Chapter 20

3355 Words
Chapter 20 Natalie's POV KANINA PA AKO gising pero tila tinatamad lang akong bumangon. Maagang nagpaalam sa akin si Amery na aalis sila ni Dad, sasamahan niya si Daddy sa kabilang bayan baka gabihin sila ng uwi. Nagpaalam na din ako sa kanya na pupunta ako sa beach party ni Jens. Pumayag naman siya at nangakong susunod siya sa akin doon. Kinuha ko ang unan ni Ame, dinala ko sa aking ilong at sinampyo. Hindi ko maintindihan ang sarili gustong–gusto ko laging malanghap ang amoy ni Amery. Pinalipas ko muna ang ilang segundo bago napagdesisyunan na bumangon. Asikasuhin ko pa ang ilang gamit na dadalhin ko papunta sa beach. Matapos maligo at magbihis ay bumaba na ako at nagtungo sa kusina, nakaramdam ako nang biglaang gutom. Sa mga oras na ito tiyak may naluto na si Nanay Eva. "Nag–iisip ako kung dadalhan paba kita ng pagkain or hihintayin ang pagbaba mo. Mabuti naman at bumaba ka," bungad sa akin ni Nanay Eva nang bumungad ako sa kusina. "Medyo masama ang pakiramdam ko, Nanay Eva." Hinila ko ang stool sa brealfast counter at naupo roon. "Tinatamad po ako bumangon, naka–oo po kasi ako kay Elaiza at dadaanan niya ako ngayon papunta kami sa birthday party ni Jens...." Sandaling tinitigan ako ni Nanay Eva hindi kumibo. Kumuha ng tasa at platito. "Igagawa kita ng hot chocolate at nakapagluto na rin ako ng almusal. Kung masama ang pakiramdam mo wag kana pumunta." "Hindi pwede, Nanay," patamad kong sagot. "Parang despededa ko na rin ito, this is the last time na makikisama ako sa kanila." Tumango lang siya sa akin. Inabot ni Nanay Eva sa akin ang bread basket at inalis ang cloth na nakatakip dito. Agad akong napangiwi ng mukha. "Nanay Eva, ayoko sa smell niya super mabaho po," aniko at itinulak ng daliri ko palayo ang bread basket, tutop ang aking bibig ay halos takbuhin ko ang lababo at doon nagduwal. "Anong nangyayari sayo dati naman kumakain ka ng garlic bread, katunayan gustong–gusto mo pa nga 'e," aniya at nilapitan ako at hinagod ang likod ko. "I dont know po? Basta i don't like the smell nakakasuka sobrang tapang ng amoy." Napatuwid ako ng tayo, pinunas ko ang aking hintuturo sa gilid ng labi ko. Pagkuwa'y napatingin ako kay Nanay Eva na nangungunot ang noo na nakatingin sa akin. "What?" tila naiiritang tanong ko. "Ngayon ka lang ba nakaramdam nang ganyan, Natalie?" Kalmanteng wika niya. Nanunuri ang mga mata. "Now lng po ako nakaramdam ng ganito, Nanay Eva." Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Nanay Eva. "Kumain kana para magkalaman ang sikmura mo. Ingatan mo ang sarili mo, Natalie. Baka may nabuo na diyan sa sinapupunan mo." Pinamulahan ako sa sinabi niya at agad kung iniwas ang paningin sa kanya. Medyo nahiya ako ng konti sa kanya hindi pa kami talagang mag–asawa ni Ame pero mas higit pa sa asawa kong gampanan ko ang obligasyon kay Amery. Aaminin kong gabi–gabi kaming nagniniig simula ng magtabi na kaming matulog, sa umaga kong may oras at kahit sa loob ng banyo ginagawa namin. Wala sa sariling napahawak ako sa aking tiyan. Possible ba talaga na may nabubuhay na sa sinapupunan ko? Kung bibilangin dalawang linggo palang naman ang nakaraan sa unang gabi na may nangyari sa amin ni Ame pero noong unang may nangyari sa amin, that was four days after my last menstruation ngayon na buwan hindi pa ako dinadatnan. Napangiti ako baka nga, may possibility na buntis na ako? Pero hindi pa sigurado talaga. Hihintayin ko muna ngayon na week kung dadatnan ako ng bisita ko. Kung hindi talaga siguro may alaga na akong baby butete sa sinapupunan ko. Sasabihin ko sa araw mismo ng kasal namin ni Ame. Isang masayang ngiti ang sumilay sa labi ko. Nakakaexcite,kung sakaling totoong buntis ako sa magiging anak namin ni Amery. "S–Sa t–tingin niyo po kaya, Nanay Eva?" Nag–aalangan na tanong ko sa matanda. Ngumiti siya sa akin. "Bakit naman hindi may matres ka at may lalaking minamahal, katabi mo matulog gabi–gabi. Para matiyak ay tayo na sa bayan at magkapagpa–check up ka. Sumama ang Mommy mo, kaya sasamahan kita para pag–uwi nila may maganda tayong balita. Tiyak matutuwa ang mga magulang mo lalo na si Amery dahil magiging Tatay na siya," natutuwang wika ni Nanay Eva. "Gusto ko muna makasiguro, Nay , palagpasin ko mona ang limang araw kung talagang dadatnan ako this week. Kung hindi talaga magpapacheck–up na po ako. Gusto ko masurprise si Amery sa araw ng kasal namin mismo," nangingislap ang mga mata ko sa kasiyahan. "Ikaw ang bahala pero natitiyak ko sayo, buntis ka." Ngumiti ulit si Nanay Eva at tinapik–tapik ang likod ng mga palad ko. Nakikita ko ang kasiyahan sa mga mata ni Nanay Eva. MAG–ALAS–KWATRO nang marating namin ang beach sa Sta. Ana ang tinutukoy nila kung saan magkaroon ng konting selebrasyon sa kaarawan ni Jens. Kompleto na kaming magkakaibigan, since high school we are friends pero ang bestfriend ko ay si Elaiza lang. "Happy birthday, Jens," bati ko sa babae. Yumakap ako sa kanya at nakipagbeso–beso. Renz, could not take his eyes off me. Kanina pa siya nakatingin sa kabuuan ko. Hindi naman bastusin ang sout ko, isang puting cotton pedal pusher at dilaw na cotton blouse ang sout ko. At nakabeach slippers lang ako. Naasiwa ako sa mga titig niya sa akin. "Akala namin hindi ka sasama," pagtatampong wika ni Jens. "Maari ba naman iyon, isasabay narin natin ang bridal shower ni Natalie," wala sa isip na bulalas ni Elaiza. Natahimik ang lahat at mapang–usig ang titig na pinukol nila sa akin. Parang dinaanan kami nang masasamang eapiritu. Lahat sila na frozen at napipi. Minasamaan ko nang tingin si Elaiza na ngayon ay napahalukipkip sa likod ni Jens. Dapat walang makaka–alam na magpapakasal na ako. Kahit sa mga kaibigan maliban lang sa kanya. Ayoko ang madaming katanungan dahil hindi ko sila masasagot lahat. "I–Ikakasal kana? Sa lalaking iyon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Renz nang basagin ang katahimikan. Patuya itong ngumiti. Simple akong tumango sa lahat. Nakita ko ang pag–guhit nang lungkot sa mga mata ni Renz. "Ang bilis naman, kailan lang namin narinig na kayo na, ngayon magpapakasal kana pala sa kanya. Eh, di Wow! Ikaw na ang nauna sa finish line," pabiro ni Jens at nagtawanan sila, sabay–sabay silang napasulyap kay Renz na ngayon ay hindi magawang makitawa. At pilit ko naring makitawa sa kanila. "Congrats...." sabay–sabay nilang bati sa akin. Si Renz magkahalo ang emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Pain and anger crossed in his eyes. At mga tingin niya sa akin ay kakaiba. Kaya mas pinili ko ang umiwas sa kanya. Simple lang ang birthday ni Jens. Walang catering kundi kami lang mga kaibigan niya. Sila–sila lang din ang nagluto ng mga pagkain pero hindi na ako tumulong sa pagluluto dahil nasusuka ako sa amoy at naiingayan ako sa video–ok. I sighed and walked away from the cottage. Doon ako naupo sa bahagi kung saan nababasa ng humahampas na alon ang mga paa ko. There, the sunset.... Sayang wala si Amery dalawa sana kaming masayang manonood sa paglubog ng araw. Kahit mag–isa ako masaya naman akong nakatitig sa paglubog ng araw. "You're here..." Napaitlag ako sa gulat nang marinig ang boses ni Renz. Tumabi siya sa akin na sadyang idinikit niya ang kanyang braso sa braso ko. Tumikhim ako at pasimpleng inilayo ang sarili sa kanya. Yumukod ako at kunwaring may pinupulot na shells sa buhanginan para hindi niya mahalata ang pag–usog ko. "Nat, what is wrong with you?" May hinanakit ang boses niya. "Ganoon na lang kadali sayo balewalain ako at ipagpalit sa harsinero niyo. Masyadong masakit, Nat." Sadness was readable in his eyes. Nang lingunin ko siya. "Renz, I'm sorry...." sansala ko. Malungkot ang ngiting sumilay sa labi ko. Ibinaling ko sa ibang direksiyon ang tingin. He sighed. "Pero, okay lang tatanggapin ko," aniya na pilit pinapalakas ang boses. "Salamat, Renz. I hope one day makatagpo ka ng mas higit sa akin." One corner of his mouth twisted upward in a sarcastic smile. "Sana nga mas higit pa sayo but it so hard to find another woman like you..." "Hmm...Marami, Renz , buksan mo lang ang mga mata mo..." He smiled drily. He shrugged his shoulder. Ilang sandali ang nakalipas bago muli'y nagsalita sa amin. "Let's have some souvenir shots," ani Renz. At dinukot niya sa kanyang bulsa ang cellphone. Napilitan akong pumayag kahit ayoko sana magpakuha ng mga pictures sa kanya pero naisip ko kalabisan naman yata ang gagawin ko, kung pati picture ipagkakait ko pa. "Watch the angle, Nat. Kailangan maganda ang mga kuha natin." Sigaw niya before he click the button. Picture–taking na ang sumunod na eksena. Hindi ko mabilang ilang shot ang kuha ni Renz. Maya–maya dumating din ang mga kasama namin at lahat kami sama–samang nagpakuha ng larawan. "Mabuti pa, mag–swimming na lang tayo," yaya ni Renz sa lahat at sabay–sabay naming sinang–ayunan. Naglunoy kami sa dagat hanggang sa lumubog ang araw. Pagkatapos ay nagsalo–salo kaming lahat na kumain. Gabi na, napuno nang kasiyahan ang cottage na ina–akupa namin. Nang biglang sumama ang panahon kanina'y kay ganda pero ngayon iba ang ihip ng hangin at maypakulog–kulog at sinamahan ng kidlat. "Hindi pa ba tayo babalik sa Sta Monica?" tanong ko kay Elaiza nang muli itong lumabas pagkatapos magkulong sa cottage kasama ang bagong boyfriend niya. Parang pagpapalit lang din nang damit kung magpalit ng boyfriend ang babaing ito. Tatlong cottages ang kinuha nila. Isa para sa akin, kasama si Elaiza at si Mitch isa pana min na kaibigan pero sinolo–solo ni Elaiza. "Umuulan nang malakas papuntang Santa Monica delikado sa biyahe...." tamang–tama ang pagbigkas niya biglang bumagsak ang malakas na ula. "See," aniya at tumingin sa akin. Bukas pa tayo uuwi nito, enjoy mo na lang nagpaalam kana man, diba?" "Iniisip ko lang si, Amery..." "Di inamin mo rin dahil sa mapapangasawa mo. Dito na lang muna tayo. Bukas na nang maaga tayo uuwi. Tutal, overnight ang paalam mo sa inyo, hindi ba? Ilibang mo na lang yan, ilang araw na lang misis kana. At sasamahan kitang mag–enjoy." Gusto ko pa sanang magsalita nang bigla niya akong hilain patungo sa kabilang cottage. Andoon ang mga kaibigan namin. Nag–iinuman at nagkakantahan. Kaysa maging kill Joy ako nakisali na lang ako sa kasayahan. Inalok nila ako nang alak pero hindi ko ito tinanggap dahil iniisip ko ang sarili ko. Maganda na ang mag–ingat ako baka sakaling buntis nga ako. "That's the right attitude, bestfriend," nakangiting wika ni Elaiza na mukhang tinamaan na ng alak dahil kanina pa ito tawa ng tawa. "Ito na lang para sayo, Nat , total ayaw mo naman uminom. Iced tea na lang para sayo with leamon flavor," nakangising yaya sa akin ni Renz sa isang basong ice tea. Nag–alangan akong abutin ito dahil narin sa tudyo nila kinuha ko na lang mula sa kamay ni Renz kaysa mapahiya ang lalaki sa harapan ng mga kaibigan namin. Nakita ko ang kakaibang kislap sa mga mata ni Renz. "Cheers!" Itinaas ni Elaiza ang hawak na wineglass. Ganoon din ang ginawa ko. "For our friendship forever." "For our friendship forever," pagsunod ng lahat. Saka namin pinagpingki ang mga hawak naming baso at tinungga ang laman niyon. Hindi nagtagal, nakaramdam ako ng konting antok at parang dumudoble ang paningin ko. Tiniis ko ang nararamdaman at nakikinig ako sa mga kwentuhan nila at kantiyawan. At biglang lumapit sa akin si Renz naupo sa tabi ko at bigla akong inakbayan. "Renz, ang kamay mo," pakli ko. Umurong ako pero muntik akong mabuwal at hinihila ako ng antok. Muli kong ininom ang iced tea na binigay niya sa pagkakataong iyon ay sunod–sunod ang paginom ko. Aakmang tatayo ako nang makaramdam ako ng hilo at sobrang antok. Bago pa ako tuluyang matumba ay agad niya akong dinaluhan. Hindi ko maintindihan iced tea lang naman ang ininom ko pero bakit ako nahihilo ako ng ganito. "Ina–antok ka, hatid na kita sa cottage niyo. Wala kana asahan kay Elaiza kanina pa lumabas kasama ang bagong boyfriend," he smiled playfully. "Okay, s–sinabi mo, eh," nagawa ko pa siyang ngitian, saka inalalayan niya akong tumayo at inakbayan. Iginiya ako papunta sa bedroom cottage namin pero nagulat akong lumiko kami hindi roon ang patungo namin. Nagsimulang magpanic ang dibdib ko at ang matinding pagtutol ng isip ko. Nanlalambot ang buong katawan ko parang nawalan ako ng lakas. "Teka, teka , hindi rito ang cottage ko. Doon sa kabila," awat ko kay Renz. "Bakit pupunta kapa roon? Makakadistorbo ka lang sa mga taong naroroon. Dito kana lang matulog." He smiled devilishly. Hindi ko gusto ang mga ngiti ni Renz sinubukan ko siyang itulak pero wala akong lakas. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang paghapit sa beywang ko. "Doon lang ako sa cottage namin ni Elaiza," protesta ko. Tumataginting sa isip ko ang sinabi ni Renz. Hindi pwede ang gusto niyang mangyari pero wala akong kakayanan na labanan siya. Halos wala narin salita ang lumalabas sa bibig ko, nilalamon na ako ng matinding antok. "Sa akin ka tatabi ngayong gabi, Nat," pabulong niya sa tenga ko. Nagsitayuan naman ang balahibo ko sa ginawa ni Renz. Sinubukan ko iiwas ang mukha ko sa kanya pero hindi ko magawa. Lumapat ang labi niya sa labi ko and worst gumapang pa ang labi niya sa leeg ko. Mas lalong nagsitayuan ang mga balahibo ko at nakaramdam ako ng pandidiri sa ginagawa niya. Hanggang naririnig ko pa ang pagbukas nang pintuan hangang sa pagbagsak ng katawan ko sa malambot na higaan. "Amery," tanging nabanggit ng isip ko, bago ako tuluyang nilamon ng antok. KINABUKASAN unti–unti akong nagdilat ng mga mata ko napangiti ako sa brasong nakapalupot sa beywang ko. Pumihit ako paharap sa lalaking katabi ko. Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat nang mapagtantong hindi ito si Amery kundi si Renz. Agad na rumihestro sa isip ko ang nangyari kagabi. Agad akong napatingin sa sarili ko. Nakadamit naman ako at wala akong maramdaman na kahit na ano sa sarili ko. Tinanggal ko ang kamay niya sa beywang ko at mabilis na umalis sa cottage niya at bumalik sa tinutuluyan kong cottage. Malakas pa rin ang hangin at ulan. Kinakabahan ako kung ano man ang nangyari kagabi pero malakas ang kutob ko na wala namang nangyari. Naabutan ko sa loob nang cottage katabi ni Elaiza ang boyfriend niya, hindi ko na pinapansin ang dalawa. "Katangahan talaga? Ano kaya ang ginawa sa akin ni Renz? Ano ang nilagay niya sa pina–inom niya sa akin kagabi? Walang–hiya siya?" Sunod–sunod na tanong ko sa sarili. Mag–aalas–otso na ngunit hindi pa rin sumisilip ang haring araw. Inayos ko ang mga gamit ko, bahala na uuwi akong mag–isa hindi ako pwedeng magtagal dito. Sumilip ako sa bintana ng cottage malakas parin ang ulan. Nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone napaigtad ako at natarantang kunin ito. Noon ko lang nalamang marami akong missed calls at text messages mula kay mommy, daddy at Amery. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag namin?" Tanong niya sa akin nang sagutin ko ang tawag niya. Nahimigan ko ang pag–alala sa tono ng tinig ni Mommy. "Sorry, Mommy. M–Mahimbing ang tulog ko..." i stammered, at nagdadahilan ako. "Ganun ba, pupunta diyan si Amery para sunduin ka. Dapat kagabi pa sana siya susugod diyan pero pinigilan namin dahil malakas ang ulan delikado." Bahagya akong natuwa sa narinig pero at the same time kinakabahan ako. Napakagat–labi ako parang gusto ko bumulalas ng iyak. Gusto ko magsumbong pero natatakot ako sa maaring gulo at problema. Ayokong mag–isip sila nang masama sa akin lalo na si Amery. Wala naman sigurong nakakita sa paglabas ko sa cottage ni Renz at sigurado naman akong walang nangyari sa amin. Dahil wala akong maramdaman na kahit na ano sa sarili ko. "Bye, Mom! Hintayin ko si Amery." Agad kong pinatay ang tawag, nanginginig ang kamay kong binaba ang cellphone sa mesa. Nagmadali akong nagtungo nang banyo para maligo. Binuksan ko ang shower at itinutok ko ang sarili sa bumabagsak na tubig. Sinabunan ko nang mabuti ang katawan ko, nang mapansin ko ang mapupulang marka sa dibdib ko. Hindi lang isa kundi lima. Nanlambot ang mga tuhod ko, nanginginig ang mga kamay kong nabitawan ang sabon. Tutop ang aking bibig, mabilis nagsilandasan ang mga luha ko sa tagiliran ng mga mata ko. Padaos–dos akong napaupo sa sahig na tiles at napahikbi ako. Napahalukipkip ako at walang hinto ang pagtulo ng mga luha ko. Walang tigil ang mga paghikbi na ginagawa ko. Hindi ko alam, ilang minuto ako sa loob nang banyo hanggang sa may kumatok. "Natalie, andiyan kaba?" Si Elaiza. Hindi ako sumagot suminghot ako ng suminghot. Nakailang katok pa si Elaiza sa pintuan. "Andito ang sundo mo, andiyan sa labas si Amery..." sigaw pa niya. Napatayo ako sa narinig. Hindi ko alam kong paano haharapin si Amery. "Natalie, ano ba?" Galit ng sigaw ni Elaiza. "L–la–labas na. S–sumakit ang tiyan ko kasi..." nauutal kong sigaw! Natataranta akong inayos ang sarili ko. Hinugasan ko ng mabuti ang mga mata ko para hindi mahalata ang pag–iyak ko. Kinuha ko ang tuwalya, mabilis kong pinunasan ang katawa ko. Naghanap akong pwede itapal sa mga marka sa dibdib ko pero wala akong makita. Inayos ko ang blouse na sout ko para hindi makita ang mga kiss mark. Lumbas na ako nang banyo at nakayuko lang. Inayos ko ulit ang mga gamit, nilagay sa loob ng bag. At lumabas ng cottage, nakita ko ang nakangising si Renz minasamaan ko siya ng tingin pero patuya itong ngumiti nakita ko pang nagtinginan sila ni Jens at Ralf boyfriend ni Jens. Mga tinginan na kakaiba. Mabilis kong tinungo kung nasaan si Amery nakita kong kinakausap ito ni Elaiza. Lumapad ang mga ngiti niya sa labi ng makita ako. Sa hindi ko mapigilan ang sarili bigla akong umiyak at sinalubong niya ako ng yakap at halik. "I miss you, babe..." he whispered between his kiss. I shook my head na walang tigil ang paghikbi na ginawa ko. Napasimangot naman si Elaiza habang nakatingin sa akin. Puno ng kalituhan ang hitsura nito. "Bakit?" "Miss na miss lang kita," aniko na pilit kinukubli ang nararamdaman kong guilt. "OA, nito!" naiinis na sambit ni Elaiza. "O, siya! Humayo na kayo at magparami, masyado ka madrama, bruha," pagtataboy sa amin ni Elaiza. Ikinulong ni Amery ang mukha ko sa dalawang palad niya at bahagya niyang inangat ang mukha ko at tinitigan ako sa mga mata. "Andito na ako, tama na ang iyak," malambing niyang alo sa akin. Panay ang singhot ko para pigilan ang mga luha ko. May isang oras na kaming nagbibiyahe mula sa Santa Ana pabalik sa StaMonica ngunit mas pinili ko ang manahimik. Pakiramdam ko pinagtaksilan ko si Amery. Nakatingin lang ako sa dinaraanan namin mula sa bintana. Nakatutok ang tingin ni Amery sa daan habang nagmamaneho, panaka–naka'y sinusulyapan ako. Maya–maya ay nagsalita si Amery. "May dinala pala akong kwek–kwek, inihaw na isaw at chicken legs maaga kong pinaluto kay Nanay Eva para sayo," alok niya sa akin. Pinarada niya ang sasakyan sa gilid at kinuha ang food container na nakapatong sa upuan sa likod. Napangiti ako sa ginawa ni Ame bahagyang nawala ang inisip ko. Aaminin kong natakam ako sa pasalubong niya sa akin. Nakaramdam ako ng pagkatakam at sobrang paglalaway. Binuksan niya bago iabot sa akin. Sinampyo ko ang amoy napakabango nito para sa akin at mas lalong nagpatakam sa akin. Ang sarap nang pagkagawa ng kanyang sawsawan. ITUTULOY...........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD