“Sobrang ganda ng ginawa niyo, Architects,” Hindi naman na bago sa akin ang pagiging emotional ng mga clients whenever I present a proposed design for their dream house.
“Actually, it is Architect Alex who made the design,” I said and glanced at Alex. Napatingin siya sa akin like she was surprised at what I said. I don’t wanna take credit for something that I didn’t do. She just asked for my inputs and I must say na magaganda talaga ng ginawa niya. Sinunod niya lahat ng gusto nila Mr. Arellano at ng fiancé nito.
“Well, I must thank the both of you. Sobrang napasaya niyo si Andrea,” ani Mr. Arellano who looks satisfied also with Alex’s design.
“Yes. Thanks, Ms. Alex.” Napangiti si Alex sa pagpapasalamat ni Ms. Hernandez sa kanya. This is her first project at nakita ko kung gaano niya pinagpaguran ito. We will start the construction next month. Isang engineer din mula sa kompanya ang makakasama namin. I don’t know kung bakit bigla akong naexcite na simulan ito upon seeing Alex’s happiness.
“Well, congratulations Alex! Halos maluha ang kliyente sa design mo,” I told her while starting the car’s engine. Napakapriceless ng reaction ni Ms. Andrea sa oras na inilatag ni Alex ang design sa lamesa kanina.
“Thanks,” parang nahihiya pa siya. Ang layo talaga sa makulit na Alex na kasama ko few weeks ago.
“Actually, your inputs really helped me a lot,” she said while smiling at me. Ilang araw niyang trinabaho ang design at ako’y mataman lang na tinitingnan ang ginagawa niya at nagbibigay ng mga inputs kapag hinihingi niya ang opinion ko. But I let her do the work. I want her to shine. And she did. Maganda talaga ang plano na ginawa niya. Umangkop sa personality ng dalawang kliyente.
“We should celebrate. Let’s Go! May pupuntahan tayo,” excited kong aya sa kanya.
“Ahm, I don’t think I can go with you,” she looked at her watch as if may hinahabol siyang oras.
“May… lakad ka ba?” mukhang nag-isip muna siya ng ilang beses bago sumagot.
“Come on! It’s time to relax. Please--- “I tried to be cute. Mukhang naging effective naman.
“Okay. I’ll go with you,” she answered that made me smile widely.
“Sinong namiss ninyong lahaaaat?” Napatingin silang lahat sa akin nang pumasok ako sa pinto.
“Speaking of the devil,” ani Ashley na agad tumayo upang batiin ako.
“Hay nako ah! Kelan ka pa naging late, Justin?” heto na naman ang pagsusungit ni Mika.
“I have my reasons. Pero bago ýon, may kasama ako.” Sinensyasan ko si Alex na pumasok na after I told her to stay outside first dahil isu-surprise namin ang tropa.
“Alex? It’s really you Alex!” Ashley’s face immediately brightened up upon seeing her. Sobrang naging close niya kasi ito during the trip.
“Alex!!!” sobrang naexcite din yata ang lahat nang makita siya kaya ang mga girls ay nagtayuan agad para salubungin siya.
“Hi guys! Kamusta kayo?” Bati naman ni Alex sa kanila habang isa-isang binebeso ang mga excited na girls. Si Leo ay akmang bebeso din ay Alex pero agad kong hinila ang back collar ng polo nito. Umandar na naman ang pagka manyakis niya. Sinamaan ako nito ng tingin ngunit napangisi ng makahulugan.
“Take a seat, Alex.” Naupo kami sa bakanteng couch. Nasa apartment kami ni Ashley dito sa Taguig. Tamang catching up lang dahil three weeks na din kaming hindi nakalabas ulit pagkatapos ng bakasyon namin sa Ilocos.
“Bakit kayo magkasamang dalawa ha?” Maintrigang tanong ni Thea. Umandar na naman ang pagiging mapaghinala nito.
“Actually, magkasama kami sa bago kong work. She’s also an architect,” I told them. Who would’ve thought that the world is indeed this small para magkita pa kami at sa iisang company pa.
“Kamusta ka na, Alex? Bigla ka na lang nawala sa tour natin,” Albert said while opening a bottle of beer then handed it to me. Si Thea naman ay nag-abot ng pinggan na may pakain para sa aming dalawa ni Alex.
“Justin was so worried about you back then. Wala sa mood buong umaga,” Thea once again commented as if trying to insinuate something.
“Oo nga! Natae tuloy sa kakahanap saýo!” Natawa silang lahat sa joke na ‘yun ni Leo. Agad ko siyang binigwasan sa pinagsasabi niya. Napabuga tuloy siya ng beer na nasa bibig na siya.
“Hindi ba? Sabi mo kasi magsi-CR ka lang eh. Hindi ka na nakabalik kaya akala o nagtae ka na!” Nagkatinginan kami ni Alex. Wala silang idea na hindi na ako nakabalik sa tour because we bunked off together.
“Nagkaroon kasi ng emergency sa bahay eh, that’s why I had to leave.” Alex answered shyly.
“Dalas dalasan mo ang pagsama kay Justin sa mga lakad. Be part of our circle,” nakangiting sabi ni Albert.
“Yeah, you’re always welcome to join us,” Ashley held her hand.
Napuno ng kwentuhan , asaran at tawanan ang buong bahay.
Hating gabi na nang magpasyang magsiuwian ang tropa.
“Wow! Ang laki ng hacienda ninyo ah,” I said upon seeing the exterior of their house. Hinatid ko siya sa bahay niya sa Makati dahil iniwan niya ang kotse niya sa opisina kanina.
“OA ka naman sa hacienda,” natatawang sagot nito sa biro ko. I was happy to see her smile again.
Hindi ko alam na mayaman pala sila Alex. Considering na nasa elite subdivision ito ay siguradong mayayaman lamang ang afford na makakuha ng property dito.
“Sa daddy ko ‘to. Nakikitira lang ako,” aniya na ikinatawa ko. Nagpaka humble pa siya.
“Salamat sa paghatid,” may tipid na ngiting aniya.
“No worries,” sagot ko naman sa kanya. Saglit kaming nagkatitigan dalawa na tila may gustong sabihin pareho sa isa’t isa. Honestly, I want to tell her that I’m happy to see her again. That I happy working with her. Sa sandaling panahon na nagkasama kami sa Ilocos ay tumatak siya sa akin. There were times that I found myself thinking about her.
“Hmmm,” napabuntong hininga siya.
“I’ll go inside. Ingat ka sa pag-uwi, Architect.” Napakamot ako sa ulo sa muling tinuran niya sa akin.
“Can you drop the architect, please? Just call me Justin, kahit tuwing dalawa lang tayo.” Ayoko ng formality niya towards me. I want her to be just like the Alex I was with in Ilocos.
“O-okay,” napangiti ako sa sagot niya kahit mukhang napilitan lang siya.
“I’ll go ahead,” paalam ko bago sumakay sa kotse. Hinintay ko munang maisara niya ang gate bago ko tuluyang pinaandar ang sasakyan. I don’t know why but I just found myself smiling while I’m on the road.