Chapter 23

1801 Words
Chapter 23 Natalie's POV I was at the veranda at hindi mapatid–patid ang mga luha ko sa kakaiyak. Ito na ang araw na hinihintay ko ang maikasal sa lalaking mahal ko pero ito rin ang araw na pinakalungkot sa buhay ko. Kahit ayaw ko paganahin ang isip ko hindi ko maiwasan na wag isipin ang pagkawala ng mga magulang ko. Parang kailan lang kasama ko sila at masaya kami. Ang pagpayag nila sa relasyon namin ni Amery at ang pag–payag nila na ipakasal kami. Bakit parang ganoon na lamang kadali ang pagkawala nila? Tanggap ko pa kung namatay sila sa sakit? Ang hirap kasi tanggapin na pareho silang namatay sa isang car accident. Nakapagtataka lang maingat si Dad bago ba–biyahe, nagdo–double check ito bago magpatakbo ng sasakyan. Bakit ang araw na nangyari ang aksidente, ay nawalan daw sila ng preno? Sabi ng mga nag–imbestiga, nawalan ng preno ang Daddy. How come? I sighed sadly at patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Pinapasalamat ko na hangang ngayon nanatili sa tabi ko si Amery. Kalabisan man ang isang bagay na hinihingi ko na sana wag na tuluyang magbalik ang alaala niya. Sana manatili siyang walang maalala. Kapag si Amery pa ang mawala sa buhay ko baka hindi ko na kayanin. Baka mabaliw ako and worst baka ikamatay ko. Masyado ko siyang mahal para mawala sa akin. Kunin na ang lahat wag lang ang lalaking mahal ko. Napahaplos ako sa aking tiyan, napangiti ako kahit papano. Ang buhay na nabuo sa sinapupunan ko ang isa sa mga pinaghuhugutan ko pa ng aking lakas. Silang dalawa ni Amery ang lakas ko ngayon. Nang makarinig ako ng mga katok sa pintuan. At kahit ang marahan na pagbukas ng pinto ng silid. Hindi ako lumingon pa dahil alam kong si Nanay Eva lang ito. "Handa kana, Natalie? Naghihintay na sila sa baba." Tanging tango lang ang itinugon ko kay Nanay Eva. Dali–daling pinunasan ng mga daliri ko ang aking luha. Pinakalma ang aking sarili at mula dito sa veranda nilingon ko si Nanay Eva. Pilit ang ngiting ibinigay ko sa kanya. Kumislap ang mga mata niyang nakatitig sa akin. "Ang ganda mo, Natalie , bagay na bagay sayo ang sout mo," masuyo niyang sabi. Pagkuwa'y hinagod niya ako ng tingin. "Ngumiti ka, Natalie , sa kabila ng iyong kalungkutan dito lang kami para sayo," utos niya sa akin. Parang gusto ko bumulalas ng iyak pero nagpipigil ako. Ikakasal ako ngayon at iyon mo na ang iisipin ko. Tumango ako sa kanya at sinikap kong ngumiti ng masay. Kahit malungkot may dahilan para maging masaya. Lumakad ako patungo kay Nanay Eva. Niyakap niya ako ng ubod ng higpit. Hinagod–hagod niya ang aking likuran. Naririnig ko mga pasinghot–singhot niya, gusto ko sana umiyak pero nagpipigil ako. Kumalas siya mula sa akin at nginitian niya niya. Nakikita ko pamamasa sa gilid ng kanyang mga mata, ang lungkot sa mga mata niya ay pinilit kinukubli sa kanyang mga ngiti. "Tayo na, nagtataka na marahil si Amery. Kung bakit ang tagal mong bumaba. Bagay na bagay sayo ang damit pangkasal, Natalie..." wika niya at inilagay sa kamay ko ang bouquet ng mga sariwang bulaklak. Mga rosas na iba't–ibang kulay. Napakasimple lang ang aking damit pangkasal, gawa sa lace wedding dress na mahaba ang manggas at lagpas lang sa aking tuhod. "Kalabisan ba, Nay , kung hingiin ko na sana wag tuluyang bumalik ang alaala niN Amery? Pakiramdam ko na pre–pressure si Amery na pakasalan ako dahil sa pangako kay Daddy..." nabahiran ng lungkot ang tinig ko. Nauna humakbang si Nanay iba palabas ng linto. Sumunod ako. Nasa bungad na siya ng hagdanan nang lumingon sa akin. "Wag mong isipin ang mga bagay na 'yan, kahit hindi ko kilala ang buong pagkatao ni Amery alam ko at ramdam ko siya ang taong hindi tumatalikod sa pangako. Tulad ng sabi ko sayo noon pa Mahal ka ni Amery, Natalie." Yes, and i believe that. Bahagyang nilingon ako ni Nanay Eva at tuloy–tuloy siyang bumaba na. Samantalanf napahinto ako sandalu sa gitna ng hagdanan ng makitang nakatayo si Amery sa paanan ng hagdanan. Tall, dark and very handsome man. Kahit na sino walang makapagsasabi kung gaano kabagay sa kanya ang sout na black tailored suit. Ipinagpatuloy ko ang pagbaba ng hagdanan bago pa manlambot ang mga tuhod ko. Ang gwapo naman kasi ng aking mapapangasawa. Nang makarating ako sa pinakahuling step ng hagdanan. Inilahad ni Amery ang kanyang isang kamay, nakagiting tinaggap ko ito. Inalalayan niya akong bumaba patungo sa taong magkakasal sa amin. Naramdam ko bigla ang muling pag–agos ng aking mga luha sa magkabilaan kong pisngi. Pinapasadahan ko ng tingin ang mga taong mahalaga sa buhay ko. Magkatabi si Nanay Eva at Faye sa kabilang bahagi naman ang iilang tauhan namin sa manggahan at mga kasambahay. Sila ang mas higit na karamay namin ngayon. Tanging sila lang din ang mga bisita namin. Maliban sa pastor na magkakasal sa amin. Muli kong binaling ang mga paningin sa nakangiting mukha ni Amery. Sa kabila nang kalungkutan ko may isang Amery na sobrang nagpapasaya sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng labi ko at muli na namang umagos ang mga luha sa aking mga mata. Nakikita ko rin ang biglang pagtulo ng mga luha niya sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Maaring ramdam namin parehas kung ano man ang kulang sa amin ngayon. Sabay kaming napatingin sa casket ng mga magulang ko. "Mahal na Mahal ko po si, Natalie. Tulad ng pangako ko aalagaan ko siya at ang magiging Apo niya, sayang lang po hindi na ninyo makikilala. Ang batang nabuo namin ni, Natalie." Umiiyak na wika ni Amery sa harap ng mga magulang ko. Kita ko ang pagtaas baba ng dalawa niyang balikat. Wala namang tigil sa pagmalisbis ang mga luha ko habang pinagmamasdan si Amery. "Habang–buhay ko po hahawakan ang kamay ng anak ninyo," patuloy niya at muli siyang tumingin sa akin. "Forever, Natalie." "Promise?" Paniniyak sa boses ko. "Dito ka lang sa tabi ko, Babe...Magpakailanman," dagdag ko Sunod–sunod na pagtango ang ginawa niya. Sabay naming pinunasan ang mga luha namin, siya sa akin at ako sa kanya. Napapikit ako ng pinaglapat niya ang mga labi namin kung gaano man iyon katagal ay wala akong paki–alam. Dahil ang mahalaga kung ano man ang meron sa amin ngayon. Sumilay ang matatamis na ngiti sa aming labi. Hangang sa nagsimula na ang seremonyas ng kasal namin. In minutes, the wedding is over. No more longer vows at wala naring palitan ng mga sweet messages. Sapat nang pinagbuklod kami ng salita ng diyos. Pagkatapos isinuot namin ang singsing ng bawat isa sa aming mga daliri. Narinig lang namin ang sinabi ng nagkakasal sa amin. "You may kiss the bride now," wika nito. Muli akong siniil ng matamis na halik ni Amery. Pagkatapos nagkaroon ng konting salu–salo na hinanda si Nanay Eva. KANINA pa nagsi–alisan ang nakihatid sa libing ng mga magulang ko ang mga bisita. Nakiusap ako kay Amery na manatili muna kami kahit saglit lang na kanya namang sinang–ayunan. Malamig na ang ihip ng hangin at nakadarama narin ako ng pangangaligkig sa aking katawan pero naiibsan ang lamig ng aking naramdaman dahil sa mga bisig ni Amery na kanina pa nakayakap sa akin. Sa huling pagkakataon sinulyapan ko ang marmol sa aming paanan. Wala na akong maiiyak sa mga sandaling ito kundi tanggapin ang katotohanan na wala na talaga ang aking mga magulang. Sa loob ng tatlong araw ay natuyo nang lahat ang mga luha ko. "Paalam, Daddy and Mommy. Mami–miss ko kayo ng sobra–sobra pero wag kayo magalala andito lang ang pinakamamahal kong asawa sa tabi ko na handa akong damayan sa lahat ng bagay. Mahal na mahal ko kayo," malungkot na wika ko na pilit tinatagan ang aking kalooban. Kailangan ko maging malakas sa mga panahon ngayon. Ang hindi mag–isip ng problema para sa magiging anak namin ni Amery. Kahit may malaking bahagi ng pagkatao ko ang nawala sa pagkamatay ng mga magulang ko. Isang malalim na buntong–hininga ang pinakawalan ko bago kami humakbang papalayo sa memorial lot, patungo sa nakaparada naming sasakyan sa ilalim ng punong talisay. Pinagbuksan ako ni Amery ng pintuan, bago ako pumasok ay malungkot na tinapunan ng huling tanaw ang kinahihimlayan ng mga magulang ko. Pareho kaming tahimik ni Amery habang nasa biyahe pauwi ng bahay. Nakatuon lang ang buong atensiyon niya sa daan at ako naman ay nasa labas ng bintana. Naramdaman ko ang pag–gagap niya sa kamay ko at dinala iyon sa labi niya. Nilingon ko siya at matamis na ngumiti siya sa akin na akin ding tinugunan. "Magpahinga ka pagkauwi natin at wag kana umiyak. Nakakasama sayo ang pag–iyak, babe. Alalahanin mo ang baby natin dahil siya ang pinakamahalaga sa lahat ngayon," malambing na sabi niya sa akin. "Opo, magpapahinga ako basta magkasama tayo," paglalambing ko din sa kanya. Tiningnan niya ako saglit at agad ding binalik sa daan ang paningin. "Kung yan ang gusto ng reyna ko, bakit nga ba hindi? Ano ang gusto mong kainin? Sabihin mo lang sa akin at ipagluluto kita?" I pouted my lips. At nag–iisip ako kung ano ang gusto kong lutuin niya pero wala akong maisip. "Bahala kana," pagkuwa'y na sagot ko. "Hmmmm....may recipe 'bang bahala na?" kunwari sumimangot siya. "Wala akong maisip kaya ikaw na ang bahala." Tumango–tango siya! Ilang saglit ay tumahimik siya. Tumuwid siya ng upo at muling sumulyap sa akin na agad ulit binalik sa kalsada. He cleared his throat. "Wang....Wang...Wang...Wang..." Kumunot ang noo ko sa tunog na ginagawa niya. Tunog Wang Wang ng ambulansiya. "You heard that?" "Yes." "That's Paramedics thier coming. My heart just stop when i saw you!" He smiled and winked. Dahil sa sinabi niya kinilig ako at abot–tenga ang mga ngiti ko. Saan naman niya natutunan ang mga pa–pick–up line na ito. Marahan ko siya nahampas sa balikat. "Saan mo narinig yan, Mr , aber?" ani ko na hindi mawala ang ngiti ko sa labi. Tumawa siya ng malakas. "Diyan lang napanood sa tabi–tabi. You didn't like it?" "Tumawa ako, diba? Ibig sabin kinilig ako! Timang ka," at hinagkan ko siya sa pisngi. Sumulyap ulit siya sa akin at sumeryoso ang kanyang mukha. "I want you to be happy at gusto ko lagi kang nakangiti, Wife. Ayokong makitang nalulungkot ka, kaya pinapatawa kita," masuyo niyang sabi at muling dinala sa labi niya ang kamay ko at hinagkan ang likod ng palad ko. "I love you so much, Amery my love..." "I love you more, Wife...." ITUTULOY..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD