Chapter 09

1525 Words
Chapter 09 Natalie's POV Chapter 09 Ang sarap ng gising ko sa umaga, mabilis akong bumangon sa aking kama. Agad akong nagtungo sa veranda magbabasakali akong makikita si Amery. Napakagat labi ako hindi parin ako makapaniwala na boyfriend ko na siya. Nalibot na ng paningin ko ang buong hardin, ngunit walang Amery akong nakita. Ang usapan namin kahapon na agad siyang susunod sa amin. Pero, bakit wala pa siya magpahangang ngayon kagabi pa ako naghihintay sa kanya, nakatulugan ko na lang ang paghihintay kagabi. Parang gusto ko maglupasay sa inis, dahil sa inis ko hindi ko namamalayan na napapaluha ako. Nagpapadyak akong bumalik ng kwarto at pabagsak akong humiga ulit sa aking kama. Inabot ko ang unan at pinangtakip sa aking mukha. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Nakakainis sobrang nakakainis. Sana hindi ako umuwi na hindi siya kasama. Sana hindi ako nakinig kay Nanay Eva. Sana? Sana? Sana? Nagsisigaw ang utak ko sa puro sana at gusto ko magwala sa inis. Nakakarinig ako ng mga katok sa pintuan ngunit hindi ko ito pinapansin. Baka si Nanay Eva lang ito at may dalang almusal para sa akin. Nakailang katok ito pero hindi ako gumagalaw sa kama nanatiling nakatakip ng unan ang aking mukha. Patuloy lang ito sa pagkatok hangang sa makarinig ako ng pagbukas ng pinto. Ang yapak ay unti-unting lumalapit bigla akong nakaramdam ng excitement. Bumilis ang kabog ng aking dibdib, ang mga yapak ay kilalang-kilala ko. Mabilis kong tinanggal ang unan sa aking mukha. Napasinghap ako, upang lumanghap ng hangin. Parang nag-uunahan magkarerahan ang puso ko ng makita ko ang lalaking laman ng isipan ko. I rolled my eyes, tama ang hinala ng puso ko. Naiiyak ako sa pamamagitan ng mga luha ko. Isang nakangting Amery ang nasa harapan ko, may bitbit siyang tray ng pagkain. Mabilis akong tumayo sa kama at tumakbo palapit sa kanya upang yakapin siya. "Oh...oh...teka lang, baka matapon itong mga hawak ko," saway niya sa akin pero hindi ako nakinig sa kanya. Nagpabuhat ako at mabilis kong inangkla ang mga hita ko sa balakang ni Ame. Buhat-buhat ako ng ilapag niya sa ibabaw ng kama ang tray. Habang wala akong tigil na paliguan siya ng mga halik sa mukha. Sabay kaming bumagsak sa kama. "I miss you so much, babe," masuyo kong sambit na patuloy lang sa ginagawa kong paghalik sa labi niya. "Bakit ngayon ka lang kagabi pa kita hinihintay, alam mo ba 'yon na sobra akong nag-aalala sayo." Sinuklay ng mga daliri niya ang buhok ko, tinitigan niya ako sa mukha. Nakikita ko ang mga mata niyang nangingislap na puno ng pagmamahal. "Inayos ko lang saglit ang kubo." "Mas mahalaga ba 'yon kaysa akin?" May himig na pagtatampo sa boses ko. Muli niyang inabot ang labi ko at siniil ako ng halik. Pagkuwa'y agad din binitawan. "Kumain kana, dba may pasok ka ngayon? Tamang-tama pupunta ako ng bayan, ihahatid na rin kita," malumanay niyang wika. Umalis siya mula sa pagkadagan sa akin at naupo sa tabi ko. "Bakit hindi kana lang magtrabaho sa restaurant namin, maganda doon at tutulungan kitang makapasok," nakangiting suhestiyon ko sa kanya. Ngunit, nakatitig lang siya sa akin na tila ba hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "Sa iba na lang 'yong tipo na pinaghirapan ko naman, ang paghahanap ng trabaho," aniya na pilit ngumiti sa akin. "Gusto ko ang may mapatunayan sayo, babe," may konting lungkot sa kanyang tinig. Hinaplos ko ang kanyang pisngi, hindi naman niya kailangan may maipakitang patunay sa akin. Pagmamahal niya lang sapat na para maging masaya kami. But he had the point! Iba parin ang pinaghihirapan ang trabaho kaysa nakuha nang madalian. "Sige na, kumain kana pagkatapos maligo at magbihis. Hihintayin kita sa baba," wika niya at hinalikan ako sa ulo. "Hindi mo ba ako sasabayan?" tila batang tanong ko sa kanya. "Busog na ako makita lang kita," nakangiting sabi niya, pasimple akong napayuko sa sinabi niya para akong timang na kinilig sa sinabi niya. Nahampas ko siya sa balikat. "Ikaw, talaga!" I pouted my lips. "I love you, Natalie. Mahal na mahal kita. Gusto ko lagi mong tandaan iyan." Hinagkan niya ulit ako sa labi. "I love you too, Ame....!" I replied heartedly. Muli niya akong siniil ng halik bago siya lumabas ng aking silid. Sinundan ko na lamang ng tingin ang aking kasintahan. Pagkatapos kong kumain, naligo at nagbihis ng aking uniforme ay mabilis akong lumabas ng aking kwarto. Pababa na ako ng hagdanan ng makita si Amery na nakatayo sa malaking pintuan ng mansiyon. Sa unang pagkakataon ngayon ko lang ito nakitang nakasuot ng polo- shirt na kulay mint green. Hunk! Iyon ang impression ko lagi kay Amery. Napasinghap ako, bagay na bagay sa kanya. "Ahm...Bakit, ang pogi mo namang aplikante? Baka, wala ng interview na magaganap at tanggap na agad?" Sumilay ang mga ngiti niya sa labi. "Sa tingin mo tanggap na ako nito?" Sunod-sunod na pagtango ang ginawa ko. Bulag na ang hindi tatanggap kay Amery. Bagay sa kanya ang mag-artista o di kaya modelo. Matangkad, maganda ang katawan siyempre ubod ng gwapo. Sino ba ang aayaw dito, kung ito ang aplikante na mag-aaply sayo? Naka-akbay siya sa akin ng lumabas kami ng mansiyon hangang sa makarating kami sa sasakyan na ginagamit niya sa paghatid-sundo sa akin sa eskwela. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa harapan bago siya sumampa sa driver seat. Siya rin nag-sout ng aking selt belt. Binuhay niya ang makina ng sasakyan. "Susunduin kita mamayang tanghali, kaya hintayin mo ako," nakangiting habilin niya sa akin ng lumabas na kami ng gate. "Opo, basta wag kang magtagal may pasok ako ng 1:30 lalabas ako ng 4:00." He shook his head. "All right?" Sagot niya na ang mga mata ay nakatuon lang sa kalsada. "Ayaw mo ba talagang samahan kita?" "Wag na, kaya ko naman! Sayang ang araw kung hindi ka papasok sa klase mo." "Sige, ikaw ang bahala pero ayaw mo ba talaga, babe , na samahan kita..." pangungulit ko at nilaro ng isang daliri ko ang tenga niya pinisil-pisil ko ito. Napansin ko na parang nakikiliti siya. "Ok lang babe, mas mahalaga ang pumasok ka. Hindi naman ako namimili ng trabaho basta marangal lang," aniya sa masayang tono. "I wasn't thinking either," nadidismayang wika ko. Gusto ko talaga siyang samahan. Wala namang problema sa akin kahit hindi ako pumasok masamahan lang siya. Baka kasi lalandiin siya doon, ayokong may ibang babae na lalandi sa Amery ko. "Gusto mo ba? Pagkatapos ng klase mo, papasyal na lang tayo." Namilog ang mga mata ko. Gusto ko ang ideyeng iyon. "Hihintayin kita hangang sa makalabas ka mamayang hapon, diyan lang ako sa labas magtiya-tiyang maghintay sayo." "Hindi ka ba mapapagod kapag ginawa mong hintayin ako?" May paniniyak sa boses ko. "Bakit naman ako mapapagod? Ang paghatid-sundo ko sayo, walang kapaguran ang mahalaga, ikaw! Pwede naman akong magpapahinga dito sa loob ng kotse. It was good na babantayan kita, wala din naman ako magawa sa mansiyon bago ako nagpunta sa kwarto mo kanina inayos ko ang hardin niya." And he winked. Napatitig ako sa kanya. What does he mean? Maaga siyang nasa bahay na! "You mean...?" "Yeah! Sinilip kita kagabi sa kwarto mo tulog na tulog kana, kinumutan pa nga kita." Sinundot ko siya sa tagiliran at napaliyad siya. Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya. Hindi namin namamalayan, narating din namin ang University kung saan ako pumapasok. Ipinarada niya ang sasakyan sa labas ng gate at dali-dali siyang lumabas para pagbuksan ako ng pinto. Halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa amin. Lalo na ang mga babae na halos ang mga mata nila ay lumuwa na sa kakatitig kay Amery. Ang mga mata nilang puno ng pagkamangha. Sinadya kong ilingkis ang braso ko sa braso ni Ame at inirapan sila para malaman nila na bawal titigan si Amery. Dahil hindi ito ulam na pwede nila takaman. "Sige na pumasok kana, baka malate ka pa," pagtataboy niya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya, parang ayaw ng mga paa ko humakbang papasok. Marumi ang laman ng isip ko, paano kung pagpiyestahan ito ng mga babae sa pag-aaplayan niya? "Sama na lang kaya, ako sayo, babe. Para ma guide kita," teasing him. And i pouted my lip! May pa-puppy eyes pa akong nalalaman, dito na nga lang sa school halos ayaw ma-alis ang mga paningin ng mga babaeng estudyante. Ano pa kaya sa pag-aaplayan niya? Paano kung babae ang mag-iinterview sa kanya? He pinched my nose! "Dont be so stubborn, babe, kaya ko at pupuntahan kita dito mamaya," pagdidiin niya sa huling sinabi, pero hindi ako kumbinsido sa sinabi niya. "Sige na, babe , pleassss...." pagpupumilit ko. He sighed! Parang nawawalan na siya ng pasensiya sa kakulitan ko. "Bahala ka!" nagkamot ito ng ulo. "Natalie," napalingon ako sa babaeng sumigaw ng pangalan ko. Ang nakangiting si Elaiza pero ang mga mata nito ay wala sa akin. Kundi na kay Amery, napansin ko pa ang pagkagat labi nito. Kita ko ang pagniningning ng mga mata niya habang titig na titig sa boyfriend ko. "Hi," bati niya kay Ame sabay lahad sa kaliwang kamay niya. Pumagitna ako at tinaasan ko siya ng kilay. Ako ang tumanggap ng kamay ni Elaiza. ITUTULOY........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD