Chapter 08

2054 Words
Chapter 08 Natalie's POV Hindi parin ako makapaniwala na kami na ni Amery. I was staring at him for the whole time. I feel like there are butterflies fluttering inside my stomach. I always feels like kilig, ganito siguro kapag first time ma inlove. "Bakit, may dumi ba ako sa mukha? At makatitig ka sa akin, parang galing akong taga ibang planeta?" nakangiting tanong sa akin ni Ame na puno ng pangingislap ang kanyang mga mata. I smiled to him sweetly. " I love you!" i murmured happily and smiled again. Kinuha niya ang mga kamay ko at dinala sa labi niya hinalikan niya ang likod ng mga palad ko. I saw love and passion in his eyes. Hinaplos niya ang pisngi ko at tinitigan ako na para bang wala ng katapusan. "I love you so much, Natalie. And i promised to love you each day, to take care of you, to love you faithfully, i promised to stand by yourside, to choose you everyday. I love you so much," i saw brilliant in his eyes, suspetsa ko mga luha. Talo pa niya ang isang ikakasal sa mga sinasabi niya. Hindi pa nga kami kinakasal my vows na siya para sa akin. And i really loved it. It makes my heart fonder. Isiniksik ko ang sarili sa katawan ni Ame. Tuwing maglalapit kami may naririnig akong malalakas na tunog ng trumpeta sa aking dibdib. Kay bilis ng t***k ng aking puso. t***k na para lamang sa kanya. "Ame...." i exclaimed mildly. "I love you so much, babe. I have waited for you a long time." Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang niya ulit angkinin ang labi ko. Ngunit ang isip ko ay sa sinabi niya. Hindi ito mawala sa pandinig ko ang salitang "babe." Palihim akong kinikilig sa maaring maging endearment namin. "Babe?" pagkuwa'y na tanong ko ng bitawan niya ang labi ko. Tumango-tango si Amery sa akin bilang tugon niya. Nilahad niya ang isang kamay, nangunot ang noo kong nakatitig rito. "Ayaw mo ba, na iyon ang magiging tawagan natin?" Namilog ang mga mata ko. Tama nga ang nasa isip ko na, magiging tawagan namin ang "babe." "Gusto ko, siyemepre!" "Let's dance, babe." "Dance?" pag-uulit ko, dahil wala naman akong naririnig na musika. Maliban lang sa mga huni ng mga ibon sa kapaligiran at lagaslas ng tubig mula sa ilog. Nakangiting inabot ko ang kamay ni Amery. Ang mga kamay ni Amery ay nasa bewang ko at ang mga kamay ko ay nakapalupot sa leeg ni Ame. "I'm sorry for everything sa pagiging mataray ko sa—" Bigla niyang tinakpan ng isang daliri niya ang aking labi. "No, apologies needed, babe , I love you , I really am," amused na sagot sa akin ni Amery. "Do you keep you're promises?" "I sure do. Hindi ako mangangako kung hindi ko kayang tuparin. Why do you asked?" Ipinilig ko ang aking ulo sa dibdib ni Amery. While listening his heartbeat. "Promise me, that you will never leave me. Tulad ng sabi mo kanina na dito ka lang sa tabi ko, stay with me forever, Amery , and let's dance like this." "Yes, of course," he smiled sweetly. Makalipas ang ilang minuto naming pagsasayaw. Biglang bumitiw sa akin si Amery. Napansin ko biglaan paglungkot ng kanyang mukha. "Bakit, babe? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. He shook his head and stared at me. Nakita ko ang paglamlam ng kanyang mga mata. Pagkuwa'y tumalikod siya at naririnig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga na pinakawalan. Lumipas ang ilang segundo bago siya muling nagsalita. "Hindi ko alam kung anong buhay ang kaya kong ibigay sayo, Natalie ," aniya sa malungkot na boses. "I'm nothing! Wala akong maipagmamalaki sayo, wala akong kayang ibigay sayo. Hindi ko alam kung tama ba na maging tayo." Puno ng kalungkutan ang mababanayad sa mga tinig ni Ame. Hindi ko maiwasan sa sarili na makaramdam ng pagkahabag sa mga sinasabi niya. Importante ba ang mga iyon? Para sa akin, hindi siya mahalaga! Ang gusto ko lang ang makasama si Amery. Humakbang ako at niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. "Hindi mahalaga sa akin, kung anong buhay ang kaya mong ibigay sa akin, basta ang mahalaga. Mahal kita, Ame , at Mahal mo ako," madamdamin na wika ko sa kanya. "Natalie...." halos pabulong niyang sabi. He turned to me! "Magsisikap ako para sayo, Natalie. Maghahanap ako ng maayos-ayos na trabaho sa bayan. Gagawin ko ang lahat-lahat para sayo," dugtong niya habang nagniningning ang kanyang mga mata. Tumango-tango ako sa kanya bilang pagsang-ayon ko. "Kung 'yon ang pasya mo, tutulungan kitang makakuha ng trabaho sa bayan," masayang sagot ko sa kanya ng biglang may naalala ako. "Paano ang mga halaman ni, Mommy?" nakangusong dagdag ko. Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya at pinisil ang dulo ng aking ilong. "Aalagaan ko parin! Kagaya ng gagawin kong pag-aalaga sayo, babe! Lagi mong tandaan, Mahal na Mahal kita. You're Mine only Mine, Natalie." Ang mga tinig niya ay puno ng sensiridad at pagmamahal. Nangislap ang mga mata ko dahil sa mga sinabi niya sa akin. Parang ayoko ng matapos ang kaligayahan na naramdaman ko ngayon. Pumaloob ako sa mga bisig ni Amery at kampanteng inihilig ang ulo sa dibdib niya. "Amery...." malakas na sigaw mula sa labas ang naririnig namin pareho ni Amery. Parang boses ni Nanay Eva. Kumalas kami sa isa't-isa ni Ame at sabay kaming lumabas ng kubo. Nabungaran namin ang nag-aalalang mukha ni Nanay Eva, tila hindi makapaniwala ang kanyang mukha. Napako ang mga paningin nito sa magkahawak kamay namin ni Amery. Ang pagtataka at kalituhan ay unti-unting napapalitan ng kasiyahan. Makahulugan na tumitig ang mga mata nito sa amin. Pasimple akong napangiti, medyo nahihiya ako kay Nanay Eva. Itinaas ni Amery ang kamay naming dalawa. "Kaya pala, nawala ka sa mansiyon kang bata ka. Nagsinungaling kapa sa akin na makikipagkita sa kaibigan mo, 'yun pala..." saglit siyang huminto magsalita, palipat-lipat ang tingin sa amin ni Ame. "Dito ka lang pala pupunta," malisyosang wika ni Nanay Eva. "Tama po kayo, Nay , hindi mahirap mahalin si Amery dahil noon pana man pala, Mahal ko na siya," natutuwang sabi ko kay Nanay Eva. Ngumiti siya sa akin at humakbang papalapit sa amin. Isa-isa niya kaming niyakap ni Amery at agad din siyang bumitiw sa amin. Kinuha ni Ame ang basket mula sa kamay ni Nanay Eva. Malamang pagkain ang laman nito. "Umuwi kana dahil sobra ang pag-alala namin sayo. Kung saan-saan kana hinanap ng mga magulang mo," paalala sa akin ni Nanay Eva. "Alam po ba nilang andito ako?" "Wala, hangang ngayon pinaghahanap ka. Buti na lang ako ang pumunta rito para sana tawagin itong si Amery na hanapin ka. 'Yon pala andito ka lang, pinag-alala mo kaming lahat sa mansiyon," kastigo nito sa akin at pasimple akong kinurot sa singit. Sanay na ako sa kanya na ganito ang ginagawa sa akin, kapag matigas ang aking ulo at kapag magsisinungaling ako sa kanya. "Mas pinili po niya akong alagaan kaysa umuwi po siya," saad ni Amery para ipagtanggol ako. "O, siya! Uuwi ka mamaya, Natalie , sumabay kana sa akin. Hindi pwede malaman ng iyong Mommy at Daddy na buong magdamag kayong magkasama baka mas lalong hihimatayin ang iyong ina," natapal niya ang kanyang noo. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. May masama palang nangyari kay Mommy at ako ang may kasalanan. Pero hindi parin ako uuwi kapag hindi ko kasama si Amery. Baka magkasakit na naman siya, walang mag-aalaga sa kanya dito. Bumalik kami sa loob ng kubo, nilapag ni Amery ang basket sa mesang gawa sa kawayan. Isa-isa niyang nilabas ang laman ng basket. "Hindi naba masakit ang iyong ulo, Amery?" tanong ni Nanay Eva kay Ame ng lumapit siya sa lalaki, upang tulungan niya sa pag-aayos sa mga pagkain. "Hindi na po, magaling po 'yong nag-alaga sa akin kagabi," aniya na nakangiti at sumulyap sa akin. Napayuko ako, pakiramdam ko pinamulahan ako sa sinabi niya. "Maganda kung ganun. Mauna kaming uuwi ni, Natalie mamaya at sumunod ka. Ang mga halaman ni Señyora," pailing-iling siya ng kanyang ulo. "Nanlanta na, dinidiligan ko naman pero ang mga kamay mo yata ang hinahanap nilang mag-alaga. Pati ba naman mga halaman nahuhumaling sa kagwapuhan at kakisigan mo," sabi sa pabirong tono. Dahil sa sinabi ni Nanay Eva hindi ko napigilan ang tumawa. Parang totoo ang mga sinasabi nito, iba talaga kapag si Ame ang mag-aalaga ng mga halaman ni Mommy. "Wag kayo mag-alala," inakbayan niya ang may edad na babae. "Mas lalo silang titingkad lalo na nga—" Makahulugan siyang tumingin sa akin at matamis na ngumiti na may kasamang kindat. Siniko naman siya ni Nanay Eva. Sinundan niya ang mga tingin ni Amery, masaya itong ngumiti. Nakikita ko sa mukha niya nawala itong pagtutol sa aming relasyon. Kahit noon pana man lagi niya akong tinutukso sa binata at ako naman ay sobrang indenial. Bahagya ako natahimik pumasok sa isipan ang aking mga magulang. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na boyfriend ko na si Ame. At paano ako makikipaghiwalay kay Renz? Si Renz pana man ang gusto nila para sa akin. Matatanggap kaya nila si Amery na maging kasintahan ko? "Natalie..." tawag sa akin ni Nanay Eva para mapukaw ang aking pag-iisip. "Nay...." mahina kong sagot. "May gumugulo ba sa isipan mo, Anak?" takang tanong niya sa akin. I shrugged my shoulder! Tumingin ako kay Ame. Pahapyaw akong ngumiti sa kanya, hindi ko talaga alam kung paano ko siya ipapakilala sa mga magulang ko. May takot sa dibdib ko baka hindi nila tanggapin ang binata para sa akin. I heaved sighed. Lumapit sa akin si Amery at hinila ang kamay ko palapit sa mesa. Inalalayan niya akong maupo sa mahabang upuan na gawa lang din sa kawayan. Magkatabi kami ni Ame at nasa harapan namin si Nanay Eva. Pana-naka'y sumusulyap ako kay Ame. Habang abala ito sa paglalagay ng sabaw sa isang mangkok. "Thanks," halos pabulong kong wika ng iabot niya sa akin ang mangkok na may sabaw. Nagsimula akong humigop ng mainit-init na sabaw na dala ni Nanay Eva. "Bakit?" mahinang tanong sa akin ni Ame. "Hindi mo ba nagustuhan ang luto ko, Natalie?" Pilit akong ngumiti kay Nanay. "No, actually masarap po siya, Nay," aniko. Ipinagpatuloy ang pagsigop ng sabaw na gawa sa nilagang baka. Ang totoo napakananam ng lasa nito. Nilagyan ng maraming kanin at ulam ni Ame ang plato ko.Ipinagbalat din niya ako ng sugpo na kasama sa mga dinala ni Nanay Eva. "Eat," utos ni Amery sa akin. "You're so skinny. You need to add weight." Napatingin ako kay Nanay Eva na ngiting-ngiti para bang tuwang-tuwa siya sa nakikita sa amin ni Ame. Namamalayan ko lang na gumagana ako sa pagkain. Sa kauna-unahang pagkakataon ngayon lang ako ginaganahan kumain habang katabi si Ame. Most of the time kasi wala akong ganang kumain. Natatakot akong tumaba, ayokong tumaba. Pangarap ko kasing maging super model balang araw. Pagkatapos naming kumain ay inayos ni Nanay Eva ang pinagkainan namin. I raised myself from where i was sitting. Tumayo ako at humakbang patungo sa labas ng kubo. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Ame. Nilingon ko ang binata na sinuklay ang mga daliri sa buhok. "Sumunod ka kaagad sa mansiyon, ha...." habilin ko sa kanya. Humakbang siya papalapit sa akin at niyakap ako. Inalalayan ako ng mga halik sa aking ulo. "Mamayang hapon andoon na ako." "Promise?" "Opo, andoon ako mamaya! Matitiis ba kita? Dati palang hindi kita matiis, ngayon pa kaya na girlfriend na kita." Kumalas ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay. "Ilang araw kang hindi nagpakita sa akin, kung hindi ko pa narinig ang usapan nila Faye at Nanay Eva, hindi ko pa malalaman na andito ka lang," pataray kong wika sa kanya. "Baka nakakalimutan mong pinabugbog mo ako sa bangus na iyon, boyfriend moba talaga ang bangus na iyon?" tila may tampo at pagdududa sa kanyang tinig. Nag-init ang mga pisngi ko at kinain ako ng aking konsensiya. "Sorry, babe...." kinulong ng dalawang palad ko ang kanyang mukha. "Ikaw ang Mahal ko, Ame , hindi si Renz.." "Ayoko ng makita na kasama mo ang lalaking iyon, naiintindihan moba ako, babe!" ma-awtoridad niyang wika sa akin. Wala sa sariling tumango ako sa kanya. Ipinilig ko ang aking ulo sa dibdib ni Ame. ITUTULOY...........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD