Chapter 21

2078 Words
Chapter 21 Natalie's POV Pagkarating namin sa bahay dumiretso na ako sa kwarto! Isinubsob ko ang aking mukha sa unan at tahimik na umiiyak. Tinatakasan ako nang lakas ng loob na sabihin kay Amery ang totoo at sa mga magulang ko. Natatakot ako sa maaring husgahan nila at iwan ako ni Amery. Sana nakinig ako kay Nanay Eva na wag na pumunta sa birthday ni Jens, hindi pa sana nangyari ito. Sana nagpacheck up na lang ako baka sakaling napatunayan ko pang buntis ako. Naiinis ako sa sarili ko sa puro sana! Wala naman ibang sisihin nito kundi ako. Dahil ang tanga–tanga ko para pagkatiwalaan si Renz. Hindi ko alam kong ilang oras na akong nagkukulong dito sa aking kwarto. Ngunit walang Amery na sumunod sa akin. Mabuti na rin 'yon dahil hindi ko siya kayang harapin. Nakarinig ako nang mahihinang katok sa pintuan, dali–dali akong bumangon at nagtungo sa banyo. Binuksan ko ang gripo at naghilamos ng aking mukha. Siniguro kong hindi mahalata ang aking pag–iyak saka ako ngumiti sa salamin. Pilit man pero alam ko kaya kong ikubli ang problema ko. Lumabas ako nang banyo, yumuko ako para may damputin ng biglang nakadama ako ng pagsakit ng ulo. Hindi naman ganoon katindi ang sakit subalit sinamhan iyon ng bahagyang hilo at ipinasya kong bumalik sa higaan. Muli'y narinig ko ang mahinang katok sa pinto at pagkatapos ay sumungaw si Nanay Eva. May dalang tray ng umuusok na pagkain. "Hindi pa ako nagugutom, Nay Eva," aniko sa matabang na boses. "Ang daming pinakain sa akin si Amery kanina kaya busog pa po ako." Matamlay kong sabi. "O eh, ano naman ang masama kung kumain ka ulit. Ito ang habilin ni Amery kanina bago umalis," nakangiting inilapag niya sa side table ang tray. "Inumin mo ang gatas habang mainit pa, maganda 'yan para sayo lalo pa't iniisip natin na buntis ka." "Sana nga po, Nanay Eva , saka masakit po ang ulo ko at nahihilo ako." Sagot ko sa kanya na pilit pinipigilan na wag umiyak. "O, siya, kumain ka at pagkatapos uminom ka ng paracetamol para maibsan ang pananakit ng ulo mo, hindi nakakasama ang biogesic sa buntis." Sadness filled me. I blinked the tears away. Subalit parang napansin ni Nanay Eva ang kalungkutan ko. "May nasabi ba akong masama para malungkot ka? Hay naku! Kapag buntis ang ang isang babae nagiging emotional, ganyan na ganyan noon ang Mommy mo. Kahit wala namang kadahilanan basta na lang siyang umiiyak," malumanay na wika ni Nanay Eva. Kapag nagsalita siya parang sigurado na sigurado siyang buntis ako. I forced a smile and shook my head. "Ang swerte ko nagkakaroon ako ng Yaya na kagaya niyo Nanay Eva. Kapag wala si Mommy dito sa bahay kayo lagi ang nagpapasaya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung wala kayo." Bumangon ako at niyakap ko ang matanda. Nang bigla kong maalala ang cellphone ko, balak kong tawagan si Elaiza. "Nakita niyo po ba ang cellphone ko?" Tanong ko, nang abutin ang baso ng gatas. Huminga nang malalim si Nanay Eva. "Ano ba ang nangyari sa resort?" Muntik ko nang mabitawan ang hawak na baso. "Nay!" Nanginginig ang mga kamay kong wala sa oras na nilapag ang baso ng gatas pabalik sa tray. "Umamin ka?" may halong pananakot ang boses ni Nanay Eva. Hindi ako makatingin sa kanya. Nag–init bigla ang bawat sulok ng mga mata ko. Bigla niya akong niyakap at hindi ko na mapigilan na bumulalas ng iyak. Hinagod niya ang likod ko. "Tamang–tama ang pag–akyat mo kanina ng tumunog ang cellphone mo. Si Amery ang nakasagot, mukhang si Elaiza ang tumawag." Napakalas ako kay Nanay Eva, tinitigan ko siya sa mga mata at walang tigil ang mga luha ko sa pagtulo. "A–Ano po ang s–sinabi niya kay, A–Amery, Nay?" nanginginig ang boses ko at sobrang kumakalabog ang aking dibdib. Takot ang nararamdaman ko ngayon. "Galit na galit si Amery kaya agad bumalik sa pinanggalingan niyo kanina. Baka kung ano ang gagawin niya kaya sinundan ng Mommy at Daddy mo," nag–aalalang wika niya. Dali–dali akong bumaba sa kama. "Ano ba ang nangyari?" "Hindi ko po alam, Nanay Eva , may inabot sa akin si Renz na Iced Tea ininom ko at bigla na lang po ako nahilo at inaantok. Hindi ko po talaga alam, Nanay Eva," patuloy ako sa pag–iyak. Napaupo ako sa sahig at kulang na lang isubsob ko ang mukha ko sa carpet. Ano ba itong nangyari? Kung saan malapit na ang kasal ko, magkakaproblema pa kami ni Amery? Ano ba'ng nangyayari sa amin ni Amery? Bakit agad akong naniwala kay Renz, na tanggap na niya ang nangyari sa amin? Inayos ko ang sarili upang lumabas ng kwarto. Hindi ako papayag na masira ako sa paningin ni Ame. Kailangan ko ipaliwanag ang sarili ko, hindi paman ako nakalabas ng tuluyan sa silid ko nang pigilan ako ni Nanay Eva. "Wag na, Natalie. Naniniwala si Amery sayo na wala kang ginawa na masama dahil pinaliwanag naman ni Elaiza na planado ni Renz para sirain kayong dalawa. Gusto lang turuan ni Amery ng leksiyon ang lalaking iyo. Sumosobra narin kasi ang batang iyon." May inis sa boses ni Nanay Eva. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa narinig. Sana nga sa akin maniwala si Amery. Pero hindi ko parin maiwasan na sobrang kabahan sa maaring gagawin ni Amery. Alam ko noon pa nagtitimpi lang siya kay Renz sa pang bu–bully nito sa kanya. Baka sa pagkakataong ito masaktan niya ng todo si Renz. "Baka, kung ano ang gawin ni, Amery?" nag–aalalang sambit ko. "Sumunod ang Mommy at Daddy mo kaya wag kang mag–alala mapipigilan nila si Amery," puno ng assurance ang boses ni Nanay Eva. Napilitan akong tumango sa matanda at ngumiti. Inalalayan niya akong tumayo at maupo sa gilid ng kama. Inabot nito ang gatas at binigay sa akin pero umiling ako. Hindi ko kayang uminom o kumain man lang. Natatakot ako sa maaring mangyari, ang daming pwedeng mangyari. Kung ano man ang gagawin ni Amery. Maaapektuhan ang pagkakaibigan ng mga magulang ko sa magulang ni Renz. Baka pati negosyo namin madadamay pa. Huminga ako nang malalim. Hindi ko mapigilan ang sarili na magparoon at parito sa harapan ni Nanay Eva. "Natatako ako, Nanay, ba–" "Wag kang matakot," putol nito sa sasabihin ko. "Mahal ka ni Amery, alam na alam ko 'yan. Kung alam mo lang tuwing pupuntahan niya ako sa kusina gusto niya lagi ikaw ang pag–usapan. Tuwang–tuwa ang batang iyon tuwing ihahatid at susunduin ka, kahit tinatarayan mo siya hindi daw mababawasan ang pagmamahal niya sayo. Ikaw ang dahilan kung bakit naging positibo si Amery sa buhay kahit ilang beses na niyang gusto sumuko dahil sa wala siyang maalala," natutuwang kwento ni Nanay Eva. May katiyakan ang tinig nito nang sabihin sa akin ang mga iyon. Sumilay ang napakagandang ngiti mula sa labi ko. Ang pakiramdam ko ngayon nasa alapaap ako, pakiramdam na hindi kayang ipaliwanag kahit papano'y naibasan ang dinadala kong problema dahil sa mga sinabi ni Nanay Eva. Ang sarap magmahal, kung may taong nagmamahal sayo ng wagas. Sana hindi na kami susubukin pa ng panahon at manatili kaming masaya ni Amery at buo nang pamilya at mamuhay ng masaya. TANGHALI NA, nang marinig ko ang pagdating ng dalawang sasakyan. Hindi ko alam ang gagawin ko sasalubungin ko ba sila o magtatago ako dito sa loob ng kwarto ko. Napaigtad ako sa matinding gulat nang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Amery, kita ko ang gilid ng labi nito na may sugat. Bumaba ang paningin ko sa isang kamao niya. May nakita akong sugat at mantsa ng mga dugo. Nanlaki ang mga mata ko at nanayo ang mga balahibo ko sa takot sa kanya. Gusto ko siyang lapitan pero kinakain ako ng takot ko. Basta na lang nagsilandasan ang mga luha sa mga mata ko. Hindi maipinta ang mukha nito. Magkahalo ang galit, pagkadismaya at hinanakit. "A–Ame, pleasss, I'–i'm so sorry. Hindi ko sinasadya, i'm so sorryy. W–Wala akong ginagawang masama, hindi ko alam..." umiiyak na wika ko sa kanya habang umiiling ang aking ulo. And he took a step towards me. And i panicked for a moment. Napaatras ako subalit hindi ko namalayan dingding na ang nasa likod ko. At nanatiling ganoon ang reaksiyon ng kanyang mukha. Dark and dangerous! Ibang–iba ang Amery na nakikita ko. Gusto ko mang umalis pero naabutan niya ako. Itinukod niya ang dalawang kamay sa dingding sa magkabilaan ng ulo ko. Napasigaw ako sa matinding gulat ng suntukin niya ang dinding gamit ang isang kamay sa kanan. Napapikit ako sa tindi ng takot ko sa kanya. Nagtatangis ang mga bagang niya at nagdidilim ang mukha niya sa matinding galit. Siniil niya ako bigla ng malalim na halik. Halik na halos magpapunit ng labi ko at nalalasahan ko pa ang malabakal na lasa mula sa labi niya. Kung ito ang parusa niya sa akin tatanggapin ko kasabay ng masakit na paraan na paghalik niya ay hindi ko maiwasan na mapatulo ang mga luha ko. Dahan–dahan niyang binitawan ang labi ko. Nagulat akong bigla niyang pinunasan ang luha sa mga mata ko gamit isa niyang hintuturo. Unti–unti akong nagdilat ng mga mata ko. Ang mukhang kanina ay galit na galit ngayon ay lumambot. "You're aren't stupid...just too trusting and too innocent. Hindi ako papayag na may sisira sayo ng ganoon na lang. Sobra kitang Mahal para hayaan ang iba na laspatanganin ka." Muli ang pagtatagis ng mga bagang nito. At puno ng pagbabanta ang kanyang tinig. "I...I never thought na gagawin iyon ni Renz..." halos mawalan na ako ng sasabihin sa kanya. "I'm sorry, Amery. I...I hated it when he....I'm so stupid as not to realiza his intention." Nanginginig ang boses ko. He raised my chin with his forefinger and thumb. Gusto ko umiwas ng tingin sa kanya . Subalit ang mga daliri niya nasa ilalim ng baba ko nagpagiging–imposible para gawin kong umiwas. "Magpasalamat ang gagong 'yon dahil nakatayo pa siya. Kung hindi lang ako naawat ng mga magulang mo baka nilalamayan na siya ngayon. Hayop siya para gawin niya sayo 'yon. Kung hindi pa tumawag si Elaiza dahil sa narinig niya hindi ko pa malalaman ang ginawa sayo ni, Renz. Bakit kailangan mo manahimik, huh?" Mahinahon na tanong niya pero ang tinig niya ay may halong takot at pagbabanta. "Gusto ko pero natatakot ako. Natatakot ako Amery baka magalit ka sa akin...." inilagay ko ang dalawang kamay sa mukha at bumalalas ng iyak. "Don't be so trusty kahit mga kaibigan mo pa. Dahil hindi mo alam kung sino ang totoo sa kanila o ta–traydurin ka. You, glad dahil si Elaiza lang ang tunay na kaibigan mo sa mga iyon," aniya sa malumanay na boses ang galit ay nawala at napalitan ng pag–aalala. Naramdaman ko ang isang kamay niya'y nasa likuran ko...banayad na humahaplos. Ang init na dulot niyon ay tila pumapaso sa katawan niya. Then his fingers wound in my hair, ang grasping my skin para mapaliyad ako nang bahagya at magdikit ang dibdib niya sa dibdib ko. Then his lips moved over mine. Malambot, marahan at matamis na mga halik ang ibinigay niya sa akin. Pinaghiwalay niya ang labi ko gamit ang dila niya para malayang galugarin ng mga dila niya ang loob ng bunganga ko. Hindi ko mapigilan na maglabas ng mumunting ungol na lumalabas sa lalamuna ko. Hindi ako nakahanda sa sensayon na muling pinaramdam ni Amery sa akin na halos lumukob sa katawan ko. His hand held my buttocks firmly pressed at against his. At sa palagay niya'y magkakaubusan kami ng hangin pinakawalan niya ang labi ko. Napalanghap ako sa hangin. Amery gazed at my swollen lips. "Ako lang makakagawa sayo 'yan, Natalie. You are mine only mine..." he said huskily. And claimed my mouth again. Hindi na ako tumutol pa, kahit na ano man ang gusto niyang gawin handa kong ipaubaya sa kanya. Mahal na Mahal ko si Amery at kahit sa kabila na may kulang sa pagkatao niya. Makalipas ang ilang sandali namamalayan ko na lang ang sarili ko na nag–iisa ang katawan naming dalawa. Ang bawat pag–ulos niya sa ibabaw ko ay nagbibigay sa akin ng sobrang kaligayahan na sa kanya ko lang matatagpuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD