Chapter 14

1175 Words
Ilang beses akong nagpabiling biling sa kama. Papaumaga na pero hindi pa rin ako makatulog sa pag-iisip sa nangyari kanina lamang. I almost kiss her! D*mn! Ano bang pumasok sa isip ko?! I didn’t hear a word from her. No text as well. I don’t know what she’s thinking about me. Galit ba siya? Baka iniisip niya that I planned to take advantage of her. But hell no! All I know is that moment, I was really drawn to kiss her. Namagnet ako. F*ck! Kulang na kulang pa ako sa tulog pero kailangan kong bumiyahe ng maaga pauwi sa Laguna dahil weekend ngayon at nangako ako kay Lola na uuwi ako. Gusto ko din icheck kung okay ba siya at kung naiinom ba niya ang mga gamot niya. May pagkamatigas kasi ang ulo niya at madalas nakakalimutan na inumin ang prescriptions on time. “Ang lalim yata niya apo ah! May problema ba kayo ni Allison?” Tinapik ni Lola ang balikat ko at tinabihan ako na nakatanaw sa bintana. I was still thinking about the almost kiss. Nag-aalala ako kung anong iniisip ni Alex sa akin. Kung galit ba siya o kung iniiwasan niya ba ako. Bukod dun, nag-aalala din ako sa nararamdaman ko. Naguguluhan ako, binabagabag. Hindi ito tama. “Wala po ‘la ,” iling ko at ngumiti sa kanya. “Eh kung ganun ano ang kinakukunot ng noo mo at kinasisimangot mo diyan?” Usisang tanong niya. He touched the creases on my forehead. “La, anong gagawin mo kung may kaibigan ka tapos may kasalanan kang muntik nang magawa sa kanya?” Hindi ko napigilang tanong kay Lola. Simula nung bata pa ako, siya ang hingahan at hinihingan ko ng mga payo tungkol sa buhay. Bukod kasi sa pagiging cool at kalog na lola ay magaling din magpayo si Lola dahil na din sa dami ng napagdaanan niya. “Eh di magso-sorry ako,” mabilis na sagot niya. “Eh paano kung natatakot ka na mabrought up yung muntik mo nang gawin? Paano ka hihingi ng sorry?” “Bakit ka naman natatakot? Ano bang klaseng kasalanan ang nagawa mo o muntik mo nang magawa?” F*ck! Paano ko ba ipapaliwanag kay lola?! “Kasi natatakot ka sa magiging reaction niya, o sa magiging sagot niya,” i answered still contemplating on the right words to say. “Natatakot ka ba na magagalit siya? O natatakot ka kasi hindi mo pinagsisisihan yung nagawa mo?” Hindi ko nagawang magkapagsalita sa tanong na’yun ni Lola. Bakit nga ba? Kung sakali bang natuloy ang kiss na ‘yun, pagsisisihan ko ba? Tanong ko sa sarili ko. “Alam mo apo, mahirap kalaban ang isip. Pero mas mahirap kalaban ang puso,” Makahulugang aniya habang may matamis na ngiti sa labi. Ginulo gulo muna niya ang buhok ko bago ako tinalikuran. “Ipapahanda ko lang ang tanghalian apo,” paalam niya. I was left questioning myself. Kinuha ko ang cellphone ko. Agad namang sinagot ang tawag ko. “Hello Babe! Napatawag ka,” masiglang boses ni Allison ang bumungad sa akin. “N-nothing babe. I- I just miss you,” i answered while staring blankly at the nothing. “Ahh..I miss you too babe! Sana makabalik ka na dito,” “I love you,” agad na sabi ko. “I love you too,” she replied. Mahal ko si Allison.Malapit na kaming ikasal. Siya ang mahal ko. Mahal ko siya. Paulit ulit kong binubulong sa sarili ko. **************************************** “Good Morning Arch. Arceo!” Like the usual, sinalubong ako ng masayang bati ni Marie. “Good Morning,” sagot ko naman at dumirecho na sa desk ko after mag tap in ng ID. Saglit akong napahinto nang makita ko ang nakatalikod na si Alex habang nakaupo ito sa swivel chair niya at abala sa pagbabasa ng email. Mukhang hindi namn niya ako napansin. Nagtuloy ako sa paglalagay ng gamit ko nang—- “Good morning!” Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa masayang pagbati niya. Agad akong napalingon sa kanya. “Oh, bakit parang nakakita ka naman ng multo?” Natatawang tanong niya at ibinalik ang tingin sa ginagawa. “G-good morning,” Bakit parang wala lang? Bakit parang casual lang siya sa akin? “May iko-consult pala ako sa’yo tungkol dito sa isang draft na ginagawa ko. May itinuro siya sa screen ng destop niya at may itinanong na kung ano. Nakatitig lamang ako sa kanya. “So what do you think? Huy!” Tinapik pa niya ang balikat ko dahilan para makabalik ako sa ulirat. “Ha?” Maang na tanong ko. “Sabi ko sa tingin mo ba okay na ‘yan or kailangan ko pang baguhin—” aniya at may itinuro sa screen. Naglipat naman ako ng tingin dun. s**t! Nasaan ba ang utak mo Justin? “I- I think,you just need to consider the materials if you’re planning to extend this area,” sagot ko. Mabuti na lamang at madalinkong nagets ang design na gusto niyang ikonsulta kaya nakabawi naman ako kahit papaano. “Hmm...I thought so too,” aniya while nodding her head. Eyes focused on the screen. She then faced me, “Thanks!” She said while casually smiling then got some files on her drawer. Bumalik na ako sa desk ko pero buong araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang makiramdam sa kanya. May nga pagkakataon that she would glance at me then just smile kapag nagkatinginan kami like there’s nothing. O baka nga wala lang sa kanya ‘yun. Tapos na ang work hours pero naisip kong dumaan sa convenience store sa baba ng building at bumili ang dalawang can ng beer. Umakyat ako sa rooftop ng office building at doon tumanaw sa halos papadilim ng langit at ang mga ilaw sa kalsadang napupuno na ng mga sasakyan. Binuksan ko na ang isang can at sumisim ng alak doon. “Nagso-solo ka ha! Ang daya mo,” tumabi siya sa akin na may sapat na distansiya. Agad akong napabaling nang marinig ko ang boses niya. Hindi ko nagawang magsalita. Instead I just stared at her. “I saw you coming here with a plastic on your hand that’s why I followed you. Sabi na may binabalak kang masama eh. And that involves this beer,” nakangiting aniya sabay turo sa hawak kong can. Ngumiti pa siyang muli. Inabot ko sa kanya ang natitira pang can ng beer at malugod naman niya itong kinuha. Binuksan niya ito at lumagok habang nakatingin din sa kapaligiran. “Alex, tungkol sa—-“ panimula ko. I decided to talk to her about it though I was really thinki if I should bring it up. “Wala ‘yun,” putol niya. What? Wala lang yun? Humarap siya sa akin at ngumiti. “Are you worried? Don’t be. Alam ko naman nakainom lang tayo nun,” aniya sabay tapik sa balikat ko. “Pero—“ Pero ano Justin? Anong pero ang gusto mong sabihin? “Wala namang nangyari Justin. Kaya huwag mo na masyadong isipin. Hindi ako galit. Really it was nothing,” paniniguro niya. I should be happy and feel relieved. Kasi hindi siya galit. At naiintindihan niya. But why do I feel the opposite? Why do I feel disappointed? It’s nothing. F*ck it’s just nothing to her! Credits: Tagu-taguan by Moira Dela Torre Minsan, isang araw Puso'y napasigaw Nahulog sa iyo 'Di ko na matanaw Pangangatwiran ko'y 'Di na mapagkatiwalaan Kaya't pipikit na lang Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Masarap magmahal 'pag hindi iniwan Pagbilang mong tatlo Nakatago na ako Ibalik ako sa nakaraan DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD