Chapter 07

1682 Words
Chapter 07 Natalie's POV Pinagmamasdan ko si Amery habang nilalabas niya lahat ng pagkain sa loob ng basket. " Ito kumain ka bago ka umuwi baka magutom ka sa daan," yaya niya sa akin at basta na lang pahagis na inabot sakin ang pagkain na nasa loob ng plastic container. Napamaang ako sa ginawa niya."Ganyan ba tamang pag- alok ng pagkain?" naiiritang wika ko sa aking sarili. " Ano pa ang tinayo-tayo mo diyan, kumain kana?" aniya, naglakad ito patungo sa papag at nahiga. My mouth twisted upward on dismay. Nakakainis lang siya. " Pwede ba, Ame , ayusin mo ang pag-alok sa akin," naiinis kong wika sa kanya. Narinig ko ang pagtawa niya. "Pati ba naman dito sa kubo ko gusto mo tratuhin parin kitang prinsesa. Magself service ka, Natalie!" He chuckled at ipinikit ang mga mata. " Masakit ang ulo ko kaya pwede ba wag muna dagdagan pa, umuwi ka na rin pagkatapos mo diyan baka biglang sumulpot dito ang boyfriend mo at magwawala na naman. Wala akong sa mood para makipagsuntukan." Nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi ni Amery at the same time nag-aalala ako sa kanya. Bakit kaya sumasakit ang ulo niya? Imbes mag inarte ako inayos ko ang pagkain. Nakita ko may sopas pero hindi na ito mainit at nanlalaki narin ang pasta. " Bakit hindi ka uminom ng gamot, kung masakit ang ulo mo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya habang inaayos ang pagkain para ipakain ko sa kanya. Ngunit walang Amery na sumagot, lumingon ako sa kinahihigaan niya sa maliit na papag na kawayan, mukhang nakatulog na ito. Humakbang ako palapit sa kinahihigaan ni Amery. Umuungol ito na parang may binibigkas. " Mom....." naririnig kong paulit-ulit niyang sinasabi. Napakunot ang noo ko! Mom? Mommy ba? May Mommy si Amery? Sino? Niyugyog ko ang balikat niya para magising siya. Namumutla ito at tumitindi ang pagpapawis niya, butil-butil ang pawis na namumuo sa noo niya. " A-Ame..." i said gently. "Hmmmm...." usal niya. "Whats going on?" halos pabulong na wika ko. Naupo ako sa gilid nang papag. Kinapa ko ang kanyang noo nakakapaso ang kanyang init. "May lagnat ka Ame..." natatarantang wika ko. He keep groaning at patuloy lang binibigkas niya ang "Mom" ng paulit-ulit. Natataranta akong tumayo nagisip kung anong tamang gawin. Naalala ko ang ginagawa sa akin ni Nanay Eva sa tuwing may lagnat ako noong bata pa ako. Kumuha ako ng tabo, nagsalok ako ng tubig sa nakita kong balde na may laman na tubig. Naghanap din ang mga mata ko ng bimpo, mabuti na lang may nakita akong nakasabit, agad ko itong kinuha. Dala-dala ko ng bumalik ako sa kinahihigaan ni Amery. Muli akong naupo sa gilid ng papag. Piniga ko ang bimpo, dahan-dahan na pinunas sa noo ni Amery. "Dadalhin kita sa ospital ngayon din..." Aakmang tatayo ng pigilan ni Amery ang kamay ko. "I'll be fine! Don't bother," he said with foreign accent. Ito ang minsan ang pinagtataka ko kay Amery, kapag nagsalita siya ng english ay dire-diretso at maganda ang tunog. Parang sanay na sanay siyang magsalita ng english. Ngunit benalewala ko lang baka magaling lang ito sa salitang english. "But Ame..." pagpumilit ko. "Huwag mo akong alalahanin, Natalie! Umuwi kana baka hinahanap ka na sa mansiyon madilim na sa labas," aniya sa mahina na boses. I said nothing at muling naupo sa tabi niya. Hindi ko siya pwedeng iwan kung ganito ang sitwasyon niya. Hindi kaya ng konsensiya ko ang iwan na lang siya dito na ganito ang sitwasyon niya. Nag-aalala ako ng sobra sa kanya. Muli kong kinuha ang bimpo. Dahan-dahan kong hinubad ang sout niyang t-shirt. I bit my lip! Ang mga mata ko nakatuon sa hubad niyang dibdib. And why heaven i couldn't take off my eyes on his chest. Habang dahan-dahan kong pinupunas ang bimpo sa kanyang dibdib. I had never actually seen a man with broad chest na sobrang perpekto ang pagkahugis ng kanyang katawan. And the thought na magagawa kong damhin iyon ay nagdudulot ng thrill para sa akin. I swallowed my own vile ng mapadako ang paningin ko sa pusod ni Ame pababa sa gitna ng kanyang dalawang hita. "Oh God!" mahina ko na usal. Inalis ko ang paningin ko doon, hindi ko gusto ang nilalaman ng isip ko. Nakita ko ang pangingilkig ng katawan ni Amery. Palinga-linga ako sa paligid naghanap ako ng pwedeng ipangkumot sa kanya. May nakita akong kumot at binalot ko sa kanyang katawan. Pero hindi sapat iyon para mawala ang pangingilkig niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung uuwi ako para humihingi nang tulong wala ding silbi. Tama si Ame kanina madilim na sa labas at natatakot narin ako n umuwi. "Bahala na!" bulalas ko. Humiga ako sa tabi ni Ame at niyakap ko siya ng mahigpit. Baka sa paraan na ito maibsan ang panlalamig ng kanyang katawan. Sumilay ang mga ngiti sa labi ko ng maramdam ang init ng katawan ni Ame sa katawan ko. Hindi ko mapigilan ang sarili na yakapin ang matigas niyang pangngatawan.Pinikit ko ang aking mga mata, hangang sa unti-unti akong dalawin ng akin antok at makatulog sa tabi ni Amery. *** Kinabukasan nagising akong mag-isa sa papag na kawayan. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala si Amery. Agad akong tumayo hinanap ng mga mata ko ang binata. "What's wrong with him? Hindi ba niya naisip na may sakit siya?" naiinis kong wika sa sarili. "Ame...." nag-alalang sigaw ko sa palayaw niya. Natataranta akong lumabas ng kubo. Napahawak ako sa dibdib na wala ang pag-alala ko ng makita si Amery sa ilog may hawak na sibat. Kumaway sa akin si Amery ng makita ako. "Good morning, Señyorita!" bati niya sa akin. My pulse started to drum in my ear. Iniwas ko ang paningin sa katawan ni Amery. Binaling ko sa ibang direction ang aking mga mata. I closed my eyes and filled my lungs with morning air. Aaminin ko, i really admired him. Iyon ang natitiyak ko ngayon. I'm inlove with him. Pero naroroon ang bahagyang takot ko. Takot na malaman niya ang naging usapan namin ni Renz. Bakit ngayon pa kung saan? Sigurado na ako na mahal ko si Amery. Binalik ko ang paningin ko kay Amery. Muli itong kumaway sa akin. This time, i waved back. Itinaas niya ang hawak na sibat tila pinagmamalaki niya ang nahuli niyang isda. Ngumiti ako sa kanya bilang tugon ko sa mga ngiti niya sa labi. Muli akong lumanghap ng sariwang hangin at nagmadaling bumalik sa loob ng kubo. Alam kong pabalik na si Amery sa loob ng kubo. Kunwari kong inabala ang sarili sa loob, inayos ko ang pinaghigaan namin. Narinig ko ang mga yapak ni Ame ng pumasok sa loob. Pinakiramdaman ko lang siya unti-unti palapit sa likuran ko ang mga yapak. Napasinghap ako ng maramdaman ang mga braso ni Amery sa bewang ko. Lalo pa akong napasinghap ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa batok ko. Hindi ko mapigilan ang pag-alsa ng init na nararamdaman ng katawan ko. Iba ang dulot nito sa akin, tila nanabik ang katawan ko sa init ng katawan ni Amery. "A-Ame..."nauutal na bulalas ko sa palayaw niya. "Bakit hindi ka umuwi noong pinapauwi kita? Bakit pinili mo ang manatili sa tabi ko?" tanong niya sa akin sabay halik sa batok ko. Kinabig niya ako paharap sa kanya.Napayuko ako dahil hindi ko siya matingnan ng diretso ang kanyang mga mata. Ang kulay brown na mga mata nito'y tila nanunuot ang pagkatitig sa pagkatao ko. Mga titig na tila inuusig ako, sinubukan kong ipilig ang ulo ko sa kabila.Ngunit mahigpit ang pagkahawak niya sa baba ko. Itinaas niya ang baba ko gamit ang hintuturo niya para itaas ang mukha ko para tingnan ko siya sa mga mata. "Bigyan mo ako ng dahilan, Natalie? Dahilan na para panghinawakan ko?" aniya sa malambot na boses. Ang mga mata niyang nakatitig sa mga labi ko. Tumitig ako sa mga mata ni Amery at hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Nagkatitigan lang kaming dalawa. Nagpakawala ng buntong-hininga si Amery. At mukha niya'y nagbabadya na tila isang martyr at labis-labis ang pagpasensiyang ginagawa sa akin. Binitawan niya ako at narinig ko ang ungol na pinakawalan niya. Ungol ng pagkadismaya. "You can leave, Natalie , the door is open for you to leave," wika nito sa pinakabanayad na tinig na narinig ko mula sa kanya. And that made me feel so guilty. Tumalikod siya sa akin. Humakbang palabas ng kubo, hindi ko malaman ang gagawin. Gustong-gusto ko sabihin sa kanya na mahal ko siya. Pero natatakot ako sa maaring mangyari sa amin. Ngunit hindi ko na rin kayang itanggi sa sarili ko na mahal ko siya. Nagmadali akong lumabas para habulin si Amery. "Mahal ko siya, Mahal ko si Amery.." sigaw ng isip ko. I loved him with all my heart. "Mahal kita, Amery...." malakas na sigaw ko, upang mapahinto siya sa paglalakad patungo sa ilog. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Malapad na ngiti sa labi ang sumilay mula sa kanya. "A-Ano ulit?" pagkuwa'y na wika na tila hindi makapaniwala na tanong niya. "Mahal kita...Mahal na Mahal kita, Ame..." nakangiting paguulit ko. Pakiramdam ko lumuwag ang sikip ng aking dibdib na nasabi ko din sa kanya ang totoong naramdaman ko. Nag-uumpisa nang umapaw ang kaligayahan sa dibdib ko. Tumakbo si Amery palapit sa akin pero hindi ko na siya hinintay na makarating sa kinaroroonan ko, sinalubong ko si Amery. Niyakap niya, ang kasunod tila lumutang ako sa ere. Inikot niya ako ng tatlong beses bago binaba sa lupa. Ikinulong ni Amery ang aking mukha sa kanyang mga palad. Pinaglapat niya ang aming mga noo. "Mas mahal kita, Natalie, noon pa ng unang araw kitang makita sa mansiyon. Alam ko sa puso ko na mahal na kita," aniya sa masayang boses. He smiled! Tinitigan niya ako, raised my chin with his finger. I smiled happily at tumingin ako sa mga mata ni Ame. His eyes brilliant with passion and desire. Dahan-dahan na lumapat ang labi ni Amery sa labi at pagkakataong ito tinugunan ko ang mga halik na kasama na aking puso na buong-buo ko ng binibigay sa kanya. ITUTULOY..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD