Few days passed and we are actually enjoying our vacation in Laguna. Wala kaming ibang ginawa kundi mamasyal kung saan-saan. Maging si Lola Mercedes ay nag-eenjoy na rin sa company ni Alex. Something I’ve never seen with Allison.
“Anong plano mo pagbalik natin sa Maynila sa isang araw?” Nakasandal siya sa akin habang nakaupo kami sa blanket na inilatag ko. Nagpicnic kami sa garden kasama si Lola kanina pero dahil napagod si Lola ay nagpahinga muna siya sa bahay.
“I don’t know yet,” simpleng sagot niya.
“Why don’t you just put up your own restaurant?” Suggestion ko. Kung may pangarap ako sa kanya, yun ang ang gawin niya ang bagay na totoong nagpapasaya sa kanya.
“Sa tingin ko ba kakayanin ko?” Tiningala niya ako upang makita ang mukha ko.
“Of course!” Agad na sagot ko sa kanya. Naniniwala ako sa kakayanan niya. Tumitig siya sa akin at umiling. “Nah! Hindi na siguro. Feeling ko hindi ko kakayanin,” muli siyang nagyuko ng ulo.
“Kaya mo! Maniwala ka sa akin. Kasi ako,naniniwala ako sa’yo!” hinawakan ko ang kanyang mukha at iniharap sa akin.
“Thank you,” madamdamin niyang saad. May kaunting kislap sa gilid ng mata niya badya ng namumuong luha.
“I will always be here for you,” ani ko at yumukod upang gawaran siya ng mabilis na halik.
“Teka,” bahagya kong inilayo ang katawan niya sa akin upang maabot ang sketch pad at lapis na dala ko kanina. Ibinigay ko ito sa kanya.
“Here,” ani ko na ikinakunot ng noo niya.
“Ikaw ang magdesign ng magiging restaurant mo,” nag-aalangan pa siyang kunin iyon pero hinawakan ko ang kamay niya at kusa iyong ibinigay sa kanya.
“Bubuuin natin ng magkasama ang pangarap mo. Simula ngayon, hindi ka na kailangan pang sumunod sa sinasabi ng ibang tao sa’yo. Kung ano ang gusto mo, at kung saan ka masaya, yun na ang gagawin mo.” Gusto na naman niyang maluha sa mga sinabi ko. Basta ako, determinado ako na gawin ang lahat para maging masaya siya. At kung ano ang ikakaligaya niya ay hahayaan ko siya. I will let her spread her wings.
She smiled at me and started drawing her dream restaurant. Hinayaan ko siya kahit inabot pa kami ng tanghali. Tumigil lang siya nang matapos na niya at masayang ipinakita sa akin. Pinakatitigan ko iyon.
“Pangit?” Aniya habang naghihintay sa opinyon ko.
“Tss! Maganda kaya!” Hinaplos ko ang buhok niya at pinisil ang pisngi.
“Bakit ito ang naisip mong design?” The design was simple and materials are not that expensive. Pero bagaman simple ay maganda ito. Hindi ko lang inexpect na ganito ang gagawin niya. I was actually expecting a fancy and extravagant design.
“Gusto ko lahat ng tao pwedeng kumain sa restaurant ko. Pag masyado kasing bongga, maiilang pumasok yung ibang tao kasi baka isipin nila na hindi nila afford kung sobrang bongga ng ambience. Tsaka alam mo ba, marami akong nakainan na restaurant na yung ambience na lang ang binayaran mo. Nasacrifice na yung lasa ng pagkain,” Puno ng ningning ang mga mata niya habang pinapaliwanag sa akin ang design. I can see how happy she was because she was doing what she really love.
“Nagustuhan mo ba?” Baling na tanong niya sa akin. Agad naman akong tumango dahil nagustuhan ko talaga ang design niya.
“Sunod naman, gawan mo ng design yung magiging bahay natin,” masuyong saad ko. Niyakap ko siya at hinagkan ang noo. I saw how she blushed.
“B-bakit naman ako? E mas magaling ka kaya sa akin na Architect!”
“Kung ano yung gusto mo, yun ang masusunod kasi ikaw ang magiging Reyna sa mansyon natin diba?” Hindi ko mapigilang masabik sa araw na magiging akin na siya. Yes! I plan to marry her, I will marry her! Matapos ko lang ayusin ang sa amin ni Allison ay aayain ko na siyang magpakasal.
“Ano ba ang gusto mong design? At saan mo ba gustong tumira?” Tanong ko na nakapagpaisip sa kaniya. Ilang sandali pa ay saka siya sumagot.
“Gusto ko—- gusto ko dito tayo sa bahay na ‘to tumira!” Sagot niya. I wasn’t expecting she’ll choose this place.
“A-are you sure? Malayo ‘to sa malapalasyong bahay niyo. Isa pa, luma na ‘to at iilan lang ang—” hindi niya ako pinatapos sa sinasabi ko nang bigyan niya ang ng isang marahang halik sa labi na nagpakabog ng dibdib ko.
“Kahit saan naman eh, basta ikaw ang kasama ko. Pero alam ko kung gaano sa’yo kaimportante ang bahay na ‘to. Tapos makakasama pa natin si Lola Mercedes. Ayaw mo ba yun?” Agad ko siyang niyakap matapos ang litanya niya.
“Of course I love it! And I love you!” I proclaimed.
“Pfft!” Natatawa niyang reaction.
“Pero siyempre irerestore natin ang bahay para mas lalo pang gumanda. Pero dapat matira pa din yung original look or design niya because that’s what makes it special.” Aniya habang nakatayo kami at nakasandal siya sa akin. Parehas kaming nakatanaw sa bahay na pangarap naming tirahan sa oras na maikasal na kami.
“Halika,dali” muli kaming naupo sa blanket at nagsimula akong magdrawing.
“Sisimulan na natin ngayon yung dream house natin,” ani ko at tumanaw sa aming bahay na tanaw dito sa garden.
“Gusto ko yung bahay maraming access sa natural light,” aniya. “Mainam sa kalusugan ang sikat ng araw. Bukod dun, tipid pa sa kuryente kasi kapag umaga, hindi mo na kailangang buksan yung ilaw kasi maliwanag na,” natatawang dugtong niya.
“Access to light - check!” Sang-ayon ko naman sa kanya at nagsimulang iguhit ang gusto niya.
“Tapos imaintain natin yung wood design niya,” humiga siya sa blanket at tumingala sa langit.
“Ayaw mo ng modern design?” Tanong ko. Naalala ko na si Allison ay madalas sabihin na gusto niya ang modern design sa bahay. Mahilig siya sa mga makabagong gamit kaya hindi na ako nagtataka. Masyado na niyang naadapt ang modern living sa Singapore pati na din sa States nang matagal siyang magbakasyon doon.
“Ayoko. Gusto ko malaki pa rin na bahagi ng bahay yung maretain,” aniya ay pinihit paharap sa akin ang katawan. Ang isang kamay ay nakasalo sa baba.
“Kasi nandun yung happy memories mo at ng buong family mo,” ngumiti muli siya sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang mahal na mahal ko siya. Hindi ko nga alam kung may mas imamahal pa ang salitang mahal ko siya.
“At dun din tayo bubuo ng mga bagong memories natin,” dugtong ko. Yumukod ako upang gawaran siya ng isang masuyong halik.
Gamit ang mga palitan namin ng ideas ay nabuo namin ang plano ng dream house namin.
Credits: Could I Love You Any More by Reneé Dominique and Jason Mraz
Full moon, bedroom, stars in your eyes
Last night, the first time that I realized
The glow between us felt so right
We sat on the edge of the bed
and you said
"I never knew that I could feel this way"
Love today can be so difficult
But what we have I know is different
'Cause when I'm with you the world
stops turning
Could I love you any more?
Could I love you any more?
Could I love you any more?
Sunrise, time flies, feels like a dream
Being close, inhaling, hard to believe
Seven billion people in the world
Finding you is like a miracle
Only this wonder remains
Could I love you any more?
Could I love you any more?
Could I love you any more?
Mmm
Softly, slowly
Love unfolding
Could this love be true?
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner.
Author’s Note:
This is a raw/unedited chapter. You may encounter grammatical errors/misspelled words.