PROLOGUE
This story is a work of fiction. Names, characteristic, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events , or locales is entirely coincidental.
Hayes Empire Series
1. Unforgettable Love (Completed and Free)
Ethan Alistaire Hayes and Natalie Sophia Hernandez
2. Taming the Playboy's Heart (PTR and Completed)
Knox Lawrence Hayes and Isabella Lorraine Santillan
3. The Wife Misery (On–going)
Daniel 'ORION' Angelo Hayes and Zoey Kathryn Bustamante
4. The Billionaire's Legal Wife (Soon)
Rune Evander Hayes and Rosalie Gabriella Mangahas
PROLOGUE:
Natalie's POV
Nagising ako sa isang sipa sa aking mukha! Bumangon ako at nagkusot ng mga mata. Napangiti ako ng masilayan ang maamong mukha ng aking anak nasi Amelia.
She is six years old! She had been sickly little girl. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko, kung bakit naging sakitin ang anak ko. Inaalagaan ko naman siya kahit napakabata ko pa noong pinagbubuntis ko siya. I was eigthteen years old when i got pregnant.
I raised her alone, by the help of my Yaya Eva. Nawala na sa akin ang lahat ang dati kong marangyang buhay. I was turn into nothing. Naglaho ng ganun lang kadali ang lahat ng yaman meron ako dati. Mula ng mamatay sina Mommy at Daddy sa isang car accident.
Iniwan din ako ni Amery, kung saan mahal ko na siya nang sobra. Nagkamali ako at pinagsisihan ko na iyon. If i turn back time, ginawa ko na.
Pitong taon na ang nakalipas, wala parin kaming balita sa kanya. Saan na kaya siya? Ano na kaya ang buhay niya ngayon? Wala akong ibang sinisisi sa pag-alis niya kundi ako. Ako ang may kasalanan ng kanyang paglisan?
Sobra kong sinaktan ang damdamin niya.
" Natalie! Bilisan mo, anak , baka tayo ay mahuli na," pukaw ni Nanay Eva sa malalim na daloy ng aking kaisipan.Anak ang tawag sa akin ni, Yaya Eva , kahit noong bata pa ako.Mula ng magkaisip ako siya na ang nag-alaga sa akin.
Humugot ako ng malalim na paghinga.Papunta kami ngayon sa mansiyon kung saan ako namamasukan bilang isang katulong.Yeah ! I'm a maid, beacause i have no choice hindi ko na naipagpatuloy ang pag-aaral ko noon.
Ang mansiyon na dati naming pag-aari. Hindi matanggap ng kaisipan ko na ang dati kong tirahan ay mayroon ng bagong nagmamay-ari.
"Opo! Nay Eva," matabang na sagot ko.Bumangon na ako at isang halik sa pisngi ang ibinigay ko sa aking anak.Isang mahabang araw na naman ito sa aming dalawa. Kailangan kong maghanap buhay para sa aming dalawa.
Papunta kami ng mansiyon para salubungin ang pagdating ng bago naming amo.Galing pang Paris, France ang nakabili ng mansiyon, pati ang farm na dati rin naming pag mamay-ari.
Balita ko rin siya ang may-ari ng bagong tayo na hotel sa bayan at siya rin ang may- ari ng isang spring resort dito sa amin. Hindi lang dito may mga negosyo din siya sa maynila at maging sa ibang bansa.
Ang sabi ni Nanay Eva may asawa at anak na daw itong aming bagong amo.Isang daw itong mayamang bilyonaryo sa edad na thirty-two.
Pagkatapos kung maligo ay agad na akong nagbihis.Isang simple jeans lang at t-shirt, sanay na ako sa ganitong pormahan hindi kagaya dati na sunod ako lagi sa uso.
Bago kami umalis ng bahay! Muli kong hinagkan sa pisngi ang aking anak.Iniwan ko si Amelia kay Faye ang pamangkin ni Nanay Eva.
Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan mula dito sa kalsada ang mansiyon. Ang mansiyon na dati ako ang prinsesa.
Hindi ko maiwasang mamangha sa sobrang ganda nito.Nadako ang mga paningin ko sa mga plant box sa labas ng mataas na bakod.Napangiti ako ng maalala si Amery.
Sadness filled me! Hardinero siya dati dito sa aming mansiyon noon. Dinala siya ng Daddy mula sa isang baryo.
Mabait, maalalahanin at gwapo ang binata. Hindi lang ito kaputian dahil kulay brown ang balat nito.Siya ang simbolo ng tinatawag nilang tall, dark and handsome.
Wala siyang ibang iniisip kundi ang isang spoiled brat na kagaya ko.
"Ame, asan kana? Bumalik kana pleass...Sobra na kitang na mimiss," bulong ko sa hangin.Bago ako humakbang papasok sa malaking gate nang mansiyon.