Chapter 22

2513 Words
Chapter 22 Natalie's POV Pinilit ko bumangon nang umagang iyon. Nangako ako kay Nanay Eva na sasamahan niya akong magpacheck up ngayon. Limang araw na ang nakalipas pagkatapos ng nangyari sa resort, hindi na ako pinapasok ni Amery na sinang–ayunan ng mga magulang ko. Abala sila nitong mga nakaraan sa pag–asikaso ng kasal namin. At si Amery naman abala sa pagtulong kay Dad. Hindi ko man hingiin pero lagi siyang may inuuwi sa akin na pasalubong. Mga prutas na hindi ko nakahiligang kainin lalo na ang dragon fruit dahil walang lasa, rambutan ayoko na dahil sa mga tentacles nito. Pero ngayon gustong–gusto ko kainin siyempre hindi nawawala ang paborito ko ng mga ihaw–ihaw. Malakas ang pakiramdam ko na naglilihi ako. Napapansin ko laging masinsinan kong mag–usap si Daddy at Amery. Pakiramdam ko may problema dahil minsan nahuli ko ang Mommy na umiiyak. Alam ko may problema pero hindi nila pinapa–alam sa akin. Napansin ko din ang pananahimik nang pamilya ni Renz sa ginawa ni Amery sa kanya. Kilala ko ang pamilya iyon na, hindi nagpapatalo sa anumang bagay. Natatakot din ako, baka bigla silang gaganti sa amin. Natatakot ako para sa mga magulang ko at lalo na kay Amery. Baka balikan nila sa ibang paraan. Kahit hilong–hilo ako bumangon parin ako. Binilisan ko ang pagligo at pagbibihis para hindi maghintay si Nanay Eva. Naabutan ko si Amery sa kusina buong akala ko umalis na ito kasama ang Daddy. "May lakad ka?" nakakunot na tanong niya sa akin. Habang ang mga mata'y mapanuri. Napatingin ako kay Nanay Eva at nakuha naman ni Nanay Eva ang nais ko ipahiwatig. "Oo, sasamahan niya akong mamalengke." "May gusto akong kainin at gusto ko, ako ang pipili," pagkuwa'y na sabi ko. Nagkatitigan kami ni Nanay Eva, makikita sa mukha ni Amery na hindi siya kumbinsido. Lalong nangunot ang noo nito at nagsasalubong ang mga kilay. "Napapansin ko sayo ngayon, nagiging matakaw ka. Dati naman halos ayaw mo kumain, kung may gusto ka kainin ako na ang bibili," presenta niya. Hinila niya ako upang mapaupo ako sa kandungan niya. Niyapos niya ako at inamoy–amoy ang kili–kili ko. Nakikiliti ako sa ginagawa niya kaya hindi ko maiwasan na mapahagikgik sa ginagawa niya. Parang ginawa niya akong bata, napapailing na lang si Nanay Eva. "Ano ba? Babe...." saway ko sa kanya pero patuloy lang siya sa ginagawa. "Gusto ko lang ang amoy ng kili–kili mo ang bango kasi, amoy baby..." Napatitig ako sa kanya nang marinig ang binanggit. Hindi ko maiwasan na mapangiti sa loob–loob ko. "Matutuwa ka kaya kapag nagkababy tayo?" Teasing him, kung ano ang magiging reaction niya. Nakita ko ang masayang ngiti na sumilay sa labi niya. The handsome face looked puzzled for a moment. And i saw the glittering in his eyes. At bahagyang nanlalaki ang mga mata nito. "Bakit meron na?" "Hmmm...Wala pana man! Tinatanong lang kita," pagkibit–balikat ko. Ayoko rin na umasa siya at ako baka wala paman talagang nabuo baka may ibang kadahilanan lang ang mga hilo na nararamdaman ko. "Akala ko meron na, para magpapainom ako sa mga tambay sa kanto," pabiro niya at sinamahan ng kindat. Binuhat niya ako mula sa pagkakandong sa kanya at dinala ako sa isang upuan. Pinaupo niya ako ng maayos sa isang stool. Nilapatan ng halik sa noo. "Wag kayo magtagal sa palengke, wala kang ibang pupuntahan. Naiintindihan mo ako," ma–awtoridad niyang wika. Sunod–sunod na tango ang ginawa ko at hinalikan niya ako sa labi. "Nay, ang pinaluto ko, tapos naba?" baling niya kay Nanay Eva. Napabuntong–hininga ako. Akala ko hindi siya papayag na aalis ako. Mahigpit niyang pinagbabawal na lumabas ako ng bahay kung hindi siya ang kasama ko. "Tapos na," masayang sagot ni Nanay Eva. "Dapat, Natalie , matuto kana magluto dahil bukas asawa kana ni Amery pa–" Mabilis na hinawakan ni Amery ang kamay ko. "Hindi po, Nay , kahit hindi marunong magluto si Natalie, wala pong problema sa akin iyon. Ang mahalaga alagaan niya lang ako at magiging anak namin. Ayoko yatang magkasugat–sugat itong kamay ng reyna ko," nakangiting agap niya sa sasabihin ni Nanay Eva at dinala niya sa labi niya ang kamay ko at pinaliguan ng mga halik. Natapal ko siya sa noo. Napangiwi si Nanay Eva sa sinabi ni Amery at ako man ay natawa lang. Balak pa yata nitong gawin akong walang silbi na asawa. Alam kong hindi ako sanay sa trabaho pero bilang asawa kasama sa obligasyon ko ang pagsilbihan siya. Kasama doon ang ipaghanda siya ng makakain. Kaya pag–aaralan ko ang pagluluto. "Kumain na lang kayong dalawa para maka–alis na kami ni Natalie at ikaw naman Amery makapunta kana sa manggahan," pagtataboy ni Nanay Eva sa kanya. "Mag–uuwi ako ng mangga para sayo mamaya," nangingislap ang mga matang sabi ni Amery. "Bahala ka," aniko. Pagkatapos naming kumain ay nagpa–alam na si Amery. At makailang beses itong nagpa–alala sa akin na hindi ako dapat magtagal sa bayan. Halos ayaw akong bitawan panay ang yakap at halik niya sa akin, hindi ko alam pero nasobrahan siya sa lambing nitong mga nakaraang araw. Wala din naman akong balak na magtagal sa bayan, after ng check–up uuwi din kami agad. POSITIVE ang resulta ng pregnancy test ko at ang vaginal ultrasound na ginawa niya para masiguro kung talagang buntis ako. At niresetahan ako ng mga bitamina ng OB–GYNE na pinagpatingnan namin. Hinabilinan niya akong mag–ingat at wag masyadong magkikilos dahil one week palang ang aking dinadala, maselan pa kapag nasa ganitong stage. Maiyak–iyak ako habang nakatitig sa pregnancy result ko. Hindi ako makapaniwala na may butete nang palutang–lutang sa matres ko. Ang batang ito ay bunga nang pagmamahalan namin ni Amery. I was so excited nang makauwi sa bahay matapos samahan si Nanay Eva sa palengke. Dumaan na rin kami para sa lulutuin mamaya. Magpapaturo ako kay Nanay Eva nang lulutuin mamaya gusto ko itry ipagluto si Amery. Paulit–ulit sa isip ko ang magandang balita. Buntis ako! Natitiyak kong ikakatuwa ni Amery ang balita ko mamaya at sa mga magulang ko. Sa gate palang kami papasok sa mansiyon nang mapansin ko ang kulay itim na sasakyang nakaparada sa gilid hindi ko makita ang tao sa loob. Sobrang dilim ng mga salamin nito. Ngunit benabalewala ko lang dahil mas nakatuon ang kasiyahan ko sa pagbubuntis ko. Pagpakapasok sa mansiyon dumiretso agad ako sa kusina. Upang ihanda ang mga kailangan hindi lang ako excited sa pagbubuntis ko kundi excited din akong magluto. "Ano po ang gagawin ko, Nay?" tanong ko sa kanya. Hinila ko ang isang stool sa may working table at naupo roon kasabay ng paggala ng mga mata ko sa mga rekados nasa ibabaw. "Tuturuan kita magluto ng adobo manok sa gata," nakangiting wika ni Nanay Eva. "At ito ensaladang pako." "Masarap ba 'yan?" nakuryos kong tanong. Marami na akong nakikitang ganito pero hindi ko kinakain. "Bakit ngayon lang kayo kumuha niyan sa palengke," aniko na may pagkamangha sa boses ko. "Dahil ayaw niyo naman kumain nito pero si Amery paborito niya ito, napapansin ko sa kanya noon. Noong kasama pa niya ang kapatid mahilig siya magpagawa sa akin nito dito pasimple na lang tuwing nire–request niya." "Talaga po," hindi makapaniwalang bulalas ko. "Kung guati mong matutunan, halika at panoorin mo ako. Para sa susunod ikaw na ang gumawa para kay Amery." Kumislap ang mga mata ko sa tuwa. May mga bagay pa akong hindi alam kay Amery lalo na sa mga gusto niyang kainin. "Ano ang maari kong hiwain?" Bago pa ito makasagot ay tumunog ang extension phone na nakasabit sa dingding sa kusina. "Ako na, lagyan mo ng tubig itong Casserole," aniya nang aakmang baba ako sa stool. "Hello...Amery..." Napakislot ako sa pagkarinig sa pangalan ni Amery. Itinuon ang buong pansin kay Nanay Eva at pinapakinggan ang usapan nila. At wala sa sariling nabitiwan ang Casserole nagdulot ng matinding ingay nang bumagsak sa sahig para akong pinagtakluban ng langit sa narinig. Kahit si Nanay Eva, nabitawan nito ang phone at putlang–putla ang kanyang mukha. Nasa ospital ang mga magulang ko, naaksidente daw si Mommy at Daddy. Ayaw itong magsink–in sa isip ko. Bago paman ako makapagsalita, lumabas ako agad nang kusina at tinungo ang garage. Natarantang nakasunod si Nanay Eva at ang driver namin. Agad kong pinaharurot sa ospital ang sasakyan. Kumakabog ang dibdib ko sa matinding pagala–ala sa sitwasyon ng mga magulang ko. Wag naman sanang may mangyaring masama sa kanila dahil hindi ko kayang mawalan ng mga magulang. Makalipas ang ilang minutong biyahe narating din namin ang ospital. At agad kong tinungo ang Operating Room kung saan narerevive ang mga magulang ko. Naabutan kung nakaupo si Amery sa labas. Kasama niya ang dalawa naming tauhan sa manggahan. Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa akin ni Amery. Hindi ko na mapigilan ang pagsunod–sunod na pagtulo ng mga luha ko. Lumbas ang isang doktor mula sa loob nang operating room Hindi nila ako matingnan ng diretso sa mga mata. "I'm sorry, Miss. Hernandez ginawa namin ang lahat para iligtas ang mga magulang mo pe–" Hindi paman niya natapos ang sasabihin ay tumalikod na ako. Hindi ko kayang pakinggan ang kanyang sasabihin. Tinakpan ko nang dalawang kamay ang tenga ko at walang tigil sa kakatulo ang mga luha ko. Binilisan ko ang bawat paghakbang na ginawa ko, gusto ko ang makalayo muna. Sobra ang panginginig nang buong katawan ko, hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan nawala na ang mga magulang ko. Bakit ganoon kung saan may dala akong magandang balita para sa kanila? Saka naman ito nangyari sa amin. Bakit kong handa na ang lahat para bukas, bakit kailangan ito mangyari? Bakit nila ako iniwan? "Mommy... Daddy..." bulalas ko na puno ng hinanakit ang dibdib ko. Napapaluhod ako sa hallway nang ospital at walang tigil sa pag–agos ang mga luha ko. "Natalie," boses ni Amery. Naramdam ko ang mga braso niyang yumapos sa beywang ko lumuhod din siya sa likuran ko. "B–Bakit nila a–ko i–iniwan? H–hindi ko kaya...." umiling–iling ang ulo ko habang binibigkas ko ang mga salitang iyon. Humigpit ang yakap sa akin ni Amery at nararamdaman ko ang mga luha niyang pumapatak sa balikat ko. At mumunting paghikbi niya. "Andito ako, Natalie." Pumihit ako paharap sa kanya. At bumalalas ako ng iyak. Mabuti at andito si Amery dahil hindi ko ito kakayanin kong ako lang mag–isa. Napayakap ako kay Amery ng mahigpit, sobrang higpit. SI NANAY EVA ang nag–asikaso ng lahat sa funeral ng mga magulang ko. Hindi ko talaga kayang tingnan ang mga magulang ko. Kaya minabuting pinauwi muna ako ni Nanay Eva. Dahil iniisip niya ang sitwasyon ko. "Anong ginagawa mo dito? Gabing–gabi na? Bakit hindi kapa pumasok sa loob?" tanong ko kay Amery nakaupo sa plantbox sa labas ng mansiyon at naupo ako sa tabi niya. Magpapahinga na sana ako pagkatapos asikasuhin ang mga bisita naming dumalaw sa burol ng mga magulang ko ngayong gabi nang mapansin kong wala siya. Balak kong sabihin sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Gusto ko sana sabihin sa kanya nag pagbubuntis ko pagkatapos ng libing ng mga magulang ko pero karapatan niyang malaman ang tungkol sa magiging anak namin. "Nathalie." "What?" "Can we make a promise between each other." Tumaas bahagya ang kilay ko. Ang dami na niyang pinangako sa akin na alam kong tutuparin niya. "Anong klaseng pangako?" "A promise that we'll stay bound together through joy and difficulties; na magsasama tayong dalawa kahit na ano man ang mangyari." Ayoko na maiyak pero sa ginagawa niya mas lalo niya akong pinapaiyak. Marahan ko siyang sinuntok sa braso. "Nakakainis la talaga sobra, sabi mo wag na ako umiyak pero ito kana naman pinapaiyak mo ako. Bakit?" "Gusto ko ituloy ang kasal natin bukas sa harapan ng mga magulang mo. Tutuparin ko ang pangako ko sa Daddy mo. Magpapakasal tayo kahit ano pa ang nangyari," kinuha niya ang kamay ko. "Baka napipilitan ka lang dahil sa pangako mo sa mga magulang ko. Alam ko sila ang may gusto na magpakasal tayo." "Hindi ako napipilitan. Minsan naiisip ko, paano nga kung isang araw magbalik ang alaala ko, posibleng iwan kita. Ayokong saktan ka. Natanong na kita minsan nito. Paano nga kung may asawa na pala ako or i could be a criminal? Natatakot akong masira ko ang buhay mo, Natalie. Pero sa kabila nang lahat gusto kitang pakasalan sa harap ng mga magulang mo kahit wala na sila dahil iyon ang pangako ko, mamahalin kita at aalagaan kita. My heart know's that i can't live without you. I love you so much, Natalie. Ituloy natin ang kasal bukas kahit anong mangyari." He smiled a little that. Hinagkan niya ang mga kamay ko. Ang mga mata niya'y puno ng sensiridad at pagmamahal. "Paano mo ako niyan mamahalin at pagtupad sa mga pangako mo kong lagi kang nag–alala. Pero Amery wag mo akong iwan dahil hindi ko kakayanin, iniwan na ako ng mga magulang ko sana manatili ka lang sa tabi ko. Magpakailanman, magkasama tayong papalakihin ang anak natin. Buntis ako, Amery , magiging tatay ka na," sabi ko sa kanya sa pagitan ng mga luha ko. He stilled. Tinitigan niya ako na hindi makapaniwala ang kanyang mga mata. Ang pagkagulat ay nahalinhan ng kakaibang pagkislap ng kanyang mga mata. Kasiyahan na hindi maipaliwanag. "Oh, god, Natalie. Tatay na talaga ko! As in magiging tatay na talaga. I love so you much!" He said passionately kahit paulit–ulit ang tanong niya. Andoon 'yong matinding excitement sa tinig niya at sa kanyang mukha. Then he claimed my lips and giving me passionate kissed. Pagkuwa'y mabilis akong pinakawalan. Niyuko niya ang kanyang ulo at idinikit ang tenga sa akin tiyan. "Hello, baby Amery and Natalie. Naririnig mo ba ang Tatay?" aniya na akala mo ang kinakausap ay nasa harapan niya lang. "Oh, Amery...." hinaplos ko ang buhok niya at hindi ko mapigil ang mapangiti sa ginagawa niya. Muling itinaas ni Amery ang kanyang ulo. Nakikita ko ang pagnining–ning ng mga mata niya. Idinikit ko ang aking mukha sa dibdib niya at mahigpit ko siyang niyakap. "I love you, Ame..." I smiled happily at tumingala ako sa kanya. "Pasok na tayo sa loob para makapagpahinga ka. Masama sa buntis ang mapuyat ako na ang bahala sa mga bisita," aniya na may assurance sa kanyang mga tinig. "Pe–" Tinakpan ni Amery ang labi ko ng kanyang daliri. "No buts, makinig ka sa akin buntis. Ako ang masusunod, okay?" Tumango ako. "Yes," nakatawang sagot ko. Hinalikan niya ako sa ulo at inakbayan ako at sabay kaming naglakad papasok sa loob ng mansiyon. Nang muling makita ko ang sasakyan na kulay itim. Kumunot ang noo ko, pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD