JUSTIN ARCEO
“Are you nervous?” Alam kong kanina pa siya hindi mapakali habang minamasahe ang sariling kamay. Panay din ang buntong hininga niya.
“Halata ba?” Nahihiyang tanong niya. Until now ay hindi ko alam ang dahilan kung bakit tensyonado siya sa project na ‘to gayung kapamilya naman niya ang kliyente. Pero sabi nga niya, hindi siya malapit sa mga ito. But I trust her. Hinayaan kong siya ang gumawa ng plano ng rest house. And once again, pinahanga niya ako. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya kompiyansa sa ginawa niya gayung maganda talaga ito. Nasa biyahe na kami papuntang Laiya Batangas para sa presentation ng design.
‘Well, don’t be. You’ll nail it, that I’m sure” I confidently said. Tanga na lang ang taong hindi magugustuhan ang ginawang design ni Alex. Kahit ako na batikang architect na ay manghang-mangha sa design niya. Ngumiti lamang siya ng tipid sa akin.
“Alex, hija!” Salubong sa amin ni Mr. Real.
‘Tito Dan,” bati ni Alex sabay halik sa pisngi ng matandang lalaki.
“Arch. Arceo, I’m really glad you came. Excited na akong makita ang plano para sa rest house ko,” Kung sana ay ganito lang ka-welcoming ang tit ani Alex ay wala sanang problema.
“Honey, Alex and Arch. Arceo are here,” Aniya sa asawang papalapit sa amin. Agad na lumapit si Alex sa kanya upang bumeso ngunit kita ko kung paano niyang ismiran ang pamangkin niya.
“let’s start,” panimula ko.
Ipinaliwanag ko ang bawat detalye ng plano maging ang mga materyales na gagamitin. I can see in their eyes, including Mrs. Real that they are impressed with it.
“So, what can you say honey?” baling ng nakangiting lalaki sa asawa niya.
“Well, I like it. Hindi nga nagbibiro si Arturo na i-assign si Arch. Arceo,” sagot naman ng babae.
“Actually, it’s Alex who made these designs,” I corrected. Si Alex naman ay nagulat sa sinabi ko. She had no idea that it was actually my plan. Gusto kong malaman ng tiyahin niya na walang basehan ang pangmamaliit nila sa kakayahan ng pamangkin.
“What?” gulat na tanong muli ni Mrs. Real.
“Alex made these designs Ma’am, these designs that you find perfect for your liking,” I emphasized.
“Well, we are impressed hija. Manang mana ka sa Daddy mo,” Agad na baling ni Mr. Real sa amin. Bahagya niya pang niyakap si Alex at tinapik ang balikat ko. Kung sana ay ganito lamang ang mismong kamag-anak niya sa kanya. Pero ang mismong tiyahin niya ay tila hindi nagustuhan na malamang ang gumawa na nagustuhan niyang proyekto ay ang mismong pamangkin na minamaliit niya. Ngunit wala na siyang magagawa at huli na ang lahat para bawiin pa niya ang papuri niya. Mr. Real approved the proposed design at pinasisimulan na ang construction. He wanted us to stay for dinner but we can’t stay longer dahil maaga pa ang pupuntahan naming site bukas. I also knew that Alex was not comfortable with her Aunt’s presence.
Halos papalubog na ang araw at nasa biyahe na kami pabalik ng Manila.
“Salamat ha,” mula sa tahimik na biyahe ay biglang nagsalita si Alex. Agad akong napatingin sa kanya.
“For what?”
“For helping me, for believing in me, and for making me believe in myself,”
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nahiya sa pasasalamat niya. It was like it was the first time that someone told me how thankful she was to me. No, of course it wasn’t the first time. Lola always tells me how thankful she is that she have me. Na kahit wala na si lolo, at Nawala na din si Mama, Masaya siya na kasama niya ako. Even Allison always tells me how lucky she is for having me as her boyfriend. But with Alex, Thank you sounded so nice, and sweet. It suddenly melts my heart. Sa paraan na kahit ako hindi ko mailarawan, o ni mapangalanan man lang. Parang nagkaroon ng mas malalim na kahulugan kung bakit ako umuwi ng Pilipinas, kung bakit ako tinaggap ko ang trabaho sa company nila,kung bakit gusto kong tulungan ang babaeng nasa harap ko. God, she’s precious.
“You don’t have to. Sinabi ko lang naman ang totoo. Magaling ka Alex. So, don’t doubt yourself,” Sagot ko sa kanya. Sa mga sandaling iyon, hindi ko mapigilang pagmasdan siya. I had to remind myself that I’m driving and I have to keep my eyes on the road.
Napasulyap ako sa paligid na dinaraanan namin. I stopped the car on the side of the road.
“Why did you stop?” Takang tanong ni Alex. Bumaba ako at ipinagbukas siya ng pinto.
“Come on! Take off your shoes,” Aya ko sa kanya. Nagtataka man ay hindi rin naman siya tumutol.
Hinila ko siya papunta sa dalampasigan. Hindi pa kami nakakalayo sa Batangas kaya may nadaanan pa kaming area na malapit sa dagat.
“You’re acting like a crazy boy,” Natatawang tudyo niya sa akin.
“Hindi man lang tayo nakapag swimming. Ang sungit kasi ng tita mo eh. Kung hindi lang nakakatakot eh kakagatin ko na ‘yung offer ni Mr. Real na dun na tayo matulog para makapag swimming tayo,”
“Wala naman tayong dalang damit,” Sagot niya habang naglalakad pa kami palusong sa dagat.
“ E ano naman?”
“Justin! Urgh! Ayan, basa na ko! Wala akong pamalit!” Naiinis na sigaw niya sa akin.
“Ako rin naman ah! But who cares?! Let’s just enjoy this moment. See?” itinuro ko sa kanya ang kahel na kalangitan.
“Ang ganda ng sunset!” I said and smiled at her. How I wish she would always see the beauty around her, that she is --- beautiful.
“pfft! Okay, sabi mo eh!” nangingiting sagot siya at sinabuyan ako ng tubig dagat. Para kaming mga batang paslit na nag-eenjoy sa dagat. For a moment, I wanted her to forget all her worries, all the things that makes her sad. Little did I know, that for a moment, I myself, was starting to forget who I am, just because I’m with her.
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
Author’s Note:
This is an uneditedaw chapter. Pardon me as you may encounter grammatical errors and misspelled words.