Chapter 23

1242 Words
More days passed but still, Alex never came to work. Rick and Albert told me to give her time. While Leo never commented again. Alam kong hindi niya gusto ang mga desisyon ko sa buhay lately. Araw araw ay mas gumugulo ang isip at damdamin ko. I miss her so much. Kakabalik ko pa lamang sa firm galing sa site ng isa sa project na hinahawakan namin ni Alex. Hinahanap din siya sa akin ng kliyente kaya nagdahilan na lang ako. Nadatnan ko si Marie na tila aligaga at hindi mapakali habang panay ang sulyap sa opisina ni Ninong John. Mukhang seryoso dahil hindi man lang niya ako napansin na nadun na. Halos mapatalon siya sa gulat nang bigla akong magsalita sa tabi niya. Sinadya ko pang magsalita sa malapit sa tenga niya. “Ay kabayong bakla!” Bulalas niya at muntik pa akong mahampas ng hawak na folders. Napahalakhak naman ako ng bahagya. “Nanggugulat ka naman diyan Architect!” Sita nito at humawak pa sa gawing dibdib na kunwari’y nalaglag ang puso niya sa pagkabigla. “Seryoso ka kasi diyan eh,” natatawang sagot ko. “Hiramin ko naman yung floor plan nung building nila Mr. Lee,” bago ko ng usapan. Bumaling siya sa likod at may hinanap na mga drafts doon. Maya maya ay inabot na niya sa akin ang hinihingi kong plan. Napansin kong hindi pa rin siya natinag sa pagsulyap sulyap sa opisina ni Ninong. “Ano bang meron at kanina ka pa hindi mapakali diyan?” Tanong ko sa kanya habang abala ang mga mata ko sa pagsuri ng hawak kong floor plan. “Eh kasi kanina pa sila hindi lumalabas diyan. Mukha pa namang galit na naman si Mr. Madrid,” so nandiyan pala ang daddy ni Alex. Mukhang may pag-uusapan na naman silang seryoso ni Ninong. “Maybe about a project. Di ba pumupunta lang naman siya dito kapag importanteng tao ang kliyente or kung may problema sa firm,” matamlay na komento ko. I don’t really care if he’s here. All I care about is Alex. “Nag-aalala lang naman kasi ako kay Arch. Alex. Mukhang sinasabon na naman siya ng tatay niya,” sagot ni Marie na nakapagpahinto sa akin sa ginagawa ko. “She’s inside?” Agad na tanong ko. “Oo, Kanina pa. Dumating siya at dumiretso sa office ni Sir John. Sakto din na dumating maya-maya ang Daddy niya. At narinig ko pa na tumaas na naman ang boses ni Mr. Madrid. Mukhang galit na naman sa kanya,” kwento pa ni Marie. Agad akong napalapit sa may pinto. I was worried. Ano ang ginagawa niya o ginawa niya para magalit na naman sa kanya ang tatay niya? “Wala ka talagang kwentang anak!” Sigaw na narinig ko mula sa loob. Dagdag pa ang sigaw din ni Ninong John “ Kumpadre!” Hindi ko napigilan ang sarili ko at binuksan ko ang pinto na yun. Binalak pa akong pigilan ni Marie pero hindi ako nagpatinag. Alam kong nakakatakot at intimidating si Mr. Madrid. Kahit sino ay kakabahan sa tuwing kausap siya. Pero mas importante sa takot ko ang babaeng nasa loob ng kwartong iyon. There, I saw Alex. She was touching her left cheek habang ang sarili niyang ama ay nakaamba sa kanya at si Ninong John ay nakakapit sa balikat niya na mistulang inaawat ito. Ang atensyon ng dalawang lalaki ay nabaling sa akin habang si Alex ay nakayuko at nakatalikod sa akin. Nagpalipat-lipat ang mga mata ko sa kanilang tatlo. “Justin, please leave this room. Nag-uusap pa kami,” Utos sa akin ni Ninong John. Napabaling si Alex at humarap sa panig ko. Naikiyom ko ang mga kamao ko sa nakita ko. Si Alex na pulang pula ang pisngi at may bakas ng maliit na dugo sa labi. He hit her! How dare him hit his own daughter?! “Good thing you’re here,” Mr. Madrid spoke and looked at me. Inalis niya ang pagkakakapit ni Ninong John sa balikat niya at inayos ang bahagyang nagulong damit. “She’s under your supervision right?” Tanong sa akin. “Yes sir,” sagot ko na hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Then why is she rendering her resignation?” Napatingin agad ako kay Alex. She’s resigning? “Dad! Wala siyang alam dito,I already told you my reason,” si Alex ang sumagot para sa akin. Nakaramdam ako ng sakit sa muling pagtatama ng mga mata namin. “Hindi ikaw ang kinakausap ko!” Sigaw ng matanda sa kanya. “Sana minsan pakinggan mo naman ako dad! Ayokong maging arkitekto! ” Pangangatwiran ni Alex. Mataas na din ang kanyang emosyon kaya bahagya na din na tumaas ang boses niya. “Wala ka talagang kwenta! Tandaan mo na kung hindi namatay si Axel ay siya dapat ang nasa posisyon mo! At kasalanan mo—" “Oo kasalanan ko kung bakit siya namatay! Pati pagkamatay ni Mom kasalanan ko. Pero ganun ba ako kawalang kwenta sa’yo para itrato ako ng ganito?! Anak mo rin naman ako diba, Dad?” Aniya. Ramdam na ramdam ko ang pagsusumamo at sama ng loob sa tinig niya. Bumuhos ang luha sa mga mata ni Alex. “Sumasagot ka pa!” Mabilis na nakalapit sa kanya si Mr. Madrid at aambaan na naman siya ng kamay nito pero agad kong naiharang at napigilan ang kamay niya. Gulat ang matandang tumingin sa akin. “Don’t you dare hit her! Don’t you dare lay a finger on her!” Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Yes, he’s her father. But I can’t let him hurt her, I won’t let him hurt Alex. “Sino ka para makialam? She’s my daughter!” Umaalingawngaw ang boses niya. Napansin ko na rin ang mga kasamahan kong nag-uusisa na sa nakabukas na pinto ng opisina ni Ninong John. “The more that you should not hurt her! For God’s sake, anak mo siya and yet all you do is make her suffer for the things she never meant to do!” Sigaw ko sa kanya. “Justin!” Gusto pa akong pigilan ni Ninong pero wala na akong pakialam. Protektahan si Alex ang tanging alam ko sa mga oras na yun. “Let’s go,” ani ko at hinawakan ang dalawang balikat ni Alex. May bakas ng pag-aalinlangan sa mga mata niya pero bahagya ko siyang nginitian. “I’m here. Hindi kita pababayaan, iaalis na kita dito” I assured her. Naglakad kami papalabas sa opisina. Sinundan lamang kami ng tingin ni Mr. Madrid, ni Ninong John at pati ng mga tao sa opisina na gulung-gulo din sa nangyayari. Hindi ko hahayaan na may manakit pa sa’yo,Alex. Don’t be scared, just hold my hand,” bulong ko sa kanya habang papalayo kami sa taong imbes na protektahan siya ay siya pang nananakit sa kanya. Credit: Midnight Sky by Unique Every time in my mind I'm telling myself Should I be? Who will be? The man who'll hold your hand Whenever I close my eyes I can see your lovely smile And I open it again And then I see the midnight sky Wishing that I'll be The man that you'll touch and see I'll give my love that can't explain We will be running in the rain And I will hold your hand Hold my hand Hmmmm Hmmmm Too much pain Can't heal a thousand scars Feeling alone So I'm talking to the stars Whenever I close my eyes I can see your lovely smile And I open it again Then I see the midnight sky Wishing that I'll be The man that you'll touch and see I'll give my love that can't explain We will be running in the rain And I will hold your hand Hold my hand Hold my hand Hold my hand I will hold your hand I will hold your hand DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Author’s Note: This is a raw/unedited chapter. You may encounter grammatical errors/misspelled words.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD