Chapter 15 (Updated)

1616 Words
Note: Real chapter 15 Days passed after the Almost Kiss incident. Alex acted normal like nothing. Maybe it meant nothing to her. That’s why I should move on too. Pinilit kong umakto without the awkwardness kasi sabi nga niya nakainom lang kami nun at wala naman talagang nangyari so why make it a big deal? “Tara dinner tayo,” Naghahanda na si Alex sa pag-uwi. It was passed working hours pero may tinapos lang kaming meeting kay Ninong John kaya naantala ng kaunti ang uwi namin. “May lakad ako eh,” sagot niya hahang abalang inayos ang mga gamit sa desk niya. “Date?” I asked curiously. Hindi ko alam kung bakit naging mapait ang tanong na yun para sa akon. “Tss!” Tawa lamang ang isinagot niya. “Saan nga?” Angingulit ko. Should I care if it’s a date or not? “ Sa mall lang,” akmang maglalakad na siya palabas ng office prro agad kong nahulo ang braso niya. “E di date nga?!” I know I shouldn’t pry. But I need to know because... f*ck! I don’t know! “Kuleet! Mamimili ako ng mga gamit para sa—“ tumingin muna siya sa paligid bago bumulong sa akin “para sa kitchen ko,” Nakangiting aniya. Biglang lumuwag ang paghinga ko. Para akong nabunutan ng tinik. “Akala ko—-“ ani ko pero hindi ko naituloy. “Akala mo ano?” Tanong niyo nang bitinin ko ang dapat na sasabihin. “W-wala. S-samahan kita?” I tried to avoid her question. “Hmmm... huwag na! Mapapagod ka lang kasi maghahanap pa ako ng bibilihin. Baka mainip ka,” nakalabing aniya. She looked really cute. “Tara na!” Hindi ko napigilang matawa sa pagiging cute niya. I walked pass her pero bago pa ako lumampas ay ginulo gulo ko pa muna ang buhok niya. ************************************************* “Bakit namimili ka pa? May kulang pa ba sa gamit mo?” Tulak-tulak ko ang push cart na may laman na bagong kitchen utensils, baking equipments,booking pots at iba pa. Sa dami ng nakita kong kagamitan sa make shift kitchen niya na ni hindi ko nga alam ang gamit ng mga ilan doon ay mayroon pa palang kulang sa mga iyon. “Upgraded version kasi yung iba. Yung iba naman palitin na,” tipid na sagot niya while her eyes are still wandering around still searching for things she needs to buy. “ I just realized that I can still continue with my passion while being an architect that my Dad wants me to become,” seryosong turan nito. “What do you mean?” I asked. “Naisip kong ipagpatuloy ang pagluluto. Hindi naman masama yun diba? Basta hindi ko lang iiwan ang pagiging arkitekto, at hindi malalaman ni Dad,” she seemed determine on her plan. Nakakalungkot na isiping hindi mo magawa ang gusto mong gawin sa buhay mo because the first person who should be supporting you, is the one who’s telling you not to. I felt sad for Alex. Wala siyang kalayaan na gawin ang bagay na makakapagpasaya sa kanya. “Nasubukan mo na bang sabihin kay Mr. Madrid na hindi mo naman talaga gustong maging arkitekto? Napatikim no na ba ang dishes na niluluto mo? Malay mo magbago ang isip!” Kumbinsi ko sa kanya. I was hoping na may other way at hope pa na magawa niya ang nagpapasaya sa kanya. Pero agad nabahiran ng lungkot ang mukha ni Alex. “ He tried once,pero wala siyang sinabi. So I guess hindi niya nagustuhan,” may pilit na ngiti muli sa kanyang mukha. “Di bale, nandito ako. Uubusin ko lahat ng iluluto mo,” ani ko sabay kurot sa pisngi niya. “Araaaay! Kainis ka talaga!” Reklamo niya habang hinihimas ang pisnging pinanggigilan ko. “Kung wala ka nang bibilin eh magbayad na tau sa counter. Tapos ilibre mo ako ng dinner dahil nagutom ako sa pag-iikot natin. “Wait, I clearly remember that you were the one who insisted on coming with me,not the other way around. Anong nirereklamo mo diyan?” She said but I just walked pass her with a wide grin on my face. *************************************************** Pauwi na sana ako after namin mamili ni Alex nang maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. F*ck! I hissed. Nakalimutan ko ang usapan namin ngaun nila Rick, Leo at Albert. Nagmadali akong magmaneho papunta sa condo ni Leo. “Pucha! Dumating ka pa anong oras na!” Kapapasok ko pa lang ng pinto pero puro mura na ang sinalubong nila sa akin. “Kanina ka pa tinatawagan hindi mo man pang masagot. San ka ba nagsuot?” Tanong ni Rick sabay abot sa akin ng isang bote ng beer. Minsan talaga ay nagkakaayaan kami na for the boys only. Tamang tambay at inuman lang. “Nakasilent ka phone ko,hindi ko namalayan. Nawala din sa isip ko. Nalibang kasi kami ni Alex kakahanap ng mga gamit niya sa kusina,” paliwanag ko. “Bakit lumipat na ba siya bg bahay?” Tanong naman ni Leo. “Ah hindi. May condo na siya dati pa. Bale naghanap siya ng mga bagong kitchen tools. Grabe you should try her dishes. Masarap palang magluto ang babaeng iyon!” Sagot ko sabay hugot ng cellphone ko dahil nagvibrate ito. “Maganda ba?” Message ni Alex with a picture of the kitchen tools na naiayos na niya kaagad. May picture pa siya na suot niya ang piglet apron na nakita niya kanina. She’s so cute. Hindi ko napigilang mapangiti. “O ano naman ang nginingitingiti mo diyan?” Usisa ni Rick at inagaw ang phone ko. Ipinakita niya din yun sa dalawa pang mokong bago ibinalik ang phone ko sa akin. “Pucha kakahiwalay nyo lang ah. Hanggang pag-uwi magkausap pa din kayo,” makahulugang saad ni Albert. “Siyempre magkasama kami sa trabaho. And she’s a friend that’s why,” Sagot ko sabay lagok sa beer na hawak ko. “Kaibigan pa nga ba? E parang wala ka nang ibang bukambibig kundi si Alex. Halos hindi ka na nga ankin nakakasama eh. At mas madalas mo pang mabanggit si Alex kesa kay Allison,” hindi ko alam kung saan ang punta ng pinagsasasabing ito ni Rick at pati na rin ang pagsang-ayon pa ng dalawa. Pero hindi ko nagugustuhan ang pinakakahilugan nila. “Huwag niyong bigyan ng malisya ang friendship namin. Kung makikilala niyo lang si Alex nang mas maigi, I’m sure you’ll understand why I’m gond of her. Masaya siyang kasama,” masamang tingin ang ipinukol ko sa kanila. “Sige. Leo, ayain mo nga si Alex lumabas. Para magets natin itong si Justin,” Baling muli ni Rick. “Bakit kailangang si Leo lang? “ agad na tanong ko. Hindi ko gusto ang plano nitong si Rick. Kilalang maloko sa babae si Leo. I don’t want Alex to be any near him. Actually, not anyone but me. “Bakit hindi? Pangit naman kung ako o si Albert. Baka mabugbog kami ng dalawang girls,” nakakalokong sagot ni Albert. “Tantanan niyo si Alex. Diretsahin niyo na ako sa gusto niyong ipakahulugan,” naiinis na sagot ko sa kanila. I knew they are insinuating something. “Napapansin lang naman namin Bro’. Para kasing iba na yung pagiging malapit niyo ni Alex eh,” said Albert then tapped my back. “Ano bang pinagsasasabi niyo? Alam nyo naman na may Allison na ako diba? Magkaibigan nga pang kami ni Alex!” Mataas na tonong saad ko. "Yun na nga eh. May girlfriend ka pero puro Alex, Alex, puro si Alex ang bukambibig mo," napahinto ako sa sinabing iyon ni Leo. Napakunot ang noo ko sa pinagsasabi nila pero patuloy pa din sila sa mapanghusgang tingin at ngiti nila sa akin. Alam ko naman na hinuhuli lang nila ako. “W-we're just friends," maikling sagot ko at lumagok muli ng alak. “Sa ngayon. Pero iba ang nakikita ko eh. Lalo na sa'yo," seryosong nakatitig sa akin ang dalawa. “Mali kayo ng iniisip. Magkaibigan lang kami. Huwag niyong bigyan ng kulay yun," Umiwas ako ng tingin sa kanila nang bitawan ang mga salitang iyon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko matagalan ang mga tingin nila. Wala kaming ginagawang masama pero bakit parang tinatablan ako sa sinasabi nila. " Bro, magkasama na kayo sa trabaho. Tapos pag weekends minsan lumalabas pa kayo. At ngayon kahit kami na ang kasama mo pero parang mas mag-eenjoy ka pang kausap si Alex samantalang kakahiwalay niyo lang dalawa. Ngayon mo sabihin sa akin na walang meron o sa inyo? Or at leasy sa'yo man lang? " napatitig ako ng ilang sandali kay Leo bago sumagot. "Mahal ko si Allison," Oo mahal ko siya. Magkaibigan lang kami ni Alex. Yun ang tama." Piece of advice man, linawin mo yang utak mo. Ikakasal ka na, ay babaeng naghihintay sayo sa Singapore," paalala ni Rick. "I know," tipid na sagot ko at muling uminom ng beer. D*mn! Credit: Kung Okay Lang Sa'yo by Top Suzara Di malaman Kung ano ang gagawin sa damdamin Na di ko maamin sa sarili Kung bakit ka pa ba nand'yan? Sabi-sabi ng mga kaibigan ko Huwag mong pilitin ang hindi para sa 'yo Nguni't bakit hindi kita makalimutan? Sa 'yo ba'y okay lang? Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib Kaya ako'y gumawa ng awiting ito na alay ko sa 'yo At sana'y pakinggan mo, Author’s note: This is an uneditedaw chapter.You may encounter grammatical errors/misspelled words.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD