“Babe, I’m sleepy na. Let’s talk tomorrow, hmm?” Her voice sounded really really sleepy. It’s two in the morning already but I was still talking to Allison on the phone.
“Last thirty minutes babe please,” pakiusap ko.
“May problema ba babe? Hindi ka naman dating ganyan. Honestly these past few months ay hindi na nga tayo madalas makapag-usap due to our busy schedules. Bakit biglang nagiging clingy ka ngayon?” Tanong niya. Hindi ako kaagad nakasagot.
“N-nothing Babe. I-I just miss you,” mahinahong sagot ko. I knew that it is not her whom I wanted to convince, rather, myself.
“Ahh... I miss you too Babe. But I’m really really really sleepy. So can we sleep now babe?” Muling aniya.
Bumuntong muna ako ng malalim na hininga. This is not working. I still think about Alex.
“Alright babe. Sweet dreams,” I felt guilty because I was forcing her to talk to me in the wee hours.
“You too babe. I love you,” anoya sa kabilang linya and I knew she was waiting for my answer.
“I-I love you,” hindi ko maintindihan kung bakit ang tatlong salita na yun na madalas kong sabihin sa kanya noon ay naging napakahirap bigkasin na ngayon para sa akin.
And here I am again, trying my best not to think about her—about Alex. Sa mga lumipas na araw ay sadya kong pinipilit si Allison na mag-usap kami ng ilang beses sa isang araw kumpara sa dati na every night lang. Kung minsan ay text or chat na nga lang. I had to. Kasi baka naguguluhan lang ako sa distance namin. Baka nangungulila lang ako. I can’t be in love with Alex. I have Allison. Maybe I’m just longing for her presence. And Alex happens to be there with me kaya natutuon ang atensyon ko sa kanya.
“Good Morning,” bati niya sa akin with that gorgeous smile on her face. Muli na namang kumabog ang dibdib ko. But I shouldn’t.
“Good Morning,” matipid na sagot ko at muli nang nagfocus sa design na ginagawa ko.
Nakarinig ako ng paggulong ng swivel chair. May kung anong kiliti ang dinala sa akin ng boses niyang nagsalita sa tabi ko.
“Alam mo ang seryoso mo lately,” aniya. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa akin. Nang humarap ako ay mapuputing ngipin niya at malalim na dimples ang agad na bumungad sa akin. Ang mabango niyang hininga ay agad na nakapasok sa sistema ko.
“Busy lang,” sagot ko at umatras ng kaunti. I knew I had to put a space between us. Kasi hindi ko alam kung gaano ko makakayanan na alisin siya sa sistema kong madali niyang napapasok. Nakakabaliw!
“O-okay,” marahil ay napansin niya ang pagdistansya ko at nagkaroon ng sandaling lungkot sa mga mata niya. I’ve been trying to avoid her for several days now. Kasi kailangan kong iayos ang pag-iisip ko. At paalalahanan ang sarili ko na hindi pwede, na mali itong nararamdaman ko.
Parehas kaming naging tahimik. Mukhang nakauunawa siyang binibigyan ako ng distansya. Nababaliw akong isipin kung anong iniiisp niya sa pag-iwas ko sa kanya. Why? I should not care! Stop yourself Justin! I scold myself.
“Lunch?” Muli na namang nagbigay ng kiliti sa aking puso ang isang salita na ‘yon.
“I-I’m sorry. May lunch meeting ako with a former colleague,” I refused. God knows how much I wanted to say yes. But at the same time I had to restrain and reprimand myself over and over again that I can no longer be near her.
“Sige,” Ilang beses kong sinuntok ang sarili ko sa utak ko kasi gusto ko siyang habulin at sabihin na yes, I want to have lunch with her. And dinner if she’ll ask too. Pero mas pinangibabaw ko ang isipin na kailangan kong patayin ang ningas bago pa lumakas ang apoy. At heto ako ngayon, eating alone at a fast food chain with a dry fried chicken. Saan nga ba ang mali? Sa pagkain, o sa akin mismo? Kasi ilang araw na akong walang gana. I just realized na sa mga lumipas na araw ay hindi ako mag-isang kumakain ng lunch at dinner. I was always with Alex. And I’m missing those moments. D*mn!
Dahil wala naman akong ganang kumain ay bumalik na lang din ako agad sa opisina. Maaga pa kaya nagpasya muna akong tumambay sa smoking area. Hindi naman ako naninigarilyo pero naisip kong magpalipas muna ng oras dun. Para makaiwas kay Alex, para makaiwas ako sa nararamdaman ko. Nasa gawing nakakubli ako ng rooftop kaya hindi ako madaling makikita ng sinuman.
“Oh bro, ang bilis mo namang nakabalik! Akala ko pa naman magtatagal ka pa sa canteen,” tinig ng isang lalaki. Gusto ko sana ng katahimikan pero masyadong malakas ang boses nila kaya hindi ko maiwasang marinig ang pag-uusap nila.
“Oo nga! Ang bilis naman ng lunch date niyo ni Arch. Madrid,” saad naman ng isa pang boses ng lalaki. Parang kusang lumaki ang tenga ko upon hearing her name.
“G*go! How I wished lunch date nga ‘yon! Kaso hindi eh. Nagkasabay lang kami sa canteen. Mag-isa siyang kumakain kaya nilapitan ko. Kaso Hi,hello lang eh. Medyo mailap talaga,” sagot ng lalaking kinakausap nila. He was with Alex. She ate at the canteen? Sa canteen na madalas naming pulaan ang lasa ng pagkain?!
“Sayang! Crush ko pa naman din ‘yun. Kaso bukod sa mailap na eh lagi pang nababakuran ni Arch. Arceo. Sila ba nun?” Lumapit pa ako ng konti upang marinig ang pinag-uusapan nila. F*ck! Bakit nila pinag-iinteresan si Alex?!
“Hindi, Ang alam ko may girlfriend na ‘yun. Partners lang yata sila kaya laging magkasama,” sagot naman ng isa pa.
“Sayang! Kung alam ko lang na may ganun kaganda at kasexy na arkitekto, hindi na sana ako nag-Engineer!” Naghalakhakan sila. Maya-maya ay nawala na ang mga tinig. Lumabas na lamang ako sa kinakukublian ko nang marinig ko ang pagsara ng bakal na pinto.
Gusto kong lamukusin ang pagmumukha ng mga ‘yon. Kung nakita ko lamang kung sinu-sino sila ay sapak ang abot nila sa akin.
Dali-dali akong bumalik na sa opisina. And there in her desk, I found her busy working. Kahit hindi pa tapos ang lunch break.
“Sa canteen ka kumain?” Hindi ko napigilang lumapit at tanungin siya. God knows how much we hated the food in that f*cking canteen.
“How did you know?” Sa halip ay tanong niya. Nagulat siya sa naging pagsalubong ko sa kanya. Hindi ako nakasagot. Anong sasabihin ko? Na nag-eavesdrop ako sa usapan ng iba para malaman ko kung anong ginawa niya ngayong tanghalian?!
“Diba ayaw mo ng pagkain doon? Kaya nga lagi tayong sa labas kumakain diba?” Muling tanong ko. Sa una ay seryoso siyang nakatingin sa akin pero hindi rin nagtagal ay ngumiti na naman siya. Bakit ba hindi niya mahalatang iniiwasan ko ang mga ngiti niyang nagpapahina ng kalooban at pagtitimpi ko?!
“Tss! Akala ko naman kung ano! E nakakatamad lumabas eh. Wala akong kasama,” my heart literally sank. F*ck! Bakit ba ako nagkakaganito? I wanted to avoid her and this d*mn feeling. But thinking she’s eating alone and also thinking she’s eating with some other guy makes me want to curse myself. G*go ka talaga Justin!
I just heaved a desperate sigh and went back to my desk.
Credits: Sana Ikaw by Erik Santos
Ikaw ay dumating bigla
Sa aking mundo
Hindi inaakalang
Ngitian mo ako
Para akong natunaw
Sa lambing nito
Di ka na maalis sa isip ko...
Paano na ngayon?
Ako'y litong lito...
Bakit kaya ako
Nahulog na sa iyo?
Pero meron ka nang
Ibang minamahal...
Hindi naman mahati
Ang puso...
Kaya pag-ibig, pinipigilan ko
Pag-ibig na sana ay sa iyo
Diba't nararapat sa iyo
Pag-ibig na buong buo
'Di ko makakayang
May saktan na iba
Kaya't ikaw ay
Mananatili na lang
Sa damdamin
At aking isipan
Iguguhit kita sa alaala...
Pagkat tayo ay hanggang
Panaginip lamang.
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner.
Author’s Note:
This is a raw/unedited chapter. You may encounter grammatical errors/misspelled words.