Chapter 20

1478 Words
Parang akong sinisilihan buong maghapon. Simula kaninang tanghali sunduin si Alex ng Tony at Gelo na ‘yun ay hindi na ako mapakli at ni hindi ko magawang ipirmi ang sarili ko. Maya’t maya ay panay ang sulyap ko sa relo ko sa paghihintay na matapos ang lunch break. Gusto kong malaman mismo sa kanya kung talaga bang aalis siya papuntang Qatar. Minutes took so long for me because I can no longer wait to get the answers from Alex. Finally dumating din siya. “Naglunch ka na ba?” Nakangiting tanong niya sa akin. Naupo siya sa kanyang swivel chair at inihilig ang ulo sa back rest. She closed her eyes like trying to sleep. Maaga pa naman at may ilang minuto pa siya bago matapos ang lunch break niya. How did I know? Because I f*ckin’ didn’t take my lunch break. I f*ckin didn’t leave the office because I waited for her. I got to talk to her. “Alex,” seryosong tawag ko sa kanya. Dahan dahan niyang minulat ang inaantok pa na mga mata. “Hmm?” Nakatingin siya sa akin at naghihintay ng sasabihin ko. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Iniipon ang lakas ng loob para alamin ang sagot sa tanong ko. “A—-“ “Alex, tawag ka ni Sir John sa office niya,” lahat ng gusto kong sabihin ay nalusaw nang dumating si Marco, kapwa namin Arkitekto dito dahil ipinapatawag daw si Alex ni Ninong John. “Sige thanks!” Sabi niya kay Marco na umalis na rin matapos ihatid ang mensahe sa kanya. “Ano ‘yung sasabihin mo Justin?” Tanong niya bago maglakad papunta sa opisina ni Ninong. “P-pinapatawag ka ni Ninong,” Pagsisinungaling ko. Napatawa siya ng bahagya at naglakad na rin palayo sa akin. Naduwag ako. Hindi dahil sa natatakot akong magtanong sa kanya matapos ko siyang iwasan ng ilang araw. Naduwag ako kasi natatakot ako sa magiging sagot niya. Ayaw kitang mawala, ayaw kong lumayo ka. I whispered to myself. Nakabalik na si Alex sa desk niya nang ipatawag siya ni Ninong John. At lumipas na din ang maghapon pero hindi ako nagkalakas ng loob na kausapin siya. I was skeptical l, kasi hindi ako sigurado hanggang ngayon. Basta ang alam ko ayokong umalis siya. Ayokong mawala siya. Pinilit kong magfocus sa trabaho ko kahit ang hirap dahil katabi ko lang ang babaeng gumugulo sa isipan at damdamin ko. The more I try to avoid her, the more I became aware of her presence. Her every move, I see them all because I watch her from my peripheral vision, I look at her ALL the time. Nauna nang umalis ang mga kasamahan namin. I planned to render overtime because I just want to fill my head and exhaust myself so that I’ll be fast asleep when I go home and I won’t have any minute and energy to think about her. It’s f*cking driving me crazy. She’s driving me crazy! Nagpalipas lang muna ako ng oras sa smoking area sandali. When I returned to the office, Marie was about to leave also. “Oh, nandito ka pa pala Arch. Justin!” Nagulat na bungad ni Marie sa akin nang magkasalubong kami sa pinto. Akmang papatayin na niya ang nga ilaw pero napigil dahil sa pagdating ko. “May tatapusin kasi ako,” tipid na sagot ko. Inilibot ko muna ang mata ko sa paligid. Ako na lang pala ang maiiwan dito pag-alis ni Marie. “Nagsiuwi na lahat Architect. Dapat magpahinga ka na din. Bukas mo na tapusin yan,” paalala sa akin ni Marie. “Tatapusin ko lang ‘to. Ako na ang magpapatay sa mga ilaw. Ingat sa pag-uwi,” nagpalitan lamang kami ng mga ngiti at umalis na din siya. Nagtungo muna ako sa pantry para uminom ng tubig at magtimpla na din ng kape ngunit laking gulat ko nang makita kong hindi pala ako ang-iisa doon. She just looked at me and smiled. “K-kanina ka pa dito?” Nauutal na tanong ko. “Hindi naman. I saw Marie walking away. Akala ko ako na lang ang maiiwan dito. Overtime ka?”Walang kemeng tanong nito sa akin. Uminom lamang siya ng tubig sa tumbler niya at hinugasan na ito. Mukhang nag-extend lang siya ng kaunti ng working hours. “Y-yes. May tatapusin lang ako,” simpleng sagot ko. Kumuha na ako ng tasa at nagsimulang magtimpla ng kape. “Justin, okay lang ba tayo? I mean, may problema ba?” Natigilan ako saglit sa biglang tanong niya. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin kahit nakatalikod ako sa kanya. “Oo naman. Bakit mo naman naisip na hindi tayo okay?” I tried to sound convincing kahit ang totoo ay hindi ko siya magawang harapin kasi ang totoo, may problema kami. Etong feelings ko para sa kanya. Malaki kong problema. “N-nothing. Sige mauna na ako sa’yong umuwi ha,” tipid na ngiti niya sa akin. Tumango lamang ako. She was about to leave the pantry when I called her name. “Alex,” nakatalikod lamang ako sa kanya still contemplating on what to say. “Hmm?” Tanong niya. Matagal akong nakatitig sa kanya habang siya naman ay matamang naghihintay sa sasabihin ko. “Is it true na aalis ka papuntang Qatar?” Humarap ako sa kanya at nakipagtitigan sa mata. Hindi muna siya nakasagot saglit ngunit ilang segundo ang lumipas ay ngumiti siya at naglakad papalapit sa akin. Sumandal siya sa katabing counter top ng water dispenser. We are now facing each other. “How did you— Tony and Justin.” Mukhang wala siyang balak sabihin sa akin ag nagulat pa na alam ko ang tungkol dito pero nang marealize na ang dalawang yun ang nagsabi sa akin ay wala na din siyang nagawa. “I haven’t said yes to Gelo and Tony. But I think I will go,” aniya. Nakangiti pero hindi lubos na masaya ang mukha. “Why? Why do you have to leave?” I asked. I was trying to remain calm kahit ang totoo ay parang naginginig ang kalamnan ko knowing that she considers leaving. “Dad is my only family. But apparently, he never cared about me. So I guess, there’s no reason for me to stay,” “How about me?” Agad na tanong ko. Kumunot ang noo niya. “What?” “Can I be your reason to stay?” Lumapit ako sa kanya. Alam kong naguguluhan siya sa sinasabi ko. Pero eto na yung gusto kong sabihin,eto na yung nararamdaman ko. “Please stay for me, please stay with me, Alex,” I said as I move even closer to her. Dahil nasakol na siya sa counter top ay wala na siyang pagkakataon na lumayo sa akin. I left a very small space between us. Too small that I can feel her warmth. I cupped her face. “Don’t leave,please...” I said. She was about to say something but I didn’t let her. I kissed her. Naramdaman ko ang pagkabigla at hindi niya agad pagkahuma. But I didn’t care. I’ve been wanting to kiss those lips, been wanting to smell her fresh breath. Seconds passed but we didn’t move. Magkalapat lang ang mga labi namin pero sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ilang sandali pa ay lumayo ako ng bahagya upang makita ang mukha niya. I carressed her cheeks. “Hindi ko na kaya. I won’t stop myself anymore. Alam ko mali, pero ayoko nang pigilan pa ang sarili ko. D*mn all my reasons! But I won’t hesitate anymore. Handa na akong harapin ang nararamdaman ko para sa’yo, Alex. Mahal kita, mahal na mahal kita!” That’s all I had to say to her and to myself. Sa wakas ay naamin ko na rin sa kanya at sa sarili ko. Hindi ko na kayang itanggi pa. Mahal ko siya, sobrang mahal ko siya. I held her nape and kissed her again. This time I slowly moved my lips because I want every bit of her. Credit: Inevitable by Ben & Ben Something about the way you move Softened these eyes and cracked the walls that hid my truth And I don't know how your fine mystery Knew all my doubts and what to say to set me free Inevitable, even if I tried to fight it No one ever crashed their tide in me this hard Inevitable, we don't have to chase the feeling Just let these moments happen and let go Then we'll know (ooh-ooh-ooh-ooh) Then we'll know (ooh-ooh-ooh-ooh) Closer we flow a day at a time But if you should leave, be on your way, I might be fine And take what you want, you know that I am yours My cup is full, and so I want to fill you more Inevitable, even if I tried to fight it No one ever crashed their tide in me this hard Inevitable, we don't have to chase the feeling Just let these moments happen and let go Then we'll know (ooh-ooh-ooh-ooh) Then we'll know (ooh-ooh-ooh-ooh) Then we'll know (ooh-ooh-ooh-ooh) Then we'll know (ooh-ooh-ooh-ooh) So what do I do? What do I do? What do I do when my truth is you? What do I do? What do I do? What do I do when my truth is you? DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Author’s Note: This is a raw/unedited chapter. You may encounter grammatical errors/misspelled words.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD