Kissing her and telling that I love her seems like the rightest thing I’ve done in my life. Alam ko na ang sagot sa maraming katanungan at pangamba ko. But the moment I felt her lips against mine, mas lalo kong napatunayan sa sarili ko na mahal ko ang babaeng ito. I am so madly in love with her! Because of her, I felt this intense feeling and emotion that I have never felt before, not even for Allison. I started brushing my lips against her. She didn’t move. Alam kong nabigla siya. Kasi kahit ako nabigla din that finally, I was able to admit to myself that I’m in love with her. Kahit anong pigil mo pala sa nararamdaman mo, kusa ‘yung lumalago na parang isang halaman na hindi mo makakayang pigilan ang pag-usbong.
Mas lalo ko pang diniinan ang ang mga halik na ibinibigay ko sa kanya dahilan para mapakapit ang mga palad niya sa aking dibdib. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko kaya alam kong batid din niya yun the moment she touched my chest. Sobrang lakas na parang gusto na lang kumawala ng puso ko sa loob ng katawan ko. Pakiramdam ko gusto ko na lang malunod sa mga oras na iyon. Gusto kong manatili siya sa tabi ko. To feel her and caress her. Pero hindi rin pala magtatagal ang sandali na ‘yun nang pilit niyang itinutulak ako papalayo sa kanya. Nawalan ako ng balanse kaya nagawa niyang kumawala sa pagkakayakap ko sa bewang niya pero agad ko rin siyang nahigit pabalik sa mga bisig ko.
“Justin,stop!” Aniya nang pilit ko pa ding inaabot ang mga labi niya upang muling mahalikan. Muli niya ang itinulak kaya natauhan ako.
“A-Alex,” may namumuong luha sa mga mata niya na alam kong pinipigilan niyang pumatak. Naguguluhan ako sa nakikita kong frustration sa mukha niya. Hindi ba niya nagustuhan ang halik ko? Hindi niya ba ako gusto? Biglang nilukob ako ng labis na takot at pangamba na baka magkaiba kami ng nararamdaman.
“What are you doing?!” Tanong niya at humakbang pabalik upang lumayo pa sa akin.
“I—” nauutal kong sagot pero hindi niya ako pinatapos.
“Why did you do that? Why did you kissed me?” Nagugulumihanan niyang tanong.
“Didn’t you hear what I said? I said I love you! Mahal kita, Alex!” I proclaimed again. Pero bakit parang hindi niya gusto ang mga naririnig niya sa akin?
“Nababaliw ka na ba? Nakakalimutan mo na bang ikakasal ka na kay Allison?” Halos sigaw na niya. Hindi. Hindi ko nakakalimutan ang sitwasyon ko. Pero lolokohin ko ang sarili ko kung hindi ko pa aaminin sa sarili ko na siya na ang mahal ko at hindi na si Allison.
“Hindi!” Sigaw ko pabalik sa kanya.
“Then why did you do that?” Napasapo ang kamay sa kanyang noo at sunod pinunasan ang luhang malapit ng bumagsak sa mata.
“Dahil gusto ko! Dahil ‘yun ‘yung nararamdaman ko!” I exclaimed. Nanatili lang nakatitig sa Alex sa akin.
“Alam ko mali kasi nandiyan na si Allison. Pero narealize ko na lang isang araw na hindi na siya—- na ikaw na lang laman nito,” paulit ulit na turo ng daliri ko sa puso ko.
“Isang araw nagising na lang ako na ikaw na yung gusto kong makita sa umaga, at mapanaginipan sa gabi. Ikaw yung nagpapasaya sa akin, na kahit si Allison ang kausap ko, ikaw pa rin ang naiisip ko. Hindi ko sinadya Alex, pero anong gagawin ko? Mahal kita eh! Mahal kita!”
“You can’t!” Sigaw niyang muli sa akin.
“Hindi pwede Justin! Naguguluhan ka lang kasi wala siya sa tabi mo at ako ang lagi mong kasama,”. Paliwanag niya. Naisip ko rin yun. Kaya nga pilit ko siyang iniwasan eh. Pero ako lang din ang nasasaktan sa ginagawa ko. Sigurado ako sa nararamdaman ko.
“H-hindi mo ba ako gusto Alex?” Biglang naitanong ko. Hindi siya kaagad nakasagot. Parang dinaganan ng mabigat na bato ang dibdib ko nang walang makuhang sagot sa kanya.
“Hindi ako bagay sa’yo Justin. Magulo ang buhay ko. I’m a mess! Kasalanan ko kung bakit namatay ang Mom ko. Pati kuya ko nawala dahil sa akin. Even my own father don’t love me! Can’t you see? You already have the beat of everything. A great career, a perfect girlfriend. So I can’t accept you. I don’t want you to be dragged into this messed up life of mine,” aniya bago naglakad palayo sa akin. Ngunit bago pa man siya makalabas sa pantry ay agad akong sumunod at niyakap siya mula sa kanyang likod.
“That’s not true! Ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko.! Akala ko dati kontento na ako, that I already have all the things that I want. But then you came, na kahit gaano pa kakomplikado ang lahat ay handa akong harapin yun,” . Inihilig ko ang mukha ko sa balikat niya. I felt her garment there moisten because of my tears. Lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap ko sa kanya. Bakit hindi siya naniniwala? Hindi pa ba sapat ang lahat ng sinabi ko? The way I kissed her a while ago? Of how tight I am hugging her right now? Mahal ko siya. Ito ang pinakasiguradong desisyon ko sa buhay ko— ang aminin at harapin ang nararamdaman ko sa kanya.
Nanatili kami ng ilang saglit sa ganoong posisyon.
“Mahal mo din ba ako Alex? Kasi ako mahal na mahal kita!” Tanong ko sa kanya na naghahangad ng kasagutan. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Hindi ko rin makita ang mukha niya para mabasa ang niloloob niya. Hanggang sa unti-unti niyang inalis ang mga braso kong nakayakap sa kanya.
“I’m sorry,Justin.” Parang binagsakan ako ng buonp universe sa narinig ko sa kanya. Mahina pero may diin. Nanghina ako kaya madali na niyang naalis ang mga kamay kong nakayapos sa kanya. Sa bawat tunog ng papalayong yabag niya ay ang sunud-sunod na pagbagsak ng mga luha ko.
Totoo palang ang sakit sakit na hindi ka mahal ng taong mahal mo at handa mong pag-alayan ng buhay mo.
Credit: Higa by Arthur Nery
Kailangan mong malaman
Kung kailan ka kailangan
Parang 'di na naranasang
Ikaw naman ang ipaglaban
Bakit palaging isinasantabi
Ang iyong sarili para sa iba?
Naghahangad sa taong 'di babalik
Subukan mo namang magpahinga
At dahan-dahang ihiga ang katawan
Nang 'yong malamang 'di ka nag-iisa
Halika na't 'di kailangang pilitin
Dahil para sa 'kin, ika'y mahalaga
Mayro'n ngang puso
Ngunit hindi mo nakikita ito
Kahit pa tayo'y nasa sulok
'Di ka pa rin magpapasuyo
Konting pilit pa ba ang kailangan?
O sadyang 'di ako ang gusto?
Kaunting silip naman
Sa aking nararamdaman sa 'yo
At dahan-dahang ihiga ang katawan
Nang 'yong malamang 'di ka nag-iisa
Halika na't 'di kailangang pilitin
Dahil para sa 'kin, ika'y mahalaga
Ika'y mahalaga
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner.
Author’s Note:
This is a raw/unedited chapter. You may encounter grammatical errors/misspelled words.