Chapter 27

1658 Words
“Bakit hindi mo sinasagot?” Tanong ni Alex sa akin nang mangilang ulit kong hindi sagutin ang tawag sa cellphone ko. Tinitignan ko lamang kung sino ang tatawag at agad namang inilalapag na lang sa table at hinahayaang magring lang. “Gutom ka na ba? Sandali na lang ‘to,” sa halip ay sagot ko. Kanina ay nagpresinta siyang magluto pero gusto kongpagsilbihan siya sa araw na ito. “Sino bang tumatawag sa’yo?” Usisa niya. “Si Ninong,” tipid na sagot ko. Kahapon ay tinadtad din niya ako ng text messages sa cellphone ko dahil hindi ko sinasagot ang mga tawag niya. —-Bakit mo ginawa iyon? Problema ng mag-ama yun. Alam kong mali na saktan niya si Alex pero mali din na maghimasok—- ——Justin hijo, sagutin mo ako. Anong binabalak mo ngayon? Nasaan kayo ni Alex?—- I felt guilty for ignoring Ninong John and behaving this way. Haharapin ko din naman lahat sila maging si Mr. Madrid. Pero mas mahalaga sa akin ngayon na pagaanin muna ang loob ni Alex. Ang maiayos ang kalagayan niya ang kailangan kong unahin sa ngayon. Sa huli ay wala ding nagawa si Ninong at sinabing hihintayin na lang niya pagbalik ko at binilinan pa na mag-ingat at alagaan ko si Alex. Hindi na rin iba sa kanya si Alex kaya alam kong mauunawaan niya ako. “Kumain ka na. Alam ko di hamak na mas masarap kang magluto sa akin pero made with love naman yan kaya pagtiyagaan mo na,” nakangiting sabi ko kanya at naglagay ng pagkaing bagong luto ko sa plato niya. Hindi niya yun tiningnan at sa halip ay naghintay ng isasagot ko. “Anong plano mo?” Tanong niya. I know she won’t stop asking. “Magreresign din ako. Kung saan ka ay dun din ako,” muli akong ngumiti sa kanya at sinubuan siya para tumigil na siya sa pagtatanong pero wala din iyong silbi dahil hindi pa rin siya nakuntento sa sagot ko. “Hindi ganun kasimple yun Justin, marami pa tayong kailangang ayusin,” Alam kong nagwo-worry siya dahil sa sitwasyon namin, lalo na ako. Pero naniniwala akong maayos din ang lahat. “I know. Darating din tayo diyan one of these days. Pero sa ngayon, I just want to enjoy and spend time with you,” pinisil ko ang pisngi niya naikinasimangot niya. “How about we go to Laguna? Ipapakilala kita kay Lola. Dun na muna tayo ng ilang araw,” Pilit kong pagbabago ng usapan upang gumaan naman ang pakiramdam niya. “O-okay lang ba ‘yun? Hindi ba alam ng Lola mo na si Allison ang girlfriend mo,” kita ang pag-aalangan sa mga mata niya. “Kaya nga dadalhin kita sa kanya at ipapaliwanag ang lahat. She will understand, trust me. Hmm?” Masuyong saad ko. Muli kong hinawi ang takas na buhok sa kanyang tenga at nginitian siya. She nooded and smiled at me too. *********************************************** “Relax, hmm?” Marahan kong pinisil ang kanyang kamay just to assure her that everything will be fine. Pagkatapos mag-almusal at makapag empake ay agad na kaming tumungo sa bahay namin sa Laguna para pansamantalang magbakasyon muna dito. Ilang araw lang ang napag-usapan namin dahil marami kaming kailangang harapin sa pagbalik namin. Siya ang kanyang Daddy, at ako naman si Allison. Kaya minabuti kong ipakilala na siya agad kay Lola dahil ngayon ko mas kailangan ang suporta ng mga taong nagmamahal sa akin. “Justin, apo!” Mahigpit na yakap ang isinalubong ni Lola Mercedes sa akin. Agad na bumitiw si Alex sa paghahahawak ko sa kamay niya nang makita si Lola. “Bakit hindi ka umuwi kagabi ha! Pinag-alala mo ako!” Pagkatapos ng yakap ay sunud-sunod na palo ng kanyang pamaypay ang ibinigay sa akin ni Lola. “Sorry na! May nangyari lang pong emergency kaya hindi ako nakauwi. Nagtext naman ako diba?” Niyakap ko si Lola katulad ng madalas kong paglalambing sa tuwing pinapagalitan niya ako noon. “Sus! Alam na alam mo talaga kung paano ako utuin,” Nakangiting aniya. “May kasama ka,” baling niya kay Alex. Agad naman akong lumingon upang ipakilala siya. “Lola, si Alex ho. Gi-" hindi ko natatapos ang pagpapakilala ko sana kay Alex nang maudlot iyon ng pagtunog ng cellphone ni Lola. Nagdalawang isip pa si Lola kung sasagutin iyon ngunit sa huli ay sinagot din niya nang silipin kung sino ang tumatawag. “Hello, Allison?” Nagkatinginan kami ni Alex nang marinig ang pangalan ng kausap ni lola sa kabilang linya. “Oo nandito siya kararating lang. Oh heto,” tinakpan muna ni Lola ang mouth piece ng cellphone bago iabot sa akin. “Si Allison ito, apo. Hindi mo daw sinasagot ang mga tawag niya,” pag-imporma ni Lola. Kanina ko pa nakikita ang mga tawag ni Allison pero nagpasya akong huwag munang sagutin. Muli akong napatingin kay Alex ngunit agad din naman siyang nag-iwas ng mata sa akin. Sa huli ay wala akong nagawa kundi sagutin muna ang tawag. Wala pang alam si Allison at maging si Lola. Kaya kailangan ko muna silang ihanda pareho. Nang sagutin ko ay bahagya muna akong lumayo sa kanila. Insaw Lola talking to Alex. Malamang ay ini-estima na niya ang akala niya ay bisita. Saglit ko lamang kinausap si Allison at nagdahilan na lamang ako na nakasilent ang phone ko sa biyahe kaya hindi ko napansin ang mga tawag niya. Sa lalong madaling panahon ay kailangan ko siyang makausap at maipagtapat na ang lahat. Nang makabalik ako sa sala ay nandun si Lola at giliw na giliw sa pagpapakita ng photo album at mga larawan ko kay Alex simula nung baby pa ako hanggang sa kasalukuyan. Si Lola talaga! “Justin, kasamahan mo pala itong si Alex sa trabaho. Mabuti naman at nagsama ka na din ng kaibigan mo dito sa bago mong trabaho.” Nakangiting ani Lola. Napatitig lang ako kay Alex. She didn’t say anything to Lola. Marahil ay nag-alangan siya dahil sa pagtawag ni Allison. Mamaya ay ipapaliwanag ko na din kay Lola Mercedes ang totoo. “Alam mo ba itong si Justin na lang ang nag-iisa kong pamilya dito? Kaya nga kung ako nag masusunod ay gusto ko sanang dito na lang sila manirahan ng mapapang-asawa niya. Kaso ang nobya niya naman ay sa Singapore na nakatira kaya kung saan magiging masaya ang apo ko ay susuportahan ko siya,” nagbigay ng tipid na ngiti si Alex. Alam kong nakakaramdam siya ng pagkaalangan sa mga sinasabi ni Lola. “Nakapaghanda na kami ng tanghalian. Halina’t kumain,” nakangiting turan ni Lola at nauna nang magtungo sa kusina. Agad akong lumapit kay Alex. “I’m sorry. Mamaya sasabihin ko na sa kanya ang tungkol sa atin,” hinawakan ko ang kamay niya . “It’s okay,” ngumiti siyang muli. Naging masaya ang kwentuhan sa hapag. Si Lola ay maraming baon na kwento tungkol sa aking pagkabata na kinagiliwan namang pakinggan ni Alex. May mga mapanukso siyang tingin sa akin kapag mga kalokohan ko na ang topic ni Lola. Kulang na lang ay busalan ko ang bibig siya dail baka kung ano pang masabi niyang nakakahiya. Magbago pa bigla ang isip at damdamin sa akin ni Alex! Nang makapagpahinga na kami ay ipinasyal ko luna si Alex sa garden ni Lola. “Ang ganda dito,” manghang aniya habang naglalakad lakad kami. “I know, kaya nga ayaw ibenta ni Lola kahit anong pilit ko,” sagot ko naman. Sinusundan ko lamang siya kung saan siya maglakad. “Bakit mo naman kasi ibebenta? I’m sure maraming memories ang bahay na ito kay Lola Mercedes kaya hindi siya papayag,” that’s exactly the reason kaya nga kahit anong kumbinsi ko kay Lola ay ayaw talaga niya akong pagbigyan. “Kasi nga mag-isa na siya dito dahil nasa Singapore na ako diba?” Paalala ko sa kanya. May kaunting lungkot ang bumakas sa mukha niya. Siyempre dahil si Allison ang dahilan ng pagtira ko sa Singapore bukod sa trabaho ko. She just nodded ang continued walking. “Pero dati ‘yon, hindi na ngayon.” I added. Tumungin siya sa akin at naghintay ng sunod na sasabihin. “Nandito ka na kaya hindi na ako aalis ulit. Not unless magdecide kang tumuloy sa Qatar. Baka sumama lang din ako sa iyo,” natawa siya sa sinabi ko. “Pero kung papayag ka, pwede naman na dito na lang tayo sa Laguna,” Mabilis akong lumapit sa kanya at isinara ang distansyang nakapagitan sa aming dalawa nang hapitin ko ang beywang niya. Nabigla siya at bahagya akong itinulak ngunit wala din siyang nagawa dahil mas lalo ko lang hinigpitan ang kapit sa kanya. “Baka may makakita,” paalala niya pero hindi naman niya maitago ang pamumula ng mukha niya. “Eh ano naman?!” Ikinataas ng kilay niya ang sagot ko. “Ayaw mo ba dito?” muling tanong ko sa kanya. “I like it here. Tahimik tsaka sariwa ang hangin,” Lumawak ang ngiti ko sa labi sa sinabi niya. Alam kong magugustuhan niya dito pero ang kaalamang gugustuhin niyang manirahan dito kasama ko at si Lola ay labis na nagpagalak sa puso ko. Isinandal ko ang mukha niya sa dibdib ko at kasabay ng mga huni ng ibon ay ang iisang t***k ng puso naming dalawa. At ang sariwang hangin ay nagbibigay sa akin ng pag-asa at lakas na magiging maayos ang lahat. Sana— Credits: Abot Langit by Silent Sanctuary Lumiwanag bagong araw Dahan-dahang natutunaw Ang aking damdamin Ikaw na nga'ng para sa akin Habang lumalalim Ako'y nahuhulog na Ika'y gustong laging kasama Dahil mananahimik na sana Ewan ko ba Nang makilala kita Abot langit ang saya DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Author’s Note: This is a raw/unedited chapter. You may encounter grammatical errors/misspelled words.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD