring na dito noh? Puro mga tanders ang bisita,” Pilit ko siyang pinapangiti.
‘I have an idea,” napatingin siya sa akin na may kunot na noo.
“Let’s go somewhere,” dugtong ko.
“Saan naman?” Tanong niya.
“To my favorite place,” Pinasigla ko ang boses ko trying to sound excited.
Hinila ko ang kamay niya at patagong tumakas sa lugar na nagdadala lang ng lungkot sa kanya.
************************************************************************
Another love, another loss is gone
Another night, another day is done
I'd be the last one to deny that it's so hard to be alone
I came across a gentle melody
Love allowed it, so I let it be
Why'd it take so many seasons
Now I found a reason to live for
This is oh-oh-oh-ours (oh, oh)
This lo-oh-oh-ove (oh, oh)
From the sta-ah-ah-ars, we are above
Oh-oh-oh-ours is a different kind of lo-oh-oh-ove
Find our names up in the sta-ah-ah-ars
From the sky we are above
There are songs I haven't figured out
The one of ours I think I know by now
We go on and on, and on
With the flow we go along,
CREDITS:
OURS by Ben & Ben
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner.
AUTHOR's NOTE:
This is an uneditedaw chapter. You may encounter gramatical errors/misspelled words.