Chapter 19

1380 Words
“La, can you please reconsider moving with me to Singapore? Please...” niyayakap yakap ko si Lola. Gabi na nun at kakarating ko lang sa bahay. Nagpapahangin siya sa Veranda nang lapitan ko siya upang kausapin. “Apo, alam mo sobrang masaya ako na hindi mo ako kinakalimutan at pinababayaan kahit malaki ka na. Pero alam mo naman na napakahalaga ng bahay na ito sa akin diba? Nandito ang mga alaala namin ng Lolo mo kaya gusto kong mamamatay ako na nandito pa din ako,” Tinatapik tapik ni Lola ang likod ko habang nakayakap ako sa kanya. “Don’t say that Lola,” hindi ko pa kayang mawala ka. Nakalabing ani ko. Alam kong hindi bumabata si Lola. Pero ang isipin na mawawala na siya na tanging natitirang kapamilya ko ay sobrang nagpapasikip ng dibdib ko. “Apo, hiram lang ang buhay na ito. Kaya babalik at babalik pa din tayo sa May Kapal na lumikha sa atin,” malumanay na sabi habang patuloy pa tin sa paghimas ng ulo kong nakahilig sa balikat niya habang yakap ko siya mula sa likuran niya. “Kahit pa, ayokong marinig yan sayo Lola!” Maktol ko. “Hays...eto talagang apo kong ito. Malaki ka na Justin, kung ang magpapasaya sayo ay ang makasama si Allison sa Singapore ay pwede mo namang gawin,” nanatili akong tikom ang bibig sa sinabi ni Lola. Yes I want to be with Allison. I need to be with her. So that I can have a clear mind. “May bumabagabag ba sa’yo , apo?” Si Lola ay para ko na ring nanay kaya bawat kibot ko at buntong hininga ay alam niya ang ibig sabihin. “La, naranasan ko na bang tumakas na lang? Kasi kapag nagstay ka, baka gumulo lang yung nga bagay ba naiplano mo na?” Malungkot na tanong ko. Honestly, the reason why I want to go back to Singapore is because I want to get away. Kasi habang tumatagal, mas lalong nagugulo ang isip at damdamin ko. “Life is full of surprises, Justin. Kadalasan, yung mga hindi natin inaasahan, yun pa yung mga bagay na kukumpleto sa atin, na magpapasaya sa atin. Bakit ka tatakas? Hindi ba pwedeng harapin mo na lang?” Those phrases left me thinking the whole night. Kaya ko bang harapin? Pero anong kasiguraduhan? Ayokong may masaktan, ayoko ding masaktan. Duwag na kung duwag. Ano ba ang mas mahalaga? Ang mga naiplano na, o ang totoong bagay na magpapasaya sayo? *************************************************** “May problema ba kayo ni Arch. Alex?” Tanong ni Marie habang may tinitingnan ko ang files na sinadya kong kunin sa desks niya. Sinikap kong huwag magtama ang paningin namin dahil ayokong mabasa niya ang sagot sa mga mata ko. Pero wala naman kaming problema ni Alex diba? Ako, ako ang may problema. “Wala naman,” matipid na sagot ko na hindi inaalis ang mata sa document na binabasa ko. “Talaga ba? Hindi ko kasi kayo madalas makitang magkasama eh,” Ngayon ko napapagtanto na sobrang naging malapit na pala kami ni Alex to the point that people would notice when something’s off. “Busy lang kami parehas,” muling sagot ko. “Okay. Pero at least may chance nang makaporma yung mga may gusto sa kanya dito sa firm,” humagikgik pa siya. Masimpleng Mapahigpit ang hawak ko sa files. “Dati kasi hindi sila makalapit paano ba naman lagi kang kasama. Kung di ko alam na ikakasal ka na ay iisipin kong binabakuran mo siya,” Dagdag pa ni Marie. Ilang beses kong nahuhuli dati ang panaka-nakang sulyap sa kanya ng mga kasamahan naming Arkitekto at pati mga empleyado sa ibang department. Alam kong maraming interesado sa kanya. Pero hindi ko alam na ganun na lang pala kami kalapit na nangingilag at hindi makapalit ang iba sa kanya dahil sa presensya ko. Kumunot ang noo ko sa idea na dahil hindi kami madalas magkakasama ngayon ay may pagkakataon na silang lumapit sa kanya. F*ck! No! I cussed. “Marie,” naagaw ang atensyon namin sa pagpasok ng dalawang lalaki. “Aba, napadalaw yata kayong dalawa dito,” ani Marie sa dalawang bagong dating na may masayang pagsalubong. Agad bumeso sa kanya ang dalawa. “Don’t tell me babalik na kayo dito sa firm?” Taas kilay na tanong ni Marie pero halatang biro lamang ito. “Of course not. Actually may sinusundo kami dito,” sagot ng isang lalaki. “Nasaan na ba yun?” Luminga-linga ang lalaki at nang madako ang mata niya sa gawing desk ko ay ngumiti siya. Saktong pagtayo ni Alex ay ang pagtawag sa kanya ng dalawa. “Alexandria Madrid!” Agad napalingon si Alex sa gawi namin at kasiyahan ang agad na rumehistro sa mukha niya. “Tony! Gelo!” Patakbong lumapit si Alex sa kanila at agad na bumeso. Halos mapangiwi ako nang ang tinawag niyang Tony na ang bumeso at yumakap pa sa kanya. “Tanghali na. Lunch out tayo,” sabi naman nung Gelo. “Hmm.. sige. Basta libre nyo ha!,” sagot ni Alex. My heart sank. Pero bakit? Hindi ba’t umiiwas ka ngang makipaglunch out sa kanya? “ yun! Sige kami na bahala kahit saan mo pa gustong kumain, sagot namin!” Muling sabat naman ni Tony. “I’ll just just get my things from my locker,” paalam ni Alex. Tumango pa siya sa akin nang madaanan niya ako. “Hindi ka nagbago Marie ha. You’re still gorgeous,” si Marie na kinilig ay napahampas pa ng mahina sa braso ni Gelo. Ako naman ay nanatiling nakatayo sa gilid at pilit iniintindi ang file na kanina ko pa binabasa. “Ikaw talaga Arch. Gelo,” ani Marie. So mga arkitekto din pala sila. “Oh! by the way, This is Arch. Justin Arceo, bagong arkitekto siya dito. International ‘to kaya huwag kayong aanu-ano diyan,” biro ni Marie . Naglahad ng kamay sa akin ang dalawa. “Arch. Tony Lopez pare,” pakilala niya at nakipag handshake sa akin. “ Arch. Angelo Martinez,” ani naman ng isa na may ngiti at nakipagkamay din. “Dati silang mga intern dito kasabay ni Arch. Alex pero etong dalawa sa ibang firm nagtrabaho,” ani Marie na umaarteng may himig ng pagtatampo. “Marie, alam mo naman ang dahilan. Mr. Madrid didn’t like us when we were here. Kaya hindi kami natanggap nung nag-apply kami,” sagot ni Tony. I just listened to them kahit wala naman ako dapat pakialam. But seeing how close they are with Alex makes me want to know about them. “Paano ba naman kasi parehas kayong pasaway. Lagi ninyong binubuyo si Arch. Alex na maglakwatsa,” paalala ni Marie. “We just want her to have fun. Come on that girl is so stiff. Papagong sunud-sunuran sa daddy niya,” sadyang hininaan ni Gelo ang boses niya upang hindi marinig ng iba. Napahagikgik naman silang tatlo habang ako ay nanatiling nagpapanggap na nagbabasa. “Bakit nga pala kayo nandito?” Tanong ni Marie. “Yung pinsan nitong si Tony naghahanap ng mga Arkitekto para sa firm na itatayo niya sa Qatar. Kumbaga dadalin niya ang Philippine architecture sa middle east. Kaya eto, nagrerecruit kami,” prenteng sabi ni Gelo na nagawa pang umupo desk ni Marie. “Nakakalimutan mo bang anak siya ng isa sa may-ari nitong firm? Bakit naman siya sasama sa inyo?” Usisa ni Marie. I shouldn’t be listening, but my mind says so. “Well, she didn’t say no to us when I told her about it last night. Actually we’re here to discuss it to her over lunch,” paliwanag muli ni Gelo. Parang gusto kong biglang lamukusin ang mga papeles na hawak ko. She’s leaving?! F*ck! “Ikaw pare, baka gusto mong sumama?” Nagulat ako sa biglaang baling at tanong sa akin ni Tony. Hindi naman niya siguro nahalata na kanina pa ako nakikinig. “Nako, well established na yan sa Singapore noh! Nandito lang yan dahil may kailangang asikasuhin,” Marie answered for me. Sakto naman na lumabas si Alex. “Let’s go? Gutom na ako,” masayang sabi niya at umakto pang hinihimas ang flat niyang tiyan. Oh no! Don’t give her that smile! Alam ba niyang ilang sundalo ang kaya niyang mapaluhod sa ngiti lang na iyon? Ngumiti lamang siya sa akin at tumango bilang paalam. Gusto ko siyang pigilan, gusto kong hilahin ang braso niya at itanong kung totoo ba. Aalis siya? Bakit? Bakit parang dinudurog ang puso ko isipin ko lang na lalayo siya? Hindi ba dapat matuwa na ako kasi hindi na ako mahihirapang umiwas sa kanya? Pero bakit baligtad? Bakit nasasaktan ako? DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Author’s Note: This is a raw/unedited chapter. You may encounter grammatical errors/misspelled words.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD