“I- I just want to go home,” tanging sabi niya nang makasakay kami sa kotse ko galing sa opisina. I knew that the home she was talking about is not her home with her father but her own condo unit. Inihatid ko siya dun at hindi iniwan kasi alam kailangan niya ng makakausap, kailangan niya ako.
Pagkapasok sa unit ay diretso siyang pumasok at umupo sa couch. Ako naman ay kumuha ng tubig sa ref at iniabot sa kanya. Kaunti lamang ang ininom niya doon at agad nang inilapag ang baso sa center table.
“Salamat sa tulong, Justin. I’m fine now. Pwede mo na akong iwan,” matamlay na sabi niya.
Lumuhod ako sa harap niya at itinaas ang nakayuko niyang mukha.
“I won’t leave you,” I said. Hindi ko siya iiwan lalo na sa mga oras na ito. Kailangan niya ako. Nakita konkung paano bumalong ang luha sa mga mata niya. Pero agad din niya iyong iwinasiwas at marahang tinabig ang kamay kong nakahawak s amaamo niyang mukha.
“You don’t have to Justin. Sobra nang nadamay ka pa sa problema ko kanina. Hindi ka nga dapat nakialam eh. Pati tuloy ikaw ay nasigawan ni Dad,” Tumayo siya at nagpunta sa gawing kusina upang dalin ang baso na ininuman niya kanina. Nakaramdam ako ng panlulumo dahil kahit sa ganitong sitwasyon ay pinipili pa ring niyang iwasan ako, ang layuan ako.
“Alex—” I called while walking towards her. Siya naman ay nanatiling nakatalikod sa akin habang hinuhugasan ang baso.
“Totoo naman kasi ang sinabi niya. Kasalanan ko naman talaga kung bakit nawala si Axe—-
“Stop it Alex!” Sigaw ko dahilan ng pagkabasag ng baso. Tapos na niya sana iyong hugasan pero nabitawan niya sa pagkagulat dahil sa pagsigaw ko.
“Stop blaming yourself! Ako ang nagkusang ipagtanggol ka kanina! You didn’t drag me into this!” Muling sigaw ko. Alex didn’t make a single move. Nanatili lang siyang nakatingin sa nabasag na baso sa sink.
Unti-unti akong naglakad papalapit sa kanya.
“Hindi mo kasalanan ang nangyari sa Kuya mo, hindi mo rin kasalanan ang pagkawala ng Mom mo,” paliwanag ko sa kanya na mataas ang boses at emosyon. I want her to realize that it was never her fault. Na kailangan na din niyang tigilan na sisihin ang sarili at dapat na din siyang magmove on. I can hear her soft sobs.
Itinukod ko ang dalawang kamay ko sa magkabila kong bewang because of desperation.
“For once Alex, just once. Ipagtanggol mo naman ang sarili mo,” I couldn’t stop the tears building in my eyes. Nasasaktan ako kasi nasasaktan siya. Pero wala siyang ibang ginawa kundi tanggapin at tiisin na lang ang lahat ng paninisi ng daddy niya sa kanya.
Patuloy lang sa mahinang pag-iyak si Alex. I walked towards her again. At halos talunin ko na ang espasyo sa pagitan namin nang mamataan ko ang dugo sa kamay niya. She got hurt because of the glass.
“F*ck!” I cussed. Naiwang nakatulala lang si Alex at nakayuko na tila hindi ramdam ang dugong umaagos sa kamay niya. Agad ko iyong hinila at hinugasan sa sink. Kinuha ko kaagad ang malinis na kitchen towel at pinunasan ang kamay niya.
“What were you doing huh? F*ck! Don’t ever let yourself get hurt again! Do you understand? Don’t hurt yourself again!” Mariing sabi ko sa kanya. I cupped her face. I wasn’t able to control myself when tears fell down my cheeks. Parang nayurakan ang dibdib ko nang nakitang may dugo siya at wala man lang siyang ginagawa para pigilan yun.
“I’m sorry...I’m sorry!” Palahaw na iyak niya. Eto ang unang beses na nakita ko siyang humagulgol nang ganun. Parang isang batang nagsusumbong. Doble doble ang bigat nararamdaman ko. Ganito pala kapag sobrang mahal mo ang isang tao. Kung pwede mo lang akuin at agawin na lang sa kanya yung lahat ng sakit para hindi na siya mahirapan. Kahit ikaw na lang yung masaktan basta huwag lang siya.
“It’s not your fault,hmmm? It’s not your fault,” Pauli-ulit kong sinasabi sa kanya habang hinahalikan ang noo at buhok niya. Napakapit din siya sa damit ko. I cupped her face again. Pinunasan ko ang mga luha sa kanyang mukha. I kissed her forehead, her nose, her cheeks habang paulit-ulit na sinasabing “ It’s okay, I’m here,”
Hanggang sa ang maliliit na halik sa mukha niya ay kusa kong ibinaba sa mga labi niya. She did not move. She just let me kissed her. Maliliit na halik ang itinatanim ko sa labi niya when I finally decided to settle there. Idiniin ko lamang ang pagkakalapat nun against my lips. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya at maging ng puso ko dahil sobrang lapit na niya sa akin. Kusang huminto din ang pag-iyak niya. Then I started brushing my against hers. Marahan pero mariin. Yung halik na nagsasabing hindi na niya kailangan na matakot pa,hindi na niya kailangang solohin lahat ng sakit. Kasi nandito na ako, sasamahan ko siyang pasanin lahat ng hirap. Papawiin ko lahat ng sakit, kasi ganun siya kaimportante sa akin, kasi ganun ko siya pinapahalagahan. Kasi mahal ko siya, mahal na mahal ko siya! And to my surprise, she returned my kisses— sa kung paanong paraan ko iyon iginagawad sa kanya. May diin, may pagmamahal. I grabbed her nape to deepen the kisses more. Siya naman ay ikinawit ang mga braso sa leeg ko. My other free hand held her waist. Mas lalo ko pang idiniin ang katawan ko sa kanya. I could feel the instense feeling building inside me. Inangat ko siya at binuhat. Hinawakan ko ang kanyang pang-upo upang mas mabigyan ko ng suporta ang pagbuhat sa kanya. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto sa condo niya habang hindi pinuputol ang halik na namamagitan sa aming dalawa. Masarap, nakaliliyo. It was so intense yet so passionate. Unang beses na naramdaman ko ang ganito na kahit kay Allison ay hindi ko naramdaman despite making out with her numerous times. Kay Alex pa lang, kay Alex lang. Ramdam ko ang pagpapaubaya niya. Hanggang sa naramdaman ko na lang na naihiga ko na siya sa malambot niyang kama.
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner.
Author’s Note:
This is a raw/unedited chapter. You may encounter grammatical errors/misspelled words.