“Coffee for the most hardworking Architects in this firm,” Marie handed two cups of coffee that she made for me and Alex. Nakapalagayan namin ito ng loob at minsan ay kasabay pa naming mag lunch.
“Thanks, Marie. You’re the best!” pambobola ko pa sa kanya na ikinahagikgik niya.
“Thanks, Marie.”Alex also thanked her and Marie started strutting her way back to her table.
“Kilig na kilig pa din saýo si Marie. Pagbigyan mo na kasi kahit isang kiss lang,” napailing ako sa birong iyon ni Alex.
“Yeah right. Baka mapasugod ng hindi oras dito ang girlfriend mo,” she said then started working on her laptop. It’s been over a month simula nang umuwi muna ako dito. Allison calls every night to check on me. Namimiss ko na din siya but I need to convince lola. I can’t leave without her.
“Bakit nga pala hindi ka kumuha ng condo dito? Ang hirap ng uwian sa Laguna everyday ah,” It is actually exhausting. But I’m here for lola kaya nagtitiyaga na lang ako sa biyahe. Ayaw din naman talaga niyang umalis sa bahay sa Laguna.
“I can’t leave Lola Mercedes,” I said. She stopped typing on her laptop and stared at me. Nagsimula akong mailing sa mga titig niya.
“You really love her,” It was not a question but a statement rather.
“She’s my only family. After her, si Ninong John na ang sunod na matatawag kong kapamilya,” Hindi ko alam kung gaano pa magpapasalamat sa Diyos na kahit ulila na ako sa magulang ay nandiyan pa din si Lola para sa akin. Siya ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Hindi ko alam kung paano na lang ako kung wala siya. That’s why I really want her to come with me to Singapore.
“Why don’t you just settle here kung ayaw talaga niyang sumama sa iyo sa Singapore?” she asked before returning her gaze on her laptop again. Nalungkot ako sa tanong na iyon.
“Because of Alli—”
“Allison, right?” She finished what I was about to say.
“It’s not just her. Mas madaming opportunities abroad,” I answered. I don’t know why I suddenly felt sadness. Naging selfish ba ako na pinili kong iwan si Lola para sa pangarap at pag-ibig? Saglit kaming kinain ng katahimikan at pawang pagtipa lamang ng laptop niya ang naririnig. Tumigil siya ginagawa at bumaling sa akin.
“You don’t have to feel guilty. I know she understands. She wants the best for you, so don’t worry,” she smiled then started typing again. I was stunned. Ganun ba ka-obvious ang iniisip ko for her to say that?
Hindi niya kilala si Lola and yet she can easily say how understanding and loving my Lola Mercedes is. Lihim akong napangiti sa kanya. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya nakikita. She touched that small part of my heart.
“Good Morning Sir!” nag-aatubiling bati ni Marie sa bagong pasok na bisita sa opisina. I saw how uneasy Marie was upon seeing the man. He looks intimidating and strict. Napabaling ito sa direksyon namin ni Alex and even Alex stiffened because of his gaze. Masama ang tingin nito sa amin bago dumiretso sa opisina ni Ninong John. Nakasunod si Marie dito.
“Who’s that?” tanong ko na wala namang pinatutungkulan dahil alam kog parehas naman kaming bago lang ni Alex sa kompanya. Hindi ko din ito nakita ni minsan nung nag-o-OJT ako dito.
“Ahm, I—“Alex seemed bothered as well.
“Ms. Alex, tawag ka sa loob,” napatingin ako kay Alex na parang disappointed at kinakabahan. Even Marie looks nervous. Sino ba ang bagong dating at bakit naman kaya siya ipinapatawag sa loob?
I started to worry about Alex dahil rinig sa labas ang malakas boses ng lalaking tila may binubulyawan sa loob ng opisina. Lumapit ako kay Marie na mukhang nababagabag din sa nangyayari.
“Bakit ba napakatigas ng ulo mong bata ka?!”
“I told you, I’m still learning so I can’t just accept—“
“Don’t you dare talked back!”
Narinig ko pa si Ninong John na pinapakalma ang lalaking kanina pa sumisigaw sa loob.
“What’s happening inside? Sino ba ‘yun?” I asked Marie nang lumapit ako sa table niya. Mas naging malinaw ng konti ang mga boses sa loob. Napailing si Marie.
“Si Architect Madrid ýon. Isa sa mga co-owners nitong firm. Seriously hindi mo siya kilala? Di’ba nag-OJT ka dito?” sagot-tanong nito sa akin. Honestly hindi ko siya nakikita talaga dito dati.
“Kung sa bagay ay retired na kasi siya eh. Baka hindi mo na naabutan,”ani Marie na umupo na sa swivel chair niya at nagsimulang ayusin ang mga files dun.
“And what does she have to do with Alex?” napabuntong hiningang muli si Marie sa tanong ko.
“Daddy siya ni Alex. At obviously sinasabon na naman siya nito. Hays! Naaawa na lang ako sa batang iyan. Kahit nung nag- OJT siya dito ay nagpupunta lang ang daddy niya para sitahin ang mga pagkakaali niya,” naiiritang kwento nito. Lumapit ito sa akin at bumulong.
“Naulinigan ko nung naghatid ako ng kape sa loob na ay pinapameet yatang kliyente kahapon si Architect kay Ms. Alex kaso hindi siya nakapunta nakapunta at ewan ko na kung bakit.” Sh*t! I cussed to myself. It’s my fault. Pinilit ko siyang sumama sa bahay nila Ashley kagabi. She refused but I insisted. If only I knew, hindi ko na sana siya kinulit. Malamang ang matandang arkitekto ang kahapon pang tawag ng tawag sa kanya habang nasa biyahe kami pero hindi niya sinasagot. Muli kong narinig ang malakas na boses ng lalaki sa loob at hindi na ako nakatiis. Kumatok ako ng isang beses at binuksan ang pinto. Napatingin silang lahat sa akin. Una kong nakita ang galit na mukha ng matandang arkitekto at lumipat naman kay Alex na nabigla sa pagpasok ko sa opisina. Halos namumula na ang mata niya pero hindi ko makitang may pumatak na luha sa pisngi niya. Malaman pinipigil niya ang pag-iyak. Napayuko siya nang magtama ang paningin namin.
“Who are you??” galit na tanong nito sa akin. Woah! He really is scary.
“Justin,” tawag sa akin ni ninong John na mukhang nag-aala sa bigla kong pag-eksena.
“Architect Justin Arceo, Sir” pakilala ko. “One of your architects here, Sir” dagdag ko at inilahad ang kamay sa kanya na tinitigan lamang at hindi kinuha.
“At bakit bigla ka na lang pumapasok dito ng walang permiso?” muling tanong nito at umupo sa upuang nasa harap ng table ni Ninong John.
“I apologize for my rudeness, Sir. I just wanted to defend Architect Alex. I was with her yesterday, and I—“ napatingin ako kay Alex. Mukhang sumesenyas siya na huwag kong sabihin na nagparty kami kahapon.
“So ikaw ang kasama niya?” Muling tanong ng arkitektong parang kakainin na ako sa kinatatayuan ko.
“Y-yes, Sir”
“Alam mo bang isang kliyente ang hindi niya sinipot kahapon?” nakakakaba ang pagsusuri niya sa akin.
“I—I should be the one to blame for her absence, Sir. I needed her for our current project. We’re partners and we need to do some revisions on the design kaya kinailangan naming tapusin kagabi as we are to present to the client this afternoon,” agad na napatingin sa akin si Alex and even Ninong John. They know that I’m lying.
The man cleared his throat.
“I understand Architect Arceo. But still, she must know how to manage her time. Nakakahiyang paghintayin ang kliyente,” mukhang hindi nagpapatalo ang isang ito.
“That’s why I’m apologizing Sir,” muling sagot ko.
“So what are we gonna do now to make it up with the client, Alex?” bumaling siya kay Alex na nakayuo lang. I saw how she clenched her fist.
“Dad, I already told you. I’m not doing the project,” matigas na sagot ni Alex.
“Okay,” he said while nodding his head.
“Then Architect Arceo will do it,”baling nito sa akin na ikinabigla ko.
“What?! No! Huwag mo siyang idamay dito!” Alex shouted. This is the first time I saw her angry. Her father ignored her and turned to me.
“Ang sabi mo ay kasalanan mo hindi ba? Then take responsibility,” matigas na tingin ang ipinukol nito sa akin na tila hinahamon ako.
“It’s a just simple rest house in Batangas. My sister owns it kaya si Alex ang pinapagawa ko, Ang hindi ko maintindihan sa batang ‘yan ay kung bakit nagmamatigas siya,” paliwanag nito. Bakit nga ba, Alex? Kamag-anak mo naman pala. I thought to myself. I saw how Alex forced to control herself. Her clenched fist shows it all.
“I’ll do it, sir.” Agad na sagot ko, He seemed satisfied. Of course, he won.