Chapter 28

2479 Words
Patuloy pa kaming namasyal pati sa batis na malapit lang sa lugar namin. Nang bandang hapon na ay bumalik kami sa garden ni Lola upang panoorin ang sunset. “Bakit ayaw ni Allison magstay dito? Eh ang ganda ganda kaya dito! Tahimik, hindi polluted, at walang traffic,” I was amazed by how simple Alex can be despite being rich. Ang ibang mayayaman ka nakilala ko ay hindi nanaising tumira dito sa probinsya dahil mas sanay at gusto nilang manirahan sa maluhong buhay sa city. “Nasa Singapore na kasi ang buong family niya. I tried to talk to her kasi nga ayaw ko din namang iwan si Lola. Pero ayaw talaga niya eh. Kaya ayun, si Lola ang nagparaya kasi sabi niya I should chase and reach for my dreams. Pinangarap ko rin kasing magwork abroad,” Paliwanag ko. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya. Having her this close to me brings peace and serenity to my heart. Pakiramdam ko lahat kaya kong harapin at abutin basta kasama niya. At kung sakaling hindi ko man maabot ang mga pangarap ko, magiging masaya pa din ako kasi siya ang nasa tabi ko. “Ikaw, talaga bang gusto mong magpunta sa Qatar?” Pasimpleng tanong ko sa kanya na ikinangiti naman niya. “I don’t know,” aniya habang umiiling. “Almost all my life,wala akong ibang ginawa kundi sundin ang gusto ni Daddy. Nung sinabi niyang mag- Architecture ako, nag- Architecture ako. Nung sinabi niyang magtrabaho ako sa firm, nagtrabaho ako sa firm,” May ngiti sa mga labi niya habang sinasabi ito pero alam kong hindi yun dahil sa kasiyahan. Tanda iyon ng tinatagong lungkot at pagkadismaya sa mga pangyayari sa buhay niya. “Alam mo ba nung nag-bunk off tayo sa Ilocos?” Bumaling siya sa akin. Napabalik tanaw ako sa mga ginawa namin nung araw na yun at kung gaano ako naging masaya kahit hindi ko pa maintindihan sa sarili ko noon kung bakit. Little did I know that I was already falling in love with her. “Pinapauwi na ako ni Dad nun. Pinasundo pa nga ako diba?” Napatawa siya sa pagbalik sa alaalang iyon. “That was the first time that I disobeyed him. And I was so happy. You know why?” Muli siyang ngumiti at humarap sa akin. “Why?” Tanong ko. “Because of you,” sagot niya. Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa sinabi niya. “Masaya ako na ikaw ang kasama ko ‘nun. At masaya ako na ikaw pa rin ang kasama ko ngayon,” nakatitig siya sa mga mata ko. Is it too much to think and assume that the way she looks at me makes me feel that I’m the one she’s been waiting for? That I’m her source of happiness? Ilang minuto rin kaming nagtitigan. Walang gustong bumitaw. And seeing me in her eyes makes my heart beat so fast na gusto nang kumawala nun sa dibdib ko. I caressed her cheeks— so soft and so smooth. Unti-unti akong yumuko upang maabot ang mga labi niya. I kissed her slowly but full of love. Marahan pero sinigurado kong nararamdaman niya ang damdamin ko para sa kanya. Saglit akong humiwalay. “You don’t know how much I’ve been keeping myself not to grab,hug and kiss you since we’ve arrived here earlier. Kung hindi ko lang iniisip na hindi ko pa naipagtatapat kay Lola Mercedes ang relasyon nating dalawa ay yayakapin na lang kita bigla kahit kaharap pa siya,” “Puro ka talaga kalokohan,” natatawang sermon niya sa akin. Muli ko siyang hinapit at kasabay ng paglubog ng araw, sa papalamig na simoy ng hangin at magandang tanawin sa paligid, muli kong inangkin ang mga labi niya. Tumugon din si Alex sa mga halik ko. Di nagtagal ay unti-unti na iyong lumalim. I traced her back with my hand and held her nape with the other to deepen the kiss. Siya naman ay napahawak sa dibdib ko. Mas lalo ko pang gustong lumalim ang halik na namamagitan sa aming dalawa kung hindi lang sa isang malakas na pagtikhim na narinig namin. Agad kumalas si Alex sa akin at nagbaba ng ulo. “L-Lola,” tawag ko sa pinagmulan ng pagtikhim kanina. “Handa na ang hapunan. Sumunod na kayo at kakain na,” seryosong saad ni Lola at agad din naman kaming iniwan sa kinatatayuan namin. Nakita ko kung gaano kinabahan at nahiya si Alex. “Don’t worry, I will talk to her later,” pag-aalo ko sa kanya. Kilala ko si Lola Mercedes. Alam kong maiintindihan niya ang sitwasyon ko. Oo, maaaring may mali sa ginawa ko, pero handa akong isaayos ang lahat. Ipapaliwanag ko kay Lola nang maigi. Hindi mapanghusga si Lola at malawak ang pang-unawa niya sa mga bagay-bagay. Kampante ako, matatanggap niya si Alex. Matatanggap niya ang desisyon ko. “Halika na,” hinapit ko ang beywang ni Alex at inalalayan siya habang naglalakad kami pabalik sa bahay. ************************************************ Tanging tunog ng kubyertos lang ang naririnig namin sa hapag. I wanted to talk and explain everything that she saw at the garden but knowing Lola Mercedes, she wants to think first thoroughly before discussing the situation. Nagkakatinginan na lang kami ni Alex dahil sa katahimikan ni Lola. Seryoso lang siya sa pagkain nang maya-maya ay nagpunas siya ng bibig gamit ang table napkin. Isang tikhim mula sa kanya ang ibinigay bago nagsalita. “May gusto ba kayong sabihin sa akin?” Seryosong panimula niya. Muling sumulyap sa akin si Alex. I just gave her a nod to say that she needs to relax. I will handle this. “Lola, girlfriend ko po si Alex,” sagot ko. Napalipatlipat ang mga mata ni Lola sa aming dalawa. “Hindi ba si Allison ang girlfriend mo?” Tanong niya. “At ikaw naman Alex,hija, alam mo naman siguro na may nobya na si Justin at napag-uusapan na nila ang pagpapakasal hindi ba?” Baling niya kay Alex na nagyuko lamang ng ulo. “S-sorry po, Lola” malungkot na aniya. “Hindi tama na mamangka ka sa dalawang ilog, Justin. Hindi kita pinalaking ganyan para manakit ng dalawang babae,” At heto na nga’t nagsimula nang magsermon ang lola ko. “I will break up with Allison, Lola.” maagap na sagot ko. Alam ko ang pinupunto ni Lola Mercedes. At wala akong balak na patagalin ang sitwasyon namin. Sa oras na makabalik kami sa Maynila ay haharapin ko na si Allison. “Hanggang kailan?” Pamimilit ni Lola. Hindi siya titigil hanggat hindi nakasisigurado sa plano ko. “Once we get back to Manila, I will end everything with her. Hindi ko rin po siya kayang lokohin,” paliwanag ko. Sa ilang taong relasyon namin ni Allison ay naging mabuti siya sa akin. Yes, she’s childish and selfish sometimes. But she was good to me. “At hindi rin ako papayag na ilagay mo sa alanganing sitwasyon si Alex,” matatag na aniya. Tumayo ito at naglakad papalapit sa akin. “Magtapat ka nga sa akin, hija!” baling nito kay Alex pero nakatayo sa likuran ko. Nag-angat ng mukha si Alex nang tawagin siya ni Lola. “Pinilit ka ba nitong loko-lokong apo ko ha?!Ano ang sinabi niya para mabola ka?! Magsabi ka at ako mismo ang kakastigo sa lalaking ito!” Dire-diretsong tanong ni Lola sa kanya habang paulit ulit ding hinahampas ng pamaypay niya ang ulo ko at pinipingot ang tenga ko. “Aw! Aray Lola, tama na!” Tumayo ako upang lumayo kay Lola. Si Alex naman ay hindi maintindihan kung ano ang gagawin. Tumakbo ako at nagtago sa likod ni Alex. Hindi na ako hinabol ni Lola pero masama pa rin ang tingin sa akin. “Ayusin mo ang gulong pinasok mo Justin! Baka bumangon ang Lolo at Papa mo sa libingan para sila mismo ang kumastigo sayo! Walang sinuman sa mga lalaki ng Arceo ang nagloko!” Paninita ni Lola. Galit man siya magsalita pero alam kong kalmado na siya. “Hindi po Lola,pangako si Alex na ang huli mong makikilalang babae,” yumukod ako upang yakapin ang nakaupong si Alex mula sa kanyang likuran. Nagulat siya at nagtangkang alisin ang mga braso kong nakapulupot sa kanya marahil ay dahil nasa harapan namin si Lola pero hindi ako nagpatinag at hinalikan pa siya sa pisngi. “Siguraduhin mo lang,” ani Lola at tumalikod na upang iwanan na kami sa komedor dahil tapos na siyang kamain at magsermon Ngunit bago pa siya makalabas ng tuluyan ay muli siyang nagsalita. “Si Alex na lang ang gusto kong makasama mo habang buhay. Kapag may iba ka pang dinala dito ay hindi ko tatanggapin,” ngumiti si Lola at kumindat sa aming dalawa. I knew she would understand. Niyakap kong muli si Alex. “I told you, she will love you,” ani ko sa kanya na ikinangiti naman niya. ************************************************ Palinga-linga pa ako sa paligid making sure that no one will see me sneaking in the balcony. Napapagitnaan ang kwarto ko ng kwarto ni Lola Mercedes at ng guest room where Alex is staying. Kaninang hapunan ay pasimple akong binalaan ng Lola. “Behave at huwag gagawa ng kalokohan,” kabilin bilinan niya. Siya mismo ang naghatid kay Alex sa kuwarto na tutulugan niya making sure that we will not stay in the same room. Conservative si Lola kahit pa cool grandmother siya. Kung alam lang niya kung saan na kami nakarating ni Alex at kung ano na ang nagawa namin ay malamang pingot sa akin at kurot sa singit naman kay Alex ang gagawin niya. Nang masigurado kong tulog na tulog na si Lola at wala nang tao sa paligid ay maingat akong tumawid papunta sa balcony ng kwarto ni Alex. Nakalock iyon pero nakabukas pa ang lampshade sa loob kaya alam kong gising pa siya. Kumatok ako sa salamin na pinto at pabulong siyang tinawag. Maya-maya pa ay hinawi niya ang kurtina. “Justin?” Nagulat na tanong niya. “Open the door,” utos ko habang itinuturo ang lock ng pinto. Agad din naman niya iyon binuksan kaya mabilis akong pumasok. “What are you doing here? Gabi na—-“ aniya pero naputol ang sasabihin nang kintalan ko siya ng mabilis na halik. Pinaningkitan niya ako ng mata sa ginawa ko. “Bakit ba diyan ka dumaan? Bawal ka bang pumasok sa pinto ko?” Tanong niya na natatawa. “Hindi. Para lang may thrill,” pabirong sagot ko kaya marahan akong hinampas sa braso. “Halika may pupuntahan tayo. Huwag kang maingay,” hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta sa balcony. Ngunit bago kami lumabas ay muli kong sinipat kung may ibang tao sa labas. Nang makasigurado na akong kaming dalawa na lang ang gising ay nagpatuloy na ako. “A-anong gagawin natin diyan?” Nakita ko ang kaba sa mukha niya nang ituro ko ang makipot na daan papunta sa bubong ng masyon. “Huwag kang matakot, hindi ko naman hahayaang malaglag ka,” paninigurado ko. “Sapat nang sa akin ka nahulog,” ngisi ko. She just rolled her eyes on me which I still find cute and seductive at the same time. “Kapag tayo nalaglag diyan, ako mismo ang babali sa buto mo!” Banta niya ngunit alam kong palipad hangin lang naman. “Basta kumapit ka lang sa kamay ko. Promise magugustuhan mo dun,” kwento ko pa habang inaalalayan siya sa pag-akyat. “Wow!” She exclaimed while eyes fixed on the sky. “See, I told you you’ll like it,” ngumiti naman siya sa akin sa sinabi ko. I know Alex like these kind of sceneries. Napansin ko na mahilig siya sa nature. Anything that is natural— sunrise and sunset, the clouds, the wind, the sky, the stars. And that’s one of the things I love about her. Mas naaappreciate niya ang mga bagay na totoo at natural. Sumenyas ako na umupo siya sa tabi ko. Nakatingala kami ngayon sa malawak na langit. Malalim na ang gabi pero maliwanag pa din ang kalangitan dahil sa makikinang na mga bituin. Umakbay ako sa kanya at isinandal siya sa katawan ko para mayakap siya. Malamig ang simoy ng hangin sa gabi pero sapat ang init ng katawan niya para pawiin ang lamig na nararamdaman ko. Tahimik lang kaming dalawa habang pinapanuod ang mga stars. Suddenly she was thrilled and pointed her finger to the sky. “Wishing star!” She exclaimed. Nagmistula siyang isang bata na nakakita ng bulalakaw. “Make a wish!” Utos niya sa akin at siya naman ay agad na pumikit at tila humiling sa star na iyon. Makalipas ang ilang sandali ay bumaling siya ng tingin sa akin at ngumiti. “What did you wish for?” Tanong ko sa kanya. “I wished for your happiness,” parang may mainit na kamay ang humawak sa puso ko. She could’ve wish for her own happiness. Maaari niyang hilingin na maging okay na ang relasyon nila ng Daddy niya, or magawa na niya yung talagang gusto niyang gawin at pangarap para sa sarili niya. But instead, her wish was for other people, her wish was for me. Ngumiti ako sa kanya. “ Wish granted,” matipid na sagot ko. Kumunot naman ang noo niya. “You wished for my happiness, but you didn’t realize that I already got that happiness even without that falling star,” nanatili lang siyang nakatulala at naghihintay ng paliwanag ko. “Halika dito,” muli ko siyang niyakap. “Ikaw ang nagpasaya ulit sa buhay ko. Akala ko dati masaya na ako. Pero nung dumating ka, narealize ko na may mas isasaya pa pala ang buhay ko, kasi nakita na kita, kasi dumating ka na,” Ganun ba talaga? Kapag nasa romantic place at moment ka ay nagiging romatic ka na din? This is feeling is very unfamiliar to me. Yes I was happy and contented with my life before Alex. I have a soaring career, a beautiful girlfriend—-Allison. Pero lahat ng iyon, parang superficial lang. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong feeling para sa isang tao. Everything seem magical. Yung pakiramdam na mas importanteng mauna ang kaligayahan niya kesa sa kaligayahan ko. Yung uunahin ko lagi siya bago ang sarili ko. Sa kanya lang. “Eh ikaw anong wish mo?” Baling na tanong naman niya sa akin. “I wished na sana..” nag-angat siya ng mukha upang matitigan ako. “hindi ka na mawala sa akin. Mahal na mahal kita, Alex!” Ngumiti siya bago ko tuluyang angkinin ang mga labi niya. And under that bright sky and countless stars, I made a promise. “Kung sakali man namaiwala kita, hahanapin kita. At hindi ako titigil hanggang makita ulit kita.” Credit: A Sky Full of Stars by Coldplay 'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars I'm gonna give you my heart 'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars 'Cause you light up the path I don't care, go on and tear me apart I don't care if you do, ooh 'Cause in a sky, 'cause in a sky full of stars I think I saw you 'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars I want to die in your arms, oh 'Cause you get lighter the more it gets dark I'm gonna give you my heart, oh I don't care, go on and tear me apart I don't care if you do, oh 'Cause in a sky, 'cause in sky full of stars I think I see you I think I see you 'Cause you're a sky, you're a sky full of stars Such a heavenly view You're such a heavenly DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Author’s Note: This is a raw/unedited chapter. You may encounter grammatical errors/misspelled words.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD